━━━
* SEAH POV *
Nagising ako ng may maramdaman akong nakatitig sakin, dinilat ko yung mga mata ko para makita kung sino yun. Nakita ko si Akiro na nakatingin sakin habang nakahiga sa kama nya, iniwas ko agad yung tingin ko at tumalikod sa kanya, na conscious ako kaya nag punas ako ng mukha baka kasi mamaya may mga muta at panis na laway pa pala ako. Naramdaman kong tumayo sya at nag lakad pa punta sakin.
"Kamusta pakiramdam mo?." di ko sya sinagot, galit pa ko sa kanya, di ko makakalimutan yung mga sinabi nya sakin kagabi. Nagulat ako ng hawakan nya yung noo ko.
"Ang init mo." Di ko pa din sya pinapansin,
Tumayo ako para maligo, pa pasok ako! ayoko sya makita, pag tayo ko bigla din akong napatigil, umiikot paningin ko kaya tumigil muna ko, feeling ko matutumba ako kaya hinawakan ako ni akiro na bigla ko din tinanggal at nag lakad na pa puntang C.R.
"Sorry." narinig ko pang sabi nya bago ko sinara yung pinto, kinapa ko ang leeg at noo ko, oo nga ang hot ko, di bale mawawala din to pag na ligo ako.
Pag tapos ko gawin ang routine ko lumabas na ko agad syempre na ka nerd get up pa din, pero eye glasses nalang nakalugay na yung buhok ko para matakpan yung tattoo ko sa tenga, nag fa-fade na kasi agad kahit anong lagay ko ng concealer.
"Pa pasok ka?, kaya mo na ba?" tanong sakin ni akiro.
Nag dire-diretcho lang ako sa kama ko at kinuha ang phone ko, tinignan ko ang twitter ko, 135 followed you, tinignan ko naman kung sino-sino tong mga to pero di ko kilala yung karamihan, mga classmate, SO (Student Officers) lang ang kilala ko, ay si claire at mga alipores nya din pala pati si Shin?? OK nevermine. Nag tweet muna ko bago ako bumama.
━ SEAH LEE: Everytime you smile, i smile and everytime you shine, i'll shine for you :) *insert picture*
Syempre eme~ ko lang yang caption, pumunta akong dinning at andon sila, uupo na sana ako ng makita ko si Akiro kaya tumayo na ko agad, ayoko sya makita.
"Teka Seah, kumain ka muna." - Maycee, nakita ko naman na yumuko si Akiro.
"Sa canteen na lang ako kakain." kinuha ko na ang bag ko pati ang gitara ko, hindi naman talaga ako papasok eh, gagala lang ako at pag na pagod tatambay akong garden.
"Kumain ka muna, kagabi ka pa di kumakain." pigil sakin ni Ken.
"Mainit ka ha! pa pasok ka ba talaga?" nag aalala nyang sabi, di ko nalang sya kinibo at nag lakad na palabas. Pumunta ako nang canteen at don kumain.
━━━
* JHAYS POV *
"Di ako sanay na ganon si Seah, ang tahimik nya." biglang sabi ni Brian, tinignan ko silang lahat na kumakain na, ang lungkot nila kahit ako eh, nakakahawa ng mood si Seah.
"Bilisan nyo na kumain at hanapin natin sya baka mamaya pag tripan na naman sya nila claire, may sakit pa naman yun." sabi ko sa kanila at ayun nag madali na sila kumain.
"Hoy dalian nyo ang bagal nyo, haist!" - Shin, at bigla na syang umalis. Hala anyare don?
"Anong problema non?" - Maycee
"Nag aalala lang yun kay Seah." sagot ni Ken, ay oo nga pala nan liligaw na yan kay Maycee haha. Pag tapos namin kumain lahat ay lumabas na, hahanapin pa namin yung dalawa. Habang nag lalakad kami bigla naman tumunog yung bell, ano ba yan di pa nga namin nahahanap yung dalawa eh asan kaya yung mga yon.
"Tara na sa room baka andon na sila." - Ayumi. Pag pasok namin sa room ayon nag tiliian na yung mga babae.
"Omaygad andito na ang elitesss"
"Akala ko ba bumalik na si Shin? bat di nila kasama?." ha? wala si Shin dito? nilibot ko ang paningin ko pero wala nga sya, kahit si Seah wala din.
"Ang gwapo mo Jhays, tayo nalang pleasee." nginitian ko naman sya at ayon nangisay na hahaha.
"Gwapo ko talaga." sabay lapit kay Brian
"Oo! kwago ka talaga." mataray na sabi naman nya.
"Sus! if i know na ga-gwapuhan ka lang sakin."
"Asa!"
"Bat na mumula ka?" tinawanan ko naman sya nang kapain nya yung mukha nya. Ahahaha ang cute nya talaga. Nagulat kami ng biglang pumasok si Shin.
"OMG ayan na si Shin, girls"
"Ok na ba yung ayos ko?"
"Sana mapansin na nya ko." Ingay di kayo type nyan.
"asan si Seah?" bungad nya agad samin.
"Wala sya dito, akala nga namin kasama mo sya eh." hala asan kaya yun.
"Tsk!" lalabas na sana ulit si Shin ng biglang dumating yung teacher namin kaya ayon wala na syang nagawa at bumalik sa pwesto nya katabi ng upuan ni Seah. Asan kaya si yon? sana ok lang sya.
━━━
* SEAH POV *
Nag lalakad ako dito sa hallway ng Entertainment building, gusto ko tignan lahat ng mga room dito, nung nabasa ko yung nakasulat sa building na to pumasok agad ako, alam nyo na??? mahilig kasi ako sa music eh (hello sa mga kpop fan) binuksan ko yung isang pinto at nakita ko ang dance room, ang ganda ditooo, mukhang mapapadalas ang tambay ko dito ah andito kasi ako sa Music Ground 3rd flr, katatapos ko lang libutin ang Club org. (2nd flr) at yung Auditorium (1st flr) Lumabas ako ng dance room at nag libot ulit, nakita ko naman ang band room at pumasok agad, whaaaa ang daming instrument, namiss ko mag drumss, pagtapos ko sa band room lumabas na agad ako at nag libot-libot pa ko hanggang sa makarating ako sa pinakadulo ng ground, nakakita ako ng pinto at binasa ang naka sulat sa taas. Broadcast Room? tinignan ko naman yung nakalagay sa pinto.
"Restricted Area don't enter" ha? bakit bawal?
"Sabi kasi ng mga studyate dito may multo daw jan nangunguha daw ito ng mga studyate kaya sinara na nila" biglang sulpot ni Freeya.
"Lah multo?? lika na alis na tayo!" kahit gusto ko makita yung loob wag na lang kung may multo, aaminin ko takot ako pero ayoko sabihin kasi alam ko lalo akong tatakutin e, aalis na sana ako ng may biglang nag salita sa likod ko.
"Hindi naman totoo yun eh." Lah sino yun? di naman boses ni Freeya yun eh, dahan-dahan akong humarap at nakita ko ang isa pang fairy.
"Farrahhhhh." biglang niyakap ni Freeya yung Farrah daw.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ako ang nag babatay nitong BR (Broadcast Room) at walang multo dito, tinatakot ko lang ang mga studyate para di sila pumunta dito, tara sa loob." pumasok naman kami ni Freeya sa loob.
"WOW!!! ang gandaaaa" tuwang-tuwa kong sabi.
"Farrah si Seah nga pala alaga ko."
"I know, Hello prins---- Seah" sabay ngiti sakin. prins?? sino yun? nakita ko naman na parang nag uusap sila, kaya di ko nalang pinansin at nag libot lang ako sa BR.
━━━
* FREEYA POV *
"Anong meron dito bakit mo binabantayan?"
"May portal kasi dito, portal pa puntang Irkalla kingdom." gulat akong napatingin sa kanya.
"Pero wag kayo mag alala maliit lang ang portal dito, kaya pang isara ng alaga mo."
"Bakit ang alaga ko?"
"Alam kong sya----" hindi na nya na tuloy ang sasabihan nya ng nagulat kami sa bell, lunch time na ng mga bata.
"Ahhmm pwede bang dito muna ko?" nahihiyang tanong ni Seah kay Farrah.
"Oo naman! gusto mo bang mag live? sakto may dala ka namang gitara eh."
"Talaga po???" tuwang-tuwa naman ang alaga ko, oo nga pala music lover tong batang to..
"Kanta ka Seah daliiii" tili ko at kinuha yung gitara nya at binuksan yon para ibigay sa kanya.
"Hala!! nakaka hiya ayoko."
"Ok lang yan walang pupunta dito dahil may barrier dito at walang makakakilala kung sino ang kakanta, dali na game na i-ON ko na ha." wala naman ng nagawa si Seah at kumanata na.
━━━
* BRIANNA POV *
Nag lalakad kami pa puntang canteen ng biglang may narinig kami sa mga speaker na strum ng gitara kaya lahat kami tumaas ang balahibo.
"Omg girl nag paparamdam na naman yung ghost sa BR."
"Bakit kasi di nalang wasakin yung BR eh"
"Ano ka ba wala ngang nakakalapit don kasi may barrier"
"Natatakot ako girls"
Lahat ng mga studyate takot, nakarating kami sa table namin ng wala ng narinig na tunog kaya nag order na kami para kumain, pag dating ng order namin lahat kami nakatulala ng marinig naming may nag strum ulit, maya-maya may kumakanta, yung iba natakot na, yung iba naman kumalma ng marinig nila yung boses.
"Ang ganda ng boses nya"
"Kaya nga nakaka relax"
"May Ghost Singer sa BR"
"Parang gusto ko tuloy syang makita" natawa naman kami sa mga bulong-bulongan.
"Parang narining ko na yang boses na yan" biglang sabi ni Jhays.
"Sssshhh!! wag kang maingay." suway naman ni Maycee sa kanya at pinakinggan yung kumakanta.
"Familiar yung boses nya" sabi naman ni Ken samin ng pabulong. Pinakinggan lang namin yung kanta hanggang sa matapos, inantay namin baka may kasunod pa pero wala na.
Title:
Sometimes - Britney Spears (Acoustic cover by Grace) Link:
https://www.youtube.com/watch?v=OQUYq1-3AhQ
(Play nyo po bago kayo mag patuloy sa pagbasa. Isipin nyo nalang kunyari si Seah yan.)
━━━
* SEAH POV *
Pag tapos ko kantahin yung fave.song ko pumalakpak si Freeya at Farrah, ang saya lang sa feeling na kumanta ng live at naka broadcast pa.
"Ang galing mo talaga."- freeya
"Oo nga ang ganda ng boses mo!" ngumiti naman ako sa kanila at tumayo na para lumabas kaso lang pinigilan ako ni Farrah.
"Ahmm Seah....." tawag sakin ni Farrah
"Kaya ko binabantayan tong lugar na to kasi ano eh... ano kasi Seah." nag aalangan na sabi sakin ni Farrah tinignan ko si Freeya, inaantay nya din yung sasabihin nya.
"Ano yun?"
"May portal kasi dito.. Portal pa puntang Irkalla Kingdom." Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Maliit lang naman sya kaso lang lumalaki na sya kasi nararamdaman na ng Irkalla na andito na sa Agartha ang itinakda." hmmm sino kaya yun?
"Hihingi sana ako ng favor sayo." tumingin naman ako kay Farrah at inantay yung sasabihin nya.
"Pwede mo bang isara ang portal hanggat kaya pa? para di na lumaki ng tuluyan?"
"Asan ba?"
" kaya mo ba? may sakit ka, sa susunod nalang pag ok kana." nag aalalang sabi sakin ni Freeya.
"Oo nga may sakit ka pa pala, pwede naman next time nalang."
"No! kaya ko naman, baka lalong lumaki yan pag di pa nasara." tinuro nila sakin kung asan nakalagay ang portal.
"Are you sure?" tanong ulit sakin ni Freeya kaya tinanguan ko sya.
Nag concentate ako at inipon lahat ng lakas ko, medyo malaki nadin ang portal kaya di na dapat pang patagalin dilekado na. Nang maramdaman ko na pwede na tong inipon kong enerhiya ay itinapat ko na agad ang kamay ko sa portal, unti-unti naman sumasara ang portal paliit ng paliit hangang sa tuluyan ng sumara. Na pahinga naman ako at humarap sa kanila ng nakatingi.
"Ok na, sige una na ko."
"Seah, dito muna ko ha, tagal ko kasing di nakita tong bruha na to eh." tumango nalang ako at lumabas na.
"Freeya ikaw na mag balik ng gitara ko ha." pahabol ko at tuluyan ng lumabas ng building.
Pero bago ako makalabas nakaramdam ako ng hilo, mukhang nang hina ako sa pag sara ng portal, kumapit ako sa pader dahil umiikot ang paningin ko, aarrghh perks of having dinosaur (Dysmenorrhea) nakakapang hina talaga, mag lalakad na sana ako ng biglang unti-unti na kung natumba and everything turns black.