Hungry

2444 Words
XAVIER's POV I can't help but look at her while we're eating breakfast. Hindi siya makatingin sa akin dahil sa nangyari kaninang umaga. Ang sarap niya kasing inisin. She's conservative pero kung makapag-imagine ay wagas. Pilya. "Bukas ay ipasyal natin si Charm dito sa Tagaytay, apo. Ngayon sana kaso ay mukhang hindi maganda ang panahon. Isama mo siyang magsimba sa Tierra de Maria. Nakapunta ka na ba ng Pangasinan, Charm kung saan ang original church of Lady of Manaoag?" tanong ni Lola. Nakita kong mabilis na tumango si Charm. Her Mom was from North kaya malamang ay napuntahan na niya iyon. "Opo, Lola. Dumadaan po kami doon tuwing uuwi ng Baguio para magbakasyon. Mayroon din po palang church na ganun dito sa Tagaytay?" sagot niya at hinintay ang sagot ni Lola. Si Lolo ang sumagot. "Meron, Charm. It's quite popular here because of its healing powers. Maraming turista ang dumadayo doon dahil napaka solemn ng lugar. Napakaganda at payapa doon. At sa taas ng simbahan, kitang kita mo ang Taal Volcano!" sabi ni Lolo minuwestra pa ang labas. "Malapit lang iyon dito." Nakita kong tumango tango si Charm. She seemed interested sa lahat ng mga sinasabi nila. Nagpatuloy ang pagkukwentuhan habang kumakain. "We'll go to the Sky Ranch, too. Have you ever tried ziplining?" tanong ko. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Hindi ko pa nasubukan pero gusto kong i-try!" excited na sabi niya. Tumawa ako. "You sure kakayanin mo ang heights?" tudyo ko sa'kanya. Nanliit naman ang mga mata niya bago sagot. "Minamaliit mo ba ako?" tanong niya. Natatawang umiling ako at nagkibit balikat. "Well, let's just see kapag nandoon na..." sabi ko. Nakita kong inirapan niya ako. Natatawang naiiling ako at pinagpatuloy ang pagkain. Kitang kita ko ang mga titig ni Lola sa akin nang mag-angat ako nang tingin sa'kanya. "What is it, 'La?" tanong ko. Umiling naman siya at ngumiti. "Nothing, apo. I was just glad that you are finally smiling after what happened to you and Ashley..." sabi niya. Natigilan ako. Nakita kong natigilan din si Charm sa pagkain at kunot noong napatingin sa akin. Damn it. Hindi niya nga pala alam na ex ko si Ashley. Ang alam lang niya ay kaibigan ko ito. Nakita kong nabigla din si Lola at agad na umiling kay Charm. "I'm sorry, Charm. I was just carried away. Hindi ko dapat siya binanggit sa harapan mo." paliwanag nito at ibinaling ang tingin sa akin. "I'm sorry, apo.." pagsusumamo niya. Umiling ako at tumikhim. Hinawakan ko ang kamay ni Charm na nasa ibabaw ng table. Napatingin naman siya sa akin. "It was nothing, 'La. Past is past. And... Charm knows about Ashley..." pagsisinungaling ko. Nakita kong tumitig si Charm sa akin pero hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mga mata niya. Tumango siya pagkatapos. "Opo, Lola... wala lang po iyon sa akin.." sabi niya. Alanganing tumango naman si Lola. Tahimik na ang hapag pagkatapos nun. Pagkatapos kumain ay nakita kong tumulong nanaman siyang magligpit ng pinagkainan nang umalis na sina Loli at Lola. Napailing ako. Ang tigas talaga ng ulo. Nakikipagtawanan na siya sa dalawang kasambahay nang muli akong pumasok sa kusina. "Walang dede ang manok, Charm! Ano ka ba?" natatawang sabi ni Elsa sa'kanya. Nakita kong napakamot sa ulo si Charm. Habang ang isang kasambahay ay halos mapahawak na sa tiyan sa kakatawa sa isang gilid. "Talaga ba? Bakit kaya sa tuwing nakikita ko 'yung mga alagang manok ni Lola sa farm, e, yung mga sisiw nila nagtatago sa ilalim ng pakpak nila? Akala ko talaga dumedede sila doon, e!" sagot ni Charm. Nakatagilid pa ang ulo niya at kunot ang noo. Napailing iling ako. Sinong matinong tao ang mag-iisip na may mammary gland ang manok? Tsk tsk. "Mainit kasi doon! Baka giniginaw ang mga sisiw!" sagot ulit ni Elsa. "Paano mo nasabing mainit doon? Nakatago ka na sa ilalim ng pakpak ng manok?" tanong ni Charm. Humagalpak ng tawa ang dalawa. Tumikhim ako. Napatingin naman silang tatlo sa akin. "Naku, hayan na pala si Sir Xavier. Maiwan ka na namin, Charm. Mamaya ulit!" nakangising paalam ni Elsa. Tumango naman si Charm at nagbiro pa bago makaalis ang dalawa. "Sige. Samahan mo 'ko mamaya. Pa-experience din ng init ng pakpak ng manok!" pahabol pa niya. Humagalpak nanaman ng tawa ang dalawa bago tuluyang nakalayo. Kagat kagat ko ang labi ko para hindi matawa sa sinabi niya. Tumikhim ako nang muling naging awkward nang mapagsolo na kaming dalawa. "Sa... Sa library lang ako. May ire-review lang akong kaso. Would you be okay here?" tanong ko. Agad naman na tumango siya pero nanatiling hindi nakatingin sa akin. "Oo naman, Attorney! Sige na at wag mo akong intindihin dito. Okay lang ako..." sabi niya. Nanatiling nakatitig lang ako sa'kanya. Should I tell her about Ashley? I think I should. May karapatan siyang malaman dahil 'yun naman talaga ang dahilan kung bakit kami nasa sitwasyong ito ngayon. Tumikhim ako bago nagsalita. "About what Lola said earlier-" "Oh? Yung Ashley daw? Si Attorney Ashley Torrez ba 'yung tinutuloy niya?" nagulat ako sa tanong niya. Mukhang inaasahan na niya iyon. Tumango ako. "Yeah.. She was my... ex-girlfriend.." sagot ko. Nakita kong napasinghap siya pero agad ding napatango tango. "Ah.. Mahal mo pa kaya nagpanggap kang tayo para hindi niya isiping hindi ka pa nakakamove on sa'kanya..." tuloy tuloy na sabi niya. May ibinulong pa siyang kung ano pero hindi ko na 'yun narinig. Tumaas ang kilay ko. It's not true that I haven't moved on yet. I already did. I just did this to save my huge pride. Well, it was true that I don't want her to think na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka get over sa break up namin. I'm over it, for Pete's sake. Wala lang talaga akong natitipuhan sa mga babaeng nakikilala ko. Be it a clients or 'yung mga babaeng pinapakilala ng mga kaibigan kong lawyer din. "It's not-" "Okay lang 'yun, Attorney. Naiintindihan ko. Business mo yan at secretary mo lang ako kaya susunod ako sa mga dapat mong ipagawa. Sige po, gawin niyo na 'yung dapat niyong gawin sa library. Magpapahangin lang ako sa labas." sabi niya at tuloy tuloy na nilagpasan na ako. Napamaang ako nang makaalis na siya. What the hell was that? Did she just try to shut me up? What the... *** CHARM's POV Bubulong bulong ako habang naglalakad palabas ng kusina. "Itatanggi pa kasi, e, talaga namang bitter siya! Asus! Hindi mo naman gagawin 'yun kung hindi mo na mahal! Aminin mo na kasi! Tinignan mo lang kung magseselos pa siya! Sus! Style mo, Attorney! Ewan ko sa'yo!" Pero in fairness, ang taas ng standards niya, ha? Sabagay, ano nga namang aasahan mo sa lalaking bukod sa inangkin na yata lahat ng good genes ng mga magulang niya ay mayaman at matalino pa! Malamang ay hahanap talaga siya ng ka-level niya. Katulad ni Atty. Ashley... maganda, matalino, mayaman. Kahit mukhang may pagka-b***h siya ay complete package na siyang maituturing. Beauty and brains. San ka pa nga naman makakahanap ng katulad niya? Kaya hindi ko rin masisisi si Atty. Xavier kung maging bitter man siya. Kung si Rey nga tarantado at loko loko ay pinanghinayangan ko rin, si Atty. Ashley pa kaya na full package na? Hmp! Medyo makulimlim sa labas kaya napasimangot ako. Kung kailan naman gabi at saka umuulan! Tapos si Atty. Xavier pa ang kasama ko sa kwarto. Diyos ko! Pasalamat na lang ako at hindi siya manyak kung hindi ay wala na ang pinaka iingat ingatan kong sandata! Tumulong ako sa pagpeprepare ng tanghalian. Mabuti na lang talaga at nandito ang dalawang kasambahay na ito. Kahit papaano ay hindi ako naiilang makisama dito. Mababait ang Lolo at Lola ni Atty. Xavier pero hindi ko ganun kagustong mapalapit ng husto sa'kanila dahil alam ko namang hindi ito pang matagalan. Hindi naman ako katulad ng iba na alam na alam nanga ang sitwasyon ay itotodo pa. Kaya kapag sa huli at kailangan ng matapos, sila ang dehado. Mahirap masanay sa mga bagay na alam mong hindi naman magtatagal sa iyo. Kaya dapat ay limitado lang ang lahat. "Naku, Senyora! Si Charm po ang nagtimpla niyan! Ang galing po palang magluto kaya siguro nainlove si Sir Xavier!" pumapalatak na sinabi ni Elsa matapos ipatikim kay Lola ang sabaw ng bulalo na niluto ko. Sanay naman ako sa gawaing bahay at ako ang madalas magluto sa amin kaya sisiw na lang ang mga ganitong putahe. Hindi pa nakuntento ang Lola ni Atty. Xavier at humigop ulit ng isa pang kutsarang sabaw. Napangiti ako. Hindi pala lahat ng mayayaman ay mahirap i-please. "Ang sarap talaga, Charm! Madalas mo sigurong ipagluto si Xavier nito ano? Paborito niya kasi ito!" sabi niya. Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na paborito niya 'yun. At wala pa naman talaga akong alam sa'kanya bukod sa pangalan niya. Ngumiti ako ng pilit. "Madalas ka bang pumunta sa condo niya, Hija? Naku salamat naman at matatahimik na kami ng Mommy niya dahil sa wakas ay may nag-aalaga na sa apo ko. Wala kasing alam iyon sa kusina. Puro sa labas na lang kumakain kapag hindi nadadalaw ng Mommy niya sa condo para ipagluto." dagdag pa nito. So, hindi pala siya sa kanila umuuwi? Sabagay, mukhang mataas nga ang pride ng isang iyon at baka gustong maging independent. Tsk! Si Atty. Ashley kaya madalas sa condo niya nuong sila pa? Pinagluluto at inaalagaan kaya siya nito? Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naisip. Anak ng tokwa, Charm! Ano namang pakialam mo sa mga ginagawa nila ni Atty. Ashley nung sila pa? Wala kang pake, kaya kung pwede, shut up ka nalang! "Nasaan nga pala ang batang iyon at bakit hinahayaan kang mag-isa dito?" rinig kong tanong ni Lola. Agad na umiling ako. "May ginagawa lang po sa library, Lola. Baka po may nirereview lang na kaso para hindi matambakan-" "Sus! Sinabi ko nangang magrelax lang dito at kalimutan muna ang trabaho. Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyon. Manang mana sa Daddy niya!" sabi nito at nagsimulang humakbang para siguro puntahan si Atty. Xavier pero pinigilan ko siya. "Ah, Lola, ako na lang po ang tatawag sa'kanya. Upo na po kayo diyan. Susunod na lang po kami!" nakangiting sabi ko. Tumango naman siya. "Hala sige, puntahan mo nanga at baka katakot takot na sermon lang ang abutin sa akin ng nobyo mo! Ang tigas ng ulo!" sabi nito. Tumawa ako at saka agad ng tumuloy sa taas. May isang pinto akong nakita sa gawing kaliwa kaya dumiretso na ako doon. Halos katabi lang iyon ng kwarto ng Lolo't Lola niya kaya malamang na iyon na siguro ang library. Kumatok muna ako para masigurong tama ako. "Come in," rinig kong utos ni Atty. Xavier kaya pinihit ko na agad ang pinto. Naka-upo siya sa isang swivel chair doon at naka-dekwarto ng upo habang nakasandal ang ulo sa sandalan. May hawak hawak siyang folder sa kamay. Nag-angat agad siya ng tingin sa akin at umayos ng upo. Pumasok ako at lumapit sa'kanya. "Why?" tanong niya at binalik muli ang tingin sa binabasa. Umikot ako para magtingin sa mga librong nasa likuran niya. Ang dami! At puro iyon mga books about law and constitution! "Ah.. pinatatawag ka na ng Lola mo, e. Kakain na raw..." sabi ko habang tuloy pa rin sa pagsuyod ng tingin sa mga libro. Namamanghang hinawakan ko ang mga iyon. Kapag nag-aral na ulit ako ay paniguradong itong mga librong ito ang madalas kong makikita! "Just tell her mauna ng kumain. I will just finish reviewing this case. Susunod na lang ako.." rinig kong sabi niya. "Hindi pwede!" sabi ko at agad na lumapit sa gilid ng chair niya. Kunot noo siya nang tingalain ako. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Ano ba yan! Mapangiti, mapasimangot o mapakunot noo ay ang gwapo niya parin. Wala bang gagawin ito na magpapapangit sa'kanya? "And why is that?" tanong niya habang tinataasan ako ng kilay. Sa halip na sumagot ay inagaw ko ang folder na hawak niya. Lalong kumunot ang noo niya nang tignan muli ako. "Kain na muna bago ang trabaho!" sabi ko at itinago sa likod ang folder. Nakita kong umiling siya at tinangkang agawin ang folder sa akin pero iniiwas ko iyon sa'kanya. Nanliit ang mga mata niya. "I am not yet hungry. Kakain ako kapag nagutom na ako." mariin niyang sabi at hinawakan na ang beywang ko para maagaw ang folder sa akin. Iniiwas ko ulit iyon sa'kanya. "Give that to me!" nagtitimping sabi niya. Tumayo na siya kaya tumalikod na ako para makatakbo. "Kumain nga muna sabi!" sabi ko pero naramdaman ko na ang braso niyang pumulupot sa beywang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mahuli niya ako at iupo sa kandungan niya. "There! Ayaw mong bitawan, edi dito ka sa tabi ko..." sabi niya at agad hinawakan ang folder na hawak ko. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makahinga! Sinong makakahinga ng maayos sa posisyon ko ngayon, ha? Naka-upo ako sa kandungan niya at nakapalibot ang mga braso niya sa akin habang nagbabasa siya! Diyos ko! Para nanaman akong aatakihin sa puso! Ni hindi ako makagalaw para lingunin siya dahil sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin! Bes, tulong! Baka malapa ko na ito! Naiimagine ko na ang mukha ng bestfriend kong si Arcie kapag nakita niya ako sa ganito ka-awkward na posisyon! Sa bawat paglipat niya ng pahina ay lalo siyang napapadikit sa akin. s**t! Halos hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon dahil ayaw magfunction ng utak ko! "Uhm.. B-Baka kanina pa naghihintay ang Lola niyo, Attorney." sabi ko at gumalaw pakanan para iparamdam sa'kanyang aalis na ako. Nakita kong ginalaw niya ang kanyang relo para silipin ang oras pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa binabasa. "It's still early, though. Malapit na 'tong matapos. Are you that hungry, hmm?" tanong niya. Halos manindig ang balahibo ko sa lambing at hinahon ng boses niya. Napakislot ako bago umiling. "Hindi... hindi pa naman. Sige, ituloy mo na 'yan. Uhm, maghihintay na lang ako sa-" Halos mapaigtad ako nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Ilang beses akong napalunok. "Ang likot mo... Paano tayo matatapos agad?" bulong niya at hinapit ang beywang ko at inayos ang pagkakaupo ko sa kandungan niya. Nakatagilid na ako ngayon sa'kanya at nakasandal sa braso niya. Kitang kita ko na ang mukha niyang seryosong nakatitig sa binabasang kaso. Kahit yata ang paglunok ay biglang naging mahirap gawin! Parang may kung ano ring umiikot sa sikmura ko. Ano ba 'tong nakakalecheng pakiramdam na ito? Shit! Daig ko pa siguro ngayon ang nakakain ng sandamakmak na sili dahil sa pula ng mukha ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD