5 - Fire Prince

2251 Words
Fast Forward (1 week later)      ━━━ * AKIRO POV * Nag lalakad ako pa puntang mansion ng may ma hagip ang mga mata ko na isang familiar na babae, imposible naman na andito sya, normal na tao lang naman sya at isa pa nasa state na sila, nakakamiss miss din pala yung babae na yun kahit pano, lagi ko kasi syang sinusundan noon eh, pag pasok ko ng masion walang tao, tulog pa siguro mga yon, umakyat na ko at pumasok sa kwarto ko, pero nag taka ako bakit ganto ang itsura ng kwarto namin ni Kairo? bakit puro pambabae mga gamit sa kabilang kama?? nag ladlad naba si Kairo?? girlfriend nya si Ayumi di ba? "Oh anjan ka na pala, Teka asan si Seah?" nag taka naman ako sa tanong ni Ken sakin, kilala nya si Seah? don't tell me hindi ako namamalik mata kanina, pero pano?? "Ay! di mo pa pala sya kilala, sya yung bagong student dito, jan sya sa kabilang bed, lumipat muna si Kairo don kay Ayumi." "Bakit dito sya? nag hihirap na ba ang paaralan na to at isisiksik dito sa kwarto ko?." inis na sabi ko kay Ken. "Hindi pa daw tapos yung pinapagawa ni HM na dorm para sa kanya, kay HM ka mag reklamo, naku kung narinig ka ng ka roommate mo na sampulan ka non!." nag sipasukan naman ang iba. "Oh asan si Seah?" tanong nila kay Ken. "Sino ba yun bakit parang lahat kayo nag kakaganyan! nawala lang ako nag kaganyan na kayo!." inis na sabi ko sa kanila. Umupo naman sila sa mga kama at nag kwento. Pag katapos nila ikwento lahat-lahat ng nangyare simula dumating dito yung babae na yun!. Tumayo na sila at hahanapin daw nila yung babae na yon kaya sumunod nalang ako. Bakit parang feeling ko kilala ko sya. Tsk!!! Baka kapangalan lang. Habang pa punta kami sa garden, may nakita kaming babae na nakaupo sa ilalim ng puno may hawak na gitara, lumapit naman yung mga kasama ko ng hindi nya nahahalata, sabi ko na nga ba kilala ko sya eh, sya yung Seah na kakilala ko sa Mortal World, pero paano?? bakit di ko sya nararamdam noon??. Mysterious nga talaga sya tulad ng sabi nila sakin.. Narinig namin na nag strum sya at kumanta. Maganda pala boses nya! Nakita kung nag punas sya ng luha nya pag tapos nya kumanta. Tsk!!! na aalala na naman nya siguro si Timothy. "Nasasaktan padin sya sa ginawa sa kanya ni Ashly at Timothy." nagulat ako sa sinabi ni Maycee, tinignan ko naman syang nagtataka. "Kilala nyo ang nanakit sa kanya?Pano nyo nalaman?." tanong ko sa kanila, mukhang alam din kasi nila. "Alam mo din ang nangyare sa kanya Shin?" "Yes, Classmate ko sya, sila." tumango naman sila sakin. "Sino nag sabi sa inyo nyan? sya ba?" tanong ko sa kanila. "Si Freeya, yung fairy nya." ha? may fairy sya? Nilapitan naman nila si Seah. "Yowwww!!!" "Akiro? kyaaaaahh ~~ Akiro ikaw nga!!!!! ano ginagawa mo dito." nagulat naman ako ng tumakbo pa punta sakin si Seah at yumakap. Niyakap ko nalang din sya, kanina ko pa kasi sya gusto yakapin yung umiiyak sya habang kumakanta. "I miss you" Nagulat ako ng bigla nalang lumabas yan sa bibig ko. "I miss you too." Kumalas sya sa pag ka kayakap at ngumiti sakin. Bigla naman bumilis yung t***k ng puso ko, narinig nya yon? "Grabe may charm ka din pala, ang galing" tuwang-tuwa nyang sabi sakin. Ang sarap makita syang ganyan ka saya, pero alam ko naman na hindi lahat ng pinapakita nya na kasiyahan totoo eh. "Eheemm!" - Kairo "Dura mo yan Kairo kadiri ka!" "Hahahaha barado ka na naman tol!" - jhays, Luh ano nangyayare bakit ganto sila, dahil ba kay Seah nag bago sila? in a good way naman kaya ayos lang, kahit si Seah ang laki nang pinag bago nya, nakikipag asaran na din sya, dati kasi ilag sa tao yan, yung bestfriend nya lang lagi nya kinakausap. "Bakit Jhays? Inidoro ba si Kairo?? huy Kairo inidoro ka pala eh." inosenteng sabi nya, nag tawanan naman sila sa kalokohan ni Seah. Parang na iimagine ko tuloy yung kwento nila sakin nung nangyare kay HM sa canteen. Binatukan naman ni Kairo si Jhays. "Huy! bat tulala ka jan." tinutusok-tusok ni Seah yung pisngi ko habang tinatanong ako. Ang lapit nya sakin kaya yung puso ko nag wawala. Ang ganda nya sa malapitan, napatingin naman ako sa labi nya, pinkish ang sarap halikan, ay Shin!!! erase erase.. "Hoy kayong dalawa! umamin nga kayo! ARE YOU GUYS DATING???" sabay-sabay na sigaw ng mga babae, sinilip ko si Seah, na mumula yung pisngi nya, hahaha ang cute nya. "Hoy hindi ko boyfriend yan no! Mahal ko ang buhay ko ayoko pang mamatay, wag kayong maiingay baka may makarinig sa inyo at ipag kalat pa ang maling balita malilintikan na naman ako kay Claire, alam naman natin na mag ON sila eh." huh?? kelan pa naging kami non. Hindi ko girlfriend yun no. "Proclaim girlfriend lang sya. Ayoko sa kanya para sa kapatid ko, at di ako papayag no! Ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend nya." na patingin naman kami sa likod, ano ginagawa ng mga kapatid ko dito. "Kuyaaaaa.." yumakap naman sakin ang bunso namin, kaya kinarga ko sya, ang laki na nya. "Hi po ate, boyfriend mo si kuya ko?" nakangiting sabi ng kapatid ko kay Seah, lumapit sya samin at kinurot yung pisngi nya. "Ano ka ba baby girl, hindi ko boyfriend si Akiro no. Wala na kay ate ang salitang boyfriend baby girl." sabay kuha nya sa kapatid ko at kinarga, bakit nalungkot ako sa sinabi nya. "Bakit Akiro ang tawag mo sa kanya?" - Ate Sheela "Ang haba kasi ng pangalan nya kaya yon nalang tinawag ko." "Akala ko ba ayaw mo ng may tumatawag sayo ng Akiro?" sabat naman ni Ken. Ayoko talaga kasi may tumatawag sakin ng Akiro, kasi naman isa lang ang tumatawag sakin non, yun ay ang Prinsesa, Yup nakita ko ang Prinsesa nung tumakas ako pa punta ng mortal world, na confirmed ko na sya yun kasi yung crown tattoo nya nakita ko, 8y/o ako non tas sya 7y/o "What's your name baby girl?" tanong naman ni Seah sa kapatid ko. " Shane po, 7y/o" na ka ngiting sabi nya.. Nag kwentuhan lang kami dito sa garden at nag haharutan yung iba, si ate Sheela umalis na at iniwan sakin si Shane, Tsk! ginawa pa kong babysitter, di bale na miss ko ang baby girl ko eh. Pinagmasdan ko si Shane na nakikipag laro kay Seah. maya-maya lang nagulat kami sa tanong nya. "Ate Seah. Ayaw mo ba sa kuya ko? bakit ayaw mo sya maging boyfriend?." lahat kami inaantay yung isasagot nya, medyo malayo kasi sila samin kaya di nila alam na nakikinig kami. Huminga muna sya ng malalim bago nag salita. "Hindi naman sa ayaw baby girl, ayaw na kasi ni ate mag boyfriend, nakakaiyak, masakit dito oh!(turo nya sa dibdib nya) nakaka drain ng energy." nakita ko naman na niyakap ni Shane si Seah at tinakpan ang mata nya. "Sssshhh!!! wag kang iiyak. Sige ate wag ka na mag boyfriend para hindi mo ulit maranasan yon. Nakakatakot pala mag boyfriend para kang mamamatay, ayoko na nga mag boyfriend ayoko pang mamatay eh." natawa naman ako/kami sa sinabi ng kapatid ko. "Ikaw talaga" kinarga nalang ni Seah si Shane at lumapit samin. "Hoy kayong dalawa!!! bangayan kayo ng bangayan jan bakit kasi di pa kayo umamin sa isat-isa ha?." sabi ni Seah kay Jhays at Brianna, namula naman silang dalawa, hahahaha deny pa kasi sila eh halata naman. "HAHAHAHAHA" tawa naman ng tawa si Maycee dahil sa dalawa. "Ikaw Maycee?." paktay ka kala mo ligtas ka na ah, grabe halos lahat may pang bara sya! mukhang wala kang sekreto na matatago. "Anong ako?" kinakabahan naman na tanong nya. "Kailan ka aamin kay Ken?" namula naman si Maycee sabay yuko, nako naman mukhang wala na kong ma ipangba-blackmail sa kanila, ni lantad na ni Seah eh. Nakita ko naman na lumapit si Ken kay Maycee at inasar-asar ito. "Hoy Ken!" hahahha kala mo makakatas ka ha. "Oh bat ako? wala kang maibubulgar sakin." ngumisi naman si Seah. "Wala nga!! pero may sasabihin lang ako sayo." nakahinga naman si Ken ng ayos "Ligawan mo na si Maycee, bahala ka kapag naunahan ka ng iba kawawa ka lang! may umaaligid jan sa kanya class officer yun . Wag kang kampate dahil kaming mga babae mabilis ma inlove lalo na kapag nakikita namin na nag eefort ang lalaki." nakita ko pang kinindatan ni Seah si Maycee. "Hoy wag ka mag papaligaw don bustedin mo na yon ngayon din!" hahahaha natakot ma unahan ng iba. "At bakit ko naman gagawin yon?" "Manliligaw ako!" nag tawanan naman ang mga babae kay Ken. "Ayoko nga wala ka naman gusto sakin tas manliligaw ka! ano trip mo ko?" "Liligawan ba kita kung wala akong gusto." Boom! natameme tuloy si Maycee hahaha namula ka tuloy, nakangisi naman si Seah. Lumipas ang oras at nag si balikan na kami sa mansion, lahat kami nasa sala. Tumayo naman si Seah at Maycee. Si Seah pumasok ng Kwarto namin, si Maycee naman pumunta sa kitchen mukhang mag-luluto na sya ng dinner, sya lang kasi marunong mag luto samin eh.. Yung iba naman ayon nag lalaro ng game controller kasama si Shane. Umakyat ako para tignan kung ano ginagawa ni Seah, pag pasok ko nakapantulog na sya, nakaupo sya ng nakayuko sa gilid ng kama nya sa sulok at umiiyak. Nainis naman ako sa inaakto nya, grabe naman parang lalaki lang nag kakaganyan na sya, paglapit ko di ko sinasadya na masagi ko yung picture frame na nasa gilid ng table nya, pag tingin ko ayon basag, picture pala ni Timothy yun buti nalang nabasag, nag pasukan naman sila sa kwarto namin. "Anong problema mo huh, bakit mo binasag yan? inaano ka ng picture frame?" galit na sabi sakin ni Seah.. Nainis naman ako sa sinabi nya. "ANO NAMAN KUNG NABASAG YAN, JUSKO NAMAN SEAH!!! 2 MONTHS NA KAYONG WALA, AT LARO LANG SA KANYA YON!!!! SA TINGIN MO TALAGA NA SERYOSO SYA SAYO? HINDI MO BA MAINTINDIHAN NA SI ASHLY ANG MAHAL NYA KAYA UTANG NA LOOB WAG MUNG SAYANGIN YANG SARILI MO PARA LANG SA WALANG KWENTANG LALAKI NA YAN!!! MAUUBUSAN KA BA KAYA KA NAG KAKAGANYAN!!! O BAKA NAMAN KASI NAKUHA KA NA NYA KAYA HINDI MO SYA MABITAWAN. AT IKAW NAMAN NA TANGA BINIGAY MO AGAD? ANO? DAHIL MAHAL MO SYA? TA----" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nya kong sampalin. "OO MINAHAL KO SYA, AT HANGGANG NGAYON MAHAL KO PA DIN SYA!!! ANG BOBO KO NO? NAGAWA KO PA NGANG SABIHIN SA KANYA NA AYOS LANG SAKIN KAHIT SILA PA NI ASHLY WAG LANG NYA KONG IWAN. NATURINGAN PA AKONG TOP STUDENT!!! KAHIT SOBRANG MAHAL KO SYA HINDI AKO TANGA PARA IBIGAY ANG MGA GUSTO NYONG MGA LALAKI NA MAKUHA SAMING MGA BABAE." sabay alis nya sa kwarto namin ng paika-ika. Natulala nalang ako sa ginawa ko, naupo ako sa kama ko at na pa sabunot nalang ako sa buhok ko. "Ano ba nangyare?" - Ken "Hindi ko naman sinasadya eh, nakita ko kasi syang nakaupo jan sa sulok naka yuko tas umiiyak, naiinis ako kasi iniiyakan na naman nya yung Tim na yon, lalapitan ko sana sya kaso na sagi ko yung picture frame kaya nabasag." "Hindi naman kasi yun yung reason nya kung bakit ganon yung pwesto nya, may menstruation ngayon si Seah, matic na susumpungin na sya ng Dysmenorrhea nya, every monthly sya nag su-suffer, minsan di nya nakakayanan nawawalan nalang sya ng malay." paliwanag ng isang fairy, sya siguro si Freeya, nakakainis ang tanga ko. "Below the belt yung mga sinabi mo Shin. Hindi ka tinuruan ng mga magulang natin ng ganyan. Shane halika na anjan na yung sundo mo." sabi ni ate at sabay na umalis kasama si Shane, pati si ate galit nadin sakin. "Yan kasi di muna nag tatanong." inis na sabi ni Ayumi sabay labas. "Kuyaaaaaaaaa si ate Seah dalian mo kuya!!!!." natataranta naman kami na nag si labasan at bumaba pa punta kay Shane. "Ano nangyare kay Seah asan sya?" - Ayumi "Nasa labas po" Dali-dali naman akung lumabas para puntahan sya, narinig ko naman na sumunod sila sakin. Pag labas ko bumungad sakin si ate na hawak-hawak si Seah na naka higa sa semento. "Buhatin mo sya Shin dalhin natin sa hospital, nawalan sya nang malay." Binuhat ko naman sya agad, ang lamig nya at maputla din sya. "Sa kwarto mo sya dalhin, ganyan talaga nangyayare sa kanya kapag sobrang sakit ng puson nya, tapos umiyak pa sya, nawalan lang yan ng malay, pahinga lang kailangan nya, may hot compress ba kayo?." - Freeya. Kaya ayon dinala ko nalang sya sa kwarto namin at hiniga, inayos ko yung comforter nya, pumasok naman sila at lumapit si Ayumi na dala yung hot compress, inilagay nya sa puson ni Seah. "Now boys!! ganto kami monthly, mas malala nga lang yung kay Seah, nag rereklamo kayo bakit may hot compress kami? na babawasan kasi yung sakit kapag nilagay mo to sa puson namin." paliwanag ni Ayumi saming mga lalaki. Nang matapos ayusin ni Ayumi yung hot compress na nilagay nya kay Seah ay lumabas din silang lahat para kumain, wala akong gana kumain, nakita ko naman na may sugat sya sa paa, kaya pala paika-ika sya kanina, na sugatan sya sa bubog. Kinuha ko naman yung 1st aid kit sa C.R at ginamot yung sugat nya, sana may healing powers din ako gaya ni Ayumi at Maycee, pagtapos ko linisin yun sugat nya winalis ko yung mga bubog na nabasag, pinalitan ko ng frame yung picture, pag katapos nahiga nalang ako sa kama ko at humarap sa kanya, pinag masdan ko lang sya. "Sorry"  bulong ko bago pumikit at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD