Kasalukuyang nag-uusap si Imy at Carl sa loob ng kwarto nila na mag-asawa. Pinag-uusapan nila ang dalawa na nasa baba sa kanilang Sala. Si Carlos at Lalaine ang kanilang topic.
“Honey, halika na sa baba. Harapin mo na si Carlos at kausapin mo nang maayos. Wag mo daanin sa init ng ulo na para kang wala pagkakaiba sa anak mong si Carlos." pahayag na pakiusap at pagpapaalala niya kay Imy na tahimik lang at hindi nakibo habang nakahiga sa kama.
“Honey! Please come over to me. Let's first talk about your son's marriage to Lalaine. Hindi matatapos ito, kung hindi rin natin kakausapin si Carlos at haharapin. Bumaba na tayo sa baba. At baka mamaya antukin na ang anak mo. Hindi na natin ito maaari na ipagpabukas. Let's talk to him before you sleep." nakikiusap na pahayag ni Carl habang hawak niya sa braso si Imy, at nakikiusap siya.
Nagawa niya rin himas-himasin sa braso si Imy habang malambing na kinakausap.
“Palagay mo? Papayag na kaya siya?" tanong na malungkot at nag-aalala ni Imy ng balingan niya si Carl.
Sa maraming nasabi ni Carl. Ngayon lang si Imy lumingon kay Carl. Ikinatango naman ni Carl. Imy sighed!
Nag-iisip lang naman kasi si Imy. Iniisip niya kung mapapapayag na ba nila si Carlos sa kasalan na kanilang inihanda para sa dalawa. Natural, kailangan niyang umarte upang mapaniwala na galit siya kay Carlos. Ngunit masakit sa kanya ang sabihan siyang nababaliw ng mismong sarili niyang anak. Iyon ang hindi niya matanggap kangina kaya mas umuusok ang galit niya na dapat ay hindi sana.
Hindi na niya napigil ang galit sa anak na plano niya sana talaga ay idadaan lang niya sana sa drama. Ngunit ng uminit agad ang bungad ni Carlos sa kanya tumaas naman ang kanyang presyon at hindi na tuluyan talaga napigilan.
“Oo naman, let's try it first." bahagya na ngumiti si Carl, sabi niya ito sa asawa. Nakinatitig niya sa kanyang asawa.
Hawak ni Carl si Imy sa kamay. “Halika na!" bahagyang pinisil niya ang palad ni Imy. He sighed.
“Okay!" Imy sighed at pumayag na din siya sa pagyaya ni Carl sa kanya upang bumaba sa kanilang sala.
Dahan-dahan niyang ibinangon ang kanyang katawan habang inalalayan siya ni Carl sa kanyang likod upang makabangon sa kama.
“Wait!" bulalas na pigil ni Imy.
“Why?" gulat na turan ni Carl.
“Yung hawak mo, honey." sabay na napatingin si Carl sa tinutukoy ni Imy.
Yung hawak ni Carl dumausdos.
Yung kamay niya, wala na sa tamang posisyon kung saan ito nakahawak kangina.
Dumulas na kasi ito. At napa-punta sa may pa-ibabang bahagi ng katawan ni Imy.
“Sorry, Honey! Hindi pa ngayon. Later!" sabi na pabiro ni Carl.
“Tigilan mo nga ako." pikon na pahayag na pagpalag, ni Imy sa pabirong usal ni Carl.
“Joke lang! Kahit kailan talaga hindi ka mabiro." pabiro na hayag muli ni Carl at inayos na ang pagkahawak nang kanyang kamay sa likod ng asawa.
Maibangon niya lang si Imy sa higaan. Todo ang pag-alalay ni Carl dito. Panay naman ang pagrereklamo ni Imy sa kanya sa tuwing mapapatawa si Carl dahil sa sinasadya niyang mapapunta ang kanyang kamay, sa bahagi na may kiliti ang kanyang asawa.
“Mauna ka na!" utos ni Imy.
“Pinag-antay mo ako. Tapos sasabihin mong mauna na ako?" natatawang angal ni Carl pabiro sa asawa.
“Bakit? Sasamahan mo ba ako sa banyo?"
“Pwede rin!" nakanguso na sabi ni Carl ng pabiro ulit.
“Tsss! Ewan ko sayo." irap na tugon ni Imy, kinatulak niya kay Carl na panay ang tawa at hindi mapigilan ang kanyang pagtawa sa kanyang asawa. “Tumabi ka 'nga!" tulak niya kay Carl.
“Okay, maghihintay nalang ako. Tutal naman kangina mo pa naman ako pinaghintay. Mano, yung antayin kita sa ka-unting oras pa matapos mo magbanyo." pahayag na usal ni Carl ng tumatawa pa rin at biniro si Imy.
“Bahala ka!" natatawa na rin na tumayo sa kama si Imy, matapos na maibangon ang kanyang katawan buhat sa pagkakahiga niya sa kama. Nag-umpisa na rin siya tumalikod sa kanyang asawa at naglalakad na rin siya papunta sa banyo.
Nagdesisyon si Carl na maghihintay nalang siya kay Imy habang nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama. Sabay na sila bababa sa sala upang balikan ang dalawa na t'yak niyang baka nagagawa na rin nila mag-usap. Naisip lang naman ni Carl!
Kaya lang mula naman sa baba. Sa sala ng bahay nila...
Carlos and Lalaine are still not talking to each other or even looking at each other. No one has attempted to look at each other.
After what happened to them, Lalaine cried because of what Carlos was saying to her.
Carlos also calmed down with his chatter and judgment of Lalaine after he saw Lalaine's flow of tears and cried because of him.
So in a few minutes, they were silent as Lalaine held back tears and wiped her face.
“Ohhh what happened to both of you?" sabi ni Carl ng mapansin ang dalawa. Tahimik at walang kibo.
May kalayuan ang distansya ng bawat isa sa pagitan ng dalawa. “Ganyan ba kayo once na ikasal na kayo?" bulas na kinatanong ni Carl habang lumalakad papalapit sa sala.
Nilakihan na niya ang kanyang ginagawa na paghakbang.
Mas binilisan rin niya ang kanyang paglalakad papunta sa may sala.
Malayo pa lang kasi. Pababa pa lang siya ng hagdan natanawan na niya ang dalawa na walang mga kibuan. Kaya nagmamadali siyang bumaba ng hagdan upang agad na kanyang malapitan ang dalawa.
Naisip niya na baka nakapag-usap na rin ang mga ito sa kanilang gaganapin na kasal.
Sabagay! Kahit naman hindi sila mga umayon sa planong kasalan. Matutuloy pa rin ang kasalanan dahil sa naihanda na nila ni Imy ang lahat bago pa man nila kausapin ang dalawa. To make an assurance para sa kanilang dalawa na mag-asawa.
Naniniguro lang sila para walang kahit isa sa mga ito ang makagawa na tutulan ang plano nila. Although nangyari naman na rin ang kanilang inaasahan at napag-usapan na ni Imy.
Ang possibility na baka hindi sumang-ayon ang kanilang nag-iisa na anak at tama naman ang naging kanilang conclusion.
Kaya para makakasiguro na sila na makukuha ang approval ni Carlos. Inayos nila lahat ng lihim at walang nakakaalam.
Tiningnan ni Carl ng diretso si Carlos. Habang si Lalaine napabuntong hininga. Habang malapit na at konting distansya na lang... Malapit na rin si Carl sa dalawa.