CHARM's POV
Nang magmulat ako nang mga mata ay nasa kwarto na kami ni Atty. Xavier at nakayakap ako sa isang braso niya. Tumingala ako at nakita ko siyang nakatutok ang mata sa laptop na nasa kandungan nito. Napatingin siya sa akin.
"Oh? You're awake?" tanong nito at binalik ang mata sa monitor at may pinindot doon bago inilagay ang laptop sa bedside table. Kumunot ang noo ko at inalala ang mga nangyari kanina. Alam ko ay nanunuod lang kami kanina ng TV sa sala pagkatapos ay umulan. Gusto kong mapapikit dahil sa kahihiyan nanaman.
"Anong nangyari?" tanong ko pa. Malamang ay binuhat niya ako paakyat dito dahil wala akong matandaang naglakad ako papunta dito sa taas.
Tumitig siya sa akin at kunot noong tinagilid ang ulo bago sumagot.
"Wala pa namang nagyayari..." sabi nito. Napatitig narin ako sa'kanya. Para kasing may halong pambubwisit 'yung sagot niya.
Hindi nga ako nagkamali. Laglag ang panga ko nang makita ang pagtatangka niyang pigilan ang kanyang tawa pero hindi niya kinaya dahil lumalabas ang mga dimples sa pisngi niya.
Wala pang nangyayari? Kanino naman? Sa amin? Puchang lalake 'to, aba?
Hindi na niya kinaya at kumawala na ang tawa niya. Bumalandra ang dalawang malalim na dimples sa pisngi niya dahil sa sobrang tawa. Automatic na napabangon ako at kinuha ang unan at binato iyon sa mukha niya.
"Wala pang nangyayari, ha?" nanggigigil na bulalas ko at pinaghahampas siya ng unan.
Isa ito sa mga nadiskubre kong ugali niya mula nang magpunta kami dito. Ang lakas niya mang-asar at mukhang ligayang ligaya siya sa pambubwisit sa akin.
"Aray! Ano na naman bang nasa isip mo, ha?" natatawa parin na sabi nito habang panay ang ilag sa hampas ko. Kinakagat niya ang ibabang labi niya at mukhang nilalabanan ang pagtawa. Akala niya ay makukuha niya ako sa paganyan ganyan niya? Ako ang palalabasin niyang marumi ang utak samantalang siya itong napaka double meaning ng mga sinasabi!
"May mangyayari talaga sa'yo ngayon. Dahil bubugbugin kita! Seryoso ako dito tapos anong sagot mo, ha?" nanggigigil parin na sabi ko habang hinahampas siya. Lalong lumakas ang tawa niya at hindi na siya makailag sa mga hampas ko dahil siguro sa panlalambot.
Punyeta! Isang galaw nalang kanina ay makukuha na sana niya ang first kiss ko! Bwisit na lalake 'to! Tapos ngayon ang lakas ng loob magbiro!
"Seryoso rin naman ako. Masyado lang talagang malikot yang utak mo!" sabi pa niya. Lumapit na ako sa'kanya at gusto ko na siyang sakalin. Aba't ako pa ba ang malikot ang utak?
"Talaga ba, ha? Saang banda ang seryoso-"
Napatigil ako sa pambubugbog sa'kanya nang higitin niya ako at ipahiga ako sa kama. Ipininid niya ang mga kamay ko sa kama at saka siya humihingal na tinignan ako. Nanlalaki ang mga mata ko dahil naka ibabaw siya sa akin.
Gusto ko siyang itulak pero pigil pigil niya ang mga kamay ko. Nanliit ang mga mata niya sa akin.
"This is what I've got for carrying you while you were asleep, huh?" nanliliit ang mga matang sabi nito. Napalunok ako. Sa sobrang pikon ko sa'kanya nakalimutan ko na 'yung ginawa niyang pagcomfort na naman sa akin kanina. Ngumisi siya nang makitang natigilan ako.
"Ngayon natahimik ka..." nakangising sabi niya at tumitig ulit sa akin. Kinagat niya ang ibabang labi bago ulit nagsalita.
"Alam mo bang ikaw lang ang nakakagawa sa'kin nito, hmm?" Sabi nito. Mas lalo akong napalunok nang medyo bumaba ang mukha niya sa akin. "They were all afraid to hurt me. Pero ikaw... tsk tsk..."
Papahina ang pagkakasabi niya kaya lalo akong kinilabutan.
Shit! Baka topakin ito bigla at halikan ako. Diyos ko! Hindi ko maipapangakong hindi ako tutugon! Lord please! Ilayo mo ako sa tukso!
Nakita kong unti-unting bumaba ang mukha niya habang titig titig sa akin. Hindi ko na maramdaman ang mukha ko. Bigla yata iyong namanhid.
Shit! Goodbye, first kiss na ba, Charm?
Bumaba pa ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko ng tumatama ang hininga niya sa mukha ko. Nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko ay mariing napapikit na ako.
Shit! s**t! Para akong aatakihin sa puso dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko! Walang sinabi ang kaba ko sa biglaang oral recitation sa school at sa panonood ng mga horror movies!
Nahigit ko ang hininga nang imbes na sa labi ko tumama ang labi niya ay naramdaman ko ang labi niya sa tenga ko.
"Gusto mo naman magpahalik..." bulong niya sabay halakhak sa tenga ko.
Pakiramdam ko ay napunta sa mukha ko lahat ng dugo ko at nag-extend sa ulo ko! Agad na nagmulat ako ng mata at nakita kong ang lapad ng ngisi niya sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Ang saya mong bwisitin ako, ha?" sarkastikong sabi ko sabay pikit ng mariin at untog ng ulo ko sa'kanya.
Agad na nabitawan niya ang kamay ko sabay layo at hawak sa noo niya. Nakita kong napakagat pa siya sa labi niya at napangiwi. Lumabas ang dimples niya sa pisngi.
Shit na dimples yan. Bagay na bagay sa'kanya!
"Aw!" daing niya. Napabangon ako bigla para daluhan siya.
"Okay ka lang, Attorney? Ikaw naman kasi!" sisi ko pa at agad hinawakan ang kamay niyang nakatakip sa noo. Nang tanggalin niya iyon ay bahagyang namumula.
"You're rude..." sabi niya at hinahawakan ang noo habang iniirapan ako. Umirap din ako at hinipan ang noo niya.
"Ikaw nga diyan! Nananakot ka!" singhal ko. Nakita kong nagpigil nanaman siya ng ngisi dahil bahagyang lumitaw ang dimples niya. Tsk!
"Hindi ako nananakot lang. I will really do it next time kapag hinampas mo pa ulit ako..." sabi niya. Inirapan ko lang siya at saka tinignan ang noo niya.
"Masakit ba? Patingin nga..." sabi ko.
"Hindi lang pala sa loob matigas. Pati sa labas, sobrang tigas..." rinig kong sabi niya. Kumunot ang noo ko.
"Alin ang matigas?" tanong ko.
Narinig ko ang tawa niya. Nag-init nanaman ang ulo ko. Ayan nanaman yang punyetang double meaning na yan!
"Ulo mo. Ano bang nasa isip mong matigas?" nakangising sabi nito. Hindi ko mapigilang mapatawa. Nakakatawa naman kasi yung mukha niya habang sinasabi iyon!
Umiling ako at napakapit sa tyan.
"What?" natatawang tanong niya nang hindi na ako makahuma sa kakatawa. Nakitawa na rin siya. Ang ending ay nagtatawanan kami at hindi ko mapigilang hampasin siya.
"Tatawa ka nalang, manghahampas ka pa?" reklamo niya. Pulang pula ang braso niya. Binato ko siya ng unan. Nanliit ang mga mata niya at kiniliti ako ng kiniliti. s**t! Hindi siya tumigil hangga't hindi niya nakikitang kinakapos na ako ng hininga!
***
XAVIER's POV
Kanina pa ako naiiling na natatawa habang nakatingin kay Charm na nakikipagtawanan sa dalawang kasambahay at kay Lola. Kanina pa sila nagkakantahan pagkatapos namin magdinner. Kami naman ni Lolo ay umiinom dito sa dulo. We're talking about business and other stuff.
Ginalaw ko ang baso na may lamang whiskey at sumimsim ng konti habang hindi inaalis ang tingin sa gawi nila Charm.
Nakakaaliw talaga siya at kahit ang dalawang kasambahay ay parang ang tagal na siyang kakilala kung makitungo. She's outgoing and funny. Parang hindi siya nahihirapang makisama sa kahit na sino.
Hindi ko mapigilang matawa nang magsimula siyang kumanta. Nakatalikod siya sa gawi namin at nakatutok ang mata sa TV.
"Ang gusto ko sa lalake ay di masyadong malaki ang katawan.. Type ko'y payat na malaman!"
Sumasayaw sayaw pa siya at kitang kita ko si Lola na napapailing habang hawak hawak ang tyan. Ang dalawang kasambahay naman ay parehong humahagalpak dahil sa lyrics ng kinakanta niya. Natatawang naiiling ako.
Hanggang sa kanta ba naman, nagpapakapilya.
"She's really funny and witty. No wonder your Lola likes her a lot." rinig kong sabi ni Lolo na nakatingin din sa gawi nila Charm. Tumango ako.
"Lola did?" tanong ko at nagsalin ulit ng whiskey sa baso. Tumango naman siya.
"Yeah. In fact, she's starting to jot down some excuses para mapabalik kayo ulit dito." natatawang sabi ni Lolo.
"What?" natatawang tanong ko. Si Lola talaga.
"Yeah..." natatawang sabi niya habang binabalik ang atensiyon sa gawi nila Lola. Hinihila na siya ngayon ni Charm at pilit pinapasabay sa'kanya sa pagkanta. Umiiling naman si Lola habang tawa ng tawa.
"Sabi ni DJ Alvaro, gusto niya'y medyo bastos na maginoo... O simple lang ang aking payo..."
Narinig kong tumawa si Lolo. Nilingon ko siya. Napangiti ako. He likes Charm, too. Kahit di niya sabihin, I know he does.
"At first, I was afraid that she might get hurt if she really fell for you..." maya maya ay sambit ni Lolo. Nakangiti siya at nakatingin parin sa gawi nila Charm. Kunot noong nilingon ko siya.
"Pero mukhang ang apo ko yata ang mauunang mahulog..." makahulugang sabi niya habang natatawa.
Lalong kumunot ang noo ko. Napalunok na ako nang tingnan niya ako ng seryoso. Binaba niya ang baso sa table bago nagsalita.
"I have no idea why you're doing this, Xavier. But... if it's still about Ashley, I really think you should stop using someone to forget her..." sabi nito. Nalaglag ang panga ko. H-How did...
"Mukhang nakalimutan mo yatang retired judge ang Lolo mo, apo. Do I really have to remind you that I'm a psychology graduate, too?" nakangising sabi nito. Napanganga ako. Damn it! How can I forget that fact? I feel so stupid para isiping napaniwala ko sila sa kasinungalingan ko.
Narinig ko siyang tumawa nang hindi ako makaimik. Nag-angat ako ng tingin.
"How... How about Lola? A-Alam din ba niya?" nag-aalangang tanong ko. Napasuklay ako sa buhok.
"Well... I don't know. Wala namang sinasabi ang Lola mo. And if she knew about this, I believe she will still let you think that she doesn't know a thing. Ganyan naman ang Lola mo.. Hindi siya naniniwalang walang rason ang isang tao kapag ginawa niya ang isang bagay..."
Napahilamos ako sa mukha. "I'm sorry, 'Lo. Kasalanan ko. Naipit lang ako sa sitwasyon." paliwanag ko.
"Is it because, Ashley is getting married with Harvey?" nabigla ako sa tanong niya. Well, maraming connections si Lolo kaya hindi malabong hindi niya iyon mabalitaan.
Tumango ako. "Yes, 'Lo. I just wanna get rid of her. So...."
"Do you still love her?" tanong niya. Agad na umiling ako.
"No. I don't think it's still love. Gusto ko na lang matapos 'to and even cut ties with them. Kaya sinabi kong may girlfriend na ako at si Charm iyon..." paliwanag ko. Tumango si Lolo at ngumiti. Tinapik niya ang balikat ko.
"So, walang magiging problema kung magiging totohanan 'yang pagpapanggap niyo?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa'kanya. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Damn it!
Ang lakas ng tawa ni Lolo nang hindi ako makasagot. Nakita ko pang napalingon sila Lola sa gawi namin. Nagtama ang mga mata namin ni Charm. Napalunok ako. Nakita ko pa siyang binelatan ako at pagkatapos ay muling hinarap ang mga kasama.
Bumaba ang tingin ko sa baso ng whiskey at mabilis na ininom ang laman nun.