“Carlos, sa harapan ka na. Sa tabi ka na nang daddy mo maupo." pautos na sabi ni Imy ng mapansin na sa likuran uupo at papasok si Carlos ng magbubukas na sana ito ng pinto. Napakalalim ng hininga na hinugot ni Carlos. Sumunod naman ito sa mommy niya ng walang salita at tugon. Sumakay na siya sa harapan. Sa passenger seat siya naupo. Habang si Carl ay inilagay lang muna sa compartment yung mga gamit ni Lalaine. Saka siya umikot papunta sa may driver seat. Bago pa man siya pumasok. Ipinagbukas niya muna ng pinto ang dalawang babae na magkahawak kamay na naglalakad.
“Honey, pasok na kayo ni Lalaine." pahayag na alok nito sa kanyang asawang si Imy at Lalaine.
Bahagya na napayuko na patango si Lalaine. “Salamat po!" sabi niya, nang siya ay nakaupo na sa upuan sa back seat ng sasakyan ni Carl.
“Wala yon!" tugon na sabi ni Carl, sabay na isinarado ang pinto ng kanyang sasakyan. Saka siya lumakad patungo sa drivers seat at binuksan na ang pinto. Umayos ng kanyang pagkakaupo. Lumingon muna sa likod. Sinulyapan niya ang dalawang babae don. “Ayos lang kayo?" naitanong niya sa dalawang babae sa likod.
“Ayos lang po." si Lalaine.
“Magdrive ka na, baka malate pa tayo sa airport." sabi naman ni Imy.
“Okay!" si Carlos naman ang pinansin nito. “Ikaw? Ayos ka lang ba diyan?" tanong niyang pahayag ng mapansin ang seryoso niyang anak. Hindi sumagot si Carlos. Napailing nalang din si Carl na sa manubela na siya tumingin ng mga sumunod. Tapos ay sa harapan ng kanyang sasakyan. Sa daan kung saan palabas na sila ng bumukas na gate.
Automatic yung gate. Pinindot lang ni Carl ng isang maliit na remote control na itinapat niya sa gate. Kusa na yon bumukas ng buksan na rin niya ang makina ng kanyang sasakyan. “Okay, aalis na tayo." sabi ulit ni Carl ng sumilip pa siya sa maliit na salamin niya sa may harapan. Nakita niya ang dalawang babae. Seryoso na mga nag-uusap na nagbubulungan. Napasinghap siya at saka siya sumilip sa side mirror niya sa kanyang gilid. Medyo umatras sya ng pagmamaneho niya. Saka niya inabante ng pagmamaneho, saka tuluyan na siya nagmamaneho ng dire-diretso.
Nakalabas na sila ng gate ng bahay. Saglit na huminto si Carl. Pinindot ulit ang remote control na nakatapat sa gate. Dahan-dahan yon na sumarado. Nang makita saka mapansin ang pagkakalapat ng pagkakasara ng gate. “Ayun, okay na!" napabuga siya ng nasambit niya. Nakita niya kasi na okay na at nakasara na talaga yung gate. Kaya ayun. Nagpatuloy na siya ng kanyang pagmamaneho.
Naisip pa nga niya ay sana walang traffic sa daan. Dahil kung hindi tiyak na maghahabol sa pagcheck in sa airport ang dalawang ihahatid nila.
“Lalaine, hindi ka pa naman nakapag-apply, right?"
“Hindi pa po, bakit po?" nagtataka na tanong ni Lalaine. Nagulat siya. Pero plan na talaga niya sana mag apply ng work before sana ang kasalanan na nasabi sa kanya ng mga umampon sa kanya. Naisip na n'ya yon. Ang magtrabaho. Iyon naman talaga ang plans niya kung bakit pinangarap niya ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Ang pumasok sa magandang hospital at tulungan ang ibang bata sa bahay ampunan. Syempre. Same with mother superior na alam niya ngayon labis ang pag-aalala sa kanya. Lalo na ngayon. Hindi pa rin niya nababanggit ang about sa kasalanan na magaganap.
Tiyak na mabibigla niya ito. Once na aminin at sabihin niya ang paparating niyang kasal. And she wants na si Mother Superior ang siyang tatayo niya na magulang sa araw na yon. Kaya talagang need niya ipaalam dito. At hindi rin naman niya pwede pang itago. Dapat lang ipaalam niya sa taong importante sa kanya.
“Naisip ko lang muna sana. After niyo ni Carlos maikasal. Baka pwede na focus ka muna sa kanya. Sa pagsasama niyo bilang mag-asawa. Iyon naman kasi ang important. Ang maging on hands ang babae sa kanyang mister." ngumiti si Imy. Hinawakan ang kamay niya. Habang si Lalaine malalim na buntong hininga ang hinugot.
Napaisip siya. Marami ang naglalaro sa isipan niya. Pero mukhang medyo malabo at lagi lang sila, magkakagulo sa bahay kung dun lang din siya at lagi siya nakikita ni Carlos. Na titiyak na rin niya yon sa kanyang sarili. Dahil sa ngayon pa lang ganun naman talaga ang sitwasyon nila.
Nag-iisip si Lalaine.
“Alam ko na masyado na ang mga hinihingi ko. Lahat ng mga pakiusap ko. But, naisip ko lang di ba at mas maganda lang na ganun muna. Para baka sakali maging maayos kayo ni Carlos?" muli na pahayag na sabi ni Imy. Seryoso ito. Napalunok si Lalaine. Hindi halata dahil pasimple lang. Maging ang sunod-sunod niya na buntong hininga. Marahan lang. Seryoso din ang mukha niya.
“Ayos lang naman po sa akin. Pero si Carlos po ang problema. Baka hindi niya naisin ang madalas namin na pagkikita sa bahay. Mas maigi po siguro na magtrabaho na rin ako. Para makaiwas…"
“Hindi naman siguro? Mukhang may bahagyang nakikita ako na magiging ayos din ang magiging pagsasama niyo. But, unti-unti lang siguro. Mabagal man ang usad. Pero alam ko, umaasa ako magiging okay lahat. Lalo na alam ko, alam namin ng Daddy Carl mo na matiyaga ka pagdating kay Carlos. Although hindi man namin, nakikita non ng daddy mo kung paano ka talaga nahihirapan sa mga pag-uugali ni Carlos. Pero, natiis mo naman sa maraming taon at siya na rin ang sumuko. Nakita mo pa na n'on na nakiusap pa siya na paalisin ka? Pero nagbago lahat. Sa ngayon ay hindi na di ba? Lumipas ang mga taon. Wala na kami narinig sa kanya na paalisin ka sa bahay. Kaya naisip namin ng daddy mo na baka nagbago na talaga at natatanggap ka na niya paunti-unti. Nito nalang ulit naulit ng planuhin namin ang inyong kasal." malungkot na sabi ni Imy.
“Pero alam ko, maayos talaga ito lahat. Para sa inyo naman ito eh. Para sa inyong dalawa." malalim na napahugot si Imy.
“Okay lang po, wag po kayo mag-alala. Siguro nga po tama kayo. At ako man po." naputol ang pag-uusap nila ng biglang preno ni Carl sa sasakyan.
“Anong nangyari?" nagulat ang dalawa sa likod.
Si Carlos, nauntog ang ulo at muntik pa na masubsob sa harapan ng sasakyan.
“Sorry, may dumaan kasi na motorcycle. Kaya bigla akong napapreno." pahayag na nagpaliwanag si Carl sa mga pasahero niya na naapektuhan ng biglang pag preno niya.
Tama naman si Carl. May isang itim na motorcycle ang biglang sumulpot kaya bigla siya napapreno. Sa pagmamadali niya sa pagmamaneho. Hindi niya agad napansin ang biglang harurot ng motorcycle na yon. Kaya ayun, biglang preno agad siya ng makita na malapit na ito at konti nalang halos dikit na nga ay saka nya lang nai-preno ang kanyang minamaneho na sasakyan.
“Sorry po, Sir!" napahinto rin ang motorcycle. Bumaba ito sa kanyang motor ng mapansin niya ang takot at pamumutla ng pasahero ng sasakyan na muntik na bumangga sa kanya. “Hindi ko po napansin na nag red light na pala. Patawad po." pang ulit na sabi ng motorcycle rider.
Pinagbukas kasi ito ng bintana ni Carl ng marinig ang katok sa bintana ng kanyang sasakyan. Nang buksan nga niya ito. Panay agad ang paghingi ng pasensya nito. Buti nalang malayo pa sila sa highway. Kaya ang daan wala pa masyado naperwisyo na mga sasakyan.
Swerte pa rin nila. Sila lang ang napwersyo ng motor na biglang sulpot na yon. “Okay lang! Pero sana. Mag-ingat ka sa susunod. Tingnan mo muna mabuti. Bago ka mag drive ng ganun kabilis. Buti na lang nga at walang nasaktan sa atin. Paano kung sa susunod. Hindi ka na mapansin." sabi na may panenermon ni Carl sa rider.
“Pasensya na po talaga." muli na sabi ng rider.
“Okay sige na, mauuna na kami. May hinahabol pa kasi kaming oras. Basta mag-ingat ka nalang sa pagmamaneho mo." sabi ni Carl ulit sa rider. Bago pa niya maisarado ang bintana. Nagpasalamat ito kanya ang rider. Sinaluduhan pa siya nito at malalim na huminga, ngumiti rin sa kanya.
“Salamat boss." narinig pa ni Carl nang tuluyan na lumapat ang bintana. Nag start na rin siya sa pagmamaneho at umalis na rin sa lugar. Bumusina lang muna siya saka sumilip sa bintana. Tahimik naman yung katabi niya walang kibo at ipinikit nito ang mga mata.
Kinakabahan naman si Lalaine. Malapit na rin sila sa airport. Maya-maya lang ay sila na ni Carlos ang magkasama. Maiiwan na siya sa pangangalaga nito. Unang beses niya makarating sa Cebu. Sa bahay nila Carlos.
Alam n'ya kasing matagal na may bahay ang mga umampon sa kanya d'on. Kaya nga lang ay hindi matuloy-tuloy ang plano nila, na pagbabakasyon don. Gawa sa busy at marami din siya ginagawa sa school. Tapos nung mag-start na siya sa pagpasok sa hospital para sa kanyang pagtatapos. Mas naging busy siya. Sa duty pa lang niya sa hospital. Ubos na ubos ang oras niya at wala na siya halos oras para sa mga umampon sa kanya.
Tahimik na ulit. Naputol ang iniisip ni Lalaine ng pisilin ni Imy ang kanyang kamay. “Lalaine, tatawag ka sa amin ahh!" sabi nito. Malapit na malapit na nga sila sa airport. Panay pakiusap, habilin at kung ano-ano ang mga sinabi pa ni Imy sa kanya. Si Carl, habang nagmamaneho ay sumisingit din siya sa pagsasalita habang nakikisali sa usapan ng dalawang babae. Na tahimik lang ito ng mafocus ang mata sa kalsada. Traffic kasi. May stoplight pa. Tapos ay may mga mabilis na sasakyan ang biglang bumulusok ng mag red light sa dinadaanan nila. Gaya kangina. Nagpasalamat si Carl. Ayos naman sila. Walang nasaktan. At lalo na, malapit na sila talaga sa pupuntahan nila.