Forgive

2312 Words
CHARM's POV Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Naramdaman ko rin ang mainit na hangin sa tumatama sa kaliwang pisngi ko. Agad na nagmulat ako ng mga mata at halos mapasigaw ako sa gulat. Hindi ko na kailangang lumingon dahil alam na alam ko na kung sinong nasa kaliwa ko. Si Attorney Xavier! Tulog na tulog pa siya at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. At ang pinaka nakakapangilabot sa lahat ay ang kaliwang braso niya ay nakayakap sa akin at ang palad niya ay sapo sapo ang kanan kong dibdib! Napapikit ako ng mariin. Parang sasabog ang dibdib ko sa pinaghalo halong kaba, kahihiyan at inis? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ni hindi ako makagalaw para tanggalin ang kamay niya na nasa dibdib ko dahil natatakot ako na baka magising siya at ano ang mangyayari? Hindi ko alam kung paano siya kakausapin pag nagkataon! Leche! Kulang na lang ay hindi na ako huminga para lang hindi ko siya magising. Alam ko kung anong nangyari kagabi at isa pa 'yun sa dahilan kung bakit ingat na ingat akong wag niya akong magisnan dito. Kagabi ay wala akong naramdaman kundi takot at pagsisisi. Ngayong okay na ako ay ngayon ako nakakaramdam ng labis labis na kahihiyan. Niyakap ko siya kagabi at umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya at hindi ko nanga namalayan kung anong oras ako natapos sa pag-iyak at nakatulog na sa mga bisig niya. Juice colored! Anong mukha ang ihaharap ko sa'kanya ngayon? Aahh! Mababaliw na yata ako! Naramdaman ko ang paggalaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong pumikit para magkunwaring tulog. Gusto kong dukutin ang puso ko at tanggalin sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay mararamdaman ni Attorney kung gaano kalakas ang t***k nito ngayon! Halos hindi na ako huminga nang maramdaman kong isiniksik niya pa ang mukha sa gawi ko. Nahigit ko ang hininga nang tumama ang ilong niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Shit, Attorney! Pakiramdam ko ay maiihi ako sa salawal dahil sa sobrang kaba. Ang isip ko ay nasa kamay niyang nasa dibdib ko at sa ilong niyang nakadikit sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa sobrang tensyon! Halos tatlong minuto pa lang yata ang lumilipas ay pakiramdam ko, isang oras na ang itinagal ng posisyon namin. Naramdaman kong gumalaw ulit siya at mukhang nagising na. Lalo kong pinagbuti ang pagtulog tulugan. "Fuck..." namamaos pa ang boses na bulong niya at dahan dahang tinanggal ang kamay niya sa dibdib ko. Kahit nakapikit ako ay pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin kaya lalo akong natutuliro. Ilang sandali pa ay hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko o bumabangon manlang. Bakit pakiramdam ko ay nakatitig talaga siya sa mukha ko? s**t! Nakapikit na nga ako ay para parin akong nakalutang sa ere pag naiisip kong nakatitig siya sa akin ngayon. Anong klaseng torture ito sa umaga, Lord? Nang sa wakas ay maramdaman ko siyang bumangon ay parang gusto kong mapabuga ng hangin. Naramdaman ko ang pag-angat ng kumot hanggang sa dibdib ko at gumalaw ang kama. Pinakiramdaman ko ang kilos niya. Nagsimula siyang maglakad at mukhang nagtuloy siya sa CR. Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay agad na napadilat ako at napatakip sa mukha. "s**t s**t s**t!" sunud-sunod na mura ko habang nakatakip pa rin ang mukha. Narinig kong bumukas ang pinto ng CR kaya agad kong hinila ang kumot at itinakip iyon hanggang sa mukha ko. Pigil hininga ako habang naririnig ko ang paglapit niya ulit sa kama. Napapikit ako ng mariin nang maramdamang umuga iyon at mukhang humiga ulit siya. "Shit..." mahinang bulong ko. "Good morning..." muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat nang magsalita siya. Oh my God! Save me, Lord! "Hey... I know you're awake..." namamaos ang boses na sabi niya. Shit! Bedroom voice ang walanghiya! Hindi ako sumagot o kahit nagtangkang gumalaw manlang. Kung pwede nga lang na wag ng huminga ay gagawin ko! Naramdaman kong tumagilid siya ng higa at kahit may kumot ng nakaharang ay ramdam ko pa rin ang titig niya. Shit! Wag kang assuming, Charm! Utang na loob kahit ngayon lang para matahimik ang sistema mong kanina pa gulong gulo! "Hey..." rinig kong sabi ulit niya at naramdaman kong hinawakan niya ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Nakagat ko ang ibabang labi at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nun pero pilit niyang ibinababa. Shit! Wag mo kong kausapin. Tulog ako, Attorney! Tulog! "Come on... I just wanna know what happened to you last night. Alam kong wala ako sa lugar para magtanong. But, it's just that... I was worried. You were so scared. You can tell me, you know? I will listen..." tuloy tuloy na sabi niya. Napalunok ako at bumuntong hininga bago binaba ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Nasalubong ko agad ang titig niya. Curiousity and amusement were written in his face. Napalunok ako. Iilan lang ang nakakaalam na ganito ako sa tuwing umuulan. I hated rain. Lalong lalo na ang kidlat at kulog dahil sa tuwing umuulan ay bumabalik lahat ng sakit. Bumabalik ang masamang ala-ala nung bata pa ako. Bumangon ako at umupo sa kama. Ganun din ang ginawa niya. Napayakap ako sa tuhod ko. Nagsisimula nanamang bumigat ang dibdib ko. "Come on... you can tell me..." rinig kong sabi niya. Dahan dahang tumango ako at nagsimulang magkwento. Kahit dalawampung taon na ang nakararaan ay sariwang sariwa pa rin ang ala-alang iyon ng aking kabataan.. Anim na taon pa lang ako nang mangyari iyon. Summer iyon at sa tuwing bakasyon sa eskwela ay palagi kaming nagpupunta ng aking Kuya sa Baguio, kung saan ang probinsiya ng aking Nanay. Makulimlim ang langit at mukhang uulan pero niyaya ko pa rin si Kuya na maglaro kami sa farm nila Lola. Maraming bunga ang mangga nila kaya tuwang tuwa ako at excited na nagtatakbo papunta doon. Napatigil ako sa pagtakbo nang tumigil si Kuya sa pagtakbo at humihingal na tiningala ang isang malaking bahay. Tumakbo ako palapit sa'kanya at nakitingin na rin doon. Nilingon niya ako. "Nakikita mo yang bahay na yan, Charm?" tanong niya. Tiningala ko siya. Sa edad na sampu ay matangkad at matipuno ang pangangatawan niya. Sobrang close kaming magkapatid at natatandaan ko pa kung paano ako suyuin ng mga kaklase niyang babae para lang ipaabot sakanya ang mga love letters ng mga ito. Wala yatang araw na hindi ako umuuwi na may dala dalang love letter para sa'kanya at syempre ay may kasama iyon na kung anu-anong matatamis para naman sa akin. "Oo naman! Hindi naman ako bulag, Kuya!" papilosopo ko pang sagot. Tumawa siya at lumabas ang dimples sa kanyang pisngi. Ginulo niya ang buhok ko at binalik ang tingin sa bahay. "Balang araw ay ipagpapatayo ko kayo ng ganyan kalaking bahay. Kayo nina Nanay..." nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo ko at tinagilid ang ulo. "Kailan naman kaya iyon? Buhay pa ba ako pag nangyari iyon?" pambabara ko sa sinasabi niya. Aware naman kasi ako sa klase ng pamumuhay mayroon kami. Simple at sapat lang. Kaya parang imposible ang sinasabi niya. Tumawa ulit siya at pinitik ang ilong ko. Napahawak naman ako agad dun at sinimangutan siya. "Ang taas naman kasi ng pangarap mo, Kuya! Kasing taas ng bahay na yan!" reklamo ko. Huminga siya ng malalim at tumitig ulit doon. "Walang imposible sa mundo, Charm. Hangga't kaya mong mangarap, malaki ang posibilidad na matupad mo iyon basta determinado ka lang..." seryosong sabi niya. Tinitigan ko lang siya habang magmomonologue sa harap ng malaking bahay. "Katulad ng pangarap kong maging isang abogado. Alam kong imposible pero magsisikap ako. Magiging abogado ako at ipagpapatayo ko kayo ng ganyan kalaking bahay, Charm. Makikita mo!" sabi niya. Nagkamot ako sa ulo dahil sa haba ng sinabi niya. Nagulat pa kami nang biglang kumulog. Nanlaki ang mga mata ko at agad na niyaya na siya sa manggahan. "Tara na, Kuya! Bago pa tayo maabutan ng ulan! Kahit isang mangga lang, oh!" pagpupumilit ko. Nagdadalawang isip pa siya. Tinatantya kung kailan babagsak ang ulan. Malayo layo rin kasi dito ang bahay nila Lola at posibleng maabutan kami ng ulan. "Please, please, Kuya?" pagsusumamo ko at pinagsalikop pa ang dalawang kamay. Tumawa naman siya at agad na hinila na ako papunta sa mga puno ng mangga. "Sige na, sige na! Matitiis ko ba naman ang bunso kong napaka cute?" sabi pa niya. Tumalon pa ako at napasuntok sa hangin. "Yes!" sigaw ko at mabilis ng nagtatakbo. Nang makalapit kami sa isang puno na hitik na hitik sa bunga ay agad siyang umakyat. Medyo natagalan siya sa pag-akyat dahil layo-layo ang mga sanga nun. "Kuya, gusto ko 'yun! Yung nasa taas mo!" sabi ko at itinuro ang dilaw na dilaw na mangga. Tumingala naman siya at agad na kumilos para umakyat pataas. Nang malapit na siya doon ay biglang buhos ng malakas na ulan. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa ulo. Narinig ko ang pagsigaw ni Kuya mula sa itaas. "Charm, takbo na! Mauna ka na sa kubo, dali!" sabi niya sabay turo sa maliit na kubo sa di kalayuan. Napatingin ako dun at napatili nang biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas. Tiningala ko agad si Kuya at nakita kong itinutuloy niya pa rin ang pagkuha sa mangga. Kumidlat na naman at kumulog. This time ay mas malakas na. Lalo ring lumakas ang buhos ng ulan. "Charm, ano ba?! Sabi kong mauna ka na sa kubo!" muli ay sigaw niya habang inaabot ang mangga. Umiling ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita. Basa narin lang ako kaya hihintayin ko na siya. Tiningala kong muli siya at nakita kong hawak hawak na niya ang mangga ko. Ang laki ng ngisi ko habang pinapanuod siyang inilalagay iyon sa kanyang bulsa. Muling kumidlat ng napakalakas at kitang kita ko kung paano iyon tumama sa aking Kuya na dahilan para agad siyang makabitaw sa sanga at agad na nahulog. Sa sobrang gulat ko ay wala akong nagawa kundi ang titigan ang katawan niyang nakahandusay sa ilalim ng puno. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ako makatakbo papalapit sa gawi niya. Naghahalo na ang luha at tubig ng ulan sa aking mukha. Parang namanhid ang buong katawan ko at bumagsak ang aking tuhod. Halos gapangin ko ang distansiya namin para lang makalapit sa gawi niya. "K-K-Ku-ya..." nanginginig ang mga labi ko sa lamig at sa pag-iyak. Hindi ko na ramdam ang mga tinik na tumutusok sa palad ko habang gumagapang palapit sa'kanya. "K-Kuya!" sigaw ko nang sa wakas ay makalapit sa'kanya. Hinawakan ko ang dibdib niya at halos mapaupo ako nang maramdaman ang halos matigas na niyang katawan. Lalo akong nanginig nang mapagtanto kong wala na siyang buhay! Wala na ang Kuya ko! Wala na! Kasalanan ko kung bakit nangyari ito! Kasalanan ko kung bakit siya namatay! Halos hindi ko marinig ang lakas ng iyak ko dahil sa sobrang lakas ng buhos ng ulan. At hiniling ko ng oras na 'yun na sana ay kumidlat pa ulit at tamaan na rin ako. "Mula ng mangyari iyon ay para narin akong nawalan ng buhay. Ni hindi ako nakapag-aral sa sunod na taon dahil sa nangyari. Palagi akong tulala at hindi makausap. Stress na stress ang mga magulang ko at palagi nilang sinasabi na hindi na nila kakayanin kapag nawalan pa sila ng isa pang anak. Hanggang sa pinanganak si Pocholo. Doon ako unti-unting nakarecover. Pakiramdam ko ay hindi na ako nag-iisa..." "I'm sorry to hear that..." rinig kong sabi niya. Tumango lang ako at umiling. "Kaya ayaw ko sa ulan.. Hanggang ngayon naaalala ko parin lahat.." napalunok ako para pigilan ang pambabara ng aking lalamunan. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa nangyari sa Kuya ko..." "Is this why you have chosen this field? Dahil gusto mong tuparin ang pangarap ng Kuya mong maging isang abogado?" tanong niya. Tumulo ang mga luha sa mga mata ko bago tumango. Agad na dinaluhan niya ako at niyakap. Siya na mismo ang nag-ayos sa kamay ko para yumakap sa'kanya. Napapikit ako nang idikit niya ang mukha ko sa dibdib niya. "Sshhh.. Tahan na. I'm sure hindi natutuwa ang Kuya mo ngayon dahil nakikita ka niyang umiiyak at sinisisi ang sarili mo sa pagkawala niya. I'm sure, he loves you so much and he wants you to forgive yourself, too, Charm..." sabi niya. Humigpit ang yakap ko sa'kanya at lalo pang napaiyak. Ang sakit sakit pa rin kahit dalawampung taon na ang nakakalipas. Hindi ko na matandaan kung kailan ulit ako umiyak ng ganito. Kasi sa tuwing uulan ay tumatabi lang ako kina Nanay at mawawala na ang takot ko. Hindi ko alam bakit sobra sobra ang pag-iyak ko ngayong si Attorney Xavier ang kasama ko. Pakiramdam ko ay sobrang komportable ako na kahit umiyak ako ng umiyak ay hahayaan niya lang ako at nandiyan lang siya para makinig at damayan ako. "Xavier, apo? Charm? Are you awake? Breakfast is ready!" Nagkatinginan agad kaming dalawa nang marinig ang boses ng Lola niya. Agad na pinunasan ko ang mga luha ko. Tumulong narin siya sa pagpupunas. "You okay now?" tanong niya. Tumango naman ako. Tumingala siya at sinagot ang Lola niya. "Yes, 'La! Sunod na lang po kami!" sigaw niya at muling yumuko para silipin ang mukha ko. "Want me to get you a breakfast here instead?" tanong niya. Agad naman na umiling ako. "Hindi na, Attorney. Baka magtaka yung Lola niyo..." "Then I will tell her na napagod ka kaya hindi ka pa gising- Aw!" Sinapak ko ang braso niya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "Why?" nagtataka niyang tanong. "I mean, napagod sa byahe kahapon.." Sukat sa sinabi niya ay lalong nag-init ang pisngi ko. s**t! Akala ko.... Ang lakas ng halakhak niya habang lumalayo sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Sinadya niya 'yun! Punyeta! Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD