Nakaupo na pasandal si Carlos sa sofa. Naririnig niya ang malakas na pagtawa ng kanyang Daddy. Tuwid na tuwid ang tingin niya sa TV screen. Pero ang kanyang tenga ay humahaba at malayo ang nararating. Nakikinig kasi siya sa mga usapan ng dalawa may bahagyang pagitan lang din naman sa kanya.
Napaka lawak ng bahay nila. Kaya lang ang Sala at Dining area nila ay maghalos magkatabi lang talaga. Kaya ang maingay na pag-uusap ni Lalaine at Carl sa dining habang hindi pa natatapos sa kanilang pagkain. Naririnig niya at naiinis naman siya dahil sa pakiramdam niya siya ang pinag-uusapan ng kanyang Daddy at ang ampon nitong si Lalaine.
“Tapos ka na ba?" Tumango si Lalaine.
“Okay! Let's go to the Sala and I will first call your Auntie Imy in our room. Baka nakatulog na kasi! Hindi pa siya bumabalik eh! Sabi niya babalik din siya agad after niya tumungo sa kwarto namin." pabiro nitong bulong. Pigil na natawa din si Lalaine sa huli. Kumindat kasi si Carl nang magpaalam ito sa kanya.
“Kayo talaga, Uncle. Hindi mawala iyang Banat n'yo." she says to Carl.
Lumakad na si Carl paakyat ng hagdan at hindi niya na pinansin ang sinabi ni Lalaine. Tumungo muna ito sa kwarto nila ni Imy. Habang si Lalaine iniwan niya muna na mag-isa sa sala habang nakaupo naman sa sofa si Carlos. Nakatayo lang si Lalaine. Nahihiya siyang maupo. Kinakabahan din siya, habang takot siya kay Carlos lalo ng maitulak at nagkasagutan na sila kangina.
Carlos sneezed.
Lalaine swallowed. Sabay na nagsalita si Carlos.
“I think these were your plans from the very beginning when they found you in the orphanage. Tama ako di ba?" pahayag ni Carlos ng hindi nililingon si Lalaine. Sa TV lang ang tingin nito.
Nanginginig si Lalaine sa pagkakatayo niya sa gilid ni Carlos. Hindi niya alam pa ang gagawing pagsagot. Ngayon na ganito ang paratang at tingin sa kanya ng lalaking pakakasalan. Mas lumakas ang takot na nararamdaman niya kangina at mas kinakabahan siya sa paparating nilang kasal. Dahil sa ipinapakita sa kanya ni Carlos. Sa mga sinasabi nito. Sa tingin niya mas matindi pa sa iniisip niya ang kanyang kakaharapin matapos ang magiging kasal nila.
Kaya nga lang naisip niya na wala na siyang magagawa lalo na at nalaman niyang ganun na pala kabilis naayos ang lahat ng kanyang mga foster parents. Hindi na talaga sila makakaatras, umatras man sila. Matutuloy at matutuloy pa rin ang kasal nila. No choice din pala. Tinanong pa sila.
“As I said, nothing good can come after you come home with my parents, who brought you here from the orphanage. Hindi nga ako nagkamali. Kung nuon na inuwi ka nila dito. Binihisan, binigyan ng bahay na matitiran, pinakain sa araw-araw mo dito sa bahay. Pinag-aral… Tapos!" annoying niyang pahayag. Si Carlos, sinulyapan niya si Lalaine at tiningnan nang kanyang nanunuri na mata.
“Ikakasal ka naman daw sa akin? And what next?" pahayag nitong tuloy-tuloy at walang hinto sa pagsasalita.
Habang hindi na mai-guhit ang mukha sa patuloy nitong pagsasalita ng balbal, walang batayan at walang kwenta na pamimintang kay Lalaine. Pumatak ang isang butil ng luha sa nangingilid na mata ni Lalaine.
Si Carlos, habang kanyang pinamumukha kay Lalaine lahat ng naitulong at naibigay ng mga magulang niya sa adopted sister niya.
Mas lalo lang nanginig ang mga kamay at mga binti ni Lalaine. Parang nais bumigay ng kanyang binti mula sa pagkakatindig.
Maging ang kanyang buong katawan. Ramdam niya ang panginginig, at panay buntong hininga niya habang ang nangingilid niyang luha sa kanyang mata, pumapatak na paisa-isa. Ngunit, itinatago niya ng hindi mapansin ni Carlos. Bahagya siyang lumihis sa paningin ni Carlos. Tumagilid siya ng konti upang hindi makita nito ang bumabagsak niyang luha.
Daldal pa rin si Carlos. Subalit pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili na wag patulan lahat ng mga pinagsasabi at paratang sa kanya ni Carlos.
Hangga't maaari ayaw niya gumawa ng kaguluhan dahil lang sa pagiging bastos sa kanya ni Carlos ng malaman nito ang plano ng magulang nito sa kanilang dalawa. Bigla itong sumabog at siya ang sinisisi na may kagagawan ng plano na ginawa ng mga magulang nito.
Masakit, sampal sa kanya ngunit tinitiis ni Lalaine kahit dumalas na ang pagbagsak ng luha niya sa mata. Ayaw niya pa rin patulan ang lalaking kanyang pakakasalan.
Iniisip niya rin ang maaari na isipin sa kanya ng mga taong naglabas sa kanya sa bahay ampunan at nagdala sa kanya sa bahay na binabanggit ni Carlos. Sa tahanan nila. Sa bahay na kinatu-tuluyan nilang pareho. Sa bahay ng mga magulang nito.
Nasasaktan siya, pero binaliwa na lang niya at mas pinili na lang ang tumahimik at wag magsalita. Tiisin nalang niya lahat kahit sobra na siyang nasasaktan sa mga salitang masasakit nito na binabanggit ni Carlos sa kanya.
“Why are you still silent? Bakit hindi ka magsalita?" matigas na pagpapahayag ni Carlos habang ingos ang mukha. Hindi mapinta dahil sa frown nitong pagmumukha.
Blank face naman si Lalaine. Habang malalim siyang nag-iisip habang hindi kumikibo at nagsasalita habang patuloy pa rin sa pagdaldal si Carlos. Pero ang mata niya nababasa na sa luha.
Pakiramdam niya rin tuloy na para siyang nakagapos na hindi makakilos mula sa pwesto niyang kinatatayuan. Kahit gumalaw hindi niya masubok at singhot niya na lang ang likido na lumalabas sa kanyang ilong.
“Magsalita ka naman! Hindi ba kikibo? Wala ka man lang ba sasabihin? Bakit hindi mo independence ang sarili mo o baka naman talagang tama din lahat ng mga sinabi ko sayo?" pahayag na dagdag na sinabi ni Carlos at manipis na tumawa. Pigil niya pa ang mapalakas ang tawa niya ng tumawa ito. Habang tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita.
“Ang kapal din nga ng mukha mo. Biruin mo na tumagal ka dito tumira ng feeling mo tunay na anak ka! Natiis mo nga lahat 'yon nang hindi ka man lang nakaramdam ng kahihiyan. Tinulungan ka na nga mailabas sa bahay ampunan. Bakit hindi ka nagtatrabaho at umasa ka lang sa pera ng mga magulang ko? Kahit maglinis nga dito sa bahay. I don't see you working here at home. Even helping the maids, I would never have seen you. Napaka abusado mong ampon. Sabagay…" Carlos sighed habang napahinto sa pagsasalita.
“Sa mga tulad mong ampon. Ang kakapal naman talaga ang mukha. But, wag mong asahan na porket ikakasal tayo… Don't expect ngayon pa lang sasabihin ko na sayo. Wala kang aasahan sa akin…" Carlos smirked while continuing to speak.
“Wow, bravo! You're too good at acting but not enough. Kaya wag kang umarte na parang bingi at walang naririnig sa dami ng nasabi ko mula pa kangina." pahayag muli ni Carlos na para bang baliw at tumawa. He even clapped with both hands while laughing.
He aims to annoy and anger Lalaine. But wala nangyayari. Pinipigilan pa din ni Lalaine ang sarili na wag siya magpaapekto kahit sobrang nawawarak na ang pakiramdam niya sa kanyang sarili.
Tulad ng nasabi ni Carlos. Nagbibingi-bingihan nga si Lalaine. Kaya nga lang, nasasaktan at nadudurog naman ng husto ang kanyang puso at nawawasak ang damdamin niya para sa binata. She secretly admired Carlos.
Umpisa pa lang kasi siyang dumating sa bahay ng kanyang mga poster parents. Nang makita niya at ipakilala siya ng parents ni Carlos dito. Humanga agad siya kay Carlos.
Lalaine wonders how Carlos has a good looking face and body. Napaka gwapo kasi sa mata niya ito.
Although gwapo naman talaga si Carlos, hinahabol nga ito nang mga babae bata pa lang siya. But he's not interested.
Never siyang naging interes sa mga babaeng humahabol lang sa kanya dahil sa gwapo siya. Mas gusto niya yung babaeng siya ang nagkakagusto at pakipot na siya ang hahabol.
That's why it's rare for a woman to pass by him that he likes. Nabibilang talaga! But if he wants to pass the time. Madali lang naman din sa kanya ang makakuha. Dahil babae na ang madalas na lumalapit.
But for serious relationships. Never was he interested.