XAVIER'S POV
"What?!" napabangon ako bigla sa kama nang marinig ang sinabi ni Lola. Tumawag siya para sabihing sinabi daw ni Ashley sa'kanya na na-meet nito ang girlfriend ko. Seriously?! I don't understand why she had to tell Lola about that. For Pete's sake! Hindi maayos ang naging break-up namin para ipagpatuloy niya pa ang communication niya sa Lola ko! Damn!
"Pero, 'La? I have to work-- No, La.. I didn't intend to hide it from you but- hello?! Lola? Hello??"
Marahas na napabuga ako ng hangin nang babaan nya ako ng phone. Sigurado akong nagtatampo na yun sa'kin ngayon at hindi nanaman ako mapapalagay sa kakaisip sakanya.
I sigh.
She called me up para excited na imbitahin ako ng kahit one week vacation manlang daw sa Tagaytay. Bored na raw sya dahil parati nalang daw si Lolo ang nakikita nya. Well, okay lang naman sa'kin yun kung hindi lang sa huling sinabi nya.
Isama ko daw si Charm. The heck?
Walang nakakalampas na balita sa Lola ko lalo na pagdating sa lovelife ko. Mula kasi nang malaman nyang hiwalay na kami ni Ashley, nag-alala sya sa biglang pagbabago ko. Mas naging mainitin kasi ang ulo ko mula ng maghiwalay kami. Palasigaw narin ako dati nung kami pa pero mas naging matindi nung magkahiwalay kami. Hindi ko naman sya sinisisi kung bakit ako nagkaganito. It's just that, ayoko na ulit mapalapit ng todo sa ibang tao.
Kaya nga, I am always puting distance between me and my employees. Bukod kasi sa pagiging lawyer ko sa sarili kong lawfirm, ako rin ang nagsisilbing company lawyer ng kumpanya namin. Sino pa bang magmamana ng lahat ng yan kundi ako? Wala akong kapatid at only child din ang Mommy't Daddy ko kaya wala akong mga pinsan.
Napabuntung hininga nanaman ako at napapikit. Problema nanaman 'to.
Paano ko sasabihin kay Charm na gusto syang makilala ng Lola ko? Actually, medyo nahiya nga ako dahil sa ginawa kong pagkukunwaring girlfriend ko sya sa harap ni Ashley. Eh paano nalang kung may boyfriend talaga yung tao? Edi lagot na kami pareho.
Eh ano naman mangyayari sa Lola mo pag hindi mo sinunod yung gusto nya? Syempre magtatampo yun at sasama ang luob kaya posibleng magkasakit ng kung anu ano dahil sa sama ng luob.
Wala sa sariling kinuha ko ang phone ko at nagdial doon.
***
CHARM'S POV
Hihiga na sana ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Kunot noong napatingin ako sa orasan bago sagutin ang tawag.
"9:30 PM? Sino namang tatawag pa ng ganitong oras?" bulong ko at tinignan kung sinong tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa screen ng phone ko ng makita kung sinong tumatawag.
Si Atty. Sunget!
Anu naman kayang nakain ng lalaking yun at tumatawag ng ganitong oras? Alangang sinagot ko yun.
"Hello, Attorney?"
Narinig ko syang tumikhim sa kabilang linya bago nagsalita. "Uhm, yes, Charm. May.. May itatanong lang sana ako sayo."
"Huh? Anu po yun, Attorney?"
Narinig ko syang napabuntung hininga. Lalim nun ah? Anu kayang itatanong--
"Do you have a boyfriend?"
Natigilan ako sa tanong nya.
"Po?!" medyo napalakas ang pagkakatanong ko. Baka kasi namali lang ako ng dinig.
"Im asking you if you have a boyfriend!" napa-unat ako dahil sa pagsigaw nya. Yung totoo? Hanggang dito ba naman sa kama ko sisigawan niya ako?
Aba, matinde!
"Wala po! Bakit po ba?!" ganting sigaw ko din. Nabigla ako, e! Bakit ba?
"Galit ka ba?" medyo iritado pang tanong nito. Tumaas ang kilay ko at tumikhim.
Kalma, Charm! Boss mo pa rin yan kahit nuknukan ng sungit at bipolar. Boss mo yan, Boss!
"Hindi, Atty. Choppy lang ho ang line ko." palusot ko.
"Good. Sige, that's all. Bye."
Takang napatingin ako sa phone ko matapos nyang putulin ang tawag.
"Problema ng sungit na yun? Magtatanong kung may boyfriend ako nang dis oras ng gabi?"
Siguro kung ibang babae lang ako ay kanina pa ako nagpatumbling tumbling dito sa kama sa sobrang kilig.
Ikaw ba naman ang tanungin ng isang Xavier Mendez kung may jowa ka na? Hindi ka ba magtatalon sa kilig?
Siguro nuong hindi ko pa sya nakikilala, oo. Pero ngayon, kahit sobrang gwapo pa nya na pag kaharap mo sya ay gugustuhin mo nalang tumitig sakanya at wag ng magsalita o makinig sa mga sinasabi nya, naku! Wag nalang!
Kahit pulang pula pa ang labi niya at mukhang masarap at magaling humalik, kung matutuyo naman ang braincells ko sa pagsigaw niya, e magta-tyaga na lang akong makipag halikan sa bote!
Gwapo nga, nuknukan naman ng sungit at palaging nakasinghal. Wag nalang, Teh! Dun nalang ako sa tambay sa kanto. Mas matetake ko pang kausap yun kaysa sakanya.
Madalas kasing pag wala sya sa mood, madadamay lahat sa paligid nya. As in, kapag badtrip sya, dapat badtripin nya rin lahat ng nasa paligid nya. Ganun sya kabait na boss!
At ito pa.. Magpapatimpla ng kape na akala mo madaling madali pero pag na-served mo na yung kape nya, aba! Lalamig muna bago mainom!
Aba, eh halos maiwan ko ang puso ko sa kakamadali para lang ipagtimpla sya agad tapos ganun lang?
G.R.R.R.R!
Inis na humiga na ako at nagtakip ng kumot sa mukha para hindi ko maisip ang gwapo pero sumpungin kong amo!