CHAPTER 38

1674 Words
“Manong wala bang ibibilis?" umikot ang mata ni Carlos habang badtrip itong nagtanong sa driver. Inip na inip na ito. Habang sinuong nila ang mahabang traffic sa kalsada. Gabi na pero mahaba pa rin ang traffic na binabagtas nila. Walang pagkakaiba sa Manila ang sinusuong nilang traffic. Napakahaba at nagka-buhol-buhol ang mga sasakyan sa daan walang nais ang mga magbigay ng kani-kanilang daan sa ilang sasakyan na katulad nila nagmamadali at nais na rin makauwi sa kani-kanilang tahanan. Puno na ng pagkadismaya si Carlos. Pagod sa byahe sa mahabang pagkakaupo. Mula sa airport hanggang sa eroplano na tumagal ng dalawang oras sa himpapawid habang late rin ito nakababa sa paliparan ng Cebu airport gawa ng punuan ang mga gate kung saan paparada ang kanilang sinasakyang eroplano. Dahil sa delayed ang paglapag nila. Nanatili sila na paikot-ikot sa taas. Wala kasi magawa ang piloto ng eroplano kundi ang maghintay na may ma-bakanteng gate para sa kanila. May nauna kasi na lumapag. Gawa ng hindi inaasahan na pangyayari. Nang magka-aberya ito sa taas ng himpapawid. Nagkagulo nga sa airport. Habang sa eroplano kung saan sila nakasakay. Nagkakagulo rin ang mga tao. Lahat kinakabahan. Panay kasi ang announcement ng stewardess. Isama pa ang piloto na panay ang hingi ng paumanhin sa mga nangyari. Yung unang eroplano na bumaba sa kanila. Muntik na ito mawalan ng kontrol ang piloto sa eroplano. Kaya muntik na rin ito bumagsak kung hindi nagkaroon ng emergency landing sa Cebu airport. At hinintay pa nila na matapos ang dapat na susundan nila sa gate na nakalaan para sa kanila. Sa takot ng mga pasahero lalo ng piloto na nagmamaneho nun. Agaran siya nag radio at humingi ng pasensya at tulong sa naging sitwasyon nila sa himpapawid habang naghihintay sa gate nakalaan para talaga sa kanila. Nagkagulo ang mga pasahero. Ilang pasahero sa eroplano mga naiyak at malakas na takot ang bumalot sa mga sarili ng mga ito. Ilan mga nag-suot na nang safety gear upang masiguro ang bawat kaligtasan ng isa't-isa incase the situations hindi magbago at paghahanda na rin sa emergency landing. Marami pa naman ang mga bata. Kaya mas lumalakas pa ang mga alingawngaw mula sa eroplano, sa piloto, sa stewardess na busy at hindi mapakali sa pag-aasikaso sa mga pasahero, isama pa ang mga reklamo ng mga pasahero. Talagang sobrang ingay sa loob ng eroplano. Maging ang mga natatakot napasigaw, nagdadasal na sana wala naman mangyari sa kanila at sa gagawing agarang pag-landing sa baba. Ang ilan pang mga pasaway na pasahero. Nais na mga magsitalon upang makalabas na sa papa-bagsak na eroplano. Nahihirapan man magpa-kalma ang mga flight attendant. Subalit nananatili pa rin sila kalmado upang wag matakot ang mga pasahero. Kinakausap nila isa-isa ang bawat pasahero na natatakot at kinakabahan sa pagbaba nila. Bago pa man makalapag sa baba ang eroplano. Marami na ang mga nakaabang. Ambulance, bumbero, at mga staff at pulis, guard at mga iba pang empleyado sa airport ang volunteer na pumunta sa area upang tumulong incase na may mangyari na masama sa paglanding ng eroplano. Pero pasalamat ng napakaraming tao. Walang nasaktan at safe na nakababa ang eroplano. Mabilisan ang mga galawan ng mga tao na isa-isa na kinamusta ang mga pasahero at isinakay sa service na naghihintay para maihatid sa evacuation na inihanda nila para sa mga pasahero. Ready rin ang mga volunteers na siyang nag-pamigay ng mga pagkain at maiinom maging ang mga nurses at doctor's na siyang umiikot para kamustahin ang lahat ng mga dumating na pasahero. Mula sa taas. Tanaw ang mga nagkakagulo mula sa baba. Kaya habang paikot-ikot ang eroplano na sinasakyan nila. Bwisit naman si Carlos na panay ang mura. Tinadyakan pa nga nito ang nasa harapan na upuan na ikinabigla at ikinalingon ng nakaupo dito. Humingi na lang ng paumanhin si Lalaine. Siya ang sumalo sa masamang tingin ng lalaki. Kahit ngayon na nasa sasakyan na sila. Ganun pa rin ang pag-uugali ni Carlos. Mainit ang ulo na nagmumura mula sa sarili niya nabulong din ito nagagalit ng parang tanga lang. Naririnig ni Lalaine 'yon at maging ng driver. Hindi na lang ito pinapansin. Medyo may kalayuan kasi ang kanilang tutuluyan mula sa airport. Kaya lahat ng traffic at aberya sa daan nasuyod nila. Lahat nalagpasan naman nila ng marahan lang ang usad ng kinasaskayan nila. “Oh, saan ka naman pupunta?" sita ni Carlos ng mapansin ang bigla na pag-liko ng driver sa isang may gasoline station. “Magpakarga lang po Sir Carlos." pagpapaliwanag na tugon ng lalaki kay Carlos. Habang inihinto na nito ang sasakyan sa isang bakanteng kargahan ng gasoline. May nakaabang na duon na tumatakbo na lalaki. “Hello, Boss! Magkano?" nginitian agad ito ng binata na lalaki, ang driver. Mukhang magkakilala pa ang dalawa nang batiin din ito ng masigla ng may ngiti ng driver na kasama nila Lalaine. “Alam mo na, tulad pa rin ng dati." “Okay, boss!" ganun din na tugon nito ng masiglang kinuha ang isang naka-suksok na ipinasok nito sa tangke ng sasakyan na minamaneho ng driver nila Lalaine. Pakanta-kanta pa ang lalaki habang nasa may likuran ito nagkakarga ng gasoline. “Pumunta ka nang airport ng walang karga na gasolina ang sasakyan mo? Ayos!" pahayag na pasinghal ni Carlos. Nagulat yung driver. Maging ang boy sa gasoline station. Nagulat sa inasal ni Carlos. Sa ginawa nitong paninita ng walang galang na halata naman ang mas katandaan ng driver sa kanya. “Carlos!" sambit na panunuway ni Lalaine. Habang tiningnan niya ng mabigat si Carlos at napatingin din ang dalawa sa kanya. Galit ang mukha ni Lalaine. Seryoso na may inis. “Bakit? Tama naman ako di 'ba? Pumunta ng airport walang gasolina? Tapos kung kelan pauwi na lang sana nagkandaipit-ipit na nga sa traffic saka pa naisipan na magpakarga ng gasolina. Anong klase na pag-uutak ba meron y'an driver na 'yan?" gigil nito na sagot. Nagpaliwanag pa, pero wala pa rin ang paggalang nito sa walang kibo at nadismaya na driver sa inaasal ng kanyang anak ng amo. Mabigat na napabuga ito. “Sige na, sayo nalang yung sukli." may pagtitimpi pa rin na nagsalita ito nang magpaalam sa boy ng gasoline station. Nag-umpisa na rin ito na paandarin ang sasakyan upang umalis na sa gasoline station. Hindi rin ito kumibo. Nagmamaneho lang ito ng diretso. “Carlos, matuto kang gumalang. Matanda pa rin ang taong kinakausap at sinasabihan mo. And nakakahiya ang ugali mo. Mano unawain mo yung sitwasyon. Bakit hindi mo tanungin nang maayos. Baka mamaya sa kagustuhan nung tao na masundo agad tayo sa airport dumiretso nalang siya muna bago niya naisipan na magpakarga or may ibang dahilan. Hindi kung makapagsalita ka para kang ikaw nagmamay-ari sa tao. Wala tayo sa Manila. Kaya matuto kang magsalita ng maayos sa kapwa mo. Lalo na wala dito mga parents mo. Nakakahiya!" wikang sabi ni Lalaine. Pagkahaba ng mga sinabi niya na kinaingos ng mukha ni Carlos. Hindi na talaga n'ya matiis ang pagpaparinig nito kangina pa at maging ang madalas nito na pagmumura. Siya ang nahihiya sa ginagawa at inasal ni Carlos. Siya yung kasama. Kaya naman tila siya mas nawawalan ng dahilan para mag sa walang kibo. Ibang tao na kasi ang siyang nasasali, at nadadamay, sa inis at galit ni Carlos sa kanya. Alam naman niya at malinaw sa kanya na dahil sa kanya kaya ganun ito kumilos at umasal. Kasalanan pala niya, kaya imbis manahimik nalang nagawa na rin makisali. Subalit nagulat siya maging driver sa pasigaw at malakas na pagsasalita ni. Carlos. “Pakialam mo ba?" bulalas nito. Pinandilatan siya ng mata. “Sa biyahe na 'toh. Puro kamalasan na lang. Dahil ito sayo." paninisi na naman na wika nito. “Delayed na flight, delayed arrival, traffic tapos naubusan ng gasolina? tang-*n* walang magandang nangyari sa biyahe na 'toh. Puro walang kwenta. Kasalanan mo din ito. Sino bang may gusto na lumipad papunta dito? Sino bang may gusto na magbakasyon na kasama ka? Ikaw, ikaw siguro nag suggest nito kila mom and dad… ano?" panininghal nito ulit. “What? Baliw ka na nga talaga ang taba ng utak mo. Kaya lang utak talangka." sagot na tugon ni Lalaine. Lumalaban. Hindi na rin mapigil ang sarili na hindi patulan at hindi sumagot sa kabila ng bintang na walang katotohanan at basehan. Nanggigigil siya, nanginginig ang mga pinag salikop niyang kamao. Gusto niya bingwasan si Carlos. Nahihiya lang sa driver na napansin ni Lalaine ang pagsilip sa maliit na salamin malapit dito na nakalagay sa may taas ng ulo. Nilunok nalang n'ya. Yung nag-uumapaw na inis. Huminga siya ng malalim ng kanyang hininga sa kabila na pahayag ni Carlos. “Tang-*n* mo! Sino ang baliw? Ikaw na nasisiraan ng ulo. Ang lakas ng loob mong tawagin akong baliw." gigil at galit na muntik pa na sabunutan si Lalaine. Nag pigil lang talaga si Carlos ng mapalingon sa driver na nakikinig at nanunuod. Kaya hindi nito na ituloy ang pag sabunot nito kay Lalaine. Para siyang bata sa naging reaksyon ng napamura si Lalaine at sinabihan siyang baliw. Gigil na ibinaba ang kamay na naiangat niya. Sumayad na mga ang mga palad niya sa buhok ni Lalaine. Napalunok si Lalaine habang takot nito na naipikit ang kanyang mga mata habang hinihintay na lumapag ang kamay ni Carlos sa ulo niya. Hinanda na niya ang sarili dahil alam niyang masasaktan siya. Ilang ulit siya na napalunok. Napa atras sa kanyang pagka-kaupo ang kaba niya na tila lumundag. Nagwawala naman ang utak niya na sabi patulan na si Carlos. Pero maging siya nahiya. Nang mabawasan ang lakas ng loob niya dahil sa driver na ngayon ay seryoso na tinitingnan siya. Umiling ito. Naiintindihan naman niya ang ibig sabihin n'on. Pakiusap nito na wag na lang niya patulan si Carlos. Napahinto si Lalaine ng mapag-isipan ang pakiusap ng driver sa kanya. Tumalikod siya at hindi na tiningnan si Carlos. Hanggang kailan nga ba niya kakayanin ang magtimpi? Hanggang saan siya dadalhin ng mga pagtitiis niya sundin ang kagustuhan ng mga magulang ni Carlos? Umalis na lang kaya siya? Tumakbo wag lang matuloy ang kasal nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD