XAVIER's POV
Mahinang mga tapik sa pisngi at pagyugyog sa balikat ang nagpagising sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong nakayuko si Charm sa akin. Medyo nagulat pa ako sa posisyon namin pero agad ko ring napagtanto kung nasaan kami ngayon.
Nilingon ko kaagad ang kabilang side ng sofa at nakita ko si Lola na kasalukuyang ino-off ang TV. Bumangon agad ako at napatingin sa relo. It's almost ten in the evening! Halos dalawang oras akong nakatulog sa kandungan ni Charm! Nakakunot ang noo niya nang lingunin ko.
"Why?" mahinang tanong ko.
"Hindi mo sinabing magiging unan mo din pala ako pagpunta natin dito.." bulong niya. Lalo akong tinamaan ng hiya. Damn it! Tumikhim ako.
"I'm sorry, I was just tired.." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Nakita kong tumango tango naman siya at nagsimula ng tumayo.
"Ipinaayos ko na ang kwarto mo, Xavier. Sinigurado kong magiging komportable si Charm sa pamamalagi dito..." nakangiting sabi ni Lola sa'kanya. Ngumiti naman si Charm na parang nahihiya.
"Naku, Lola, okay lang po! Sanay naman ako sa kahit saan..." sagot niya.
"No, hindi pwede iyon. Baka hindi kana bumalik dito kapag hindi mo nagustuhan..." sagot ni Lola. Ngayon ko napagtanto na nakuha ni Charm ang loob ng Lola ko. She even wants her to comeback here! Kakarating palang namin ay mukhang iniisip na kaagad nito ang pag-uwi at mukhang ayaw na kaming pauwiin. Whew!
Nakita kong napatingin si Charm sa akin bago sumagot. "Ah, e, si Attorney, este si Xavier po ang magdedesisyon kung kailan kami ulit bibisita dito..." sagot niya. Tumingin naman agad si Lola sa akin. I sighed. Para siyang nagpapaawa.
"Don't worry, Lola. We will visit you here often. Basta wala lang masyadong ginagawa sa office..." sagot ko at inakbayan si Charm. Napatingin siya sa akin. Pinisil ko ang balikat niya.
"O-Oo nga po, Lola. Bibisitahin ka po namin dito ng madalas.." sagot niya. Halos mapatalon na si Lola pagkarinig sa sinabi niya. Sinugod pa nito ng yakap si Charm at hinalikan ako sa pisngi.
"Salamat, mga apo! O kaya naman ay bigyan niyo na agad ako ng apo sa tuhod para hindi na ako maiinip dito.." natatawang sabi nito. Narinig kong napa-ubo si Charm. Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa naging reaksyon niya.
She's too conservative. Napapansin ko na tuwing lalapit ako sa'kanya para hawakan siya ay palagi na lang siyang natitigilan at naiinis. Napapansin ko rin na hindi siya katulad ng ibang babae na masyadong lantaran kung makipagflirt sa akin. She's different. Mukhang mataas ang respeto nito sa sarili. I suddenly wonder if she ever had a boyfriend or kung nagkaroon na, ilan naman kaya?
Ipinilig ko ang ulo dahil sa kung anong naisip. Ano bang pakialam ko kung nagkaboyfriend na siya? We were just pretending here. After a month or two, sasabihin ko rin kay Lola na hindi kami nag-click dahil sa bilis ng simula namin. That would be the perfect reason for our break up. Kung gaano kabilis nakuha ay agad ding maiwawala. Na ang mga bagay na hindi pinaghihirapan ay mabilis ding mabibitawan.
The love you can easily get is also the love that you can easily let go. Bihira ang mga relasyong nagtatagal na nagsimula sa mabilisan. Just like what I had with Ashley. Kung gaano kami kabilis nagsimula ay ganun din kabilis nawala. I've mistakenly thought that she might be the one I want to spend the rest of my life with. Well, we're both lawyer and both successful with our chosen field. We even shared the same interests and lifestyle. But those similarities didn't satisfy her. Those things weren't enough for her to stick with me.
I was too preoccupied with work and other things that I didn't even think of the possibilities that she might get bored with me and find herself falling for my bestfriend. Huli na nang narealized kong hindi sapat na gusto niyo ang isa't-isa. Na komportable kayo sa isa't-isa. It should be more than that. It should be quick but passionate. True and deep.
Yeah.. It should be true and deep kind of feeling.
Niyaya ko na siya kaagad sa kwartong tinutuluyan ko kapag nandito ako. I take a quick glance at the balcony. Bukas ko na ng umaga pagtutuunan ng pansin iyon dahil inaantok na ako. Nakita ko si Charm na iniikot ang paningin sa buong kwarto at nakita kong tumigil ang tingin niya sa balcony. Napangiti ako nang makitang bahagyang nanlaki ang mga mata niya doon. Pupunta na sana siya doon pero pinigilan ko. Agad naman siyang napatingin sa'kin.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Bukas mo na tignan. Let's sleep for now. I'm tired..." sabi ko. Tumango naman siya at napatingin sa kama pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.
"You sleep in bed. Doon ako sa couch.." sabi ko at agad gumapang sa kama at kumuha ng unan at nagsimulang lumapit sa couch. Napatingin ako sa labas nang biglang bumuhos ang ulan. Papalakas ito at may kaonting hangin. Nagkibit balikat ako at inayos ang unan sa couch para makatulog na.
Napansin kong naging balisa si Charm. Namamahay ba siya? Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatitig sa ulan. Medyo lumalakas na ang buhos nun. Nagsimula akong mahiga at nagulat pa ako nang makita ko siya sa dulo ng couch. Kumunot ang noo ko. She looked bothered.
"Why?" tanong ko. Kinagat niya ang ibabang labi at tinuro ang paanan ko.
"M-Mukhang hindi ka komportable diyan. Masyado kang matangkad para diyan. Dun ka nalang sa kama mo. Ako nalang dyan..." sabi niya. Bumangon ako at kinusot ang mata bago tiningala siya.
"No... ikaw ang babae kaya ikaw ang matulog sa kama at ako dito sa couch." sabi ko. Hindi siya gumalaw at nanatili lang na nakatingin sa akin. She really looked bothered. I don't understand why. Iniisip ba niyang gagapangin ko siya dahil magkasama kami sa iisang kwarto? Well, it's still part of the plan. Paanong maniniwala si Lola na totoong kami kung hindi kami matutulog sa isang kwarto?
Magsasalita na sana ulit ako nang biglang magsalita si Lola mula sa labas. Agad na nagkatinginan kami ni Charm.
"Did you lock the door?" nagpapanic na tanong ko. Agad na umiling siya.
"Paano ko magagawa iyon, e, ikaw ang huling pumasok?" paangil na sagot niya. Tsk!
"Xavier, apo?" rinig kong tawag ni Lola na mukhang malapit na malapit na sa pinto ng kwarto. Any moment ay bubuksan na niya ang pinto at makikita kaming magkahiwalay pang matutulog. Agad na kumilos ako para itapon ang unan sa kama at agad na binuhat si Charm. Muntik pa siyang mapasigaw dahil sa pagkabigla pero bumukas na ang pinto ng kwarto at iniluwa si Lola.
Gulat ang unang naging reaksyon niya pagkakita sa amin ni Charm pero agad ding napangiti.
"I-checheck ko lang sana kung maayos na napalitan ni Elsa ang mga kumot at punda ng unan. Nakaistorbo ba ako, apo?" nanunuksong tanong niya. Ni hindi ko kayang lingunin si Charm dahil sa hiya.
"The room was fine, 'La. And.... yeah, we're about to.... sleep when you enter the room.." sagot ko. Damn it! This is so awkward. Tumawa si Lola bago nagpaalam sa amin.
"Ganun ba, apo? Hala sige at aalis na ako. Goodnight, Charm!" sabi pa nito. Nakita kong tumango siya pero hindi nagsalita. Lumabas na si Lola at agad kaming nagkatinginan ni Charm. Our face were only an inch apart. Damn it!
Nakita kong titig na titig siya sa akin. I swear, I can't think of anything right now. Naputol lang ang titigan namin nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas pagkatapos. Napakurap ako nang biglang humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ko at sinubsob ang mukha sa dibdib ko. Natauhan ako nang marinig ko ang hikbi niya.
"What... what happened?" tanong ko. Biglang lumakas ang hikbi niya.
"Kuya... Kuya..." paulit ulit niyang sinasabi habang tuloy sa pag-iyak. Napatingin ako sa labas. Kaya ba kanina pa siya balisa nang magsimula ang ulan? I wonder what happened to her. Mukhang may trauma siya sa kulog at kidlat. Naglakad ako palapit sa kama para maibaba siya.
Habang lumalakas ang kulog at kidlat sa labas ay lalong humihigpit ang kapit niya sa leeg ko. Ibinaba ko siya sa kama pero hindi niya binitawan ang leeg ko.
"Kuya... sorry, Kuya. Hindi ko sinasadya!" sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. Nakakapanibago na makita siyang umiiyak. I always thought of her as tough person. At palaging mukhang walang problema.
Inayos ko ang unan na kinuha ko kanina at nagpasyang tabihan siya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa leeg ko at iginiya ang kamay niya para mapayakap sa akin. Agad naman niya akong niyakap at dinikit ang pisngi sa dibdib ko.
Inayos ko ang kumot at hinila iyon pataas. I wrapped my arms around her and caressed her back. Hinayaan ko siyang umiyak sa dibdib ko. Gusto ko man magtanong kung anong nangyari sa Kuya niya but I chose to silently comfort her. Baka mamaya kapag nahimasmasan siya ay sabihin niya rin sa'kin ang nangyari.
I looked at her face and wipped her tears.
"It's okay. I'm here. I won't leave you.." bulong ko habang pinapatahan siya.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang takot na takot siyang maiwanang mag-isa. I held her head and gently pushed it to my chest. I wanted her to feel that she's not alone.
I wrapped my arms around her. And somehow, it felt like her body was actually fit in my arms.
We stayed like that until I didn't know who fell asleep first.