Matapos ang delayed na flight at may katagalan na paghihintay. Sa wakas ay tinawag na at narinig na nila ang pagbubukas ng pinto para sa flights papunta Cebu. Nakahinga na rin si Lalaine. Tumayo na si Carlos. Habang si Lalaine papatayo pa lang naiwan na ni Carlos na nauna na sa paglalakad.
Hinayaan na lang niya ito na mauna habang nakasunod naman siya sa likod. Umakyat na sila saka pumila sa mga ilang maraming pasahero na gaya nila delayed ang flight at may katagalan na naghihintay upang makasakay na rin sa eroplano.
“Miss, delayed din kayo?" Tumango si Lalaine ng may kumalabit sa may likuran niya at nakita niya ang isang babae. Nakangiti ito sa kanya habang tinanong siya nito.
“Yes, kayo din?" ganun din ang babae ngumiti at tumango.
“Oo eh! Malas nga yung susundo sa akin andun na sa Cebu airport kangina pa naghihintay. Bigla naman kasi nag change, nang oras yoong flight ko. Ayun tuloy super tagal na niya tuloy don. Tapos bigla nag announced lilipat kami na mga pasahero ng plane gawa na nagkaproblema ata yung eroplano na dapat sasakyan ko. Kaya yung mga pasahero na kasama ko kangina galit na galit at sobrang dismayado sa naging aberya ng airlines." kwento ng babae kay Lalaine. Napasinghap siya at buti na lang pala sila ay oras lang ang i-pinaghintay. Habang ang babae na nakasunod sa kanya ay ilang oras na pala na naghihintay.
Napahugot siya ng hininga niya. “Antagal niyo na pala. But, okay na rin at least ngayon makakalipad ka na rin papunta sa Cebu. Mukhang iisang eroplano pa tayo." ngumiti si Lalaine. Naisip niya si Carlos na may ilang pagitan ang layo sa kanya. Naunahan kasi siya nito sa paglalakad. Pero hawak niya ang ticket nito. Kaya pagdating sa may checker ng mga ticket wala ito maipakita. Itinuro siya sa babae.
“Andun ang ticket ko." naririnig niya na sabi ni Carlos sa babae.
“Sir, kung maaari. Baka pwede na gumilid muna po kayo. Hintayin natin na makalapit dito yung kasama niyo. 'Pa unahin muna natin yung ibang kasunod niyo sa pila." wika na sabi ng babae kay Carlos. Sumimangot si Carlos. Nag tatangis ang ipin sa inis niya sa babae. Sinamaan niya din nang tingin si Lalaine.
“Boyfriend mo?"
“Hindi!" sagot niya sa tanong ng babae na nakatingin kay Carlos.
“Kala ko boyfriend mo. Gwapo ahh!" wika ulit ng babae. Nakangiti na lumingon sa kanya.
“Ganun ba!" walang gana na napabuga siya habang sagot niya sa babae. “Gwapo?" pabulong na nasabi niya. “Gwapo nga naman. Baliw lang at Demonyo kung minsan." gigil niyang bulong dahil sa nakikita niya na minamadali na siya ni Carlos.
Paano nga ang gagawin niya ganun na mahaba pa ang pila at mabagal ang usad. Hindi naman niya gusto ang makisingit sa mga nauna sa kanya. Kaya di nalang niya pinansin si Carlos. Hinayaan nalang niya ito na bulong-bulong habang nakatayo sa gilid nang babae na nag aasist sa mga passenger.
Naiinip na si Carlos. Mabagal kasi ang usad ng mga nakapila. Nagkaproblema kasi ang ilan sa mga pasahero. “Ang bagal mo!" singhal na pagalit ni Carlos ng makarating na rin sa wakas si Lalaine sa pwesto kung nasaan si Carlos.
“Thank you Ma'am!" nakangiti na wika ng babae. Lumakad na si Carlos na nagdadabog ng hindi pa rin niya ito pinansin.
“Bilisan mo naman sa paglalakad. Kangina ka pa ahh, ang bagal mo o talagang sinasadya mo talaga bagalan ang kilos mo?" bintang na wika ni Carlos ng lingunin siya bago sumampa sa hagdan paakyat ng eroplano.
“Ano ba naman 'yang boyfriend mo." nagulat si Lalaine. Nakasunod pala sa likod niya yung babae kangina na kausap niya. Hindi niya napansin agad.
Kangina kasi matapos na ipakita ni Lalaine yung ticket nila ni Carlos. Naiwan na niya yung babae habang sinesermunan siya ni Carlos habang naglalakad sila papunta ng eroplano.
Hindi na n'ya napansin na nakasunod na pala ang babae sa kanya. “Sorry, hindi na kita napansin." sabi ni Lalaine habang humahakbang paakyat.
“Okay lang, ganyan talaga ang mga lalaki. Naku, basta pagpasensyahan mo nalang. Pero kung magluko. Iwan mo na masyado kasing maingay. Mabunganga! Kung ako girlfriend niyan… Tatakpan ko ng tape ang bibig ng hindi na siya makapag bunganga." pabiro na wika ng babae. Nang nakatingin at hindi inaalis ang tingin kay Carlos na pumasok na sa loob ng eroplano.
Nakakatuwa lang ang upuan nila ng babae. Magkatabi pa. Habang si Carlos sa may bintana naupo. Silang tatlo magkatabi sa isang helera ng mga upuan sa loob ng eroplano. Kaya naman hindi naburyo ang buong biyahe ni Lalaine dahil sa mayroon siyang nakakausap. Mayroon siyang kadaldalan habang nasa biyahe at hindi niya nga naramdaman ang pag angat ng eroplano sa himpapawid at pagbaba non ng lumapag na sa Cebu.
Sa buong biyahe. Nakangiti si Lalaine habang magkabiruan sila ng babae. Habang nag daldal ito at nagkwento sa mga about sa life nito sa boyfriend niya na naghihintay ngayon sa airport sa Cebu.
“Salamat sa buong biyahe na hindi ako nainip dahil sayo." sabi ni Lalaine nagpasalamat sa babae habang bumababa na sila sa eroplano.
“Wala yon. Give me your phone number. So I can text you if lalabas kami ni Boyfriend at hindi ka busy. Baka gusto mo mag join sa amin?" tanong nito habang inabot ang cellphone niya kay Lalaine para kunin ang kanyang cellphone number. Ibinigay naman ito ni Lalaine.
“Sure, mukhang maging buryo ang bakasyon ko rito sa Cebu. Wala pa naman ako 'ka kilala and then wala din ako gaano alam dito. Sige, call me or text me ahh! Aasahan ko na tatawagan mo ako. Sasama talaga ako sayo." excited na wika ni Lalaine sa babae.
“Lyuna!" wika ng babae na inilahad ang kamay niya kay Lalaine.
“Lalaine!" sagot niyang wika dito na tinanggap ang pakikipag kamay nito sa kanya.
“Kangina pa tayo nagda-daldalan. But, hindi pa natin alam ang mga pangalan natin. Hindi ko man lang naisip na itanong kangina. Puro kasi ako daldal na excite ako masyado na may makasabay ako at hindi gaya ng mga kausap ko kangina. Nega mga masyado. Puro ako daldal pero walang nakikinig kahit isa sa kanila." wika na nakakatawa na sabi nito. Napakamot pa ito sa ulo niya habang inihayag ang mga napansin niya sa mga kangina na kasama niya habang naghihintay ng flight.
“Ako din. Salamat. Nakalimutan ko rin itanong ang name mo kaya pasensya. Natuwa din ako may nakausap ako kangina. Kala ko talaga mapapanisan na ako ng laway kasi nga ay wala kwenta yung kasama ko." pabiro na i-binulong niya sa tenga ng babae. Natawa ng malakas ito.
“Don't worry about it. i-message talaga kita. After namin magkita ni Boyfriend and if may plans na kami about our tour dito sa Cebu. Agad kita itext. Wag ka mag alala diyan sa kasama mo. Mukhang chonggo. Sorry!" agad nito sabi. Nakita rin at napansin nito ang siyang naging itsura at pag simangot ni Carlos. Narinig pala ang salitang itinawag niya rito.
“Naku narinig ata!" wika nito na i-binulong niya din kay Lalaine. Nag katawan silang dalawa habang napabuga si Lalaine ng hininga. Dahil sa magkakahiwalay na sila ni Lyuna. Natanaw na kasi nito ang boyfriend na tinutukoy nito sa kanya. Sumalubong agad ang lalaki ng may ngiti. Ipinakilala si Lalaine sa lalaki.
“Si Lalaine pala, Lalaine si Anthony." wikang pa-kilala niya sa lalaki at sa kanya. Nag kamay silang dalawa. Nagtatawanan din sila, nang bumulong si Lyuna sa boyfriend niya. Itinuro nito si Carlos habang bahagyang na nagbida.
“Sige na, mauna na kami baka magtatalak na naman yon sa akin mamaya. Ingat na lang kayo and please text me okay." paalam ni Lalaine nagpasalamat din siya dito. Nalulungkot man siya pero excited siya sa gagawin nila na pag-iikot nila sa Cebu.
Hindi na nga rin siya maka-hintay. Pero as of now need muna nila mga umuwi sa mga bahay nila. Gabi na rin kasi at halos wala na liwanag na mula sa araw kundi mula sa buwan na ang nakikita niya. Late na, gutom na rin siya. Oras na rin kasi ng hapunan.
“Sobrang saya mo ahh!" puna ni Carlos sa kanya habang ito ay sumakay sa sasakyan na sumunod sa kanilang dalawa. “Nakahanap ka na naman ng mauuto. Ayos, buti naman. Dahil mukhang bagay naman kayo at hindi kayo nagkakalayo." pang aasar na sabi ni Carlos pabulong pa rin ito na nagsasalita habang siya naman naupo sa tabi nito. “Umusog ka! Wag kang didikit sa akin. Baka madikitan ako ng kamalasan mo." wikang brusko at nang iinis pa rin.
Hindi na lang pinansin ito ni Lalaine. Umusog 'nga siya tulad ng sinabi ni Carlos. Hindi siya dumikit dito at baka mahawa nga naman ito sa kanya. Mali, baka siya ang mahawa sa kayabangan at kasupladuhan nito. “Manong paki bilisan niyo lang po. Gusto ko na makapag pahinga." sabi na utos ni Carlos sa driver ng sasakyan.
“Okay!" sagot ng driver. Hindi nalang ulit nakibo si Lalaine. Siya kasi gusto n'ya kumain muna bago siya magpahinga. Gutom na talaga siya at kumakalam na ang tiyan niya na nagrereklamo na pakainin na ito.
Madilim na sa daan wala na rin gaano maaninag. Kaya si Lalaine, sa mga ilaw sa daan na lang siya nakatingin. Bahagya naman kita niya ang mga binabagtas nila. Nagandahan siya sa mga lugar na nilagpasan ng sasakyan na sinasakyan nila ni Carlos. Excited na tuloy siya mag-ikot. Pero talagang pagkain ang gusto ng katawan niya ngayon at matulog. Ang hiking niya. Mabilis na sila makarating sa bahay. Nang sa ganun matahimik na rin ang bunganga ni Carlos. Ang daldal kasi.