“Hoy, wag ka ngang makulit. Ikaw magpaliwanag kila Auntie. Bakit ako? Ikaw naman talaga may kasalanan bakit nagkaganyan at ganyan ang inabot mo. Bakit hindi ikaw magpaliwanag sa kanila?" inis kong tugon at pahayag. Nagdadabog ako, naiinis kasi ako sa kanya. Kala mo naman ako may kasalanan.
“Bakit hindi? Kaibigan mo naman may gawa at yung boyfriend mong sira ulo at mayabang." angil nito.
Pinag-init talaga ulo ko.
“Hoy, ikaw 'tong mayabang kaya. Akala mo naman kung sino ka." sagot ko sa kanya.
“And for your information. Hindi ko boyfriend yon. Buti nga, mabait yu 'ong tao. Hindi gaya mo walang modo na, bastos pa. Pumapatol pa sa babae. Akala mo naman, babae ka. Sino ba naman tangang tao. Ka lalaking tao. Nakipag buno at nakipag sabunutan sa babae?" napag iinit niya talaga ulo ko. Sagot kong pahayag talagang pinamumukha ko sa kanya.
Padabog din nito pinalo ang manibela ng car niya.
“Sumosobra ka na sa kadaldalan. Masyadong matabil dila mo."
“Anong tingin mo sayo? Hindi?" sagot ko, napabuga ako.
Humarap ito sa akin.
Masamang masama ng kanyang tingin.
Kala ko sasampalin ako. Makakatikim na rin siya tiyak kung gagawin n'ya yon.
Sobra na rin kasi siya. Akala niya talaga tatahimik nalang ako. Oo, kangina pwede na tumahimik ako. Nahihiya din ako kanina sa mga kaibigan ko.
Na papahiya ako sa ginawa ni Carlos.
“Ayos, lumalabas na rin talaga ang tunay na kulay mo ano?" anito niyang mayabang na sagot.
“Ikaw nga, tingin mo sa sarili mo?" balik ko.
“Bwisit" pahayag niya.
“Bwisit ka rin." sagot ko.
“Letse ka!" nang manahimik na siya. Gigil sa manibela pa rin at mabigat na mahigpit ang hawak niya don.
Hindi na ulit ako sumagot nang sabihin niyang Gaga raw ako.
Pagsisisihan ko raw ang ginawa kong pagsagot sa kanya.
Tandaan ko raw itong araw na 'toh.
Itaga ko raw sa bato. Magsisisi ako, maging pagpayag ko na maikasal sa kanya. Pagsisisihan ko. Banta niyang pahayag. inismiran ko siya
Hindi na ako kumibo sa mga sinabi pa nito.
Wala na sa amin ang kumibo. Matapos niyang iringan ako at sagutin ko siya tungkol sa nais niyang ako ang siyang mag paliwanag sa mga magulang niya. Tungkol sa nangyari sa kanya.
Hindi naman ako may kasalanan nun. Bakit ba ako ang nais niyang magpaliwanag kahit mga kaibigan ko ang gumawa non.
Ipagpilitan niyang kasalanan ko pa rin. Dahil sa mga kaibigan at boyfriend ko raw may gawa n'on sa kanya. Siya naman talaga may kasalanan. Kung bakit sa akin niya isinisisi.
Kung bakit hindi niya tanungin yun sarili niya kung bakit din nangyari yon sa kanya.
Ako pa ang sasabihin niya na sumosobra na. Kahit siya naman ang tunay na sumosobra sa aming dalawa.
Bahala ka nga diyan.
Hindi na ako nagsalita na talaga. Hinayaan ko nalang siya hanggang magsawa at tuluyan na hindi ito kumibo.
Wala na talaga ang nagtangka na magsalita matapos ko tumalikod at tumingin ulit sa bintana. Hindi ko na siya pinansin. Kahit galit nitong sinabi na bastos ako.
Huminga ako nang malalim habang naka-sulyap sa labas ng bintana habang pinagmamasdan yung labas.
ANG MALAS KO NAMAN. asar at naiinis na bulong ko.
Alam kong galit na galit siya sa ginawa kong pagsagot sa kanya. But, hindi ko na talaga matiis. Kung bakit sumabog na talaga ako at sinagot na rin siya sa pagiging brusko at mayabang nito.
He does what he wants to do. Hindi naman pwede na ganun nalang talaga palagi at hindi na rin talaga ako nakatiis. Sa madalas niyang init ng ulo sa tuwing nakikita niya ako.
Hindi naman pwede na lagi na lang ganun. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin sa akin. Pero ako, hindi pwede?
Nakapa unfair nun.
Dapat nga ako yung umasta na parang siya. Pero, kahit ganun ugali niya. Iginagalang ko pa rin siya although na mas nakatatanda siya nang higit sa akin.
Ginagalang ko pa rin ito. But, this time. Time out muna ako at hindi ko na kinaya ang pagiging martir.
Paano naman if magsama na kayo?
OO, NGA NOH? bigla ko lang naisip.
BAHALA NA NGA! habang naiinip na na naghihintay sa kanya na paandarin ng tuluyan yung sasakyan.
Kangina kasi ay binuksan na niya ang makina. Kaya inakala ko ay aalis na kami. But, pinatay na naman nito. Tapos ay saka ako inumpisahan muli.
PRANING LANG TALAGA SIYA. pahayag ko sa isip. Habang naiinis.
Sa mga oras na itoh! Hindi ko na rin kayang palagpasin ang masyado niyang mayabang na ugali. I blew while looking outside of the Carlos car. Totoo naman. Kahit sino naman siguro. Matitiis ba naman ang ugaling meron si Carlos?
Lalaine! Nagsasalita ka na naman nang wala sa wisyo. Pero, I am so proud of you at na labanan mo ang init nang ulo ng baliw mong fiance. Saka ko lang ulit natutukan ang madilim na itsura sa labas ng sasakyan.
Masyado na malalim ang gabi. It was too late na nang hindi pa rin ako nakauwi ng bahay.
Tiyak talaga na labis na pag-aalala nila Uncle at Auntie.
Pero nakapag paalam na naman ako at nakapag sabi kila auntie at uncle na ma-late ako ng uwi ngayon dahil sa nagkayayaan kami ng mga barkada ko. They approve naman.
Sabi pa nila magsaya lang muna ako with my friends. No problem naman raw dahil malaki na ako at worth ko naman ang mag enjoy after ko sumabak sa board exam.
Nakapasa naman na raw ako. So, it was my time na mag focus naman ako para sa sarili ko at hindi para sa pag-aaral.
Ngayon naman raw tingnan ko yung mga bagay na hindi ko kailanman natingnan o pinansin nung mga pagkakataon na nag-aaral lang ako at dun lang ang focus.
Masyado raw ako masipag nun. At ngayon. I-treat ko naman yung sarili ko at hayaan na maenjoy ang pagiging single ko sa ngayon.
Nabanggit pa nila. Tapos ay tinawanan ako.
Sabagay! Tama naman sila.
Puro ako pag-aaral nuon.
Nahihiya kasi ako. That's why I am focusing on my studies. Yun lang ang nasa utak ko nuon nang mga panahon na nag aaral pa ako. Ayos din naman. Dahil I am finishing my studies because of their help.
Dahil din yun sa pagtuturo nila sa akin. While I am studying. Nakapa focus din sila sa akin. Habang nag aaral ako.
Kaya nga hindi ako makapag lakwatsa. Nahihiya ako nang sobra sa kanila. Pero, worth it naman lahat ng sacrifice nila.
And now I am so happy about that. Dahil may mga taong may mababait ang puso na hindi ako pinabayaan. Except sa tunay na pamilya ko na nang iwan sa akin sa bahay ampunan.
Sometimes naiisip ko rin sila. I was questioning myself why they left me in the orphanage?
Bakit nga ba?
Bakit nila ginawa yun?
Bakit kinailangan nila ako iwanan don sa bahay ampunan?
Kung bakit kailangan nila ako iwalay sa kanila.
Hindi ba nila ako minahal?
Bakit pa ako pinalaki ng ilang buwan at matapos mailabas ay iiwan nalang sa bahay ampunan?
Hindi ba nila ako kaya buhayin? Nang tunay na nanay ko. Hindi ba niya ako kayang support at kinailangan niyang gawin yon?
Bakit isinilang pa ako nang Nanay ko?
Napakarami kong tanong kung minsan.
Bakit nga ba? Bakit nagawa niya yon?
I sigh habang sa labas pa rin nakatingin.