4 - New Student

2546 Words
     ━━━ * SEAH POV * Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko, pag tingin ko ang daming notification, ay oo nga pala gumawa ako ng twitter account, meron kasi sila dito, gagawa din sana ako ng youtube ko, balak ko kasi sana i-upload yung mga song & dance cover ko kaso lang wag na pala kakahiya, ok na ang twitter lang. Tinignan ko naman ang mga nottif ko, pag tingin ko lahat ng Elites nag Follow sakin 6 lang sila? akala ko 7 lahat? ay oo nga pala wala pa kasi yung isa, yung kapatid ni ate Sheela. Makapag tweet post nga.      ━ SEAH LEE: Start in a new life in a new world. Good Morning :) Pag tapos ko maligo at mag bihis ng uniform ko ay bumaba na ako agad, nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay pero wala akong nakitang elites kaya lumabas na ko at dumiretcho sa office ni HM, kukunin ko lang yung schedule ko Pag tapos ko maligo at mag bihis ng uniform ko ay bumaba na ako agad, nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay pero wala akong nakitang elites kaya lumabas na ko at dumiretcho sa office ni HM, kukunin ko lang yung schedule ko. Ang ganda pag masdan ng mga studyante kasi ang gaganda ng mga uniform nila, ay namin pala. Pag karating ko sa HMO (Head Master Office) ay ibinigay agad ni ate Sheela ang schedule ko, wala daw kasi si HM kaya sya ang nag bigay sakin, pag ka labas ko dumiretcho na agad ako sa 1st class ko, History, boring to malamang puro kwento lang. "New student huh!" rinig kong sabi ng mga babae na nakakasabay ko. "Nerd! weak din yan" "O M G masaya to, may bago na naman pag ti-tripan ang Queen bee." ahh so meron din palang nag re-reynahan dito? Nakarating ako sa tapat ng pinto ng room ko, pa pasok na sana ko pero huminto muna ko at pinakiramdaman ko muna baka kasi mamaya may mga surprise na patibong palang nag hihintay jan, kung sa mortal world may mga bullies malamang meron din dito baka nga mas malala kasi may mga charms pa sila.. Nang maramdaman kong safe naman ay binuksan ko agad ang pinto, natahimik naman sila at tumigil sa kani-kanilang mga ginagawa, inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar para mag hanap ng upuan, nag lakad ako sa pinaka dulo at don umupo sa gilid ng bintana at hiniga ko nalang ang ulo ko sa mesa, "Classmate pala natin ang new student." "Ang ganda nya kahit na nerd sya." "Anong kinaganda nyan? mas maganda pa ko jan eh." Geh kayo na maganda lakompake. "Anjan na ang elitesssss.." "Kyaahhhahh ~~ ang gwapo talaga nila." "Wala pa din si Baby Shin ko, huhuhu." "Ang gaganda talaga nila no?." "Oo nga eh." puchaaaaaaa ang iingay .. bumangon ako at tinignan sila. "Seaaaahh." Sigaw ni Ken at Jhays, uhmm Jhays???? anyare dito? pumunta sila sakin sabay yakap, ok natahimik na. "OMG girls bakit niyakap nila si nerd?" "Oo nga eh, kakaingit naman, ang swerte nya." "Kilala ng elites si nerd." Sunod-sunod naman akong binati ng elites, pati nga si Ayumi tinanong kung Ok na daw ba ko, tumango na lang ako sa kanya, "Anong nakain mo Jhays at nahawa ka sa kabaliwan ni Ken?" biglang tanong ko kay Jhays. "Nako Seah, ganyan talaga yan si Jhays, may HB lang yan kahapon kaya kala mo masungit yan." paliwanag naman ni Brian sakin, tinignan ko si Khays nakatingin ng nakangiti kay Brian, oh-ow i smell something. "Kasalanan ni Ken to Seah eh huhuhu." pag susumbong naman ni Jhays sakin. "Hoy Ken ano? ano na namang pinakain mo dito at nag kaganyan yan?" kunyari taray-tarayan na sabi ko sa kanya. "Hala wala naman akong ginagawa eh" naka pout pa na sabi nya sakin, jusko Ken, wag ka mag pout ayan ka na naman eh. "Ayon nga eh! wala kang ginagawa, kaya gawan mo ng masama." naka ngiting sabi ko sa kanya! nag katinginan naman silang lahat sa isat-isa, pag tingin ko kay Jhays na ka kunot na ang noo. Maya-maya pa ay pinag susugod nila si Jhays at ayon nag wrestling na po sila. "Pano nagagawa ng new student yan, hindi naman ganyan ang elites eh, mga seryoso sila diba?" nag taka naman ako sa binulong ng isang lalaki. "Kaya nga eh! pero nakakatuwa nga eh may mga ganyan din pala silang side." "Tsk!! s**t!" Tumigil naman ang elites sa pag haharutan at tumingin sa babae na nag sabi non! Nag react naman agad ang tenga ko sa narinig ko kaya tinignan ko kung sino nag sabi nito, pag tingin ko sakanya. aahhmmm mas mukha syang s**t kesa sakin, ay hindi! clown s**t pala .. Di ko na lang sya pinansin at umayos na ng upo, bigla kasing dumating yung teacher. "Wag mo nalang sya pansinin, inggit lang yan." bulong sakin ni Maycee na nasa harap ko na ka upo. Nilibot naman ni ma'am ang paningin nya sa buong classroom at ng mahagip nya ko ay tsaka sya nag salita. "Dito pala na punta satin ang new student. So miss can you introduce your self?" tumayo naman ako at nag lakad papunta kay ma'am, na pansin ko na parang gusto ako patidin nung nag sabi ng s**t, kaya iniwasan ko nalang yung paa nya, nilingon ko sya at nakitang nagtataka, Tsk! kala mo sakin tanga? "Seah, 16" cold na sabi ko sa kanila, tinignan ko sila at lahat sila nga-nga .. bakit? nag pa kilala naman ako ah. nag taas ng kamay yung isang lalaki. "Yes, Justin?" - ma'am " What's your full name?" "Bakit? Tatawagin mo ba ko sa buong pangalan ko?" Inis na tanong ko sa kanya!! Nag tawanan naman sila sa sinabi ko. "Kelseah Jieun Mendoza. Lee .. Satisfied?" Sagot ko ulit, para naman di na mapahiya kawawa naman eh! "Whooo ang haba pala ng pangalan mo." biglang sigaw naman ni Jhays. tsk! parang gusto ko nalang na HB sya lagi. "What's your charm? i bet isa lang yang pipitchugin." mayabang na sabi ni Clown sluts. Bigla naman syang nabalutan ng yelo mula sa paa umaakyat papuntang leeg nya, nag mistulang ice statue na sya. "Sino may gawa nitooooo. Ayumiiiii tanggalin mo to." galit na sigaw nya kay Ayumi. "Kapal talaga ng mukha mo no! nakaupo lang ako dito pag bibintangan mo ko? baka gusto mung dagdagan ko ng layer yan at pati ulo mo lagyan ko nadin." tinignan ko naman si ma'am, di man lang nya sawayin, nganga ang itsura nya, ano ba yan. "Alam nating lahat na ikaw lang ang pwedeng gumawa ng ganto dahil water user ka." di na kumibo si Ayumi kaya nag salita na ko. "You wan't to know my charm right?" nakatingin na silang lahat sakin. "That's mine by the way." Cold na sabi ko at nag lakad na papuntang upuan ko, pero bago yun tinanggal ko muna ang nag ye-yelong katawan nya. Ang ganda nga nang pag kakagawa ko eh colour pink kaya yun.. Icepink ang tawag ko don, yon lang ang ginagamit ko, Sa ngayon! sabi kasi ng mga Gods & Goddesses wag daw ako gagamit ng Charms ng kagaya ng elites eh mag tataka sila. Hindi kasi pwede mag double ang charms sa ibang user, unless ikaw ang itinakda. "Oouucchhh!" Sigaw ng katabi ni Clown sluts! Pano tinadyakan ko yung paa nya, balak pa kong patirin. "Tanga mo kasi." nakatalikod na sabi ko sa kanya at dumiretcho na sa upuan ko at na upo, si clown s**t naman ay lumabas mag papalit daw sya ng uniform pano basa kasi sya hahaha. "Ang ganda ng charm mo Seah kulay pink na ice." tuwang-tuwa na sabi nila Jhays, nakatingin lahat ng elites sakin na nakangiti. "Ang astig ng ginawa mo, hahaha buti nga sa kanila." - Maycee Nag si tingin na sila sa harapan ng mag salita si ma'am. Nag ku-kwento lang sya about sa past, 16yrs ago! Ah ganon pala nawala ang Prinsesa ng Agartha, sana mahanap na sya. Bigla naman tumunog ang bell, Yown lunch na gugutom na ko di pa ko nag breakfast eh, inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom at nag punta ng canteen. Pag pasok ko sa canteen, all eyes on me, tsk!! nag lakad nalang ako at nag hanap ng ma u-upuan, ayon sa dulo meron pa, pupunta na sana ako don ng may narinig akong sigaw ng babae. "ASAN YUNG NEW STUDENT NA NERD!!!" tumingin naman ako sa sumigaw, ops buhay pa pala to, nakapag palit na sya ng uniform nya, tinignan ko ang buong paligid at lahat sila nakatingin samin, nahagip naman ng mata ko ang elites na ka papasok lang sa canteen. "Tsk! attention maker ka talaga clown.-_-" "Anong sabi mo? " "Bingi ka din pala." Cold na sabi ko, nakita ko naman sa gilid ni clown ang mga alipores nya na parang natakot, Lah wala pa nga ko ginagawa eh nag salita palang ako, nakakatakot ba ko mag salita? .. "Akala mo palalagpasin ko yung ginawa mo sakin kanina sa room ha!!!!" inis na sabi nya sakin. "Edi balikan mo." hahaha sarap bwisitin. "Grabe naman! new student kung umasta kala mo kung sino." owww here they go again the bees. "Kaya nga eh lakas ng loob kalabanin yung Queen bee natin." sooo sya pala ang queen bee. "Nakahanap din nang katapat ngayon si Claire." rinig kong sabi ng ibang grupo ng mga babae. "Buti nga sa kanya ang yabang kasi kala nya kung sino sya!" marami din palang galit dito, kala ko lahat kakampi nya eh. "Hindi halata sa new student na lalabanan nya ang queen bee, para kasi syang nerd na bu-bully-hin ng campus." "HINDI MO BA KO KILALA HA!!!! " nagulat naman ako sa sigaw ni clown, andito pa pala to. "kilala kita!." cold na sabi ko " whoooooaa ang lamig!" rinig ko ulit sabi ng 4 na babae na galit din kay clown. "Buti naman kilala mo ko." "Syempre! ikaw yung Reyna ng mga bubuyog di ba? what's your name again? Claire di ba?" nag tawanan naman ang mga nanuod samin, kaya ayon si clown inis na inis, tsk!! nagugutom na talaga ako, tinalikuran ko na sya at nag lakad na pa puntang counter. "Oucchh!" inis na sigaw ni Claire, nakita ko na may dugo na yung pisngi nya, buti nga sakanya. Tirahin daw ba ako ng matulis na bato nya ng patalikod kaya ayon binalik ko lang sa kanya. Kala nya ha! Enhanced Eyesight kaya ako (360) kaya kahit nakatalikod kita ko, pero need mag focus, isa sa mga ability ko yun, tinuro sakin ni Goddess Athena (sya yung pinakamaraming charms, parang ako lang. Goddess of all, charot) Nagulat naman ako ng hilahin ni Claire ang buhok ko, Arghhh!!! ayoko sa lahat yung sinasabunutan ako eh, hindi naman sa masakit, susumpungin na naman kasi ako ng migraine ko eh, ayoko pa naman ng ganon na di-drain yung energy ko, sinasagad mo talaga ko ah! Hinawakan ko yung kamay nyang nakahawak sa buhok ko at dahan-dahan ibinaba, Shet gustong kumawala ng aura ko, nag concentrate nalang ako para di lumabas yung aura ko at yung Pink eyes ko, masyadong mapanganib, nakita ko naman na parang natakot si Claire pati mga alipores nya, lumayo sila sakin at inumpisahan ni Claire na batuhin ako ng mga rock charm nya, pero bago pa man makarating sakin nagiging abo na sila pano ginawa kong icepink na pinapalibutan ng pink din na apoy at biglang nagiging abo. Tangkang susugudin na sana nila ako ng unahan ko sila, pinag yelo ko muna yung 4 na alipores nya at hinarap ko sya, pag harap ko naunahan nya akong sampalin, ang lakas non ha! tumingin ako ng no emotion sa kanya at sinuntok ko ang mukha nya kaya ayon natumba sya, tatayo pa sana sya ng apakan ko ang tiyan nya. "Sa susunod kung lalabanan mo ko dapat kaya muna kong tapatan o higitan, Ayoko sa lahat yung sinasabunutan ako, kapag ako sinumpong na naman ng migraine ko mamaya, hahanapin kita kahit nasa impyerno ka pa at papatayin kita." nainis naman ako ng ngumisi lang sya sakin. Sinasagad nya talaga ako ah. "WAG MO KONG NGISIAN REYNA NG MGA BUBUYOG!!!!! kayang-kaya kitang patayin jan ng hindi umaalis dito." "GO" mapaghamon na sabi nya, pumikit ako at ilalabas na sana ang pink eyes ko ng mag salita si Goddess Athena sa isip ko . "Calm down Seah." kumalma nalang ako bago ko buksan ang mga mata ko, lumabas naman si Freeya sa kwintas ko na nakatago sa uniform ko. "Seah!!! calm down, hindi lang sya ang pwede mong mapatay, lahat sila ma mamatay pag ginawa mo yan." Nakita ko naman silang lahat na natakot sa narinig nila kay Freeya, kahit nakapikit ako nakikita ko padin sila, nagagawa ko yon kapag nakaconcentrate ako, unti-unti ko naman binuksan ang mga mata ko at tumingin kay claire, nainis ako sa pag mumukha nya kaya diniinan ko yung pag kakaapak sa kanya. "Move!" cold na sabi ko sa mga Studyate na nasa harap namin, nag sipag tabi naman sila agad, Sinipa ko si Claire at ayon lumipad sa labas ng canteen basag ang glass wall. "Opppsss!!!! sorry!!!! mahina lang naman yun eh, bat tumalsik yon?". napa singhap naman ang mga manunuod dahil sa ginawa ko, binalingan ko naman ng tingin yong mga alipores nya at pinag pi-pitik ko naman ang mga batok nila para makatulog. "Seah!!!." - ate Sheela, opps andito pala sya, ay lahat andito, buong Student officer, Elites, may mga teacher din at si HM .. patay kang bata ka! nginitian ko naman si ate Sheela. "Hi HM. hindi ako nag umpisa ng g**o kahit itanong mo sa kanila." nakangiting bati ko sa kanya. tinignan ko naman ang mga studyante. "Huy!!! wag kayong mag sinungaling, bahala kayo lalamunin kayo ng lupa." "I know." sabi ni HM. patay seryoso na ang mukha nya, yan kasi Seah! nakuha mo pang lokohin eh.. na pa singhap naman ang mga teachers pero karamihan sa kanila natutuwa. "Ano HM?? susunod na ba ko sayo pa puntang office mo?? ire-ready ko na ba ang sarili ko sa detention room?, patatalsikin nyo na ba ko dito?? Yes!! game na HM gusto ko na bumalik ng Mortal World pupuntahan ko nalang ang mga magulang ko sa New York, miss ko na kaya sila.!" masiglang sabi ko sa kanya, nag tawanan naman sila sa sinabi ko. "No! hindi ka na pwede bumalik don." "Ay ano ba yan kala ko naman makikita ko na sila mama at papa." nakangusong sabi ko. "Dapat ba patayin ko nalang yang bubuyog na yan? para patalsikin mo na ko dito? ikaw na lang kaya patayin ko?" na pasinghap naman silang lahat sa sinabi ko, yung iba naka ready to fight na. "Joke lang HM!!! masyado ka kasing seryoso eh, bahala ka tatanda ka agad, kukulubot yang mukha mo mag kaka wrinkles ka, hindi ka na magugustuhan ni Nurse Kim." nagsitawan naman silang lahat sa sinabi ko, si HM gulat na gulat, hahaha akala mo di ko alam na may gusto ka kay Nurse Kim ha. Nakita ko kaya yun nung na confine ako.. "Ops... Hi Nurse Kim." nag si pag talikod naman sila at hinanap si nurse Kim. "Joke lang HM, eto naman napag hahalataan ka eh, tignan mo kamatis na yang mukha mo hahahaha peace po." at nag peace sign sa kanya, yung mga teacher kinakanchawan na si HM, hinila naman ako ni HM palabas ng canteen, san kaya ako dadalhin neto. "Whoooo Nice one Seaaaahh." Sigaw ni Jhays sakin. "Kuyaaaa Luma-love life na ang tito natin whooooo" rinig kong sabi ni Brian. Lahat sila inaasar si HM, hanggang sa pag labas namin ng canteen.. mukhang sa detention ang punta ko nito hahaha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD