CHAPTER 33

1343 Words
Habang nasa labas ng bahay si Lalaine at si Carl. Kasalukuyang nag-uusap naman ang mag-ina. Galit pa rin si Carlos. Hindi siya sang-ayon sa sinabi nang kanyang Mommy sa napag desisyunan na travel vacation nila ni Lalaine. To know better each other raw ang paliwanag pa ng kanyang ama at ina. But for him. Isa itong malaking kalokohan. Isa itong trapped para ilapit siya sa taong pinaka kinasusumpa niya. Sa taong ayaw niya mapalapit siya. Pero maiiwasan niya ba? He breathed. Nagliligpit na nang mga pinagkainan ang mga kasambahay nila sa bahay. Ang ilan pa ay mga hindi maiwasan ang mapa-sulyap at makinig sa mga pinag-uusapan ng mga Ina. Ang ilan napapabuga. Napabuntong hininga habang isa-isa na dinadampot ang mga pinggan at kubyertos sa mesa. May ilan na napapabulong sa mga katabi. Napa pailing, napapaisip at ilan na may malalim na buntong hininga. “Bakit kasi pinipilit nila na maipakasal si Sir Carlos kay Lalaine? Kung ayaw naman nito kay Lalaine. Talagang mahihirapan sila. Nakita niyo kung paano magreact si Sir Carlos kangina? Nung kailan lang. Di ba? Nagkagulo pa rito ng umuwi si Sir Carlos na lasing at ipilit nila ang gusto nila maikasal ang dalawa. Hindi pa ba sila nakontento ng sagot-sagutin sila ng anak nila." napapailing wika ng isa sa mga katulong na naglilinis sa mesa. Halos patapos na rin sila sa mga ligpitin. Nagkukwentuhan nalang iba ayon sa mga napupuna nila at naririnig habang nasa dining area sila. Sa lakas kasi ng mga pag-uusap ng mag-ina. Naririnig nila hanggang sa dining. Hindi naman alintana sa mga kasambahay, ang pamimilit ng mag-asawa na maikasal ang dalawang bata sa kanilang tahanan. Saksi rin sila sa madalas na pang aaway at pang aasar ni Carlos kay Lalaine. Naaawa nga sila dito. Subalit wala naman din sila magawa. Dahil di naman katanggap-tanggap ang kanilang opinion. Dahil sa alam din nila labas na sila sa usapang pamilya ng mga amo nila. Kaya wala kahit isa sa kanila ang mga nagnanais na siyang magbigay ng opinion. Lalo na at madalas din sila singhalan ni Carlos. O, kung minsan nga nasisigawan pa sila sa tuwing susuwayin nila o lalagay sila sa gitna once makita nila na umiiyak na si Lalaine sa mga panunuya at mga masasakit na salita na naririnig nila buhat sa bunganga ni Carlos. Sila rin naman. Madalas na sigawan at pag salitaan ng masasakit. Lalo kung uuwi itong lasing na lasing. Walang sinasanto si Carlos. Lalo na kung mainit ang ulo nito. Kaya, halos lahat ng mga kasambahay sa bahay. Tila may mga piring ang mga bibig nila. Bawal magsalita. At kung may nagtangka man magsasalita. Lagot! Paniyak kay Carlos. “Hayaan na natin sila. Wala naman tayo magagawa. But ang inaalala ko lang. Kawawa talaga si Lalaine. Lalo narinig ko after nila maikasal. Bubukod na sila ng kanilang bahay. Hindi na sila dito titira. At mas lalo na tiyak, mapapadalas ang pag-iyak niya." sabi ng isang babae din sa mga ilang kasambahay na naglalakad na patungo sa kusina. May ilan pa na naiwan sa dining. Mga nakatingin din sa may sala kung saan andun. Nag-uusap ang mag-ina. Hindi magpapatalo si Carlos. Pero dahil batas pa rin ang kanyang Ina. Wala rin siya magawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng kanyang magulang. Aalis sila ni Lalaine ngayong hapon. Lilipad sa kung saan ang lugar na napagkasunduan ng kanyang magulang na puntahan nila ni Lalaine. Ayaw man niya. Nakailang pangangatwiran na wala na nga siya sa lugar na sumasagot sa kanyang Ina. Pero sa huli. Tiklop pa rin ang matabil at walang galang na anak. Si Carlos. Kahit anong i-reason niya. Wala kahit isa ang tinanggap ng kanyang Ina. Hindi naman kasi naintindihan ni Carlos ang punto ng kanyang mga magulang kung bakit ganun ang kagustuhan ng mga ito na magkasundo sila ni Lalaine. Kung bakit kailangan na ipagpilitan ang kasalanan sa kanilang dalawa. Kung bakit ngayon nagdesisyon ang mga ito na ipadala muna sila sa isang lugar habang inaayos pa ng mga magulang niya ang ilan pang kailangan mula sa gaganaping kasalanan. But, ang mga kasuotan nila para sa kasal. Naisaayos na pala ng kanyang mga magulang. Sa pagbabalik nila ni Lalaine. Saka sila magsusukat at upang makita nilang dalawa ng kanyang Bride to be ang damit pangkasal. “Malinaw na usapan nating dalawa. Wag kang gagawa ng gulo don. And please. Maging maayos ka naman makitungo sa babaeng pakakasalan mo. Carlos, I know that kind of you. Is not really you. Bakit kailangan mo magtago sa isang lugar na di ka naman capable. Bakit kailangan mo baguhin ang sarili mo sa dating ikaw naman. You're dad and me. Mahal ka namin. Ikaw lang ang iniisip namin. That's why ginagawa namin ito. Ilang beses ba namin dapat sabihin at ipaalala sayo na lahat ng ginagawa namin. Para sa ikabubuti mo. But you really don't understand o baka ayaw mo lang talaga intindihin o unawain it because. Dahil mas pinaiiral mo lang ang pagiging mahina mo sa tunay na ikaw nuon. Malakas at maabilidad. But because, I really don't know. Kung anong talagang nangyari. Kung bakit binalot ka ng ganyan na klase ng pag uugali. I am so sad about what happened to our son Carlos. Please, Carlos. Change. It's not really late to change your self, your attitude. You're being as you… Please, be kind to Lalaine. And maybe… Not not, hindi ko sinasabi na ganun kadali. But, I believe na darating ang oras. Ang tamang panahon. Mapapansin mo rin siya. Si Lalaine. Give her a chance. And open your heart to her. Hindi naman siguro masama na gawin mo yon. She's one a kind daughter na nakita mo yan habang andito siya sa pamamahay natin. Kasama siya, hanggang tuluyan siya magtagumpay sa mga pangarap niya in her life." mahabang pahayag ng kanyang Ina. Napahinto lang ito. Nang napabuga at mapansin na masyado na pala malayo at malalim ang mga pinagsasabi niya sa kanyang anak. Buntong hininga ito na may ilang beses siyang napasinghap din. Nang mapansin ang pananahimik ng kanyang anak “Carlos, be ready, okay. It's only a matter of time, you and Lalaine. Your flight to Cebu. Kaya maghanda ka na. Nasabi ko na rin sa daddy mo para ipaabot sa opisina ang hindi mo pagpasok at pagliban sa trabaho ng ilang araw. They are knows na lilipad ka muna with Lalaine sa isang vacation trip sa bayan natin sa Cebu. So pakabait ka ron. Andun naman ang ilan nating mga tagapag alaga at bantay sa bahay. Anything. Kung ano mga needs niyo ni Lalaine. Tell them. Naabisuhan ko naman na rin sila. And this trip. This vacation. Praktis niyo na rin dito or this will be your start upang mamuhay na kayo lang na dalawa ang siyang magkasama. Wala kami ng daddy mo. And only you and Lalaine only. Kaya, please be kind to her." muli na pakiusap ng mommy ni Carlos, sa kanya. Hindi maipinta ang itsura ni Carlos. Pero nakikinig naman siya sa mga sinasabi ng kanyang Ina. He knows naman. Mali talaga ang mga ginagawa niya na pakikitungo kay Lalaine. But he insisted na ganun pa rin ang gawin at ipagpatuloy lang ang kanyang nasimulan na pakikitungo sa dalaga. But, ano nga ba ang nasa isip ni Carlos. He only knows what on his mind. Kung ano ang naglalaro sa isip niya, sa utak niya at sa puso niya mula sa nasabi ng kanyang Ina. Their flights are four thirty in the afternoon. And according to his mom. Ihahatid sila to make sure na aalis sila pareho ni Lalaine palipad papuntang Cebu. Maghihintay pa sila ng ilang oras bago sila tumungo ng airport. Dahil prepared naman na lahat. Nagpaalam nalang ulit muna si Carlos na tutungo papunta sa kwarto niya upang duon muna maghintay ng oras bago sila umalis papuntang airport. Lumakad na siya paakyat sa kwarto niya. Hindi naman siya sumagot sa mga mahabang nasambit ng kanyang ina. Basta pagkasabi niya ng magpaalam siya umalis din siya agad. And Imy is the only one na naiwan sa Sala. Habang napabuga nalang, at nakasandal sa coach.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD