CHAPTER 16

1346 Words
“Sa totoo lang that guy mukhang may plan lang talaga na makipag kulitan siya sa inyong tatlo. Sinadya niya talaga ang banggain itong si Lalaine sa ganun makuha niya ang number mo." aniya na pahayag ni Mira na ikinanguso nito na tumuro kay Lalaine na ikinagulat naman nito. “Bakit ako?" aniya tugon. “Sino ba ang binangga at kangino nagpapacute?" “Sa akin ba?" maang niyang sagot. “Sa kanya." turo nito kay Carla na nanahimik. Ikinamulat niya naman ng kanyang mata matapos ikinagulat ni Carla. Nang siya naman ang binalingan at ikinaturo ni Mira. “Bakit ako?" bulalas nitong tugon na natawa. “Hindi raw siya eh. Eh 'di ikaw nalang." “Ayos ahh!" apila ni Carla “Bakit hindi nalang si Trisha. Hindi ko tipo ang mga tulad nung lalaki kangina." “Sa akin ka talaga tumuro?" pahayag ni Trisha na kanila naman ikinatawa na lang nilang apat. Nasa bar na sila at kasalukuyang nasa harap nila ang tig-iisa na bote ng alak. Except kay buntis na Mira. Tubig lang ang sa kanya at isang baso na pineapple juice ang inorder nito sa waiter na lumapit sa kanila kanina. “Lalaine, magpaalam ka na kila Tito at Tita ahh… Sa tingin ko malate talaga ng uwi tayo." pahayag na pagkakasabi ni Trisha habang gumigiling ang katawan mula sa pagkakaupo ni Trisha sa upuan. Maingay na sa bar. Sabagay ay late na rin naman. Lumipas na ang hapunan at oras na talaga ng dating ng mga tao sa bar. Marami na rin ang mga nagsasayaw sa gitna. “Sayaw tayo?" Aya ni Carla sa kanilang tatlo. “Ayain mo na si Trisha. Kangina pa hindi mapakali sa upuan niya. Kita mo nga s'ya. Maging sa silya niya sumasayaw na." pahayag ni Mira, habang nilingon si Lalaine. “Ayain mo na rin itong si Lalaine." ikinalingon ni Lalaine kay Mira. Nginitian lang siya nito at sinabi. “Nang maging okay naman siya at malimutan saglit ang paparating niyang kasal." utos na pahayag ni Mira. Ipinagtulakan niya si Lalaine na tumayo sa kanyang upuan at sumama nalang muna kila Carla at Trisha upang sumayaw at makisali sa mga nagtutumpukang tao sa gitna ng bar. Habang mga sumasayaw. “Sige na, sumama ka na sa kanila." utos muli ni Mira. She sighed. “Maiiwan ka mag-isa?" “Okay lang. Kesa naman di ba ang makipag siksikan ako sa gitna. Gusto mo bang kagalitan ako mamaya sa pag-uwi ko?" pahayag nito tumawa si Mira. “Dahil lang sa kagustuhan ko makasayaw. Ipagpapalit ko ang safety ni Baby? Wag na baka maipit o mapisa pa siya. Hindi ko pa man nailalabas pisa na agad siya sa loob ng tummy ko." biro ni Mira, ikinailing nila. “Puro ka kalokohan talaga. Baliw." sagot ni Carla. “Sabihin mo. Isa lang gusto mo makapisa sayo. Kaya nirereserba mo mamaya sa pag-uwi mo sa bahay." “Ayy, hindi siya uuwi ngayon." ngumiti si Mira habang pahayag na siyang ikinataas ng kilay ni Carla. “Kasabi mo lang kangina ahh?" “Wala akong sinabi." “Ang labo mo." singhal ni Carla. “Syempre tatawag siya mamaya to make sure na nakauwi kami ng safe ni Baby." “Kaya naman pala ang lakas magyaya nitong buntis na 'toh hanggang umaga. Wala pala siyang bantay ngayong magdamag kaya nais niyang samahan natin siya ng diretso na lang siya pasok sa ospital." turan ni Carla. Dinilaan siya ni Mira. Nag-aasaran sila. “Uuwi pa ako. Gaga." sabi ni Mira na siya naman din ikinasimangot nitong si Carla. “Ewan ko sayo, buntis ka. Ang dami mong alam sa buhay." gilalas na pasinghal niya kay Mira na pahayag ni Carla. Hanggang sa loob ng bar maiingay pa din ang dalawa at nag-aasaran. Parang kanina lang nung papunta na sila sa bar ganito din sila. Hindi matigil ang kanilang pagtatalo at pang-aasar sa bawat isa. Ganyan lang naman si Carla at Mira. Never naman sila naging seryoso sa kanilang mga asaran sa bawat isa. Makikita nalang din nila Trisha at Lalaine ang mga ito na biglang tatawa matapos na may mapikon na isa. “Lalaine, tara na." Aya ni Trisha. Hinila na siya papunta sa gitna kung saan maraming mga taong mga nagsasayaw. “Mabali naman ang braso ko." aniya daing ng masaktan din siya. “Okay lang. Maikakabit naman natin 'yan once na maputol ang braso mo." pabiro ni Trisha na medyo ikinasigaw niya sa pagsasalita. Maingay na kasi at mas tumitindi pa ang ingay sa loob ng bar. Hindi na sila magkarinigan. Maliban sa mga tugtog sa loob ng bar. Isama pa ang mga maiingay na sigawan ng mga sumasayaw. Talagang hindi na sila talaga mga magkarinigan ni Trisha kung bulungan lang ang gagawin nila na pag-uusap. “Ang ingay!" pahayag ni Lalaine. “Natural nasa bar tayo." sagot ni Carla. “Masyado pang maraming tao. Anong araw ba ngayon?" aniya na itanong sa kanyang mga kaibigan na mga humahataw sa pagsayaw. “Payday po today. Kaya maraming tao." “Asahan mo na yan pag araw ng sahod." tugon ni Trisha. “Yap! Talagang bumubulusok ang maraming bar addicted sa mga bar. Syempre payday may mga pera. Kaya, ayan nakikita mo. Mga tuwang-tuwa at enjoy sa pagwaldas ng mga sahod nila. Bukas mga iiyak na lang sila sa paggising wala na natira sa mga sinahod nila. So wait na naman sila ng next payroll para makapag waldas ulit sila at makapag bar." “True, mga tao talaga. Mostly talaga mga ganyan ang mga customer sa mga bar. One day millionaire ika nga. But at the end. Iyak tawa nalang kasi nga wala na kahit piso natira sa pera nila. And their solution. Mangutang sa mga kakilala hahaha." tuwang-tuwa na pahayag ni Trisha. Lalaine sighed. Hindi na siya nasisiyahan sa pagsayaw. Gusto na rin niya maupo sa mesa at magpaalam kila Carla at Trisha na babalikan na lang niya si Mira na nag-iisa na naiwan sa lamesa nila. Nababangga na rin kasi siya at may pagkakataon na nagugulat rin siya at naiinis. Dahil sa may bigla nalang hihipo sa pw*t niya sa tuwing mababangga siya sa dami ng tao na hindi naman niya makita ang mga itsura gaano. Medyo madilim sa bar. Maliban sa mga iba't-ibang kulay ng pailaw sa loob ng bar at maiingay na tugtog. Wala siyang gaano maaninag. Kung sila Carla at Trisha. Kung hindi pa sa kanila talaga mga matapat ang ilaw. At kung hindi knows ni Lalaine na ang dalawang katabi niya ang dalawa niyang kaibigan. Hindi rin niya makikilala ang mga ito. Dahil sa madilim nga at halos 'di niya maaninag ang mga mukha ng mga ito. “Guys babalik na lang muna ako sa table." “Huh? Hindi ko marinig." sagot ni Carla na busy sa pag-indak. “D'on na lang muna ako sa table. Pupunta nalang muna ako dun at sasamahan si Mira." pasigaw niyang tugon. “Ano daw?" aniya ni Carla. “Ang bibingi niyo na ba?" “Hindi ka namin marinig." sabay na sagot ng dalawa. Saka sila napahinto sa pagsasayaw. “Alam mo naman maingay di 'ba?" aniya ni Carla habang kumunot ang nuo niya. “Sabi ko kasi… Arayyyy!" nang ikadaing niya. Nasaktan siya ng may bigla nalang yumapak sa kanyang paa. “Bakit?" “Sorry, Miss. Okay ka lang ba?" “Kailangan bang itanong? Nakita mo nasaktan yung friend namin. Tapos itatanong mo if okay lang ba siya? Natural. Masakit kaya mayapakan." singhal ni Carla nang kanyang tarayan ang nakaapak sa paa ni Lalaine. “Come on. Dun tayo sa tabi." aya nito. Boses lalaki ang naririnig nila at hindi niya maaninag ang mukha gawa na madilim at ang ilaw ng bar sa mismong gitna ipinokus. Narinig niya ito na inaaya siya. Pero si Lalaine naman. Para siyang naging tuod sa kinatatayuan habang ang iniindang sakit sa natapakang paa. Parang biglang nawala at hindi na niya pinansin pa. Napatulala na lang siya. Hindi na muli siya nakagalaw si Lalaine. Kahit kumibo. Hindi na niya nagawa. Ang boses na yon. aniya pabulong. Nakikilala niya ang boses ng nagsalita. Kilalang kilala niya ito. She sighed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD