2 - Bestfriend

2144 Words
• SEAH POV • "Kringgggggggggg....." bigla akong napabangon dahil sa lakas ng bell, hala nakakahiya nakatulog na pala ko sa balikat ni Akiro.. "Are you ok?" "uhm oo naman bakit? sorry nga pala nakatulog ako." "Wala yun ang sarap nga ng tulog mo, tulo laway kapa." Sabay tawa, na conscious naman ako at kinapa yung bibig ko. "Wala naman eh! abnormal ka, sige na, alis na ko hahanapin ko pa yung bestfriend ko eh, salamat." hindi ko na siya inantay mag salita at tumakbo na palabas ng garden, lunch time na baka magpupuntahan na yung mga ibang studyante sa garden, may makakita pang fangirl niya sa amin yari na naman ako.. Habang tumatakbo ako papunta sa canteen, bigla naman bumulaga sa harap ko si Freeya na lumilipad. "Saan ka galing?" sigaw ko sa kanya, syempre sa isip lang yun kasi baka mapagkamalan akong nag sasalita mag-isa, eh di naman nila nakikita tong isang to. "Sa bahay niyo, nag impake po ako ng gamit mo mahal na prinsesa, at inantay ko din na makaalis ang mga magulang mo" sarcasm na sabi niya sa akin. "Umalis na sila mama at papa?" bigla akong tumigil sa pag takbo dahil na lungkot ako sa balita ni Freeya, nasa tapat na din ako ng canteen. "Oo" di na ko umimik at naglakad papasok at hinanap si Jana. "Hi bestfriend." "Hoy!! Seah! bruha ka bat di ka pumasok?" nginitian ko lang siya, mamaya ko na sasabihin na gugutom na ko eh. "Maya kwento ko! na gugutom na ko eh," "Sige ano order mo? ako na bibili" "Spaghetti & Frappe lang" at ayon umalis na siya. Habang inaantay ko si Jana, bigla naman umingay ang paligid, tsk!!! kaya naman pala! pumasok kasi yung Evil Couple (Ashly & Timothy) sari-sari namang bulungan ang mga andito, mga tsismosa talaga. "Bagay talaga sila no? ang Ganda at ang Gwapo" "Oo nga eh! di bagay si Tim kay Seah, nagmumukha siyang katulong ni Tim." Tsk!!! mas mukha ka pang katulong sa akin girl. "Pero pansinin mo parang hindi naman sila eh, ang cold ni Tim kay Ashly." "Oo nga pansin ko din yan. Mas sweet pa nga si Tim dati kay Seah eh, akala ko talaga mahal ni Tim iyon." "Ano ba kayo hindi niyo ba alam ang balita?" Bigla naman dumating si Jana dala ang pagkain namin. "Are you Ok bes?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jana, siguro narinig niya din yung mga bulungan. "Yup" ngumiti na lang ako para di na mag tanong, inumpisahan na naming kumain, kaso lang ang iingay talaga ng mga tsismosang frog na to! "Huy anong balita yan? "Wala na kaya sila matagal na, Sinasamahan lang ni Tim si Ashly kasi nga suicidal si ate niyong girl" "OMG!!! so totoo pala yun" Nagulat naman kami ni Jana dahil nag kagulo na pala sa likod namin, binuhusan pala ni Ashly ng juice yung babaeng nag sabi ng balita, tsk!! poor girl, tumingin naman ako sa pwesto nila kaso lang pagtingin ko nakatingin din sa akin si Tim, umiwas agad ako ng tingin baka di ko ma pigilan maiyak na naman ako. Natapos kaming kumain ni Jana at inaya ko siyang pumunta kami ng rooftop, kailangan ko na kasi mag paalam eh. Nararamdaman ko na kasi na andito ang mga Dark Charmer, siguro hinahanap na nila ako. "Jana, aalis na kami, pumasok lang ako para mag paalam sayo." na lungkot naman ako pagtingin ko sa kanya, pinipigilan niyang umiyak, kaya niyakap ko na lang siya, parehas kasi kaming ayaw magpakita na umiiyak kami sa ibang tao. "Sure ka na ba talaga?? aalis ka ba dahil di muna kaya pambu-bully nila sayo??" umiiyak na sabi niya habang nakayakap pa din sa akin. "Uy ano kaba hindi no." "Dahil ba kay Tim?" hindi agad ako nakapag salita sa sinabi niya. "Ano ka ba hindi no, alam mo naman na dun sa state ang karamihang business namin eh, alam mo naman na di pwedeng iwan niya kami dito." Hindi na siya umimik, hinayaan ko na lang siya na umiyak. Bakit nga ba ko aalis? Ahh!! kasi gusto kung mahanap ang totoo kong mga magulang. Pero siguro nga dahil din kay Tim, hindi ko kasi kaya na nakikita ko sila araw-araw na parang wala silang kasalanan sa akin, masiyado kung minahal si Tim, siya kasi ang 1st boyfriend ko, close din siya kala mama at papa, kaya nga yung nag break kami nalungkot sila, gustong-gusto kasi nila si Tim para sa akin. Hindi mo kasi aakalain talaga na nag papanggap lang siya eh! nakikita ko sa mga mata niya at alam ko sincere siya sa mga ginagawa niya para sa akin. Pero siguro nga magaling talaga siyang umarte, sa sobrang galing niya pwede na siyang mag artista. "Seah, kailangan na natin umalis" biglang sabi ni Freeya sa utak ko. "Oo na wait lang" "Jana, kailangan ko na umalis, inaantay na kasi ako nila mama sa airport eh, dumaan lang ako dito para magpaalam sayo, mag-iingat ka ha, magkikita pa tayo." pinunasan naman ni Jana yung luha niya at ngumiti ng nakaharap sa akin. "Wala naman na ko magagawa eh, basta umuwi ka dalawin mo ko agad ha, so paano?? Goodbye na?" "Loko! alam mo naman ayoko ng salitang Goodbye hindi ba? hindi pa ko mamamatay, instead of Goodbye, See you soon na lang sa iyo bestfriend." At ayon na nga nag yakapan na kami bago ako umalis. Umuwi kami ni Freeya ng bahay para kuhain ang mga gamit ko, ready na lahat, maliit na maleta at maliit na backpack lang ang dala ko. Pero wag kayo! madaming laman yan, magic bag kasi yan gawa ni Freeya, Yung sa maleta mga damit at andon din yung gitara ko, Bigay kasi sa akin ni papa iyon, sa backpack naman puro mga accessories, phone, laptop at mahahalagang bagay ang laman, advance daw kasi ang technology don kaya gagana ang gadgets ko, yon nga lang di makaka access dito sa Mortal world. Malakas din daw ang wifi doon sa buong Charms World may signal, except lang daw sa Irkalla Kingdom, naks yayamanin, sana all no?. Kanina pa kami palakad-lakad dito sa kagubatan pero hindi pa din kami nakakarating, 3hrs na kaming naglalakad, buti na lang talaga malakas ang stamina ko, thanks kay God Eros. "Walang ano man Princess." "Tsk! lakas talaga ng pandinig mo pag dating sa mga pag-puri sa iyo eh no?" "Syempre gwapo ako" kapal din ng mukha eh. "Hoy narinig ko yun!" "Paki ko!" di na nag salita, takot na yan. "Hoy!! Freeya, ano ba!! wala pa ba tayo sa pupuntahan natin?" naiinis na ko, ang sakit na ng paa ko eh, aba!! di ako pinansin nitong tutubing to! Habang naglalakad ako at lumilipad naman si Freeya, tamad yan eh, biglang kumirot yung likod ko, shet!! ano nangyayari? bakit kaya bigla na naman sumakit to? "Andito na tayo" narinig kong sabi ni Freeya, pero di ko na talaga kaya. "Aarrghhh...." "Seah!! bakit? ano nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Freeya. "Freeya ang sakit ng likod ko. aaahhhhrrg" "Omaygad umiilaw ang likod mo, Yung tattoo mo Seah." Hindi ko na naintindihan si Freeya dahil sobrang sakit talaga niya, unti-unti na kung nawawalan ng malay pero bago ko pumikit may nakita akong tatlong tao na lumapit sa amin at naramdaman ko na lang na buhat-buhat na ako. • KEN POV • Naglalakad kami ni Maycee at ng kapatid kong si Brianna pa puntang portal nang may bigla kaming naramdaman na napakalakas na aura, nakakatakot ang aura niya, tumakbo kami para hanapin kung san nanggagaling yun, nang malapit na kami sa portal papunta sa mundo namin, may napansin kaming isang fairy na papunta sa amin. "Tulong po, nawalan ng malay yung babae." sabi sa amin ng isang fairy. "Asan siya?" sabat naman ni Maycee. "Andon po siya sa tapat ng portal." bat andon siya? dapat tatalsik na siya kapag lumapit siya doon kasi di naman siya isa sa amin, baka naman may charm din siya? "Bakit siya andoon sa portal? dilikado siya dun" nag-aalalang tanong ng kapatid ko sa fairy. "Nawalan siya ng malay pagtapos niyang kalabanin ang mga dark charmer." what?? kinalaban niya ang mga dark charmer?? may charm din siguro siya, nakarating naman kami sa tapat ng portal, asaan dito ang mga dark charmer?? dapat andito ang mga katawan nila. "Pinagloloko mo ba kami? asan ang mga dark charmer dito? eh wala naman ang mga katawan nila", inis naman na sabi ni Brianna sa fairy, ayan na naman ang pagiging moody ng batang to. "Talagang walang bangkay ang matitira, kasi naging abo sila, hindi ko alam kung ano ang charm niya basta nakita ko na lang na nakikipag laban siya sa mga dark charmer tapos kapag natatamaan niya ng charm niya nagiging abo sila." so ibig sabihin sa kanya yung malakas na aura na nararamdaman namin?? ang lakas naman niya, ano kayang charm niya ang astig kasi eh. Pero bakit ganon? parang wala sa itsura niya na ganon siya kalakas, para kasing napaka fragile niya eh. "Mukhang habol talaga siya ng mga dark charmer dahil sa kakayahan niya, kuya! buhatin muna siya at dalhin sa Academy Hospital baka maabutan pa tayo dito ng ibang dark charmer, di siya pwede mapunta sa kanila." wow concern ang kapatid ko, mabait naman yan si Brian, moody nga lang minsan. Binuhat ko naman siya at pumasok kami sa portal, dumiretcho agad kami sa Agartha Academy Hospital para matignan at makapag pahinga na din siya, pagkalapag ko sa kanya bigla naman pumasok ang mga kaibigan namin kasama si HM at si Nurse Kim. "Whooooaaa sino siya Ken? girlfriend mo? ang ganda niya." biglang sabi ni Kairo. Binatukan naman siya ng girlfriend niyang si Ayumi, selosa! "Baliw!!! hindi no!! nakita lang namin sa tapat ng portal yan." "Ano nangyari? pano siya nakapasok sa portal?" nagtatakang tanong sa amin ni HM, hindi kasi nakakapasok ang mga mortal na tao dito sa amin, pwera na lang kung may charm din siya, at ayon nga enexplain namin sa kanila yung naabutan namin, at si fairy Freeya ang nag kwento din ng nakita niya. "Mukhang siya nga ang habol ng mga dark charmer." parang nag isip naman si HM kung bakit, kahit kami di din maiwasan mag isip sa babaeng to, napaka mysterious, sino ka ba? "Nurse Kim, ikaw na muna bahala sa kanya ha, pag gising niya samahan mo siya sa Office ko." "Opo HM" "Kayo naman!!! magsibalik na kayo sa inyo, gabi na" at ayon lumabas na kaming lahat, naiwan naman si Freeya, siya na daw magbabantay. Bat kaya may fairy iyon? alam ko ang prinsesa lang ang pwede magkaron ng fairy, kaso imposible naman na siya ang prinsesa, wala naman siyang tattoo sa likod ng tenga nya, nakita ko iyon kanina nung medyo lumapit ako sa kanya. Kakaisip ko kay Mysterious Girl andito na pala kami sa Elite Mansion, Pumasok na agad ako sa kwarto ko, nag shower at pagtapos ay natulog na ko. • FREEYA POV • "Pst! Freeya asaan ako?" nagulat naman ako kay Seah, gising na pala to. "Andito na tayo sa Agartha Academy, at andito ka sa Hospital ng school." nilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto, sus! kala mo naman may makikita puro lang naman puting ding-ding. "Ano nangyari?" sabi na nga ba mag tatanong to eh, dating gawi kwenento ko sa kanya ang nangyari at kung ano ang sinabi ko sa kanila. "What?? Yun ang alibi mo? Tsk! naman Freeya!" "Wala kung ibang maisip na alibi ko, hindi nila pwede makita ang tattoo mo, hindi pa sa ngayon." "Sa bagay tama ka." "Nga pala nilagyan ko na ng concealer yung mga tattoo mo para di nila makita, nag fafade na kasi yung Crown tattoo mo tas yung sa likod mo kitang-kita na, buti na lang na harang ko si Ken bago makalapit sayo, mukha kasing balak niya tignan yung likod ng tenga mo eh." "What?? who's Ken?" "Siya yung nag buhat sayo pa punta dito." "Ah ok...." "Nga pala nag research ako kanina habang tulog ka, nalaman ko na Elites ang nakakita sa atin kanina, andito din silang lahat sa room mo kanina, pati ang HM, napagalaman kung sila ang mga Top student dito, 7 silang lahat, pero wala yung isa kanina eh, Yung Prince of Fire." • SEAH POV • "Sino-sino sila?" kailangan ko silang makilala para naman di ako mag mukhang tanga pag pumasok na ko dito. "Hmmmp 3 girls & 4 boys .. Maycee - Air Princess Ayumi - Water Princess Brianna - Light charm, Pamangkin siya ni King Arthur ng Agartha Kingdom, May kapatid din siya si Ken yung nag buhat sayo Thunder & Storm ang charms niya, napatay ang mga magulang nila ni King Caleb ng Irkalla Kingdom, kaya kinupkop na sila ng King & Queen. Kairo - Electric charm Boyfriend siya ni Ayumi. Jhays - Earth Prince, and last Shin - Fire Prince." hhmmm, Shin?? kapangalan pa niya si Akiro. "Ok got it" "Nga pala bukas kailangan mo daw pumunta ng office ng HM." "Bakit daw?" "I think para sa pag-aral mo dito?" hindi na ko umimik at pumikit na hanggang sa nilamon na ko ng antok. • FREEYA POV • Tulog na si Seah, buti naman ayos na siya, lumipad ako papalapit sa kanya at inayos ang kanyang kumot, at lumipad ulit ako papuntang lampshade, matutulog na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD