* FREEYA POV *
"Seaaaaahhh!! gising na anong oras na ma lalate kana jusko kang bata ka!!! ano oras kana naman ba natulog?."
"Freeya, ano ba umalis ka nga jan inaantok pa ko eh, shooo alis." Talaga tung batang to oh!!! siguro nag puyat na naman to kakagawa ng song cover o kaya naman ng dance cover, tapos hindi naman ina-upload, ang ganda pa naman ng boses niya, pero mas magaling siya sumayaw.
Teka nga! ay oo nga pala di niyo pa ko kilala. Ako si Freeya, ang kanyang fairy, oo may fairy siya, nung nag 3 y/o siya don ako nagpakita sa kanya, niligtas ko siya, muntik na kasi siya masagasaan, pero siya lang ang nakakakita sa akin, siya lang din ang nakakarinig alam naman niyang di siya normal na tao gaya ng mga magulang niya.
Habang lumalaki kasi siya unti-unti na niyang na didiskubre ang kanyang ability, magaling na siya gumamit ng kanyang charms, pero di niya ginagamit dito sa mortal world dahil baka may makakita pa sa kanya at alam niyo na pero kahit di niya gamitin ang charms niya marunong naman siya makipag laban ng mano-mano, tinuruan siya ng mga Gods and Goddesses, nung nag 10 y/o na kasi siya nagpakita na sila sa kanya at tinuruan na siya gumamit ng charms niya para daw sa pagbabalik niya handa na siya, teka anong oras na asan na yung alaga ko?
"Seah, asan ka??" bigla naman siyang lumabas ng pinto galing C.R nakabihis na din sya ng uniform nya, wow ang bilis ah.
"Daldal mo kasi kaya di mo na ko namalayan, tara na nagaantay na sila mama at papa gutom na din ako." at ayon na nga bumaba na kami.
"Good morning mama & papa" sabay halik sa kanyang mga magulang, alam ni Seah na hindi siya tunay na anak ng mga ito dahil sinabi sa kanya ang totoo, pero gayon pa man ay di naman siya nagalit, nagpasalamat pa ito dahil tinuring siyang tunay na anak ng mga ito.
* SEAH POV *
Hi, ako nga pala si Kelseah Jieun Mendoza. Lee, Haba no? yung mama ko kasi eh, Pero Seah (Seyah) ang tawag nila sa akin, 16 na nga pala ko.
"Nak, kamusta ang school?" tanong sa akin ni mama habang kumakain kami ng breakfast.
"Ganon pa din naman ma, nga pala ma, pa, last day ko na ngayon sa school gusto ko lang magpaalam sa ka isa-isang kaibigan ko, alam niya kasi mag iibang bansa na tayo."
"Sigurado kana ba jan sa plano mo anak?? sumama ka na lang sa amin sa states nak" mangiyak-ngiyak na si mama, si papa naman ibinaba na ang diaryo na binabasa niya at tumingin sa akin.
"Nak 1 yr lang kami don at babalik din kami dito, pag andito na ulit kami dalawin mo kami ng mama mo ha aantayin ka namin, alam ko naman na hindi kana namin mapipigilan eh." tumayo si papa at niyakap ako, niyakap na din ako ni mama.
"Opo naman ma & pa, kapag may pagkakataon ako na ang bibisita sa states pag wala pa kayo dito, pwede naman ako gumawa ng portal eh."
"Oo nga pala para mas madali, sige anak aasahan namin ng papa mo yan ha! sige nak late kana pumasok kana, baka di muna rin kami maabutan dito kasi ma lalate kami sa flight eh."
"Opo ma, magiingat kayo don ha, mag enjoy ka don mama, nako ikaw pa naman! papa mag date kayo don ni mama kapag wala kang work ha! wag mo pababayaan si mama ha, I love you both." niyakap ko na lang sila para di nila makita na umiiyak ako, pinunasan ko agad ang luha ko at hinalikan sila pareho sa pisngi bago nagpaalam. Haist! kaya ko to! Ngayon lang kasi ako mahihiwalay sa kanila.
Lumabas na ako ng gate at naglakad papuntang sakayan, mag ko-commute na lang ako, malapit lang naman ang school ko dito eh mga 10mins lang 15mins pag traffic.
Naglalakad na ko papasok ng school ng bigla akong may naramdaman nakakaiba, pumikit ako at nag concentrate kung ano yon, nagulat na lang ako ng bigla akong na tumba, may bumangga sa akin, ang sakit sh*t, tinignan ko naman kung sino yun. Heol!!! ang gwapo naman!!! erase erase!!!! tinayo naman niya ko at pinagpag ko naman yung palda ko.
"Sorry Miss, di kita nakita nagmamadali kasi ako."
"Halata nga eh! sige alis na ko late na late na ko eh"
"Teka lang, tutal late ka naman na pwede bang samahan mo ko? btw ako nga pala si Akiro Shin" sabay lahad niya ng kamay niya.
"Hello"
"Oo kilala kita, sino ba naman hindi no! sikat ka kaya dito, naku yari ako sa mga fangirl mo pagnakita nilang kausap mo ko." Sabi ko na lang sa isip ko, inabot ko ang kamay niya, nagulat na lang ako ng bigla niya kung hinila sabay takbo.
"Huy teka san mo ko dadalhin?"
"Sa garden tayo, may nagmamasid don" nagtaka naman ako sa sinabi niya, alam ko may mga nagmamasid sa amin kasi nararamdaman ko sila, pero paano nalaman ni Shin yun? ibig sabihin parehas ko din siya?? ay erase erase!!!! imposible yun di ko siya nararamdaman na may charms, teka asan na ba si Freeya.
Nakarating kami ng garden at umupo sa ilalim ng puno, wala ng mga tao dito, malamang nasa klase na sila, jusko naman last day ko na nga dito mag cu-cutting pa ko.
"Uhm.. Akiro?" tumingin naman siya sa akin ng nagtataka.
"Bakit Akiro ang tawag mo sakin?"
"Ang haba kasi ng pangalan mo eh kaya shortcut, Akiro na lang itatawag ko sayo."
"Ok.... so anong name mo? di ka kasi nagpakilala kanina" paano ako magpapakilala eh kinaladkad niya agad ako.
"Kelseah Jieun Lee, Seah na lang" sabay lahad ko ng kamay ko. Nakangiti siyang inabot ang kamay ko at nakipag shake hands.
"Bakit mo ko dinala dito? dito ka ba magpapasama?" tanong ko sa kanya, napaka ganda talaga dito sa garden presko, maaliwalas, haist nakakaantok tuloy.
"Wala lang ayoko kasi pumasok eh" wow dinamay pa ko ng lokong to, pasalamat ka gwapo ka naku!!!
"Eh ikaw bakit late ka?"
"Puyat kasi ako, wala pa kung tulog eh, di na dapat ako papasok kaso last day ko na, kailangan ko magpaalam sa kaibigan ko bago ako umalis."
"Last day? bakit san ka pupunta? lilipat ka ba? wag kana lumipat ako bahala sa mga nang bu-bully sayo."
"awww! naku baka lalo lang ako ma bully kapag ikaw bahala no, eh sikat ka kaya dito, baka di na ko makalabas ng buhay sa school na to."
Nalungkot naman siya sa sinabi ko, teka bakit? para naman may care siya sa akin, kakakilala lang niya sa akin, ay sa bagay sikat din pala ako.... Sikat dahil nerd na binu-bully. Di naman ako yung typical na nerd na makapal ang eye glasses, may brace at maraming pimples, makinis kaya ako may glasses din kaso di naman makapal, malabo lang kasi mata ko kaya nagsusuot ako nun, ayoko kasi ng contact lens, kaya lang naman ako na bu-bully dahil sa classmate kung si Ashly at mga alipores niya, di niya kasi ma tanggap na mas ma talino ako sa kanya. Kaya simula ng nalamangan ko siya sa mga acads namin, ayon! dun na naging miserable ang araw-araw ko dito sa school, pero anjan naman ang bestfriend kong si Jana.
"Di kana ba talaga mapipigilan?" bakit ba ang kulit nito?.
"Sus!! para naman ang laking kawalan ko sayo." di na siya nagsalita kaya hinayaan ko na din, matutulog na muna ko wala pa namang bell eh, unti-unti naman akong nilalamon ng antok, bago ako pumikit narinig ko pa si Akiro na may binulong na hindi ko naman naintindihan.
"Kung alam mo lang sobrang laking kawalan mo para sakin."
* AKIRO POV *
Hi, Akiro Shin Weddleston is my name. 17 na ko, at hindi ako normal na tao, i mean is may charms ako, kaya lang naman ako andito sa mortal world dahil sa isang misyon eh, ang hanapin ang prinsesa, sabi sa akin ng hari at reyna may tattoo daw siyang crown sa likod ng tenga niya, kakaiba yung tattoo na yun dahil ang prinsesa lang ang meron nun, magiisang taon na ko dito pero di ko pa din siya nakikita.
Tinignan ko yung katabi ko dahil hindi na kasi siya nagsasalita, kaya naman pala tulog na, isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko kasi naman gegewang-gewang, grabe naman tong babae na to di man lang na takot na matulog sa gantong lugar tas lalaki pa ang kasama niya, paano na lang pala kung ibang lalaki tas may balak sa kanya.. Huy huy wala kung balak sa kanya ha, malinis ang konsensya ko,
Pinagmasdan ko mabuti si Seah, maganda naman siya eh, hindi!! sa totoo lang maganda siya sa lahat ng andito, iba kasi yung kanya, simple lang siya pero kapag tinitigan mo siya mabuti lumalabas yung ganda niya, may kamukha nga siya eh di ko lang maalala kung sino, di ko nga alam bakit kinakausap ko to eh, dinala ko pa dito sa garden, wala kasi akong kinakausap kahit na sino, suplado nga tawag nila sa akin eh, pero ayos lang gwapo naman ako eh ..
Nagulat din ako kung bakit pumayag ako na tawagin niya kung Akiro, Shin kasi ang tawag nilang lahat sa akin kahit don sa Mundo namin, ayoko kasi na may tumatawag ng Akiro, Maliban na lang don sa batang nakilala ko, asan na kaya siya?
Aaminin ko nung unang dating ko dito sa paaralang to, siya agad ang napansin ko, paano naman kasi inaaway siya ng queen bee daw dito, di hamak naman na mas maganda si Seah sa kanya, di lang kasi marunong mag ayos to eh, araw-araw ko siyang sinusubay-bayan, nung una pakiramdam ko talaga siya yung hinahanap ko eh, di ko pa kasi siya nalalapitan para makita yung tattoo niya, lagi naman siyang nakaipit ang buhok kaya madali lang sana makita kaso di ko alam paano lumapit sa kanya, pero one time habang papunta ako dito sa garden nakita ko siya nanatutulog kaya nakalapit ako sa kanya, and ayon confirmed ..... Hindi siya ang hinahanap ko, naramdaman ko naman na gumagalaw yung ulo ni Seah, kaya tinignan ko siya, aayusin ko sana baka kasi mahulog nagulat ako ng may makapa akong basa sa mukha niya, tulo laway pa ata.
"*sniff* tunog ng hikbi (sorry na di ko alam mga sound effects eh ) no... no please Timothy wag mo ko iwan" nagulat ako ng magsalita siya, mukhang nananaginip siya, luha pala iyon akala ko laway eh,
"I'm begging you timothy, ayos lang sa akin kahit kayo pa ni Ashly wag ka lang makipag break please Tim." grabe naman tong babaeng to! ganyan niya ka mahal si Timothy kahit mag mukha na siyang tanga, classmate ko si Timothy, alam ko yung plano nila kay Seah, kasi narinig ko sila, 2 months na yung breakup nila na iyon at alam ng buong campus.
Paano naka broadcast, akala ko ok na siya, pero akala ko lang pala iyon. Ang galing niya mag tago ng feelings ah, mag kakaklase kasi kami, lagi kasi naka yuko kaya di niya alam na classmate ko siya naawa ako sa kanya, napapanaginipan pa pala niya yung nangyari nung araw na iyon, alam ko lahat ng nangyari kasi andon ako.
* Flashback *
"Sweetie, 3 months na simula ng naging kami ni Seah, pwede bang itigil na natin to, nakokosensya na ko, masyadong mabait si Seah para saktan ng ganto"
"Don't tell me na iinlove ka na sa kanya Tim. Hindi pwede iyan ako ang totoo mung girlfriend."
"Hindi naman sa ganon, ang akin lang! ayoko na!."
"No!!. Di pa pwede! wag ka muna makipag break" galit naman na tumayo si Ashly, hindi nila alam na nakikinig pala sa kanila si Seah.
"Tim, ano to? ano yung mga narinig ko?" Seah, na biglang pumasok sa pinto.
"Ow!! the famous nerd is here, tutal andito ka na din naman mas mabuti ng malaman mo ang totoo. Sweetie, tell her whats our plan is." mapangakit na sabi ni Ashly. lumapit naman si Timothy kay Seah.
"Totoo ba lahat ng narinig ko? plano niyo to? para ano? para lokohin ako? para saktan ako?" umiiyak na sabi ni Seah kay Tim, hinawakan naman ni Tim ng dalawa niyang kamay ang kanyang pisngi at pinunasan yung luha.
"Let me explain ha, please wag dito" alam kasi nito na naka live sila ngayon sa buong campus, nainis naman si Ashly sa asta ng boyfriend niya, kaya hinila niya ito kay Seah.
"No! Tim, explain here!" natutuwang makita naman ni Ashly si Seah na umiiyak na.
"Yes!!! totoo lahat ng narinig mo. Let's break up. Hindi kita mahal." nakayukong sabi ni Timothy kay Seah, Ayaw niya makitang umiiyak ito kasi baka pagtingin niya sa kanya bawiin niya ang sinabi niya. Ang totoo, ayaw niya rin makipag-break dahil sa araw-araw na magkasama ang dalawa ay unti-unti na rin siyang naiinlove dito.
"No... no please Timothy wag mo ko iwan." pagmamakawa niya kay Timothy, napaluhod naman si Seah dahil tinulak siya ni Ashly.
"I'm begging you Timothy, ayos lang sa akin kahit kayo pa ni Ashly wag ka lang makipag break, please Tim." pagmamakawa naman niya kay Timothy.
"Umalis kana!! hindi kita mahal... At kahit kailan hindi kita minahal!!" hindi naman umimik si Seah nakayuko lang ito. Maya-maya pa biglang tumayo ito, pinunasan ang luha at inayos ang sarili. Humarap sa kanila ng nakangiti.
"Congrats! Success ang plano niyo" sabay talikod at alis sa lugar.
Lumabas naman si Shin sa pinagtataguan niya at lumapit sa dalawa, sinuntok niya si Timothy sabay sabing
"Nakakaawa kayong dalawa" sabay labas at pabagsak na isinara ang pinto.
Sinundan naman ni Shin si Seah, pag labas nila ng building nagulat sila sa mga tao kasi alam nila lahat ang nangyari sa kanya. Napansin ni Shin na nakabukas ang mga TV sa hallway,
"T*ngin*h naka live pala" inis na bulong niya sa sarili, tumakbo si Seah sa garden at doon umiyak, lalapitan na niya sana kaso lang biglang dumating ang bestfriend niyang si Jana.".