“Kamusta ka?"
“Ayos lang." malamya niyang tugon. Halos walang buhay niya na sagot. Afterwards, she sighed.
“Parang ang bigat ahh!" tanong ulit nito.
Si Trisha, kasama niya ngayon kumain lang sila sa labas. Nagbonding at matagal na rin ng huli sila magkita na dalawa.
“Medyo!" tugon niya na parang mabigat nga. Halos walang lakas o pwersa na pagkasabi n'ya.
“I already know what your problem is."
Lalaine sighed again. While Trisha was smiling, she teased her. “It is about your wedding, right? Kamakailan lang nabanggit mo na ito di 'ba?"
“Yes!" ganun pa ring tugon niya na kinatawa ni Trisha.
“Oh, why do you look like that? It doesn't seem to be painted with the sharpness of the look. Daig mo pang binagsakan ng isang baldeng mapaklang tinta. Mali, ano bang matatawag na mas maganda d'on?" pakuwari ay nag-iisip pa si Trisha.
Napalunok ito, habang iniisip niya at kinangiti ng maisip na n'ya. “Ohh!" dinilaan niya pa ang kanyang labi at binasa gamit ang dila.
She sighed!
“Wala akong maisip!" sinabayan n'ya ng pagtawa. Kaya nga lang ay hindi nagawa matawa ni Lalaine sa ginawa niyang joke.
“Ang korni!" sabi ng isang boses.
Sabay na lumingon sila Lalaine at Trisha.
“Carla!" sambit ni Trisha na masaya. Tumayo agad ito at sinalubong si Carla. “Nasaan si Mira?"
Nagkimpit siya ng kanyang balikat si Carla.
“Hindi ko alam sa babaeng 'yon. Nahihirapan kasi siya ngayon. Alam niyo na! Hirap daw siya magbuntis. Pero para sa akin. Parang hindi naman. Makikita n'yo incase na humabol siya dito." tugon ni Carla sa tanong ni Trisha.
Mga kaibigan ni Lalaine sina Trisha, Carla at si Mira na wala pa.
Si Trisha, nakilala niya noon ng papasok siya sa kanyang school. Although, unang beses niyang bibiyahe sa labas. Sasakay ng jeep, na hindi alam kung saan siya tutungo.
Nung unang araw niya kasi sa school ng mag-enrol siya kasama ang mga foster parents niya. Syempre, nakasakay pa siya sa sasakyan ng mga ito. Kaya hindi siya nahirapan sa pagpunta sa school. But, after that, siya nalang.
Nang matapos na kasi siya makapag-enrol. At dahil unang aral niya papasok sa school. Napansin n'ya agad ang nakasimangot na mukha ni Carlos. Kaya ayun.
She was no longer a nuisance or even requested to be delivered. But her Uncle Carl's wish is that before he could have entered the office, he wanted to take Lalaine to school. Lalaine declined her uncle's request; it was because of Carlos.
Nag-aalala nga ang kanyang Auntie Imy. Kaya lang sinabi niya na malaki na siya, at dapat matutunan niya na kung paano bumiyahe mag-isa. Hindi siya dapat umasa lang palagi sa mga foster parents n'ya. Dahil sa may mga inaasikaso din ang mga ito at mga pumapasok pa sa opisina.
Pero ang totoo. Takot lang siya kay Carlos. Dahil sa madalas na may masamang tingin ito sa kanya.
“Buti naman at dumating ka na!"
“Dapat nga kangina pa!" sagot nito na kanyang kinaupo na rin niya sa upuan na bakante.
“Bakit nga ba inaasar mo itong si Lalaine?" tanong na nagtataka ni Carla.
“Hindi mo nakikita? Bulag ka ba o blind?"
“T*nga! Parehas lang 'yon. Tinagalog mo lang at Ingles ang isa." pahayag nito na tumawa. Pero si Lalaine, wala man lang reaksyon pa rin.
“Ayy, ganun ba? Kala ko bingi ka o deaf." sinabayan pa nito ng tawa ang inulit niya lang na joke.
“Ang korni mo talaga if ikaw ang maggawa ng joke. What is small and medium is large, how about the extra small?"
“A-ano?" bulas na tanong ni Trisha.
Tumawa si Carla. “T*nga! Joke ba yan o kabobohan?"
“Anong equal?"
“Letse!" sabi ni Trisha nainis na sa mga paligoy-ligoy na kalokohan ni Carla.
“Hanep! Hindi naman joke iyan. Katangahan, parang itong katabi ko." turo ng nguso sa katabi niyang wala pa rin kibo.
Nag-iisip pa rin itong si Lalaine habang nakaupo at busy ang kanyang mga kaibigan na nagbibiruan sa isa't-isa.
*****
“Hey, are you doing okay?"
“Ayos lang ako."
“Bakit parang hindi naman?"
“Paanong parang hindi naman?" balik niyang tugon.
“Wala naman!"
“Ang labo mo." inis niyang tugon.
“Ikaw itong malabo. Kangina pa tayo andito. But wala ka man lang imik habang kami ito hindi maubos ang kaingayan." ani ng isa pa niyang kabarkada.
Nasa bar sila. Natural ay maingay sa lugar. But sa dami ng ingay. Siyang dami rin ng kanyang katahimikan.
Kangina pa nga naman sila nasa bar. Pero sa mahabang oras na lumipas. Walang imik o hindi man lang kumikibo o nakikisali itong si Carlos. Tahimik lang siya sa isang sulok. Although umiinom. Nakailang bottle na nga siya ng beer. But parang walang epekto sa kanya.
Sa ilang bote na straight niyang tinungga. Kinatatawa pa nga ng kanyang mga kaibigan. Para raw mauubusan ito ng alak sa pagmamadali na inumin lahat ng bote ng alak na nasa kanyang harapan. Sugapa.
“Tol, isa lang naman ang problema n'ya. Yung kapatid nyang ampon. Kahit nuon naman… di 'ba nga. Iyon at iyon lang ang kanyang problema. Wala naman iba. Natural, siya pa rin ang pinoproblema ng ating Carlos." nang-aasar na sabi ng isa pa sa kanyang mga kaibigan.
“True!" parang mga babae kung nag-uusap sila. Madaldal.
“Oyy, Carlos." nang ikalingon ni Carlos pero blangko ang mukha.
“Magsalita ka naman diyan. Aba't kangina pa kami dumadaldal. Pinag-uusapan ka! Pero parang balewala sa'yo."
“Kaya nga, why you're so tahimik." binatukan naman ito ng katabi n'ya.
“Ouch!" masamang niyang tiningnan ang bumatok sa kanya.
“Sundutin ko kaya 'yan ng mawala ang sama ng tingin mo sa akin."
“Asar ka naman kasi!" pag-angal nito.
“Pikon ka naman agad."
“Mambatok ka ba kasi!" sagot nito.
“Sorry na!" pagsosorry nito. Mga lasing na rin kasi sila.
“Wait! Itong si Carlos dapat ang pinapansin natin eh!" baling nito kay Carlos.
“Kelan ba kasal?" tanong sa nagsalita.
“Malay ko! Bakit sa akin ka nagtanong?" reklamo nito. “Bakit hindi sa kanya?" sabay sila lumingon kay Carlos. Siya ang itinuro nung nagsalita.
“Carlos?"
“Hindi ko rin alam. Basta alam ko at nasabi nila Dad, and Mom. Ready na lahat!" he sighed. Nawalan muli ito ng kibo at sa boteng hawak siya tumitig.
“Ang labo naman. So, tuloy na tuloy na pala?" Tumango siya. Si Carlos.
“Wala na! Kahit umayaw ako, kahit tanggihan ko. Wala din. Kasi nga ayos na lahat at nakaset na."
“Ohh!"
“Iyan ang bagay na masaklap." usal nito, ikina-ungol ng isa nilang kasama. Yung halos nakahiga na sa pagkakaupo sa sobrang kalasingan.
“Hoy, umayos ka nga." nang kalabitin ito ng isa. “Gumising ka! Wala ka pa sa bahay mo." bulalas na sabi ng gumigising sa inaantok nilang kasama.
“Teka! Saglit lang, inaantok ako. Gisingin mo nalang ako if pauwi na tayo." inaantok at himikab nang ito ay sumagot. Antok na antok na siya sa dami ng nainom na alak.
“Isa ka pa! Itong si Carlos ang may problema. Hindi naman ikaw… Kung bakit nauna ka pa nalasing." panunumbat na sabi nito sa lasing nilang kasama. Hindi na ito nakasagot. Nakatulog na rin ito nang tuluyan.
“Grabe, ewan ko sa inyo. Ang lalabo n'yo."
“Hayaan mo na ang isang iyan matulog. Mukhang may nangyari rin sa bahay nila kaya siya ganyan." sabi nung isa pa nila kasama.
“Pero, itong si Carlos ang balikan natin." bumaling ulit sila kay Carlos.
“Carlos, sure na nga ba talaga pakakasalan mo ang foster sister mo?"
“Sabi!" walang gana na sagot niya. Si Carlos, tumungga pa ng alak sa bote na hawak-hawak n'ya.
“Iyon ang sabi nila. Nakita n'yo ba 'toh?" turo niya sa nangingitim niyang panga. Yung nasapak ng kanyang Daddy.
Sabay na napatingin nga sila. “Ohhh!" ungol ng isa. Napapikit na kinusot ng isa pa ang kanyang mata. Nilakihan nito ang pagkakadilat niya sa kanyang mata at tiningnan ang itinuturo ni Carlos. “OMG! Gawa ng erpats mo?" Tumango si Carlos sa kanya.
“Gosh! Nagawa talaga nila sayo 'yan?"
“Oo, nakita mo nga di 'ba." sagot ni Carlos.
“Grabe naman." he sighed
“Oo, grabe na ikaw ang real son. But parang mas favor pa sila sa ampon nila." tugon nito.
“But... bakit ka pala pumayag?"
“May magagawa ba ako?"
“Sabagay!" lupaypay ang balikat na tugon.
Napalunok naman din yung isa. “Tibay mo, pre. Kung sa akin gawin iyan ng parents ko. Lalo na siguro ng erpats ko. Baka lumayas na lang ako at iniwanan ko na ang title ng pagiging anak nila. Pero sa kalagayan nga lang natin. Mukhang mahirap, lalo na at wala pa tayo maipagmamalaki. Pera pa rin nila ang ginagastos natin eh! Sa pera pa rin nila tayo umaasa." pahayag ng isa.
“Sige na, next time na lang ulit." biglang nagpaalam si Carlos. “Saka na tayo mag-usap." sabi niya muli at tumayo na rin sa kanyang upuan.
“Teka, iiwan mo kami?"
“Pasensya na, medyo tinamaan na rin ako. Uuwi na ako, masakit na rin ulo ko at maaga pa pasok ko sa opisina."
Lumakad na rin si Carlos papalayo sa kanyang mga kaibigan. Hindi na sinubukan ang makipagtalo pa sa sinabi ng isa sa kanyang mga tropa. Umalis nalang siya kesa sa Humana pa ang maging usapan nila.