CHAPTER 40

1432 Words
“Mom, why you and dad didn't tell me about our vacation house here in Cebu where some people live? Are there things you and dad are hiding or not telling?" mabigat ang mga buntong hininga niya mula sa inis na nararamdaman niya ng marinig sa anak ng driver ang pagsasama nila ni Lalaine sa kwarto habang sila ay naka-bakasyon ngayon sa Cebu. Hindi niya matanggap na ang gaya ng isang ampon na napulot ng kanyang magulang makakasama niya sa kwarto. Malalim na napabuntong hininga siya ulit habang hinihintay ang sagot mula sa Ina na kausap niya sa cellphone. Agad siyang tumalikod kangina at lumakad ng mabilis upang makahanap ng lugar kung saan niya kakausapin at tatawagan ang kanyang mommy. Ngayon, kausap niya sa cellphone si Imy ang mommy niya na biglang napatigil sa pagsasalita gawa ng mga nasambit ng anak. She was shock dahil sa agad pala nito nalaman ang mga napag usapan nila ni Carl. Ang sabi niya sa kanyang asawa. Duon muna nila hahayaan magsama ang dalawa sa bahay ng kanilang driver. Upang matuto ang dalawa ng mas maaga. Kung paano sila magsasama sa isang bahay. Kung paano mamuhay ng simple at walang karangyaan. Hindi puro pera ang nasa isip. Iyon ay para sa anak nila na si Carlos na walang ginawa kundi ang panay reklamo nalang. Sita at kung ano-ano ang napupuna at pinapansin. “Ano 'mom?" disgruntled na wika. “Wait, I am sorry kung hindi namin nasabi sayo agad. But, please understand." pakiusap na pahayag ni Imy, malumanay siyang nakiusap sa anak habang si Carlos, spiteful. Hindi makaunawa at panay ang reklamo. He always shouted to his mom. “What? Understand? Are you crazy, mom? Sasabihin mo sa akin. Please, understand? Para saan? Sa mga kalokohan na pinag planuhan niyo ni Dad?" displeasure. In such manner, si Carlos sa mga ngingit n'ya nakikipag sagutan sa kanyang Ina. He indeed na mali ang mga pinagsasabi at mga kagustuhan na mangyari ng kanyang dalawang magulang. And he noticed na talagang may nag-sabwatan sa bakasyon na ngayon ay kanya naman napasukan. Hindi siya makapaniwala na pumasok siya sa ganitong sitwasyon. Pumayag siya sa mga kagustuhan ng kanyang magulang. It is difficult for him. Sobrang nabibigatan siya at parang hindi na n'ya kakayanin pa ang mag-sunod-sunuran nalang sa mga dikta ng kanyang mga magulang. “Tiisin niyo nalang muna diyan, kila Mang Matias na tumuloy. Diyan muna kayo ni Lalaine. Until the end of your vacation. And, it is for good reason naman na d'yan muna kayo tumuloy and para sa inyong dalawa ni Lalaine din naman ito." “What?" again, nakakapangilabot nitong tugon. Mas bumuhos ang inis na pinaghalo sa galit niya kay Lalaine. Na dumagdag pa ang mommy niya, kasama ang daddy niya na alam niyang katabi lang din ng Ina habang kausap siya. Mabigat ulit siya napabuntong hininga. He can't expect na talagang seryoso itong nagsasalita niyang Ina habang pinakikita niya na hindi siya pabor at hindi niya gusto. Ang iginigiit nito, at ang panggigipit nito sa kanya. He cannot allow it. Ayaw niya at ito ang pilit niya na ipina-iintindi sa kanyang mommy. But his mom, hindi nakikinig sa kabila ng mga reklamo at pagtanggi niya sa sinasabi nito. Sabi pa nito sa kanya. “I think you need to understand, Carlos, that simple life is much better than luxurious life. Hindi pera palagi ang dapat na nasa isip mo. What if one day lahat ng meron tayo. Mawala sa 'tin? Sa'yo? Do you understand?" Hindi nga niya maintindihan ang ibig sabihin at ipinipilit ng kanyang mom. Ang labo. Kahit siya naguguluhan sa mga pinagsasabi ng kanyang Ina habang nagpatuloy na naman ito sa pagsasalita. Kumulot ang nuo niya. “Lalaine knows that. Dahil lahat napagdaanan na niya, lalo na ang mabuhay ng walang pera, but you? You always depend on what I and your dad gave you. Siguro from now on. After your marriage. Mas mabuti na pinagtatrabahuhan mo na lahat ng mga ikakabuhay niyo mag-asawa. Hindi na kami magbibigay ng support to both of you. Lahat ikaw na ang siyang magtatrabaho like what your dad do, after we got married at nagsama kami. Para malaman mo na lahat ang mga responsibility ng isang padre de pamilya." biglang naputol ang linya. Matapos ang napakarami at pagkahaba-haba ng sinabi ng kanyang Ina. Naiwan siyang tulala. Napatigil. Parang lumutang ang isip niya sa mga yon. Napailing ang ulo n'ya. Hindi niya makuha ang mga ibig ipunto ng kanyang Ina. He came back sa lahat ng mga yon. Para sa kanila? Para sa kanilang pagsasama? Para saan daw? habang tumunog ang cellphone niya. Not call. Isang text message ang natanggap niya from his mom. “Carlos, prepared for tomorrow. You and Lalaine, maaga kayo bukas sa city hall. Para sa inyong civil marriage." hindi niya alam kung ikatutuwa pa ba niya, ang panlalaro sa kanya na ginagawa ng kanyang Ina. Nauubos na siya. Tila siya kandilang upos na. Sa mga larong ginagawa ng kanyang mga magulang. Tomorrow? wow! Talagang sobrang pang gagago na 'to. And maybe, alam din niya ito. Napalingon siya sa may pinto. Sa nakabukas na pinto. Naririnig niya mula sa pwesto niya ang mga huntahan ng pamilya na nasa loob. Ngingit ang kanyang sarili. Nagngingitngit siya sa galit ng malaman ang sumunod na gusto sabihin ng kanyang Ina sa lahat ng mga wala siyang naintindihan kahit isa. Hindi pa siya dini-retso. I-nunti-unti pa nito sa kanya. Sa huli ay duon din pala ang tapos ng mga nasabi na. “Ate, nurse ka diba. So, nakaduty ka na sa hospital, right?" masigla na tanong nito kay Lalaine. After nila dumating at makapasok sa bahay ng pamilya na ngayon kaharap nila. Naghihintay sila kay Carlos. Hindi pa sila makakain. Dahil sa lumabas pa ito ng bahay. Ayaw naman ng mag-asawa na maiiwan si Carlos ng walang kasama at kasabay sa pagkain nito. “Oo!" “Hindi ba mahirap?" “Hindi naman." sagot niya. “Kasi, gusto ko rin maging nurse. Kaya lang natatakot ako magduty sa hospital. Ayaw ko makakita ng dugo. Kinikilabutan ako." nangiting pagkukwento nito. Habang napalingon sila at naputol ang usapan ang masayang pag-uusap nila ng pumasok si Carlos ng may masama at mabigat na titig sa kanya. “Sumama ka sa akin." bigla na lang ito lumapit at hinawakan sa kamay si Lalaine. Pilit nito na hinila si Lalaine paangat sa pagkakaupo niya sa silya. Nasasaktan si Lalaine. Pero wala siyang magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Carlos sa kanya. Hinila siya nito palabas ng pinto. Pero saglit na napaisip ito. Hinila siya nito paakyat. Mali! Kaya bumalik ito at sa kwarto na itinuro ng dalagang bata kangina sa may dulo ng bahay. Sa baba lang. Duon niya dinala si Lalaine. Walang idea pa si Lalaine. Kung bakit ganun na lang ang naging inasal ni Carlos sa harap ng mga taong kausap niya. Nagtaka siya maliban sa nasasaktan talaga siya sa pagkakahawak nito sa kanya. Subalit ayaw naman siya bitawan nito kahit nagpupumiglas siya. “Ano 'bang problema mo? Bitiwan mo 'nga ako. Nasasaktan na ako, Carlos." sambit niya habang pilit na hinahatak ang braso niya upang mabitiwan nito. Kaya lang ay lubhang malakas ang pwersa ng pagkakahawak ni Carlos sa braso niya. She wanted to tell Carlos that it was useless in what he was doing badly to her. Kung hindi niya sasabihin kung ano ang ikinagalit na naman nito sa kabila ng hindi na niya nga pagkibo. Pero heto na naman parang nag-iinit na tambutso, 'ang bibig nito nagngingitngit na nagdadabog habang patulak siya na ipinasok sa loob ng kwarto. Bumangga si Lalaine sa may pinto ng hindi pa iyon tuluyan na nagbukas ng mabuti dahil sa pag-tulak pabukas ni Carlos. Tumalbog ang pinto pabalik na siyang tumama sa likod ni Lalaine. Napadaing siya sa sakit dahil sa pagtama niya sa doorknob ng pintuan. Hawak ni Lalaine ang tinamaan ng doorknob. Sa may banda niyang balikat tumama iyon. Napangiwi siya sa sakit na kasama ang mabigat niyang buntong hininga. Naiiyak na siya sa mga nanlilisik na mata ni Carlos sa kanya. Itinulak na naman siya nito palayo sa pinto upang isarado iyon. Ano ba 'ng binabalak ni Carlos? Natatakot na si Lalaine na napaupo at bumagsak sa sahig. Nanginginig siya na nakaangat ang tingin sa talim ng mga tingin na ipinukol din ni Carlos sa kanya. Ano ba talaga ang binabalak ni Carlos? Habang natigilan pa ito. Pero nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa nakaupo sa sahig na si Lalaine. Dapat na ba tumakbo si Lalaine? Paano kung hindi nga niya maigalaw at maikilos ang sarili sa takot dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD