“Tama na po, Uncle. Baka mapano pa po kayo dahil sa sobrang galit n'yo kay Carlos. Chill lang muna po." bulong ni Lalaine, pabiro. Pero hindi natawa si Carl sa kanya. Galit pa rin ang itsura nito at nanginginig pa rin sa galit kay Carlos.
“Honey!" malamig na boses na pagbigkas ni Imy. “Tama na, baka mapano ka nga. Tama si Lalaine. Wag mo na patulan si Carlos. Hayaan mo siya, total naman wala na rin siya magagawa sa desisyon natin na dalawa na maikasal silang dalawa ni Lalaine. Magalit man siya. Tapos na lahat at isinaayos na rin naman natin lahat para sa kanilang dalawa."
“Ikaw na bata ka! Pumasok ka na sa kwarto mo." sigaw ni Carl kay Carlos. Duro nito ng daliri habang inutusan si Carlos na tumayo na mula sa pagkakasalampak nito sa sahig.
“Hindi ka pa tatayo?" angil sa inis ni Carl pa din na tanong niya kay Carlos. Nang ikabitaw nila Lalaine at Imy kay Carl ng bigla itong magpumiglas upang hawakan sa kwelyo si Carlos at sapilitan na maitayo.
“Sabi ko tumayo ka! Hindi tingnan ako ng ganyan." ingos na pagpapahayag ni Carl kay Carlos na masama ang tingin sa kanya.
“Wala ka talagang respeto. Hayop ka!" sinuntok na naman ni Carl sa mukha si Carlos na kinadugo na nang panga nito. Ang namula kangina. Pumutok na nang tuluyan at dumugo.
Pinunasan ni Carlos ng kanyang palad ang dumugo niyang panga. Saka siya tumingin sa daddy niya. “Iyan naman ampon niyo ang madalas na magaling at tama sa inyo ni Mom." sagot niya, nakabusangot ang mukha.
“Wala na kayo makita kundi puro siya. Mula nalang ng dumating 'yan dito. Siya na lang… siya na lang lagi, D-daddy." tuluyan na lumuha si Carlos at umiyak.
“Aba't!" nang umangat ulit ang kamao niya. Sinalo ni Imy ang dapat sana ay kay Carlos.
“Honey, tama na please." pakiusap ni Imy. Siya naman ang bitaw ni Imy at kay Carlos lumapit.
“Okay ka lang?" tanong ng nag-aalala. Habang niyakap niya si Carlos. Mas humagulgol si Carlos sa kanyang pag-iyak ng magawa ng mommy niya na lapitan siya.
Naaawa na si Imy kay Carlos, at parang dinudurog din ang puso niya buhat sa hinaing na sinabi ni Carlos. “M-mommmm" parang bata na umiiyak si Carlos sa kanyang Mommy. Hinagod naman ng palad ni Imy ang likuran ni Carlos habang umiiyak ito.
“Tama na, say sorry to your dad." pakiusap ni Imy habang sinusuyo si Carlos at yakap nito. “I am sorry, son. Nabigla din kami." she sighed.
“Nabigla din kami ng daddy mo." parang bumaliko ang nangyari dahil sa pag-iyak ni Carlos na kinalambot ni Imy.
Si Carl, hawak pa rin siya ni Lalaine. Napatulala siya habang nakatingin sa anak niyang umiiyak.
Napaisip siyang bigla na hindi rin talaga tama ang nagpadala siya mula sa galit niya sa kanyang anak. Bigla nabaliko ang galit ni Carl at awa para kay Carlos ang bumalot sa kanya.
Awa ang natira, galit niya ay bigla nalang nawala at kinaluhod niya.
Binitawan siya ni Lalaine nang mapaluhod si Carl upang saluhan ang mag-ina niya na magkayakap na nakasalampak sa sahig nila sa sala. Yumakap si Carl sa kanyang mag-ina.
“I am sorry, son!" umiiyak na rin si Carl, sabi niya habang humihingi ng tawad kay Carlos dahil sa nagawa niyang pagsuntok dito.
“S-sorry, D-dadddd." humagulgol muli si Carlos ng yakapin siya ng kanyang ama. “I am so sorry, dad."
Si Lalaine habang nakatayo. Tumulo na rin ang luha habang nanunuod. Pinunasan niya ng kamay ang luha niyang sunod-sunod na bumagsak mula sa kanyang mata.
Tumalikod pa siya, nahihiya na makita siya ni Carlos, Uncle Carl niya at Auntie Imy niyang umiiyak.
“Pasensya na, hindi ko po sinasadya na masagot kayo ni Mom, sorry… Daddy, sorryyyy." ikinayakap niya ng braso ni Carlos ang daddy niya habang pilit niya ito inabot mula sa pagkakayakap sa kanila ng kanyang Mommy.
“At least alam mo na rin ngayon ang mali mo." sagot ni Carl. “Ayos na sa amin ng mommy mo na humingi ka ng sorry. Basta next time sana alam mo rin ang hangganan mo sa pagiging anak namin ng mom mo." ani ni Carl sa kanyang anak.
“Carlos, ayaw ko rin na ganito tayo. Hindi maganda ang pagtaasan mo kami ng boses ng mom mo. Dadating ang araw na magkaanak din kayo ni Lalaine. At alam kung ayaw mo rin na danasin mo ang sagutin ka ng magiging anak n'yo. Kaya, please. Baguhin mo na ang ugali mong 'yan. Wag mong sanayin ang sarili mo sa pagiging brusko at bastos na anak sa amin ng mom mo." pakiusap ni Carl.
Hindi naman kasi dati ganito si Carlos. Ang sumasagot sa kanyang magulang. Malambing si Carlos. Mabait din ito at hindi sila sinasagot. Nagbago lang talaga habang lumalaki ito. Nakukuha niya ang ugali ng mga batang nakakasalamuha.
Ang mga nagiging kalaro at kaklase sa eskwelahan. Maging sa paglaki nito mas lalo pang lumala. Lalo na nung pumasok na ito sa kolehiyo at natutunan na niya ang makipag barkada sa iba.
“Sige na, umakyat ka na! Magpahinga ka na at sa susunod na linggo lalakad tayo upang tingnan ang ipinagawa namin para sa inyo na damit na gagamitin niyo sa inyong kasal." ani na mababa ang boses na pagkakasabi ni Imy.
“Hindi ba talaga pwede…" Umiling si Imy.
“Hindi na!" sagot ni Imy.
“Tulad ng nabanggit namin kangina. Ayos na lahat. Prefer na lahat. Kayo nalang ang kulang. Upang sukatin ang mga damit n'yong dalawa.
“P-pero, Mom…" nang hindi na naman natutuloy ni Carlos ang sasabihin ng magsalita ang kanyang daddy.
“Carlos, hindi na pwede, wala nang pero. Okay na lahat at para naman din sayo ito. Kay Lalaine, para sa inyong dalawa."
“P-papaanong para sa aming dalawa?"
“Para sa ikabubuti n'yong dalawa. Para sa magandang kinabukasan nyong dalawa. Para sa future n'yong dalawa upang masure namin na magiging maayos kayo… Incase na mawala man kami ng mommy mo sa mundo."
Nagdrama pa itong si Carl habang nagpapaliwanag sa kanyang anak.
“M-mom!" nang ikalingon niya sa kanyang mommy.
“Carlos, soon maunawaan mo rin ang ibigsabihin ng sinasabi namin ng daddy mo. Sa ngayon, ang important. Matuloy na natin at matapos ang preparations ng kasal n'yong dalawa." she sighed. Habang nagpapaliwanag din si Imy kay Carlos.
Si Lalaine tahimik pa rin sa isang sulok habang nag-uusap na rin sa wakas ng maayos at walang sakitan at sigawan, sila Carl, Imy at Carlos.
Ayaw din tumigil ng luha niya. Subalit malalim ang bawat paghinga niya. “Lalaine!" nang ikalingon ni Lalaine.
Si Carl ang tumawag sa pangalan niya.
“Po?" aniya.
“Okay na!" may manipis na ngiti, kasama habang sabi ni Carl kay Lalaine.
She sighed. Hindi niya alam ang magiging sagot niya. Tatawa ba siya o ngingitian niya si Uncle Carl niya sa biro nito.
Instead, tumango na lang din siya. And she sighed again.