XAVIER's POV
Inom ako ng inom ng tubig dahil kanina pa ako hindi makakain sa pagpipigil ng tawa. Kahit sina Lola ay hindi na rin makakain ng maayos dahil sa mga sinasagot ni Charm sa mga tanong ng mga ito.
Lola asked about her family, her previous jobs at kung anu-ano pa. Sinasagot niya iyon sa nakakaaliw na paraan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o talagang natural na sa'kanya ang parang ewan na facial expressions kapag nagkukwento. Well, we're talking about Charm and her crazy antics here. Mula sa pangalan niya hanggang sa personality niya ay nakakaaliw.
Pero ibang klase magalit ang babaeng 'to. Akalain mong piningot ako kanina. Mukhang kailangan ko pang ipaalala sa'kanyang Boss niya ako para tumigil siya. Ugh! Ibang klase talaga 'tong babae na 'to. Bilib ako sa lakas ng loob niya.
"Actually, hindi po talaga ako prepared that time. Yung aunty ko po na kumukuha ng mga commercial model, naipit lang sa sitwasyon. Last minute nag-back out 'yung model ng napkin kaya hinatak niya na lang ako. Tutal puwet at kamay lang naman ang makikita sa TV--"
Napatigil siya sa pagkukwento nang tumawa ng napakalakas sina Lolo at Lola. Napainom ulit ako ng tubig.
Busog na ako sa tubig dahil sa babae na 'to!
"Hindi ka naman ba nahirapan dahil first time mo mag-model?" tanong ulit ni Lola nang makabawi sa pagtawa. Nagpupunas pa siya ng gilid ng mga mata. Mukhang naiyak na sa kakatawa. Napangiti ako at lihim na nagpasalamat kay Charm. This kind of mood will make my Lola feel better. Matanda na siya at ginagawa namin lahat para hindi siya ma-stress. I remember how my Dad broke down when we heard the news that Lola got a heart attack after hearing my Mom filed for divorce.
Mom was just exaggerating that time. Akala niya ay kabit ng Daddy ko ang kumare niya when in fact, they were just in for some cold case. It was all about business. Masyado lang talagang selosa si Mommy.
After that incident, naging maingat na kami pagdating sa health ni Lola. We don't want to stress her out.
"Hindi naman po! Wala nga po akong ginawa kundi tumuwad, mag-split sa ere para sa jump shot at umikot ikot! Ang saya po pero ayoko na maulit 'yun..." rinig kong sabi ni Charm at sumubo ng beef steak. Curious kaming napatingin sa'kanya.
"Bakit naman ayaw mo na?" tanong ni Lolo.
Tumingin muna siya sa akin bago tinakpan ang gilid ng bibig at saka bumulong kina Lolo pero dinig na dinig ko naman!
"Kasi po nung tumalon ako para sa final phase nung commercial, nawarak po 'yung pantalon ko! Wag niyu na pong banggitin kay Xavier, baka i-break ako ng 'di oras..."
Ang lakas ng tawa ni Lolo pagkarinig sa sinabi niya. Agad na kinuha ko ang baso at tuloy tuloy na ininom ang laman nun para malunod lahat ng tawa ko!
Nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan hanggang sa napunta ang topic sa aming dalawa.
"So, mag-iisang linggo palang kayo nitong apo ko, Charm?" sukat sa sinabi ni Lola ay napatingin agad ako sa gawi niya. She caught my gaze and there's something in her eyes that bothers me.
Is she doubting us already?
"Ah.. opo. Kakasagot ko lang po sa'kanya bago kami magpunta dito." rinig kong sabi ni Charm. Good thing, she looked so natural while saying that. Lola raised her brow. Napalunok ako. She's not convinced. Damn!
"Talaga?" tanong ulit nito. Lalo akong napalunok. Napalingon na si Charm sa akin. She can also feel it, I guess.
"Ah, opo. Isang linggong pag-ibig po ang peg naming dalawa. Taray, 'no?" sagot ni Charm. Trying to ease the tension. Tumawa si Lola but I still doubt we convinced her.
"I see... Ano namang nagustuhan mo sa apo ko, Charm?" tanong ulit ni Lola. Hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay Charm. Curious din ako sa isasagot niya.
"Po? Naku po, hindi ko po alam kung anong nakain ko nung araw na 'yun at nagustuhan ko ang apo niyo!" tuloy tuloy na sagot nito. What the f**k? Tinaasan ko siya ng kilay. Tumukhim ako. Napatingin naman si Charm sa akin at agad dinugtungan ang sinabi.
"I mean, wala naman po talagang kagusto gusto sa ugali ng apo niyo. Bukod sa suplado na at palaging nakasigaw, e, napaka bossy pa. In short, panandalian ko pong nakalimutan ang standards ko kaya ko siya nasagot ng di oras."
Anak ng..? Parang totoong totoo 'yung sagot niya ah? Tumikhim ulit ako pero nakita ko siyang pasimpleng inirapan ako. Narinig kong tumawa si Lola.
"How about his looks, Hija? Hindi ka ba na-gwapuhan sa apo ko? Lahat halos sinasabing gwapo siya." rinig kong sabi ni Lola. Napatingin ako sa'kanya. Patiently waiting for her answer.
"Po?" napatingin ulit siya sa'kin. Tumaas ang kilay ko.
What? Come on, kahit manlang sa looks, e sumagot ka ng tama.
"Pwede na rin po..." sagot niya. What the heck? Anong pwede na rin? Napilitan? Aba't.
Tumawa si Lola at nakisabay na rin si Lolo na naiiling. Nakagat ko ang ibabang labi at nagpigil ng inis. How can we convince them na mag-on kami, e, halos wala na siyang itirang panlait sa akin? Kahit sa looks manlang sana. Napakahirap ba talagang sabihing gwapo ako o talagang hindi lang siya naggwapuhan sa akin?
"Now I know why Xavier fall for you." sagot ni Lola at napatingin sa akin. Kumunot ang noo ko.
"You clearly saw all his flaws, yet, you still chose to be with him. Thank you for loving my apo, Charm..."
I saw sincerity in her eyes while saying that. Parang bigla akong nakunsensiya sa ginagawa ko. What will happen to her kapag nalaman niya ang totoo?
Charm looked at me. Confussion was in her eyes. Nag-iwas ako ng tingin. The feeling of guilt is hunting me.
"Hindi lang naman po puro flaws niya ang nakita ko, Lola..." rinig kong sabi ni Charm. Nilingon ko siya. She was half smile while looking at me. I almost gasped.
"Matalino po si Atty. Xavier. Magalang din po siya at marunong makisama sa ibang tao. Nakita ko po 'yun kanina nung pinakilala ko siya sa pamilya ko. Tsaka ano... ah, malambing po siyang apo sainyo. Sigurado akong mahal na mahal niya po kayo.."
Hindi ko maalis ang titig sa'kanya habang sinasabi niya 'yun. She was observing me, damn it. I think, she was sincere, though. Mukhang totoo naman yung huli niyang sinabi. Napangiti ako kahit papaano.
***
CHARM's POV
Hindi ako makatingin kay Atty. Xavier pagkatapos ng huli kong sinabi sa Lola niya. Aaminin ko, pinili ko talagang magpakatotoo sa mga sinabi ko sa Lola niya. Nakukunsensiya na ako sa ginagawa naming pagpapanggap kaya kahit papaano ay magsabi na ako ng totoo.
Ang kaso lang ay parang bigla akong tinamaan ng hiya pagkatapos ko siyang papurihan kanina.
"Ay leche! Bakit ko pa ba nasabi 'yun?" bubulong bulong ako habang naghuhugas ng kamay. Nanunuod sila ng TV sa sala at nagpasya akong tumulong maghugas ng pinggan pagkatapos kumain kahit na dalawa dalawa naman ang kasambahay nila dito. Sanay naman ako sa mga gawaing bahay at isa pa, ayokong makaharap muna si Attorney at naiilang ako sa mga tingin niya.
Punyeta siya. Hindi ko dapat siya pinuri. Badtrip!
"Ma'am, kami na lang po dito. Mapapagalitan po kami ni Senyora dahil pinaghuhugas namin ang bisita!" reklamo nung kasambahay na nakakita samin kanina ni Atty. Xavier. Nag-init nanaman ang ulo ko matapos maalala ang scene namin kanina sa sofa.
Walanghiyang manyakis na 'yun. Physical contact equals s*x? Ang kapal kapal ng mukha niya.
"Pagkatapos niyang hawakan ang chocolate hills ko, Bataan naman ngayon ang tatargetin niya? Tanggalan ko siya ng balls, e!" mariing sabi ko.
"Ma'am? May sinasabi po kayo?" tanong ulit nung kasambahay. Napatingin ako sa'kanya. Mukhang nasabi ko nanaman ang nasa isip ko. Umiling agad ako.
"Wala, wag niyong intindihin ang galit ni Lola. Ang galit ko ang intindihin niyo." wala sa sariling sabi ko. Napatingin naman silang dalawa sa'kin. "Joke! Masyado kayong seryoso. Ang wrinkles, sige!"
Pareho silang natawa. Nagtatawanan na kami habang naghuhugas ng kapirasong hugasin. Nalibang ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila tungkol sa mga paboritong teleserye.
"Mas boto pa rin ako sa isang pulis! Mukhang gusto niya naman 'yung babae, kaso, mukhang ma-pride!" sabi ni Elsa, yung kasambahay na nakakita samin sa sofa.
"Naku, e ang bagal bagal! Mas bet ko 'yung isang pulis! Effort kung effort!" sabi naman ni Sally, mas matanda kaysa kay Elsa.
"Mas bet ko 'yung bading na bata na may gusto dun sa gwapong pulis!" sagot ko. Humagalpak silang dalawa. Nakitawa na rin ako. Napatigil ako sa pagtawa nang may maramdamang kumapit sa kanang bewang ko. Halos mabitawan ko ang platong hawak hawak ko sa gulat.
Napalingon ako at nakita ko agad si Atty. Xavier sa likod ko. Kunot ang noo niya nang bumulong sa akin.
"What are you still doing here? Kanina ka pa hinihintay nila Lola sa sala." mahina ngunit mariing bulong niya. Kung wala lang ang dalawang kasambahay sa tabi ko ay baka kanina ko pa siya nasapak dahil sa ginawa niyang panggugulat sa'kin.
"Naghuhugas ng pinggan. Obvious ba?" papilosopo kong sagot. Nilinga niya ang dalawa at saka nagtitimping inilapit nanaman ang bibig sa tenga ko.
"Who the hell told you to wash the dishes? Hindi ka pumunta rito para ipaghugas kami ni pinggan!" pigil ang inis na bulong niya. Lalong kumunot ang noo ko.
"Oo na, oo na! Kailangan talaga may hawak sa bewang ko?" iritado ko na ring bulong sa'kanya. Tumaas naman ang kilay niya at tinanggal ang pagkakahawak doon.
"Hurry up and come with me!" mariing utos niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka naghugas na ng kamay. Nang matapos ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at saka hinatak na palabas ng kusina. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak.
So, kailangang magkahawak ang kamay? Holding Hands While Walking lang ang peg?
"Bitawan mo nga ako! Nakakarami ka na ng hawak, a? Babaliin ko na yang kamay mo!" mariin ngunit pabulong kong sabi.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "It's not as if I want to hold your hand! Kaya wag kang mag-inarte diyan at sumunod ka nalang!" ganting bulong nito. Tumaas ang kilay ko.
Aba't, talaga naman! Ako pa ngayon ang nag-iinarte? Pigilan niyo ko, bubugbugin ko na ang mayabang na abogagong 'to!
Nakangiti agad ang Lola niya sa amin nang makarating sa sala. Kasalukuyan silang nanunuod ng isang variety show sa TV. Ngumiti ako pabalik.
"Nakipagkwentuhan pa sa mga kasambahay kaya natagalan, 'La." rinig kong sabi ni Atty. Xavier matapos kaming makaupo sa sofa. Halos mahigit ko ang hininga nang hapitin niya ako palapit sa'kanya. Ramdam na ramdam ko ang braso niyang nakapalibot sa beywang ko. Agad na tinignan ko siya at sinubukang kuhanin sa tingin pero nakatuon lang agad ang atensiyon niya sa TV.
"Ganun ba? Nagustuhan mo ba ang pagkain na pinaluto ko, Charm?" tanong ng Lola niya nang mag-commercial. Agad na tumango ako. Mukhang nalilibang siya sa panonood sa amin ng apo niya.
"Sobrang sarap po. Sira ang diet ko!" sabi ko at naramdaman ko ang paghawak ni Atty. Xavier sa isang kamay ko habang ang isa ay nakapalibot pa rin sa bewang ko.
"Ano ba?" nagtitimpi ng inis na bulong ko. Nakita kong napatingin siya sa gawi ng Lola niya at saka ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti pa siya.
"Kahit hindi ka na mag-diet, Honey. Mas gusto ko yung ganyan. Mas masarap yakapin..." sabi niya at biglang inihilig ang ulo sa balikat ko.
Pakiramdam ko ay nagtaasan yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya.
Shit na lalake 'to! Pero in fairness, ang bango niya pa rin.
Nakangiti ang Lola niya at maya't maya ay sinusulyapan kami. At ang walanghiya niyang apo ay todo bigay sa pag-arte.
Nilalaro niya ang kamay ko at isinisiksik ang ulo sa leeg ko. Hindi na yata kayang tumbasan ng ilang litrong holy water ang kasalanan ko dahil ilang beses ko na siyang minurder sa isip! Grabe ang ginagawa niyang torture sa sistema ko dahil lang sa simpleng paghilig niya sa balikat ko!
Maya maya ay naging payapa ang paghinga niya. Mukhang nakatulog na yata sa balikat ko. Yumuko ako para tignan siya at tama nga ang hula ko. Nakapikit siya at mukhang nakatulog na. Ang amo ng mukha niya lalo pag tulog. Mukhang hindi gagawa ng kalokohan. Tsk.
Hustisya talaga para kay Rey na kahit tulog ay mukhang papatay ng tao. Joke!
Mukhang napagod yata si Attorney sa pagdadrive kanina. Napansin kong nasa dulo kami ng sofa kaya gumalaw ako para sapuhin ang ulo niya at ilipat sa kandungan ko para makahiga siya ng maayos. Umungol pa siya pero agad ding nakatulog nang makahiga na sa kandungan ko.