CHAPTER 41

2058 Words
“Ano po bang nangyayari sa kanila, Tay? Bakit po parang galit na galit si Sir Carlos sa mapapangasawa niya? Baka ano po ang gawin niya kay Ate Lalaine." kabado na naitanong ng dalaga sa kanyang ama. Kinakabahan sila at nagulat sa ginawang 'yon ni Carlos matapos na kunin at hilahin papasok sa kwarto si Lalaine. Kasalukuyang nag-uusap lang sila. Masaya na pag-uusap ng bigla nalang sumulpot si Carlos at akayin ng sapilitan si Lalaine at mahigpit na hinawakan sa braso saka pabalibag na ipinasok sa binuksang pintuan. Nakita nila lahat yon ang mga pangyayari kangina matapos na pumasok ng galit na galit si Carlos. Nakita nila ang pag-aapoy sa itsura nito na tila isang bomba na sumabog. Hindi na nga sila nakakibo at nakapag tanong pa nang ganun na nga sa hindi nila inaasahan na sa pangalawang pagkakataon ay masasaksihan ni Manong Driver ang pagtatalo ng dalawa. Naririnig nila ang lagabog ng pintuan. Nung pabalibag na itinulak si Lalaine, ni Carlos. “Hindi ko rin alam ang talagang nangyayari. Bukas pa naman nandito na at dadating yung mag-asawa." napalingon ang anak at asawa niya sa kanyang sinabi. “Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ng asawa niya. “Bukas kasi ang kasal noong dalawa sa munisipyo. Bukas gaganapin dito. Kaya nga dumaan pa ako ng gasolinahan para magpakarga ng pinagmulan y'on ng away ng dalawa. Hindi ko nga rin maintindihan. Sobrang init ng ulo ni Sir Carlos sa babaeng pakakasalan niya. Hindi ko rin alam ang kwento. Nahihiya din ako magtanong. Basta, ang siyang i-tinawag sa akin ni Sir at Ma'am Imy ay yung dalawa muna ang paunahin nila dito. Tapos, tayo na raw muna ang bahala sa kanila. Pero sa nakikita ko. Mukhang mahihirapan tayo d'yan sa dalawa. Mukha pa naman matagalan sila dito. Parang galit si Ma'am Imy nung marinig kong kausap ni Carlos kangina nung sumilip ako sa labas kung saan siya nagpunta. Nagtatalo sila." mabigat na napabuga ang matandang driver. Mahabang sagot niya na ipinahayag ang kanyang observation sa dalawang sinundo niya sa airport. Nag-aalala siya sa dalawa. Pero mas i-pinag-aalala niya ay ang babae. Ito ang mas i-pinag-aalala niya gawa ng halos mapisa at mapiga na ito sa mga pangit na salita at pagmumura ng lalaking mapapangasawa. Hindi nga siya makatiis. Pakiramdam niya ay nais na niya sana makisingit at manghimasok sa mga away ng dalawa. Pinipigilan lang niya ang sarili at baka mas tumindi pa ang sitwasyon ng pag-aaway ng dalawa kung papasok at makisali pa siya. Kaya naman, he decided to stop. Manahimik na lang at itikom ang kanyang bibig habang nanonod at nakikiramdam sa dalawa. Hindi na siya nakikisawsaw pa hanggang makauwi sila. But, ang pagtigil ng dalawa. Sa bahay pala matutuloy. Sa bahay niya muli ang continuation ng magulo na pagtatalo ng dalawa. “Ouch!" narinig nila. Malakas. Sabay-sabay sila mga napalingon sa lugar banda saan nagmula. Duon sa kwarto kung saan na pumasok ang dalawa. “Tay, mukhang may hindi maganda ngayon mangyayari. Kailangan mo na ata makisali sa dalawa. Katukin mo po kaya sila sa kwarto." pansin at naisip ng dalagang anak na utos sa ama. “Kangina pa sila mga ganyan. Sa sasakyan pa lang." buntong hininga ni Manong Driver pinakamalalim. Nasa isip na nga niya ang katukin. Pero nagdadalawang isip pa siya kung gagawin. Baka siya naman mapagbuntungan ng galit ni Carlos. “Kaya lang, Tay. Si Ate Lalaine baka saktan ni Sir Carlos?" “Hindi naman siguro…" sagot niya na hindi sigurado. “Ikaw din naman. Hindi sure sa sagot mo, Tay. Baka mamaya ano na ang magawa, ni Sir Carlos sa babaeng mapapangasawa niya. Sabi mo nga di ba? Bukas ang kasal nila at bukas andito na rin ang mag-asawa na mga magulang ni Sir Carlos. Baka mamaya ikaw pa ang masisi ng mag-asawang y'on sa mangyayari ngayon sa kanila kung hindi ka pa, makiki-alam pang hihimasukan, ang away ng dalawa. Ako naaawa kay Ate Lalaine. Ano bang klase ng lalake iyang mapangangasawa niya? Walang respect sa babae. Demonyo lang ang gagawa ng ganyan sa babae. Naku, hindi na talaga ako mag-aasawa kung ang mapapangasawa ko tulad niyang si Sir Carlos." marami pa itong sinabi. Napailing nalang ang ulo ng dalawa niyang magulang. Sabi ng nanay niya. “Manahimik ka nalang, may mga ganyan ka pang salita na hindi na lang mag-aasawa. Eh, yung jowa mo 'ba? Ano? Nalusutan na ba yung problema na kinakaharap?" aniya na surprise ang itsura ng dalaga sa pahayag na yon ng kanyang Ina. Bigla ito natawa. Dahil ang sinasabi nitong jowa. Napikot na nang iba. Kaya sinabi niya na hindi na siya mag-aasawa pa. Dahil ang jowa niya. Ikakasal na rin sa iba. At hindi sa kanya na walang alam ang magulang niya na nabuntis din siya ng jowang binabanggit nito. Tahimik na siya. Itinikom na lang ang bibig. Baka mahalata pa siya at magtanong pa ito. Magtaka, at ma-bulilyaso pa ang lihim na itinatago niya. Baka malaman pa ng mga magulang niya, siya naman ang mapagbalingan ng init ng sitwasyon sa pamamahay nila. Baka makalbo pa siya, mailampaso sa sahig o kaya naman mapalayas na siya ng tuluyan ng muntik na talaga minsan mangyari ng sabihin niya na buntis siya. Sinampal nga siya ng kanyang Ina. Tumilapon siya, bumalibag din siya, at bumaliktad sa inuupuan na silya. Halos mabale na ang buo niyang katawan sa lakas ng pagkakabagsak niya. But, ng bigyan siya ng pregnancy test ng kanyang Ina. Nakahinga ito. Nang magnegative ang test sa kanya. Kahit siya. Sobrang lakas ng kaba niya ng hawak niya ang maliit na KIT, iniabot at ibinigay sa kanya ng kanyang Ina. Nanginginig ang mga palad at braso niya, habang hawak yon tinitingnan at tinititigan. Nang buksan na niya ang KIT. Nang nakaupo siya sa inidoro habang naghihintay na maihi. Nangangamatis ang mukha niya, sa lakas ng sampal ng kanyang Ina. At naisip niya na madadagdagan pa yon. Oras na lumabas na ang results ng pregnancy test. “Anong iniisip mo?" nang matigil sa pag-iisip ang dalaga. “Wala po." “Wala? Nabanggit lang ang jowa mong sira ang ulo. Nagkaganyan ka na, natulala at nawala sa ulirat? Bakit? May nangyari ba? Sumagot ka!" tulad ng naisip niya, mukhang mauulit na na naman lahat. Kaya iiwas na siya. Ayaw niya na masaktan ang bata na dinadala niya ngayon alam na niya na may buhay sa sinapupunan niya. “Sorry po! Magpahinga na lang muna po ako. May assignment pa po pala ako. Pasensya na tawagin niyo nalang po ako once na tapos na sila sa loob ng kwarto nila." sabi niya, tuluyan na siya nagpaalam. Ayaw na niya masaktan. “Talagang anak mo na yan. Malihim pa rin. May problema na naman ba siya? O, yung jowa na naman niya ang iniisip niya?" “Hindi ko alam!" sagot ng asawa niya, dahil hindi din naman din nito alam ang nangyari sa kanyang anak. Hindi sa walang pakialam siya. Ayaw niya lang din manghimasok lalo na ngayon ang nasa isip niya ay yung dalawa na nasa loob ng kwarto. Umiiyak si Lalaine. Nakaupo siya sa gilid ng kama ng napaupo pa rin siya ng subukan niya sana na tumayo upang maiwasan si Carlos at lumabas nalang ng kwarto. Kaya lang na galit ito sa kanya. Ang dalawa nitong kamay humawak sa kanyang magkabilang balikat at malakas siyang itinulak paupo. Sa pag-upo niya. Malakas siyang bumagsak dahil sa lakas ng pwersa ni Carlos. Tumama ang balakang niya sa nakausling kahoy sa may gilid. Napaupo siya don. Kaya malakas siyang napasigaw ng masaktan siya. Hindi tumitigil ang pagbagsak ng luha ni Lalaine. Si Carlos sabunot ang buhok. Sumisigaw. “Kasalanan mo talaga lahat 'to." walang tigil nito na paulit-ulit niyang hiyaw at sigaw. Tulad ng madalas na mangyari. Ang paninisi nito kay Lalaine ang paulit-ulit niyang sinasabi. “Sabi ko na nga ba may kakaibang dahilan kung bakit bigla nalang nagdesisyon sila Mom na ipadala tayo dito. And, because of you. Ikaw talaga ang dahilan. Bwisit! Kung bakit na paikot niyo na naman ako. Lintik! Mga bwisit kayo." sigaw pa rin ni Carlos. He was mad for everything he heard from his mom. He was criticizing Lalaine from what happened with him. Wala na siyang masisi na iba. Wala na siyang makita na iba kundi si Lalaine. Tiningnan siya ni Lalaine. Iniangat niya ang mukha niya na may tumutulo pa ring mga luha. “Carlos, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. But, please. Tigilan mo na ang paninisi mo." napalunok siya ng kanyang laway. Pasinghot-singhot siya. At pa-hikbi-hikbi siya. “Hanggang kelan ka magsinungaling? Hanggang kailan mo itatanggi na wala kang kinalaman sa lahat ng ito?" gigil pa rin na pahayag ni Carlos. Nakataas ang isang kilay nito. Matulis na nakatingin kay Lalaine. Chided. Hindi tumitigil ang pagmumura nito. Paulit-ulit. Nakakabingi. Panay sigaw. Walang maayos na sinasabi. Hindi pa rin nakikinig. Kung ano lang lumabas sa bibig siyang kanyang sasabihin. “I am sorry. Masaya ka na?" nanginginig ang boses. Her voice growled. Pero, sa wakas. Binalibag ang pinto. Lumabas si Carlos sa kwarto. Naiwan mag-isa si Lalaine. Umiiyak pa rin. “Manong, I need the car key. Please, give me." mapang utos nitong sabi, nakalahad ang isang kamay. “But, Sir Carlos. Masyado na gabi at delikado na sa labas.." “I do not care. Just give the key. Tapos, enough wala na akong sasabihin. Yung susi ng sasakyan lang ang kailangan ko. Give the key to me." Chided. Pasigaw na wika niya sa mag-asawa. Kahit ano pang pa-mimigil nila kay Carlos. Hindi nila mapigilan ito. Ipinag-pilitan nito makuha ang susi at magmaneho sa dis-oras ng hating gabi. Lumabas ito ng bahay ng nagmamadali magmartsa ang mga paa at pabalibag na binuksan at isinarado ang pintuan. Bastos! Wala talaga paggalang na natitira sa kanya. Masunod lang ang gusto. Makaalis lang sa bahay na yon. Wala siyang pakialam kung may nasagasaan man siya na damdamin o nasaktan. Baliw na talaga ata si Carlos. Sumakay ito sa sasakyan at pabalibag din isinarado. Mahigpit ang bitaw at hugot ng hininga n'ya. Nakasandal sa upuan sa driver seat. Habang ipinikit ang mata. Tumulo ang luha. Saan ba siya pupunta? Hindi na ba talaga magbabago ang Carlos na mas malaki ang pinagbago sa nuon. Kesa sa ngayon? Hindi na nga niya nakilala ang mag-asawa. Kahit ang driver na binastos niya. Hindi na niya natandaan pa. Kahit itong mag-asawa na 'toh ang ilan sa mga tao na naging malapit kay Carlos nung bata pa siya. At nung na nasa Cebu pa sila ng kanyang pamilya. Ito ang mga tao na madalas niya takbuhan at lapitan sa tuwing gusto niya mamasyal sa dalampasigan na may kalayuan pa nuon sa lugar kung saan nagpatayo ng malaking bahay ang kanyang mga magulang. Wala pa mga anak non ang mag-asawa. At magkasintahan pa lang n'on ang dalawa na nangangamuhan at namamasukan sa kanyang mga magulang. Habang madalas siyang ipinagmamaneho ng lalaki at ang babae naman ang madalas na nagluluto sa kanya ng mga paborito niyang mga pagkain nung bata pa siya. Wala na! Mukhang burado na talaga lahat kay Carlos ang masayang bahagi sa buhay niya nung bata pa siya. Puro na lang galit at sama ng loob ang laman ngayon ng kanyang puso at isipan. Ang mga katwiran niya, ang selos at panibugho na hindi mawala dahil sa mga maling bintang niya sa babaeng pakakasalan na buong akala niya. Siyang may pakana ng lahat. Siyang may gawa at pakiusap sa mga magulang niya dahil sa alam niya. Malakas ang pakiramdam niya na malaki ang pagkagusto nito sa kanya. Pero, wala pa siya napapatunayan. At kung totoo man. Hindi kailanman naisip ni Lalaine ang ipakiusap ang sarili niyang kaligayahan para lang makuha ang lalaking laman ng puso niya at minamahal. Katangahan na yon! Pero, kailanman ay hindi pumasok kahit masaya man siya at nagdidiwang man ang puso. Pero, nagdurusa pala ng husto. At iyon ay dahil sa taong laman ng puso niya. Magulo! Sadyang magulo ang kwento ng buhay ni Lalaine, lalo pagdating sa sarili niyang kaligayahan. Masyado magulo. Dahil alam naman niya na kailanman ata ay hindi siya makukuhang mahalin ng lalaking yon. Ang lalaking laman ng puso niya! Hanggang ngayon. Kahit labis na siya nasasaktan at pinag dudusahan, ang pagkakamali na minahal niya ito. Yumuko si Carlos sa manibela, habang tumutulo ang luha. Ganun din si Lalaine. Habang pinagsalikop ang kanyang binti. Yakap niya ito. Yumuko at umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD