CHAPTER 36

1227 Words
Napakaraming mga tao sa napaka lawak na airport. Maiingay ang mga sasakyan ang ilan mga bumubusina gawa ng naaabala sila ng mga sasakyan na mga nasa unahan nila. Mga nagmamadali. Ang ilan naman ay hindi. At sa isang gilid. Sa may parking lot. Duon pumarada sa sasakyan ni Carl. Huminto na siya sa isang pwesto kung saan may isang sasakyan ang umalis at siya ang pumalit sa inalisan nitong pwesto. Swerte ni Carl. Punuan na rin kasi maging sa parking lot ng airport. Nahirapan nga siya makakita ng pwesto. Ilang beses pa siya nag-paikot-ikot sa loob ng parking lot. Makahanap lang ng ma-paglalagyan ng kanyang sasakyan. Buti nalang at sa edad niya ay malinaw pa ang kanyang mata. Agad siya na umabang sa malapit sa pwesto nung aalis na sasakyan. Nang nakaatras at abante paalis. Agad siya sumulong at minaneho ang sasakyan niya upang siya naman ang pumalit sa pwesto ng umalis na sasakyan. Buntong hininga siya na natawa. Napailing ang kanyang ulo sabay napabuga. Tapos ay ngumiti. Bumaling pa ang ulo niya sa kanyang anak na si Carlos, sa asawa niya at kay Lalaine. “Where here!" Usal n'yang wika. Sabay napahinga siya ng kanyang hininga. “Move! Late na sila honey sa flight nila. Bilisan niyo at baka mahuli pa kayo." utos niya na pahayag nataranta naman si Imy. Habang si Carlos chill lang at hindi nagmamadali. “Ano ba yan. Ito ang pinaka a-ayaw ko sa lahat nagmamadali ng ganito. Bakit ba kasi ang traffic ngayon papunta dito sa airport? Nuon naman hindi tayo inaabot ng isang oras. Ngayon, jusko. Ano ba yan…" panay ang bulong na kakadaldal nauntog pa ito. “Aray ko naman!" “Dahan-dahan lang kasi honey para ka naman hinahabol ng toro niyan sa ginagawa mo eh! Wag masyado magmadali may oras pa naman." nakangisi na biro sa asawa. Matapos na siya ang magsabi na magmadali ang mga ito at baka mahuli sa pag alis. “Ikaw ito na nagsabi na magmadali eh!" reklamo nito. “Nauntog tuloy ako. Bakit ba kasi 'tong sasakyan mo mababa masyado yung bubong. Tapos itong… Nakakainis. Sagabay sa daraanan ko." nagrereklamo muli na sabi at hinampas ng hawak nito na bag ang side kung saan siya nauntog kangina. Nakababa na si Lalaine. Kasunod nito si Carlos na kinuha ang dala niyang gamit. “Hoy, Carlos. Baka gusto mong tulungan itong si Lalaine sa pagbitbit ng mga gamit niyo? Aba, kalalaki mong tao. Be a gentleman naman." puna ni Imy sa anak niyang backpack lang ang dinala. Walang kibo nito na kinuha ang backpack na nilagay nito sa compartment ng sasakyan. At ang gamit niya nasa maleta at ang gamit ni Lalaine. Iniwan nito. “Wait! Wag na kayo magkagulo. Andito na oh! Nagdala ako ng cart dito niyo nalang ilagay at itutulak ko nalang." to the rescue naman si Carl na may hila-hila nga at tulak-tulak nito na cart na kinuha pala nito kaya bigla nalang nawala sa mga mata nila. Kala nila nga nasa CR. “Ayan naman pala si Dad. Siya na raw magtutulak at magdadala." sagot ni Carlos. “Itong ba…" nang pigilan ni Carl na magsalita pa si Imy. “Halika na Honey, ako na bahala muna dito. Para mamaya sila naman bahala sa mga gamit nila di ba?" nagpaparinig na wika ni Carl. Habang sinusuyo ang asawa na wag na patulan ang anak nila. Habang nauna na rin ito sa paglalakad papunta sa entrance papasok sa airport. “Basta Lalaine, anuman maging problema ahh! Tumawag ka." sabi at bilin ulit ni Imy. Buntong hininga ito na tinanaw sila ni Carlos papasok sa airport. Hindi na kasi sila maaari pang makapasok sa loob kung saan magpila na sila para sa check in. Bumuga at napasinghap nalang ang mag-asawa na nakatanaw sa dalawa. Habang papalayo. Tulak ni Lalaine ang cart na dala ni Carl kangina habang si Carlos nauuna sa paglalakad nila. “Honey, sure ka ba magiging maayos din lahat?" tanong ng may kaba ni Carl. “Oo naman!" may ngiti na wika na tugon ni Imy kay Carl. Umaasa na makukuha din ni Lalaine ang loob ng kanilang anak. Umaasa na sana matutunan din makita ni Carlos si Lalaine at matutunan din nito pahalagahan ang babaeng pakakasalan. Hanggang pag-asa na lang ang pinaniniwalaan ni Imy. At hindi naman siya nawawalan ng pag-asa. Isang araw, mangyayari lahat. “Halika na! Umuwi na tayo." Aya ni Imy kay Carl. Nawala na yung dalawa sa mata nila kaya uuwi na sila. Nakapila na yung dalawa sa counter kung saan mag check in sila at maging ang dala ni Lalaine na baggage. Iniabot ni Lalaine ang hawak niyang dalawang ticket nila ni Carlos. “Thank you, Ma'am." sabi ng babae nang kunin ang hawak n'ya na ticket. Habang naghihintay si Lalaine. Si Carlos nilingon niya. Nakaupo lang ito sa isang upuan malayo ng bahagya sa kanya. Sa cellphone 'to nakatingin na tila may katext. Napailing nalang ang ulo ni Lalaine habang napabuntong hininga. “Wala talaga!" nabulong nya habang muli na humarap sa counter. Sa babae na kanina pa pala siya tinatawag ng hindi niya napapansin. Nawala siya saglit sa ulirat niya sa kakaisip at kakatitig kay Carlos. “Ma'am heto na po yung ticket niyo." sabi ng babae. Tapos na nito suriin at tingnan. Kaya ibinalik na muli nito sa kanya. Ngumiti din si Lalaine. Nakangiti at hindi mawala ang maamo na mukha ng magandang babae na nasa harapan niya. Inabot n'ya at kinuha ang ticket na ibinabalik ng babae. “Salamat!" wika niya na tugon habang ngumiti ulit siya saka tumalikod na at umalis dahil sa may mga tao pa ang nakasunod sa pila niya. Napakahaba na buga ang kanyang ginawa habang tapos na. Nakacheck in na sila. Nakahinga na rin siya pero hindi pa naman natatapos ang lahat eh! Dahil sa hindi niya alam ang susunod na mangyayari sa biyahe nila. Sa mga susunod na araw na magkasama sila. Silang dalawa lang. Pero syempre may mga tao naman duon sa pupuntahan nila. She expected na may makakausap naman siya at makakasama. Hindi naman siya d'on mabuburyo dahil sa mga taong nabanggit sa kanya ng kanyang mga Mommy at Daddy. Mga magulang ni Carlos na todo ang bilin at pag-aalala. Lakad siya sa may papunta sa may upuan kung saan naghihintay si Carlos. Naupo siya. Pero malayo sa tabi ni Carlos. Naghintay lang muna sila don habang wala pa ang flight nila. Delay raw kasi ang announcement na narinig nila. Kaya si Carlos buryong-buryo nabubuwisit at bumubulong habang nakaupo. May isang oras pa sila na paghihintay sa upuan na yon. Kaya asar si Carlos at napamura. Hindi na lang ito pinansin ni Lalaine. Nagfocus siya sa kakaisip ng paraan na kanyang gagawin oras na sumakay na sila sa eroplano. Kinakabahan siya, natatakot. Unang beses niya lang kasi sasakay don. Hindi n'ya maalala. Pero talagang unang beses lang siya sasakay ng sasakyan na uma-angat sa himpapawid. Kaya ganun na lang ang kaba niya. Sa kakaisip kung ano bang pakiramdam pag nakasakay na siya sa eroplano. Kung may dapat ba siya katakutan pag andun na siya sa itaas ng himpapawid. Exciting! Excited siya na worry din. Malalim na buntong hininga. Saka siya napatingala sa mga tao na nasa itaas. Nagkakagulo. Maiingay at ilan ay masasaya na mga nag-uusap habang naghihintay. Habang siya. Napa sulyap kay Carlos, napailing ang ulo. “Wala!" she moaned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD