CHAPTER 30

1148 Words
“Baba!" pasindak na pagkakautos sa akin ni Carlos. Kakahinto lang nang sasakyan ni Carlos sa kanilang bahay. Napabuga ng hininga si Lalaine bago pa man siya bumaba ng sasakyan. At buksan ang pintuan ng sasakyan ni Carlos. GRABE UGALI TALAGA! sambit ni Lalaine ng napa-buntong hininga siya nang magulat siya ng biglang pabaligag ni Carlos na binuksan at isarado ang pinto ng kanyang sasakyan. BASTOS TALAGA! aniya niyang bulong at bumaba na nang sasakyan. Pabalibag din n'yang isarado ang pintuan. Mas malakas sa pagsara ni Carlos kangina. Napalingon si Carlos. Masama ang tingin nito kay Lalaine. Ngunit hindi n'ya ito pinansin. Nalampasan ni Lalaine si Carlos ng mapahinto ito nang mapalingon sa kanya. Hindi niya ito pinansin at saka siya lumakad papasok sa bahay. “Hoy!" sigaw ni Carlos habang turo ng daliri nang kamay si Lalaine. Ngunit hindi siya pinansin ni Lalaine. Nag-dire-diretso lang ito papasok sa bahay. “Hoy!" muli ay sigaw ni Carlos. Nagkatinginan si Imy at Carl. Nagulat sila ng marinig na sumisigaw si Carlos sa labas at ilang segundo lumabas si Lalaine sa bumukas na pintuan. Nabigla din si Imy na namilog ang kanyang mata. Dahil sa pagpasok ni Lalaine. Nasa likod nito si Carlos. “Magkasama kayo?" pahayag na tanong ni Imy. “Oo!" sabi ni Carlos. Ito ang sumagot na siya na kinagulat, ni Imy nang makita ang itsura ni Carlos. Maging si Carl ay nagulat sa nakitang mga sugat at galos ni Carlos sa mukha. Maging ang kanyang mga pasa at malaking black eye sa mga mata. “Anong nangyari?" ang tanong ni Carl agad sa anak niya. Lumalakad papalapit kay Carlos si Imy na ikinalingon ni Lalaine nang makita na hinawakan ni Imy ang katawan maging ang mukha ni Carlos. “Anong nangyari, Carlos?" hindi malaman ang gagawin. Natataranta si Imy at nasa likod nito si Carl. “Ano bang nangyari? Carlos, sumagot ka. Anong nangyari? Napaaway ka ba? Lalaine?" nang si Lalaine naman ang balingan ni Carl. “Siya may kasalanan nito." nang mapalingon sa kanya si Carl. Tiningnan ni Carl ang anak at ganun din si Imy. “Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Imy. “Siya may kasalanan nga nito. Mom, yung boyfriend niyang mabait niyong ampon. Siyang may gawa nito sa akin." Siyang pagtuturo ni Carlos kay Lalaine na kinagulat ng mag-asawa. “Boyfriend?" aniyang pahayag patanong ni Imy. “May boyfriend ka Lalaine? Bakit hindi namin alam?" pahayag na tanong ni Carl. “Wala po, Uncle Carl." sagot ni Lalaine. “Wala po, isang nag magandang loob lang po ang tumulong sa akin kangina. Ang hindi sinasadya na makaaway nitong si Carlos. Kaya lang si Carlos po kasi ang nauna. Siya po ang may kasalanan talaga kung bakit siya nagkaganyan. Wala pong kasalanan yung lalaking gumawa niyan sa kanya." pahayag na sabi ni Lalaine bilang pagpapaliwanag sa mga umampon sa kanya. “Hindi totoo yon, Mom. Boyfriend niya yon. Nakita ko naman kung gaano ka aggressive yung lalaki kangina. Boyfriend niya talaga yon. Boyfriend niya yon." tumaas ang boses na pahayag ni Carlos. Habang nagpapaliwanag sa kanyang mga magulang at ipagpilitan na boyfriend nga ni Lalaine ang lalaki na nakatapat niya sa bar. “Mom, look at me kung gaano ako nabugbog at nasaktan dahil sa ginawa ng lalaking yon. Anong klaseng babae ba iyang ipakakasal niyo sa akin. Napaka walang kwenta. Sinungaling. Mapagpanggap kunwari inosente. Pero ang totoo isa rin siya sa mga katulad ng mga babaeng nakilala ko na mga gold digger." pahayag ni Carlos na mahabang sabi pa n'ya. “Sabi ko na nga ba! May kalandian din yung babaeng yan. May itinatago din siya gaya ng iba. Kala mo malinis talaga hindi naman." pahayag pa ulit ni Carlos. Matapos ay nag-tatakbo na ito patungo sa banyo. Nagmamadali na rin itong pumasok sa banyo. At duon ay inilabas lahat ng laman ng kanyang tiyan. Alak, at mga pinulutan niya. Suka ng suka si Carlos sa loob ng cr. Lahat nailabas niya at naisuka. Nang matapos ay lumabas na rin siya sa banyo. Naghihintay ang kanyang mga magulang sa labas. Ngunit umakyat muna ng kwarto si Carlos upang makapag bihis ng kanyang damit dahil sa mga suka at tilamsik ng mga dumi sa kanyang katawan at dahil sa mga dumi rin na nakuha niya nang mapaaway siya kanina sa lalaking sinasabi niya sa kanyang magulang. Huminga ng malalim si Carlos at umakyat na rin sa kwarto niya. “Lalaine, can you explain this? Kung anong nangyayari? Kung bakit ganun ang nangyari kay Carlos? Sino ba yung tao na nakaaway niya? Boyfriend mo nga ba talaga yon? Lalaine, please tell us. Ano ang katotohanan sa nangyari kay Carlos?" si Imy ang nagtanong. Si Carl, napabuga at napa buntong hininga. “Lalaine?" “Sorry po, Uncle and Auntie. But, hindi ko po boyfriend yung sinasabi ni Carlos. Nagkataon lang po na nagkagulo sa bar kung saan kami nagpunta ng mga kaibigan ko at accidentally na nandoon pala si Carlos. Nagkainitin sila ng mga friends ko dahil sa ginawa ni Carlos. And ayun po. May isang lalaki ang tumulong sa amin sa panggugulo ni Carlos. Kaya lang po ay dahil sa kalasingan ni Carlos. Ayun, nagkagulo lalo po. Dahil sa si Carlos naman po ang nauna. Maniwala po kayo. Hindi naman po mangyayari yan sa kanya kung hindi po siya ang nauna na manggulo." mahabang pahayag ni Lalaine habang napapunas siya sa biglang tumulong luha. “Iyang bata na yan talaga." sambit ni Imy. Ipinaliwanag pa mabuti ni Lalaine lahat. Sinabi niya lahat ang mga tunay na nangyari kung bakit nagka-ganun, si Carlos. At bakit umabot sa sakitan lahat. Kung bakit halos masira na mukha ni Carlos dahil sa maraming suntok na natamo nito. Lahat naman isa-isa niyang ipinaliwanag kung paano nag-umpisa at natapos. “Pasensya ka na Lalaine. Pagpasensyahan mo na lang ang anak namin. Pagsasabihan nalang namin si Carlos." ang sabi ni Carl. “Salamat po, kala ko magagalit na po kayo." “Bakit kami magagalit? Siya naman ang may kasalanan. Kahit anak namin siya. Kung siya ang may kasalanan. Hindi naman namin siya pwede kunsintihin." sagot ni Imy kay Lalaine. Ngumiti si Lalaine, tumulo ang luha niya sa mata nang hindi na niya napigilan. Pinunasan niya yon gamit ang kanyang kamay. Buti nalang talaga at nagpapasalamat siya na nauunawaan siya ng kanyang mga auntie at uncle niya. Kaya talaga nagpapasalamat siya na hindi naman siya umaasa na siya ang paniwalaan agad. Pero dahil sa nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga ito. Labis siyang nagpapasalamat. Humugot siya ng malalim. Nagpaalam na rin muna siya na tutungo muna sa kwarto niya upang makapag bihis ng damit. Lumakad siya papunta sa kwarto niya at binuksan ang kanyang pinto ng kwarto nang nakatayo sa tapat ng kanyang pintuan. Pumasok na siya sa loob at doon ay dumiretso siya sa kanyang drawer upang kumuha ng damit na mapag bibihisan niya. Saka tumungo sa banyo upang magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD