PROLOGUE

913 Words
~ AGARTHA KINGDOM ~ • QUEEN APHRODITE POV • "Mahal na reyna sige pa ire mo pa lalabas na ang bata." sabi sa kin ng doktor na nagpapaanak sa akin. "aaaahhhhhhh" "ungaaaaaa... ungaaaaaaaa." Iyak nang baby ko. "Napakagandang bata, babae po ang anak niyo mahal na reyna." pinunasan niya ang anak ko at sabay binigay sa akin, bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang aking asawa na si King Arthur. "Mahal, eto na ang baby natin, tignan mo oh, ang ganda ganda niya." lumapit ang asawa ko para tignan ang bata. "Kamukhang kamukha mo siya mahal, parehas kayong maganda." sabay halik sa noo ko. "Pwede ko ba siyang kargahin?" "Oo naman mahal, anak mo din kaya siya." binigay ko sa kanya ang anak namin, habang karga-karga niya ang anak namin napansin ko na basa ang pisngi ng anak namin, tinignan ko ang asawa ko dahil nag punas siya ng luha niya, umiiyak pala. "Mahal kailangan natin dalhin ang anak natin sa mortal world, nalaman ng mga taga Irkalla Kingdom na ngayon ka manganganak kaya sumugod sila ngayon sa atin." sabi ng aking asawa sabay lapag niya sa anak namin sa kama. "Pero mahal, wala pa ngang isang araw sa atin ang prinsesa natin mawawala na agad siya satin" iyak kung sabi sa asawa ko. "Alam ko mahal, pero kailangan na natin siyang ilayo dito dahil kung hindi papatayin siya ni Caleb." wala na akong nagawa dahil ayoko mamatay ang anak ko. Habang mahimbing na natutulog ang anak namin sa higaan, tinangal ko ang aking kwintas at isinuot sa kanya, ayon ang mag papatunay na siya ang aming anak, kinarga naman siya ng aking asawa para lagyan ng seal ang kanyang kapangyarihan at ang kanyang pagkatao, lalagyan na niya sana ng tattoo sealed ang kanyang likod nang biglang umilaw ito, ilang sandali pa ay nakita nila ang unti-unting pag ukit ng mga simbolo ng bawat elements, nag mistulang tattoo ito. Naiiyak ako lalo dahil sa aking nakita, hindi ako pwede magkamali ayan ang tattoo na sumisimbolo na tatalo sa kasamaan sa tamang panahon, hindi pwede to, bakit ang anak pa namin? bakit ang anak pa namin ang itinakda, sa kakaisip ko sa nabasa ko sa book of prophecy di ko na namalayan na nalagyan na pala ng asawa ko ang anak namin ng tattoo sealed sa likod ng kanyang tenga, it's a crown symbol. "Mahal na hari, nakapasok na po sila sa palasyo, marami na din po sa atin ang mga namatay at sugatan." Bigla naman sulpot ng heneral ng mga kawal. "Mahal, sige na dalhin muna ang anak natin sa mortal world, tutulong akong lumaban para sa mga nasasakupan natin." kinuha ko ang anak ko, niyakap naman ako ng asawa ko, pero bigla itong bumitaw dahil may bigla kaming narinig na malakas na pagsabog, sa sobrang pagkataranta ko gumawa na agad ako ng isang portal pa tungo sa mundo ng mga tao. "Mahal, babalik ako agad pagkatapos ko dalhin ang anak natin doon, hintayin mo ko sabay natin silang lalabanan." hinalikan naman ako ng aking asawa, pagkatapos ay pumasok na ako sa portal. Pagkalabas ko ng portal ay di na ako nag atubili at nag hanap na agad ng bahay na pagiiwanan sa anak ko, walang nakakakita sakin dahil naka invisible ako at gabi nadin kaya wala ng mga tao at sasakyan na nag dadaan, habang naglalakad ako nakakita ako ng bahay, maganda at malaki, mukhang mayaman ang may ari, dito ko na lang iiwan ang anak ko para naman maging ayos ang buhay niya. Hinalikan ko ang anak ko at inilapag ko na sa may malaking gate, nag madali akong umalis at nag tago dahil may paparating na sasakyan, bumukas ang kotse at lumapit ang babae sa anak ko, kitang kita ko kung paano magulat ang babae sa nakita niyang sangol, agad naman nya itong kinarga at pinagmasdan ang aking anak, lumapit din ang isang lalaki sa kanya, siguro asawa niya ito, gulat din ang lalaki sa nakita niyang buhat-buhat ng kanyang asawa. "Jin, tignan mo may nag-iwan ng baby sa tapat ng gate natin oh, napakagandang bata, ampunin na lang natin Jin." mangiyak-ngiyak na sabi ng babae sa lalaki. "Pero hana, baka naman babalikan pa siya ng magulang niya, ayoko naman masaktan ka ulit." sabi ng asawa sa kanya, hindi na napigilan ng babae na umiyak dahil ayaw pumayag ng lalaki. "Jin, naman eh, sige na please, alam mo naman na kamamatay lang ng baby natin diba? siguro nga may plano ang Diyos kung bakit niya kinuha ang anak natin, tignan mo may sanggol dito sa tapat ng gate natin, ibig sabihin lang non tayo ang nakatadhana na mag aalaga sa kanya, at kung dumating ang araw na aalis o kukunin na siya sa atin, ayos lang sa akin, kaya please Jin nagmamakaawa ako sa atin na lang siya." umiiyak na sabi ng asawa niya, wala naman nagawa yung lalaki kundi pumayag, dahil sa loob-loob niya gusto din naman niyang alagaan ang bata, tinignan niya ang sanggol at ngumiti. "Teka may sulat oh" kinuha niya yung sulat at binasa. "Kung sino man ang makakakuha sa anak ko sana po ay ituring niyo siyang inyo, mahalin at alagaan niyo sana siya, Ipasuot niyo sa kanya ang kwintas niya, hangat maaari ay wag na wag niyong ipapatanggal, itago niyo din sana ang kanyang tattoo para sa kanyang kaligtasan, Ps: kayo na ang bahala mag bigay ng kanyang pangalan, Maraming salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD