“Talagang mas pipiliin mo lang tumayo at manahimik? Are you insane? Why don't you defend yourself? Hindi ka parang tuod na nakatayo lang diyan at ayaw sumagot." he sighed.
Naiinis na rin siya at hindi na siya makatiis sa pananahimik lang ni Lalaine. Siya na panay daldal, pero nanahimik lang si Lalaine at kahit isang beses. Hindi man lang nagawa depensahan ang sarili sa mga accusations ni Carlos sa kanya. Kaya mas ikinainit niya ng ulo. Si Carlos inis siya pero nang magawa ni Lalaine humarap sa kanya. He says...
“Don't look at me like that!" pahayag na ingos ni Carlos. Inis na naman siya ngayon na nakatingin na si Lalaine sa kanya.
Straight and plain face lang sa kanya nakatingin si Lalaine. Hindi niya pinahalata ang kangina na pagtulo ng kanyang luha sa mata. Lalaine sighed.
Kaya lang mabilis din nakabawi si Carlos. Pigil na tumawa muli si Carlos. Evil face itong tumingin habang nakatawa.
“Anyway, that's how you were from the start when Mom brought you here. You only look at me the way you look at me while standing instead of saying anything. Tama naman din ako di 'ba?" pahayag muli ni Carlos habang isa-isa na binabanggit ang mga napansin niya buhat ng dumating si Lalaine sa bahay nila. Bumalik na naman siya sa umpisa. Baliw na!
Sabagay tama naman si Carlos, ganito rin ang ginawa ni Lalaine nang makauwi ito sa bahay nila galing sa bahay ampunan. Although nabighani si Lalaine sa gwapo na mukha ni Carlos at sa makisig nitong katawan. Pero hindi siya nagsasalita. Nahihiya kasi siya at hindi alam ang sasabihin dahil sa mga mata ni Carlos at sa mga pagkontra nito sa kagustuhan ng mga magulang niya ng malaman na kasama na siya sa titira sa bahay.
Kaya mas pinili nalang tumayo ni Lalaine habang ipinakilala siya kay Carlos. Kesa ang kumibo habang galit na nakikipag-usap ito sa mga magulang.
Tulala lang si Lalaine n'on. Kasi nga, nuon lang siya nakakita ng lalake na kasing gwapo ni Carlos. At ganun din magwala sa harapan ng magulang niya. Walang respeto at walang paggalang.
Sabagay! Never din naman din kasi siya nuon nakalabas ng bahay ampunan. At kung may bisita man sila mula sa mga ilang charity na sumusuporta sa kanilang orphanage. Walang kasing gwapo ni Carlos ang makikita sa mga ito. Although may mga itsura rin naman. Pero hindi tulad ni Carlos na may makisig na pangangatawan. Unlike sa mga dumadalaw sa ampunan. Payat at parang mga patpat sa payat ng mga katawan.
Kaya naman. Para siyang pinatigas sa kinatatayuan na siyang kinatawa ng mag-asawang umampon sa kanya ng makita siya matapos na umalis si Carlos ng araw na 'yon.
“Ohhh what? Tulala pa rin?" bulalas ni Carlos na kinapitlag niya sa gulat. Nagulat siya ng bigla itong sumigaw at kalabitin siya sa braso at mawala sa paglalakbay ng isip niya.
Nawala na pala siya at tuluyan na lumipad ang utak niya sa kakapigil niya sa sarili na wag na pansinin lahat ng mga naririnig niya sa bibig ni Carlos.
Kangina pa kasi!
Tapos ay walang tigil.
Paulit-ulit lang din.
Kala nga niya ay matatapos na…
Ngunit babalik na naman ito mula sa umpisa at uulitin lang muli ang una na nasabi na…
Kung iba nga naman ang makikinig sa mga walang tigil ni Carlos na pagdaldal sa kanya. Baka nilayasan na rin ito ng taong kausap.
“Still standing? O baka gusto mong gumalaw?" nangungulit lang talaga ito. Mukhang may tama pa ata ito mula sa dami ng alak na nainom.
Lasing eh! Kaya makulit talaga at sarap ibalibag.
Buti nalang mukhang 'di rin kakayanin ni Lalaine ang ibalibag ang lalaking kanyang pakakasalan. Medyo payat kasi si Lalaine. At syempre, seksi siya tulad din ng mga babaeng balingkinitan ang katawan.
“Hoy! Baka naman sabihin nila mom, and dad na inaaway kita hindi pa man tayo kasal! Umayos ka nga!" makulit na pahayag at nangiinis na pahayag ni Carlos. Nakangisi ang mukha nanunura ito sa kanya.
Hinawakan muli si Lalaine sa braso na ikinagulat na naman ni Lalaine at sa gulat… Bumagsak ang luha sa mata niya. Umagos.
“Bakit ka umiiyak? Hey, wag ka nga umiyak. Sh*t!" gilalas nito hindi na alam ang gagawin ng makita umiiyak si Lalaine.
Hindi rin malaman ni Lalaine kung bakit bigla nalang umagos ang luha niya at hindi na rin niya napigilan ang pagbagsak. Tuloy-tuloy na ang paglandas ng luha niya sa kanyang mukha na nagmumula sa kanyang mata.
Si Carlos, palinga-linga sa may taas ng hagdan kabado na baka bumaba na ang kanyang mga magulang. At makita na ganun ang itsura ni Lalaine. Umiiyak!
“Hoy! Tigilan mo nga 'yang pag-iyak. Makita ka nila Mom, and Dad. Lalaine, tigil." hysterical na suway niya at pinatitigil sa pag-iyak si Lalaine. Kaya lang ayaw tumigil sa pagbagsak ng luha ni Lalaine.
“Ewan ko sayo." ingos na pahayag sabay tumalikod ng hindi makuha ni Lalaine na pigilan ang luha niya sa pagbagsak.
Naiinis na si Carlos.
Siya pa yung nainis sa kabila na dapat si Lalaine ang mainis at magalit sa kanya sa dami ng mga sinabi niya dito. Kaya lang, si Carlos pa ang siyang galit na tumalikod.
Tinalikuran niya si Lalaine. “Saka na tayo mag-usap." sabi pa ni Carlos. Kabado na dahil sa pakiramdam niya ay pababa na nang bahay ang kanyang dalawang magulang.
Nagkimpit ng balikat niya si Carlos at patalikod siya na naupo sa sofa habang nakatayo pa man si Lalaine sa may side niya. Wala pa rin itong kibo maliban sa tumutulo ang luha sa kanyang mata. Hindi niya talaga makontrol. Kusa talaga na bumabagsak ang luha niya sa mata.
Napahinga siya ng malalim. Pinupunasan niya ang bawat luha na pumapatak at lumalandas sa kanyang mukha.
Lalaine sniffed as the liquid dripped down her nose as she silently sobbed and cried.
Tumalikod siya kay Carlos. Upang wag na siyang makita at mapansin nito na umiiyak pa rin na ikinagalit nito dahil sa nakitang pagbagsak ng kanyang luha na ikinatigil din ni Carlos sa pagdaldal niya kangina.
Buti na nga lang at hindi pa bumababa ang kanyang mga poster parents upang ipagpatuloy sana ang usapin tungkol sa nalalapit nilang kasal na dalawa. Kaya malaya pang bumagsak ang kanyang luha at naiiyak ang sama ng loob niya kay Carlos.
Pinisil ni Lalaine ang kanyang ilong dahil sa patuloy na pag-agos ng liquid duon. Ayaw pa rin tumigil ng luha niya sa pagpatak. Kaya patuloy rin ang paglabas ng liquid sa kanyang ilong at panay pa rin ang kanyang paghikbi na mahina niya lang ginagawa at pilit na iniingatan dahil sa inis na rin si Carlos.
“Tumigil ka na!" anito na nagpaparinig kay Lalaine.
Humikbi-hikbi pa si Lalaine at huminga ng malalim saka niya sinubukan na mai-relax ang sarili at pahintuin ang pagbagsak ng kanyang luha. Hopefully medyo mangilan nalang. At panay hinga siya para tuluyan mapigil ang sarili sa pagluha.