CHAPTER 12

1441 Words
“Maupo ka, Lalaine." pahayag ni Carl nang alukin si Lalaine maupo. Nang marinig ni Lalaine, naupo naman siya. Seryoso ang mukha ni Carl. Tumingin ito kay Carlos nang balingan niyang muli ang anak niya. “Ikaw, Carlos!" turo nito kay Carlos. Wala itong kibo. Tahimik. Si Imy nasa likod ni Carl. “Honey, maupo ka na rin." utos nito. Naupo rin ito sa tabi ni Lalaine habang nakatayo si Carl. “Ayos ka lang?" malamyos nitong tanong kay Lalaine nang matapos makaupo sa tabi nito. “Okay lang po." sagot niya. Halata na namumugto ang kanyang mga mata. Ngunit wala na mababakas na luha. Habang nag-uusap si Imy at Lalaine. Si Carl hindi na nakapagpigil at siya naman ang humarap kay Carlos. “Ikaw, Carlos!" matinis ang boses na wika ni Carl sa anak habang nakatayo sa harapan ni Carlos. Nasa kabilang side naman si Lalaine at si Imy. “Ikaw na mas matanda kay Lalaine. Matuto kang tratuhin ang mapapangasawa mo ng maayos at maganda. Wag kang bastos, wag mo ipakita sa kanya ang ugali na mayroon ka! Bakit mo pinaiyak?" matuwid na pagtatanong ni Carl sa kanyang anak, he sighed. Habang inis na nakatingin kay Carlos. Nakita at napansin niya kasi agad ang namumugtong mata ni Lalaine. Hindi man sabihin ni Lalaine. Alam niyang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Napansin din ni Carl ang itsura ni Carlos habang straight face itong nakatingin kay Lalaine. Habang walang kibo at hindi nagsalita. “Carlos!" Malakas na bulalas muli ni Carl sa anak. “Bakit ba dad?" he asked. “Say sorry first to your Mom." utos na pahayag ni Carl sa anak. Nang ikapaling nito at tumingin sa gawi ni Imy. “Wala naman akong ginagawa ahh!" mariing tanggi ni Carlos, sagot niya kay Carl. “Carlos, I'm telling you. Mag-sorry ka sa mommy mo. And next kay Lalaine." galit na utos. Ma-awtoridad na sabi nito sa anak na hindi pa man din gumagalaw sa kinauupuan. “D-dad!" “Carlos!" inis nitong tawag sa anak na kinadabog sa pagkakaupo niya at papadyak na tumayo si Carlos. “I said…" “O-okay, okay!" tugon ni Carlos at tumayo. He sighed. “Now!" nagmamadali na utos ni Carl. “I said, okayyy!" sagot ni Carlos. Bubulong-bulong ito sabay na sabi. “Ano pa ba ang magagawa ko, Dad. Kayo na nagdesisyon di 'ba? Bakit pa ako magbibigay ng komento sa gusto niyo na mangyari na ganun na maayos na ata at planado niyo na ni Mom." bastos at sumasagot na pagbigkas ni Carlos sa kanyang ama. Hindi pa rin nagsosorry ito kay Imy. Carl sighed! Pinipigilan ang sarili na mas sumabog sa galit. “Tama naman ako di ba?" pahayag na nangangatwiran pa ring... si Carlos. Ayaw pa rin na mag-sorry sa kanyang Mommy. “Umpisahan mo na naman ba kami ng mommy mo? Bastos ka!" sabi ni Carl. He sighed. Nanginginig sa inis sa anak. Kung kangina ay napigilan niya pa ang sarili. Pero sa mga oras na 'toh mukhang malabo na makontrol niya ang galit niya sa kanyang anak. Nanggigigil siya kay Carlos. “Eh sa totoo naman na ganun na ang nangyayari di 'ba? Kayo na nagdesisyon, kayo ang nagplano. Tama naman ako di ba? Dad!" he sighed. Nagpatuloy pa rin si Carlos sa pagdaldal niya. “Umpisa pa lang naman nung dalhin n'yo dito 'yan ni Mom. Yun naman talaga ata ang plans n'yo. Tama ulit ako di 'ba? Dad!" pang-aakusa nito sa Daddy niya. “Kaya nga lang. Itinago n'yo lang muna sa aming dalawa. Keso sasabihin n'yo na naiinip kayo kasi wala kayo anak maliban sa akin. At nais n'yo na magkaroon ng babae dito sa bahay dahil si Mommy lang ang babae at lalaki naman ako, naging anak n'yo. Sayang nga lang kung una pa lang sinabi n'yo na ganito talaga ang plans n'yo. Hindi iyong naghintay kayo ng tamang time na makapagtapos iyang ampon n'yo. Una pa lang sana nagawa ko na tumutol sa nais n'yo. Hindi na sana nagtagal iyang ampon n'yo dito." nakakagalit na sagot ni Carlos na halos nakapantig sa tenga ng kanyang mga magulang. Lalo na kay Carl na mas umuusok sa galit sa lahat ng sinabi ni Carlos at paratang sa kanilang mag-asawa. Walang siyang hinto na nagsasalita ng hindi na iniisip ang maaari na maramdaman ng kanyang magulang. Walang respeto na talaga! Masabi lang lahat ng nais niyang masabi. Wala na siyang pakialam at hindi na napigilan pa ni Carlos ang sabihin ang nais niya sabihin sa kanyang mga magulang. He didn't really want to get married. And yung proposal pang inihayag sa kanya ng kanyang magulang ang isa sa pinakaaayaw n'ya. Ayaw niya magpakasal lalo na at kay Lalaine pa nais ng kanyang magulang na maikasal siya. “Tell me! Ano ba ang mapapala n'yo sa pagpapakasal ko sa ampon n'yo?" he ask his parents directly na kinapamulagat ng mga mata ni Carl at Imy. Mas nainis tuloy si Imy sa tanong ni Carlos. Sa klase ng pagtatanong ni Carlos at sa pag-akusa nito sa kanilang mag-asawa. Imy sighed. Pilit na kinokontrol muna ang galit at baka tuluyan na talaga siya hindi makapagpigil. Maingudngod niya si Carlos sa sahig. Sa umuusok niyang galit. Lumalagpas na rin kasi siya sa linya sa pagsagot at pangunguwesyon... si Carlos sa kanyang mga magulang. Nawawalan na siya nang tuluyan ng respeto at hindi na talaga niya naisip igalang pa si Carl at Imy na nanginginig na sa galit dahil sa kanyang lahat na sinabi. Pinipigilan pa din ni Carl ang sarili. He sighed repeatedly. Kahit gusto na umangat ng kanyang kamao at isapak sa bastos niyang anak. Hindi pa rin nito ginagawa. Naaawa din siya kay Carlos. Mukhang kinulang nga sila sa pagdidisiplina sa nag-iisa nilang anak. Kahit umuusok sila sa galit at naiinis sila kay Carlos. Naisip nila. Mukhang kasalanan din nila kung bakit nagkaganito si Carlos. Nawalan ng respect sa kanila na silang mga magulang. Ngunit parang ibang tao ang kausap nito. Kung kausapin sila at sagot-sagutin. Parang hindi nila anak. Kinayuko nalang ng mag-asawa ang pananahik nila. Si Lalaine, hinimas sa likod at tinapik ng mahihina si Imy. Halos niyakap niya si Imy. Habang hawak niya nang isang kamay ang palad nito. “Okay lang po kayo?" tanong niya ng malamyos. “Ayos lang ako. Si Uncle Carl mo, inaalala ko." nag-aalala na pahayag ni Imy, malungkot na nakatitig sa asawa niyang pulang-pula na sa galit. Kinaupo ni Carl sa upuan ang galit na nararamdaman. Nanginginig na rin kasi ang buo niyang katawan sa galit sa anak. Habang hindi na rin muna ito nakakibo sa lahat ng sinabi at katigasan ng ulo ni Carlos. Mukhang hindi pala sila mananalo kahit naayos na nila lahat. Buong akala nila maayos nila na lahat matapos ang nangyari kangina. Hindi pa pala. Mas lumala pa ang naging pagsagot-sagot ni Carlos. Hindi lang sa mommy niya. Maging ang Daddy niya ay hindi na nakaligtas sa pambabastos nito. While Carlos looks straight to his parents. Tahimik lang din ito pero nang makaraan ang ilang minuto. “Bakit hindi kayo makasagot?" He asked his parents again. Dumaldal na naman ito at ang matabil niyang bibig walang galang sa pagtatanong muli. “Tumigil ka na!" si Lalaine. Hindi na rin nakatiis na hindi manghimasok sa naging pagsagot at klase ng pagtatanong ni Carlos sa mga magulang. “Bakit ba ang hilig mong mangialam? Wag kang manghimasok. Usapan ng pamilya ito. Hindi ka kabilang!" sa walang direksyon na pagsasalita niya kay Lalaine. Si Carlos isang malakas na suntok ang kinabalibag niya. Malakas na bumalibag itong si Carlos na kinasalampak niya sa sahig. Labis niyang ikinagulat na kinamulat ng mata niya habang hawak ang panga na namula. Napatingin sila Imy at Lalaine kay Carl. Habang napatulala si Carlos na naiangat ang mukha at tumingin sa galit na mukha ng kanyang ama. “D-dad?" “Tama lang sayo 'yan. Bastos ka! Anong karapatan mong magsalita ng ganyan sa babaeng mapapangasawa mo?" nanginginig na sabi ni Carl. Tumaas na ang presyon nito. Ang dugo ni Carl tumaas ng dahil sa kanyang anak. Ikinatayo bigla ni Imy nang mapansin ang panginginig ng kanyang asawa ng dahil sa matinding galit sa anak nila. “Honey!" malamyos at nag-aalala na pahayag ng tanungin ni Imy si Carl. “Okay ka lang?" “Iyang anak mo!" he sighed. “Carlos, sumosobra ka na talaga sa mga pagsagot mo at klase ng ugali na ipinakita mo sa amin ng daddy mo." Ikinalingon ni Imy sa anak niyang nakaupo sa sahig. Susuntukin pa sana ni Carl ito, kung hindi lang napigilan ni Imy at ni Lalaine na nagawa na rin makalapit sa kanyang mga foster parents.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD