XAVIER's POV
Bandang hapon na nang masundo ko si Charm sa bahay nila kinabukasan. I had to review some case bago umalis dahil paniguradong tambak ang hearings na kailangan kong attendan pagkatapos ng bakasyong ito.
I deeply sighed. Iniisip ko pa lang ang madadatnan kong trabaho pagkatapos ng isang linggo ay parang ayaw ko ng pagbigyan ang kalokohang bakasyon na ito. It's not actually a vacation, it's a disaster.
A complete disaster!
Bumusina ako nang mapatapat sa bahay nila. I knew this place dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay. Halos labas lang ng subdivision namin ang bahay nila Charm. Their house was simple and common. Luma ang gate at walang masyadong makikita sa labas. In short, they are living a very simple life.
Hindi nagtagal ay lumabas na siya kasunod ang isang medyo may katabaang babae at isang matangkad na lalake na sa tingin ko ay parehong nasa mid 40's. May isang binatilyo rin na sa tantiya ko ay mga nasa 12 years old.
So, she has a small family like me, huh?
Agad na bumaba ako ng sasakyan at sinalubong sila. Maingay at mukhang panay ang bilin sa'kanya ng mga magulang habang palabas sila ng gate. Base sa facial expressions ng mga magulang nito ay mukhang matigas ang ulo at pasaway din talaga itong si Charm kahit sa bahay.
Parang gusto ko na namang mapahilot sa sentido kapag naaalala ang mga kakulitan at kadaldalan ng babaeng ito.
"Charm, Tagaytay iyon, ha? Baka mamaya ay mamasyal kayo at kung ano anong mangyari sa'yo. Ang sama pa niyan ay baka mahulog ka sa bangin at mabalitaan na lang namin na namatay ka na dahil sa katangahan!" mahabang sermon ng Nanay nito. Nagkakamot sa pisngi si Charm at kitang kita ko pa kung paano umikot ang mga mata nito.
"Seryoso, 'Nay? Patay agad? Di ba pwedeng ospital muna at agaw buhay?" papilosopo namang sagot ni Charm. Kung hindi ko nakagat ang labi ko ay natawa na ako. Her facial expressions while saying that was hilarious! Grabe talaga ang babaeng ito.
"Wag kang sumelfie sa matatarik na lugar, Ate! Baka isipin nila magpapakamatay ka dahil sa depression. Ang laki pa naman ng eye bags mo!" singit naman ng kapatid nito. Huminga ako ng malalim para magpigil ng tawa.
"Wala kang pasalubong sa'kin, herodes ka!" sagot naman ni Charm sabay amba ng suntok dito. "Tinawag mo pa talaga 'kong ate, ha? Waaaw, Pocholo! Hiyang hiya ako sa tulis ng baba mo. Waaaw!" ganting pang-aasar nito sa kapatid na ginagaya ang isang sikat na komedyante noon. Babalu, right?
Halos magkanda ubo ako sa kakapigil ng tawa. Damn this girl!
Tumikhim ako nang magtama ang mga mata namin ng Tatay niya. Kumunot pa ang noo nito nang makita ako. Ang Nanay naman niya ay agad bumati habang ang kapatid niya at si Charm ay nakamasid lang.
"Good afternoon po!" magalang na bati ko sa mga magulang niya. Tulala ang Nanay niya sa akin at ilang sandali pa bago nakapagsalita.
"Ah, Nay, Tay, Cholo, si Attorney Xavier po, boss ko. Atty, sila naman po ang pamilya ko..." pakilala ni Charm. Agad naman akong lumapit at nakipagkamay sa mga ito.
"Xavier Mendez po. Kinagagalak ko po kayong makilala.."
"Naku, hindi mo sinabing ang bata pa pala ng Boss mo, Charm! Kinagagalak ko rin ho kayong makilala, Atty.!" sabi ng Nanay niya at inabot ang kamay ko. Nakita kong siniko nito ang asawa bago naglahad din ng kamay sa akin.
"At ang gwapo, ha?" pahabol na sabi pa nito at siniko si Charm. Kitang kita ko ang pagngiwi ni Charm dahil sa sinabi ng ina. Tumaas ang kilay ko.
She's not really attracted to me, huh? Well, the feeling is mutual.
"Hindi ba pinapasakit ng anak ko ang ulo mo, Atty.? Naku! Pagpasensyahan mo na yan at napasobra ng kain ng ari ng manok nung bata kaya sobrang daldal!" sabi nito.
Kung alam niyo lang ho. Hindi lang ulo ko ang masakit kundi pati dugo ko ay tumataas dahil sa anak niyo.
Nakita kong napahimas sa batok si Charm at hinawakan ang braso ng nanay niya.
"Nay, ilang beses ko bang sasabihing walang kinalaman ang puday ng manok sa pagiging ganito ko? Sadyang bibo lang at maganda ang anak niyo!" mahinang sabi nito at kinagat pa ang ibabang labi na para bang ayaw nitong ipakitang nagsasalita ito. I bit may lower lip. Hindi ko nanaman mapigilang hindi matawa sa itsura niya.
Tumikhim ako. "I think, we need to go." sabi ko sabay tingin sa relo. Pasado alas kwatro na at kung hindi pa kami aalis ay aabutin kami ng gabi sa daan. "Mauna na ho kami... Salamat ho sa pagpayag kay Charm na sumama sa akin..." sabi ko. Ngumiti lang ang Nanay niya. Tinanguan ko ang Tatay at kapatid niyang nakamasid lang sa amin. Kinuha ko ang maletang dala ni Charm at inilagay iyon sa compartment bago umikot at sumakay na sa sasakyan.
***
CHARM's POV
Tumaas ang kilay ko nang kuhanin ni Atty. Xavier sa akin ang maleta ko at siya na mismo ang maglagay nun sa likod ng sasakyan niya. Gentleman din pala ha? O baka naman nagpapakitang tao lang sa pamilya ko? Nagkibit balikat nalang ako at sumakay na sa kotse nito. Infairness, ang bango ng kotse niya. Feeling ko paglabas ko dito ay pareho na kami ng amoy.
Hindi ko maiwasang lingunin siya nang sa wakas ay makapasok na siya sa kotse. Naka kulay itim siyang poloshirt, blue pants at white sneakers. Ibang iba sa porma niya kapag nasa opisina kami. Pero mas lalo yatang lumakas ang dating ng isang ito.
Parang ulam na naglalakad.
Kanina nang makita ko siyang bumaba sa kotse ay nagdalawang tingin pa ako sa'kanya. Brush up kasi ang style ng buhok niya na ngayon ko lang nakita. Kung gwapo na ito kapag nasa opisina kami ay mas gwapo pala ito kapag nakasimpleng damit lang. Bigla tuloy akong natameme.
Biglang nag-hang ang utak ko.
Nakaka-stress naman ng braincells ang isang ito.
Lalo akong natatameme kapag nakikita ko siyang tumatagilid ang ulo na parang nagpipigil ng inis tuwing naiipit kami sa traffic. Mas gwapo pala ito kapag iritado.
Hindi ko na naman siya maiwasang ikumpara sa ex boyfriend ko.
Bakit 'yung ex ko, mukhang timang kapag galit? Calling all the attention of Department of Justice! Parang gusto kong sumigaw ng JUSTICE FOR REY PIÑOCO!
At aba! Kung iisipin ay kasalanan din niya. Anyare sa alas dos na usapan namin? Alas kwatro na siyang dumating sa bahay. Napanis na ako kakaantay sa'kanya. Halos nakain ko nanga lahat ng lipstick na inilagay ko kanina! Kaloka!
Tahimik kami hanggang sa kalagitnaan ng byahe. Medyo inaantok nanga ako at kapag tuluyan na akong nakakatulog ay naririnig ko naman ang mura niya dahil sa traffic kaya nawawalang parang bula ang antok ko.
Sa huli ay nagpasya na lang akong magpapak ng chichirya na binili ko kanina. Nilingon ko siya. Kunot noo pa ring nakatutok ang mata sa daan. Wow ha? Wala ba sa bokabularyo ng taong ito ang kumalma?
Simangot pa more, Attorney.
Tinuon ko ang atensyon ko sa daan habang panay ang papak ng chichirya. Napapansin ko ang paglingon niya kaya sinubukan ko siyang alukin.
"Gusto mo ba, Attorney?" tanong ko.
"If you're hungry, we can drop by to take out foods," sa halip ay sagot nito. Umiling naman agad ako.
"Hindi na po. Okay na 'to.." sagot ko. Nililinga niya parin ako kaya napapatingin na ako sa'kanya. Mukhang gutom talaga siya at nahihiya lang humingi.
Sus! Ano? Ikina-busog mo ba yang pride mo?
Umayos ako ng upo at dumukot sa chichiryang kinakain at saka inilapit iyon sa bibig niya. Takang napatingin naman siya sa akin.
"What? I'm driving--"
"Kaya nga po susubuan ko na lang kayo," sabi ko at iginalaw ang kamay ko na may hawak hawak na chichirya.
"Hindi ako gutom-- what the?"
Sinubuan ko na. Nanlalaki pa ang mata niya nang tignan ako. Gusto kong matawa dahil pulang pula ang tenga niya dahil sa ginawa ko. Naiinis siguro. Pero bahala siya. Kunwari pa, e, gusto naman!
Panay ang subo ko sa'kanya habang nag-uusap na rin kami tungkol sa Lola niya.
"Tingin mo, Attorney, hindi tayo mabubuking ng Lola mo?" tanong ko matapos ulit siyang subuan. Nginuya niya muna iyon bago sumagot. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang dimples na lumabas sa pisngi niya nang minsang mapatagal ang pagnguya.
Wow, Rey. Ipapakilala talaga kita dito kay Attorney para mahiya ka namang magloko ng babae, punyeta ka.
Kitang kita ko kung paano niya ako hinagod ng tingin bago binalik ang tingin sa daan.
"Just act normal," sagot nito. "Kung hindi ka niya magugustuhan, she will surely be civil in front of you..." sabi nito. Napatango tango ako. Naiimagine ko ang itsura ng Lola niya.
Matandang sopistikada, may salamin sa mata, may pulang pamaypay at nagmamajong?
"Basta pag nabuking tayo, labas ako dyan, Attorney ha?" aba mahirap na! Kailangan ko ng pera para makapagpatuloy sa pag-aaral, no!
"We wont," sagot naman nito at nilinga ulit ako. "And please drop the formality. Wag mo akong tatawaging ganyan sa harap ni Lola. Call me Xavier or... Honey when we're there..."
Tumaas ang kilay ko.
Honey? Anong tingin mo sa akin? Si Winnie the Pooh?
Tumikhim ako. "Okay, Xavier. Walang physical contacts?" wala sa loob na tanong ko. Laglag ang panga niya nang lingunin ako. Para pa nga siyang matatawa na hindi mo maintindihan.
Aba, mamaya niyan ay madala siya ng pag-arte niya, 'di ba? Kuuu! Hindi na bago sa akin 'yung mga ganyang panggap panggap ek ek tapos biglang madadala ng emosyon! Kuuu! Hindi ito watty, Attorney! Tigilan mo 'ko!
"Ofcourse not! We wont do that unless... you were the one who will initiate the physical contacts..." natatawang sabi nito. Wala ng mas itataas pa ang kilay ko pagkarinig sa sinabi niya. Aba't.
Nahiya ang yelo sa ka-preskohan ng isang ito!
Nakakalokong sinabayan ko ang tawa niya. "Naku, Attorney! Dapat ho talaga ay inumin niyo ang kape niyo habang mainit pa!"
Natatawa pa rin siya habang nililinga ako at nagtanong. "Why? Anong kinalaman ng pagkakape sa usapan?" nakakalokong tanong nito. Halos umikot ang mga mata ko sa pagkabwisit sa'kanya bago sumagot.
"Mas effective ho ang kape kapag mainit..." sabi ko at humalukipkip.
"And so?" natatawa tawa parin na tanong nito. Hindi makaget over ang walanghiya.
"Baka sakaling kilabutan ho kayo sa mga pinagsasasabi niyo!" lakas loob kong sagot.
Napaubo naman siya pagkatapos at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko pinansin ang galit niya at hinarap na lang ang bintana.
Feelingero 'to!
Kahit gaano kapa ka-gwapo, hindi ikaw ang makakuha ng pearl of the ocean ko! Taga mo yan sa muscles mong nagsususmigaw sa suot mong poloshirt, punyemas ka!