CHARM'S POV
Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Atty. Xavier dahil kanina pa sya hindi mapakali. Pinaglalaruan nya yung sign pen sa daliri nya tapos naririnig kong tumatama yung sapatos nya sa ilalim ng table nya. Nakakainis lang kasi hindi ako makapagconcentrate sa ineedit kong affidavit of undertaking para sa isang document na kailangan ng Accounting Department. Rush pa naman ito!
Napasulyap ako sa gawi nya at nahuli ko syang nakatingin din sa'kin! Napalunok ako.
Diyos ko po! Bakit nya ko tinitignan?
Bigla tuloy akong naconcious sa itsura ko kaya napatingin ako sa maliit na salamin sa table ko na katabi ng calendar.
"Bakit naman kung kelan haggard ako tsaka ka pa tumingin ng ganyan?" bulong ko habang kagat ko ang labi ko kaya parang lumalabas na ungol lang iyon.
Pasimpleng sumulyap ulit ako sakanya at... Mahabaging Diyos! Nakatingin parin sya sa'kin!
Agad na nag-iwas ulit ako ng tingin at yumuko sa keyboard.
"Hindi ko alam na ganito kalakas ang appeal ko. Grabe!" muling bulong ko na nakakagat labi. Nakikita ko parin syang nakatingin sa'kin kaya halos mawala ako sa sarili at magkandaligaw ligaw sa ginagawa kong pag-eedit.
Napangiwi ako nang hindi ko na mahanap kung saan ako tumigil. Napabuga ako ng hangin. Kailangang basahin ko ulit yun mula sa simula para makita ko kung saan ako huminto. Pinagpatuloy ko ang pagrerevise.
"Charm?"
Hala, sige.. Tuloy lang sa paghahanap.
"Charm!"
Napatayo ako sa matinding gulat dahil sa pagtawag nya sa'kin. s**t naman 'to si Atty. oh! Aatakihin nanga ako sa puso sa mga titig nya eh aatakihin pa ko dahil sa sigaw nya. Kulang nalang eh mangisay ako dito dahil sa pagkagulat!
At dahil sa gulat ko, may napindot ako sa keyboard na naging dahilan para mai-close yung ginagawa ko.
ANAK KA NG NANAY MO, XAVIER!
Kulang nalang mapalo ko ang nuo ko sa sobrang pagka-inis! Pagkahaba haba pa mandin ng document na 'yun.
Nilingon ko sya at nakita kong nakakunot noo syang nakatingin sa'kin. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sakanya.
"What the heck are you thinking, huh?" tanong niya. Aba't nagtanong ka p talaga?
"Ikaw!" sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang marealized ko ang sinabi ko. Agad ko iyong binawi.
"I mean, nanggugulat po kasi kayo eh. Busy po ako sa ineedit ko."
"I see." matipid na sagot nito. "By the way, Charm..." napatingin naman ako sakanya. Humugot sya ng hininga bago nagsalita.
"Tomorrow, we will go to Tagaytay. So, you can go home early and pack your things. We'll stay there for a week." tuloy tuloy nitong sabi at nag-iwas ng tingin at humarap na sa monitor nya na ang ibig sabihin, ayaw na nitong makipag-usap.
Wow ha?
Anong gagawin sa Tagaytay? Isang linggo? Bakit ang tagal naman yata? Nakakainis naman oh! Ang dami dami ko pang gustong itanong pero hindi nya ako hinayaang makapagtanong! Grabe! Hindi ko talaga maintindihan ang taong 'to. Ilang beses kaya syang iniri ng Nanay nya?
He's so unpredictable!
***
XAVIER'S POV
Napangiti ako nang matapos kong sabihin sakanya ang plano ko ay hindi na sya nagtanong pa. Aba! Mabuti naman at marunong syang makaramdam na ayoko ng maraming tanong tanong.
I don't usually entertain questions especially those silly ones. And the idea that i'll be going to Tagaytay with her is actually a silly idea. I wont consider it as a vacation dahil mukhang hindi peace of mind ang makukuha ko doon kundi sakit ng ulo!
Imagine? Her and my Lola? God! I just couldn't imagine.
It's already 3:00 in the afternoon nang magpasya akong umuwi na. I have to pack my things as well as her. Nakita ko syang busy parin sa pag-eencode. Nakakunot noo ito at nakanguso habang tinititigan ang monitor. Nalibang ako sa pagtitig sakanya.
Nakakaaliw talaga ang itsura ng isang ito. Tignan mo palang sya ay maaaliw ka na. Samahan pa ng pagiging makulit ng personality nya. Ang kaso ay masakit siya sa ulo minsan dahil sa kakulitan.
Bigla syang napatingin sa'kin at bahagyang nanlaki ang mga mata.
I bit my lower lip para pigilan ang sarili kong matawa. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Let's go..." gulat na napatingin naman sya sa relo nya.
"Po? Agad agad?" tanong nito. Humalikipkip ako.
"Ayaw mo? Unless, gusto mong gabihin sa pag-eempake ng gamit.." tumayo na ako.
"Ay! Sabi ko nga po gusto ko ng umuwi. Hehehe!" sagot nya at dali daling kinuha ang bag. Napailing ako.
Nakapamulsang nauna na akong maglakad palabas ng opisina nang tawagin nya ako.
"Wait, Attorney!" kunot noong nilingon ko sya.
"What?"
"Ano.. Ahh.."
"What is it?" naiinip kong tanong
"Mag.. Magdadala ba ko ng swimsuit?" nakangiwi pang tanong nito. Saglit na napatigil ako sa tanong nya. Agad na gumana ang imagination ko at napatingin sa katawan nya. Tumikhim ako para hindi kumawala ang tawa ko.
God! I can't believe na magagawa nyang magsuot ng ganun. She's.. Ugh! Hindi naman sa mataba sya pero, she's chubby. And i don't think, babagay sakanya ang magsuot ng ganun.
"Up to you.." sagot ko at nilampasan na sya. Hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko syang bumulong.
"Ouch, huh! Kailangang tignan mula ulo hanggang paa? Hmp! Kala mo kung sinong gwapo! Kainis!"
Tumaas ang kilay ko. So, hindi pala sya nagwagwapuhan sa'kin?
Medyo nainis ako sa kauna unahang pagkakataon pero hindi ko nalang iyon pinansin. Well, hindi naman para sakanya kaya ako nagpapagwapo!