CHAPTER 23

1314 Words
“Pre, anong nangyari sayo? Gosh!" anito na parang binubuska pa siya. “Tigilan mo ako. If makatayo ako dito ikaw itong sasapakin ko." brusko pa niyang pananakot sa kaibigan. Ilang minuto matapos na makaalis si Lalaine. Dumating na rin itong kaibigan niya. Inaantok na nga rin siya. Subalit hindi niya magawa na matulog na lang basta sa kalsada. Nahihiya siya, lalo na rin sa kanyang itsura. Buti na nga lang at walang masamang tao ang napapadaan at napapatingin sa kanya habang nakasalampak sa sementadong kalsada. “Pre, ang bigat mo." pabiro na pahayag habang iniangat siya upang makatayo. Hindi niya talaga malaman kung anong nangyari at hindi siya makatayo. Maliban sa nahilo siya at parang nanlalabo ang kanyang mga mata kangina bago siya tulungan na napa-bagsak sa sementadong kalsada. Nakaramdam din siya ng pangangalay at paninigas ng kanyang mga binti at tila ba nawawalan ito ng lakas at panimbang. “Salamat!" “Buti na lang pala at hindi pa kami nakakauwi. Pero bakit ka nga pala napunta dito?" he wonders dahil sa ang alam nila ay nakauwi na rin si Carlos. Matapos ito na magpaalam sa kanila at umalis sa table nila. “Mahabang kwento." he answered. “Pwede mo ba ako i-hanap ng pwede na mag drive sa akin pauwi?" “Ako nalang. Iuutos ko nalang sa tropa na ipagmaneho nila yung sasakyan ko pa-sunod sa atin. Sabay-sabay na tayo umuwi. Pinagising ko na rin si Josh. Sakto siguro pagbalik natin don. Nasa labas na sila." tugon nito pahayag sa kanya. Buti nalang talaga at swerte pa rin siya. “Sige, salamat ahh!" aniya at dahan-dahan niyang inalalayan si Carlos matapos na magpasalamat ito sa kanya. Lumakad na rin sila upang bumalik sa Bar. Naiinis pa rin siya sa pagkakaalala niya sa mga nangyari kangina. Asar talagang babae na yon. Humanda ka talaga sa akin. Kala mo magiging masaya ka? LOL! Pahirapan talaga kita. “Bakit? May iniisip ka? Na-bulong bulong ka pa ahh!" natatawa na pahayag ng mapansin siya sa kanyang mga bulong. “Wala! May iniisip lang ako." he breathed heavily while he thinks again. Lalaine! he smirked. Iniimagine niya muli ang itsura ni Lalaine habang nuon ng mga panahon na bago pa lang ito sa kanila. Madalas niyang pagtripan si Lalaine. Kaya nga lang ay kahit minsan ay hindi siya nito pinapansin. Kahit anong gagawin niya na pagpapahirap dito. Baliwala lang din kay Lalaine. Hindi talaga niya makuhang mapaalis ito sa bahay nila. Hanggang sa tumagal ng tumagal at inabot na ng ilang taon rin ang pamamalagi nito sa kanilang tahanan. “Pre, yung kasal niyo ba?" anito na tanong nito ng basagin ang kaabalahan niya sa pag-iisip. “Wala naman na ako magagawa don. Nasabi ko na diba?" ”Oo, pero may magagawa ka pa. Kung ayaw mo talaga." anito na sabi sa kanya “Paano?" tanong niya. “Edi bitawan mo lahat." “Sira ulo ka ba? Bakit ko naman bibitawan ang dapat na sa akin diba?" he mad “Hindi naman ako makapapayag na sa kanya mapupunta lang lahat ng mga yaman na maiiwan ng mga parents ko." pahayag n'ya. Sabagay, tama nga naman siya. Dahil sa nag-iisa siyang anak dapat lang na talaga sa kanya lang mapunta at dahil ampon si Lalaine. Dapat lang wala itong makuha mula sa mga dapat ay sa kanya lang. Kaya, gusto niyang protektahan ang pera niya. Ang yaman ng mga magulang niya. Ang mamanahin niya. Lahat nais niyang protektahan kay Lalaine. Kahit nga sana maging magulang niya. Gusto niya maprotektahan mula kay Lalaine. Hindi nga lang niya nagawa at napagtagumpayan dahil sa hindi n'ya magawang kumbinsihin ang kanyang dalawang magulang na hindi pabor sa mga nais niya mangyari nuon ng hilingin niyang palisin si Lalaine. “Napapangiti ka naman ngayon." puna nito sa kanya ng maalala naman niya kung paano nadapa at nasubsob si Lalaine sa pagkakadapa nito ng talisurin niya ang isang paa nito. “Haist, baliw ka na!" pahayag na sabi na ikinakunot ng nuo, at ikinailing. “Hindi naman pre, may naiisip nga lang ako." “Ano naman?" tanong nito. “Naisip ko pahirapan ang babaeng mapapangasawa ko." proud niya pang sabi. “Baliw, kahit 'di mo pa naman asawa. Nuon pa man pinahihirapan mo na siya diba?" “Oo, kaya lang sa huli. Ako pa ang masama." “Tanga! Alangan naman yung ampon ng magulang mo ang lumabas na masama? Hindi ka talaga nag-iisip." pahayag na sabi nito na ikinakunot ng noo ni Carlos. “Baliw ka talaga!" anito na pahayag muli. Napaisip na naman siya. Isang pagkakataon kasi nuon ng ipakisuyo sa kanya ng kanyang mga magulang na sunduin niya si Lalaine. Mali! Ihatid ata! Mali pa rin. Dahil same. Pinapasundo sa kanya si Lalaine ng mga parents niya upang ihatid ito sa bahay ng kanyang classmates. Kaya nga lang imbes na sunduin at ihatid ito. Binigyan niya lang ito ng limang daang piso na pan-taxi upang mag taxi papunta sa pupuntahan nito. Galit na galit ang parents niya dahil sa biglang bumuhos ang malakas na ulan. At ang masaklap pa don. Ang classmates pala na pupuntahan nito ay anak ng kumare ng kanyang magulang. Hindi matapos-tapos ang kakasermon ng kanyang Mommy mula ng makauwi ang mga ito upang sundiin si Lalaine. Halos mabasag ang eardrums n'ya sa lakas ng boses ng kanyang Mommy. Hindi siya nakakibo. Pero natawa siya sa kanyang ginawa matapos niyang makabalik sa kwarto niya. Duon n'ya naisip ang nagawa niyang kalokohan. Baliw talaga siya. Pero marami pa siyang nagawa. “Pre, malapit na din tayo." pahayag nito na sabi sa kanya. Natanawan na rin nya ang mailaw na signage ng Bar. Malapit na nga sila. “Alam mo pre, bakit hindi mo kausapin... Yung babae? Bakit hindi ka makipag agreement sa kanya. Pumirma kayo ng kasunduan sa gagawin niyong kasal. Para at least diba habang nagsasama kayo. Mayroon kayong kapwa pinirmahan na kasunduan. Wala na siyang lusot duon. And makukuha mo ng buo ang yaman mo." “What do you mean?" “Pa-pirmahin mo siya na wala siyang kahit piso makukuha sa kayamanan ng parents mo. At ganun din siya sayo. Parang prenatal agreement ba ang tawag d'on?" napaisip ito habang sinabi kay Carlos. “Oo, tama nga ata. Naalala ko kasi yung sa pinsan ko. Hindi din niya gusto at Mahal Yung girl. For business purposes lang kasi yung ginawa nilang kasal. So, bago pa man sumapit ang kasal nila. Nagpirmahan sila ng mapapangasawa niya." pahayag muli na pagbabahagi at pagkukwento nito. “Anong nangyari sa kanila ngayon?" curious siya. Parang nagkaka idea siya buhat sa mga kwento ng kanyang tropa. Kaya nga lang matapos nito na napa buntong hininga. Tumawa ito. “May nakakatawa?" anito na sabi nya ng punahin ang pagtawa nito. “Wala naman! Sorry!" sagot nito kay Carlos. Naaalala kasi nito ang nangyari sa ikinukwento nito. He sighed. “Bakit tumahimik ka? Bakit hindi mo ikwento?" pahayag na pagkakasabi ni Carlos. Curious talaga siya at gusto niya malaman kung ano ang next sa kwento ng pinsan ni Drew. “May mga anak na sila. At sa ngayon nagmamahalan na rin sila. Naputol na rin ang agreement nila matapos na mafall sila sa isa't-isa." he sighed habang napatulala si Carlos. Ang ikinukwento kasi ni Drew ang pinsan niyang mayaman na ikinasal upang mas maging protektado ang kanilang kumpanya buhat sa mga issues na kinakaharap. Sa isang mayaman na pamilya na negosyante rin nagmula ang babae. Dahil sa pagsasanib pwersa ng dalawang kumpanya. Mas tumibay at na-protektahan ng bawat isa ang kani-kanilang negosyo. At ang agreement ng dalawa. Matatapos iyon sa ika limang taon ng kanilang pagsasama. Kaya nga lang. Bago sumapit ang ika limang taon. Nahulog na rin ang mga ito sa isa't-isa. Mahabang kwento ni Drew kay Carlos. “Sh*t! Hindi mangyayari yon sa amin." paninindigan n'yang pahayag kay Drew. Sumimangot siya habang iniiwasan niyang maisip na possible mangyari din sa kanila ni Lalaine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD