CHAPTER 17

1256 Words
“Come on!" Bigla nalang nagulat si Lalaine ng bigla nalang siya nito baltakin. “Teka lang!" bulalas na sigaw ni Carla ng bigla nalang hilahin si Lalaine palayo ng lalaking nakayapak sa paa ni Lalaine. “Hoy! S-saan mo dadalhin si Lalaine?" sigaw na tanong ni Carla habang humahabol ito kila Lalaine habang bitbit ng lalaki. Nagtataka naman si Lalaine kung bakit siya nito hinila. Sumusunod lang siya at parang wala lang na naglalakad habang sinasabayan nito si — hindi pa rin niya masabi kung talaga ba na siya. She hardly sighed habang nakatingin sa nakatalikod na lalaki na nauuna sa kanya pero hawak siya sa braso habang hila. Hindi pa rin talaga niya ma-make sure kung siya talaga. “Hey, bitiwan mo nga si Lalaine." hampas ni Carla mula sa braso ng lalaki na nakahawak kay Lalaine. “Sino ka ba?" bulalas nito na kunot ang noo. “Ikaw na itong nakapanakit eh! And then bigla mo nalang hahatakin itong kaibigan ko." pahayag na inis ni Carla. Tinarayan nito ang lalaking hindi pa man nakikilala. Nakatalikod pa rin kasi ito, yung lalaki habang napahinto sa paglalakad. He sighed. Pakuwari nila ay nainis ito sa mga pagbubunganga ni Carla. Sunod-sunod kasi at walang tigil. Sarap pasakan ng panapal. Si Lalaine. Blanko pa rin ang mukha at hindi maipinta habang. She waited na humarap yung lalaki. Kaya lang ayaw humarap. Parang iniiwasan. Pero bigla itong nagsalita. “Okay, mukhang hindi naman nasaktan itong kaibigan mo. Nakalakad pa nga. And please stop blubbering. Nakakasuka. Nakakabingi at hindi maganda sa pandinig." ingos na pahayag ng lalaki. Halatang nainis na rin mula sa kadadaldal ni Carla. Arrogant nitong pahayag. “Hindi ka naman nakamicrophone di ba? Pero bakit ang sakit sa tenga?" pahayag muli nito na kinagulat at kinalawak ng mata ni Carla. Bigla siyang inangatan ng presyon. Yung dugo niya biglang tumaas at pakiramdam niya sasabog siya sa haba ng mga sinabi ng lalaki sa kanya na hindi naging maganda para sa kanya. “Ang k-apal ng face mo. How dare you say it to me?" Mariin na pahayag ni Carla sa lalaki. Nanginginig sa inis. “And how dare you na kausapin mo ako sa ganyang ugali mo. Ang pangit. Kaya naman pala. Hindi na ako magtataka why she agree agad-agad ng hindi nag-iisip. Kasi pala may mga kaibigan siyang gangster." madiin din nitong sagot kay Carla. “Who are you?" tanong ni Carla. “And please don't call me gangster. Ang lakas ng loob mong paratangan at tawagin akong gangster. And besides sa kilos, gawi at pananalita mo. Mas mukha ka pa ngang gangster." balik na pahayag ng galit na si Carla. Si Lalaine kinalunok niya at mukhang ngayon tama na nga ang hinala niya. Si Carlos. Siya lang naman ang kasagutan ni Carla ngayon. Ang lalaking nakayapak sa paa niya at humila sa kanya na ngayon habang mukhang magkakaramble pa. Nagkakainitan na ang dalawa at pareho na mukhang sasabog na rin. Kaya naisip niyang pumagitna at awatin si Carla. “Tama na, wag mo patulan." ani ni Lalaine pinipigilan si Carla. Pero, pinilig nito ang braso na hinawakan ni Lalaine saka sinabi. “Ang kapal ng mukha eh! Tawagin ba naman akong gangster." ani ni Carla na kinaingos ng mukha niya habang nakatingin ng matalim sa lalaki. “Humarap ka dito. Nang magkaalaman tayo ngayon." panghahamon ni Carla, nanginginig na rin din ito sa galit ng may sinabi pa itong si Carlos. “Tama na, please. Wag mo nalang patulan." “Kung sayo okay lang. But for me hindi ko mapapalagpas." ani muli nito habang hinila sa braso si Carlos at sinilip niya ang itsura nito. Kinalaki ng mata ni Carla at kinagulat niya ng makita ang mukha nito. Sakto na humarap na rin si Carlos at buong nakita nila ang itsura ng lalaking gumagalit kay Carla. Tama si Lalaine una pa lang sa naiisip niya na positive na baka si Carlos nga ang lalaking may hawak sa kanya kangina. “A-ano? Gwapo ba?" nang-iinis na sabi ni Carlos. Ngumisi siya na nakuha pa magpacute kay Carla. “B-bakit parang natulala kayo? Lalo ka na?" turo niya kay Carla ng tinaasan niya pa ito ng isang kilay. He sighed. “Wala ka naman pala masabi. Napatulala ka nalang. And ikaw." turo nito kay Lalaine. “Ayos ahh! Nagcecelebrate ka ba?" bulalas na pahayag ni Carlos. Pambibintang nito habang pahayag kay Lalaine. Saka ito muli na nagsalita. “Naks. Biruin mong nagawa mo pa talaga ipag-celebrate ng makuha mo ang approval ng parents ko na maikasal tayo." mariin na tumawa ito. Mas nang-aasar lang. Kaya lang, never naman tumawa yung dalawa sa lahat ng mga tawang ginawa ni Carlos. Naiinis lang sila at isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Carlos. “How dare you na ganyanin si Lalaine?" “How dare you na husgahan siya ng hindi mo pa naman siya kilala?" “How dare you na ang lakas ng loob mo na paratangan siyang siya ang may gusto sa kasalanan na ayaw din naman sana niya." “How dare you na masyado kang bilib sa sarili mo na akala mo naman ay nasayo na lahat. Pera at kayamanan ba ang binabanggit mo? Walang interes si Lalaine diyan. At kahit minsan hindi niya inisip ang pera ng pamilya mo. And besides, sino ba ang masyado gahaman at hindi mabitiwan ang pera ng magulang mo? Hindi ba ikaw?" nanggigigil na pahayag ni Carla. Sa haba ng lahat ng sinabi niya. Hiningal tuloy siya. Kumunot ang noo ni Carlos at bumubulusok din ang galit niya sa mga sinabi ng kaibigan ni Lalaine. “Hoy ikaw ahh!" anito na sabi sabay turo ng isang daliri kay Carla. Nanginginig ang braso nito na nakaturo kay Carla ang kanyang daliri habang si Lalaine ang binalingan. “Ikaw na babae ka! Hindi ka namimili talaga maging kakaibiganin mo." “Bakit kailangan mamili?" aniya na sagot ni Carla. “Kung ikaw nga. Namimili ka ba?" mapagpatol na sagot ni Carla. “Hoy, hindi ikaw ang kausap ko dito." inis nito na sabi kay Carla. Nang balingan niya ito. “Hoy, ikaw din. Mr. Carlos, wala kang karapatan na duruin kami." ibinaba nito ang kamay ni Carlos na nakaduro sa kanila. “Ang please lang ahh. Wag na wag mong pagsalitaan ng ganyan si Lalaine. Hindi maganda para sa isang tulad mong mukhang disente naman pero ang pangit ng ugali." aniya pahayag muli ni Carla na mas kinalamukos ng mukha ni Carlos. “Sumusobra ka na." anito ni Carlos akmang sasabunutan si Carla. “Subukan mo!" panghahamon ni Carla. “Malaya kang gawin ang gusto mo. But I'll make sure na sa kulungan ang punta mo pagkatapos." muli nito na banta kay Carlos. “Tama na, wag mo na patulan." nang hilahin siya ni Carlos. “Ano ba!" sigaw ni Carla nang makipaghilahan na kay Carlos. Tig-isa sila ng braso ni Lalaine. Halos pakiramdam ni Lalaine ay mababaliw na siya at mababali na ang magkabila niyang braso. “A-ano baaaa!" sigaw na rin ni Lalaine dahil sa nasasaktan na din siya. Sa mga ginagawa na paghila ng dalawa sa kanya. “Bitiwan mo si Lalaine." ani ni Carla. “Ano ba! nasasaktan ako." pahayag na naluluha. Si Lalaine naiiyak na siya sa nangyayari sa kanya. She can't imagine na dadating sa punto na ganito ang hindi sinasadya na pagkikita nila ni Carlos sa bar. Masakit na ang magkabila niyang braso at ayaw pa rin mga bitiwan ng dalawa na wala pa rin tigil sa pagpapalitan ng kani-kanilang pangit na mga salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD