XAVIER's POV
Napahawak ako sa sentido ko nang makaramdam ng hilo nang bumalik ako sa pwesto namin ni Lolo. Medyo naparami yata 'yung inom ko dahil imbes na sumagot ako kanina kay Lolo ay idinaan ko na lang sa pag-inom. I don't know how to answer him, anyway.
Natigil lang siya sa pagtatanong nang hilahin ako ni Charm para maki-join sa kanila. I don't do those childish stuff pero nagpatianod ako para makawala kay Lolo. They sing and dance samantalang ako ay nasa gilid lang at pinanood sila. Parang hindi siya napapagod sa ginagawa. Tsk.
Napatingin ako sa kanila nang marinig ko ang tawa ni Lolo kasabay ng paghila sa'kanya patayo ng dalawang kasambay na malamang ay inutusan ni Charm na gawin iyon. Siya naman ay hinihila din patayo si Lola habang pumipindot sa microphone.
"Sige na, Lolo! Isipin niyo po prom night ito at si Lola ang first dance mo!" sabi ni Charm at iginiya ang kamay ni Lola sa balikat ni Lolo. Natatawang naiiling naman ang dalawa. Nakita kong napailing si Lolo kay Lola bago nito pinuwesto ang kamay sa beywang ni Lola. Pumalakpak siya at ang dalawang kasambahay habang pinapanood ang dalawa. Nagsimula siyang kumanta. Natawa ako nang mauna siya sa intro ng kanta.
"Ay wala pa pala! Sorry naman?" palusot niya habang panay ang tikhim at hawak sa lalamunan. Sumandal ako dahil bumibigat na ang mga mata ko dala ng ininom na whiskey. Humagalpak sa tawa ang mga nakarinig. Pinanood ko siyang kinakantahan ang aking Lolo at Lola.
"Itong awiting ito ay alay sayo.Sintunado man 'tong mga pangako sayo. Ang gusto ko lamang.. kasama kang tumanda!"
Palipat lipat ang tingin niya sa screen para makita ang lyrics at saka kina Lolo na mukhang nag-uusap ng mahina. Napangiti ako. I'm happy seeing Lola like this. Masaya at hindi nai-stress sa kung anu anong bagay. But... at the back of my mind, alam kong isa ako sa mga pwedeng dahilan ng pagka stress niya.
"Patatawanin kita pag hindi ka masaya. Bubuhatin kita pag nirayuma ka na.. O kay sarap isipin..Kasama kang tumanda..."
Paano kapag nalaman niya ang totoo? That I only used Charm to cover up my pride? Siguradong magagalit siya sa'kin. She will scold me for using someone lalo na at kasing buti ni Charm.
"Ibibili ng balot pag mahinang tuhod! Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod. O kay sarap isipin... Kasama kang tumanda..."
Napatingin ako kay Charm. She was all smile while singing. Kitang kita ko rin kung gaano siya kasaya para kina Lola. I suddenly felt so guilty.
Alam kong wala nalang rin siyang nagawa dahil trabaho niya ang sundin ako. I didn't even ask for her opinion. Ni hindi ko siya binigyan ng pagkakataong tumanggi. I didn't let her decide for this. Ako lang. Sariling desisyon ko lang. I only thought of myself. Damn it! I'm so selfish!
"Sasamahan kahit kailanman! Humigit kumulang di mabilang. Tatlumpung araw sa isang buwan. Umabot man tayo sa three thousand one! Wooo! Ehem! Wala bang kiss diyan?"
Nagkantyawan sila pagkatapos bigyan ng isang mabilis na halik sa labi ni Lolo si Lola. Nagpalakpakan pa sila pagkatapos. I decided to drink here alone.
Medyo marami na akong naiinom nang maramdaman kong tinabihan ako ni Charm sa sofa. Nilingon ko siya at ibinalik muli ang atensiyon sa baso. Iinumin ko na sana ang laman nun kung hindi niya lang ako pinigilan. Kunot noong nakatingin ako sa'kanya.
"Ako rin, painom!" sabi niya sabay kuha sa baso ko at tuloy tuloy na ininom iyon. Napangisi ako nang umubo siya at magmura.
"s**t! My precious throat! Nasunog na yata dahil dito!" sabi niya at tinitigan ang bote ng whiskey. Napailing ako at kinuha ulit sa'kanya ang baso at muling sinalinan.
"Don't drink. Walang magbubuhat sa akin paakyat..." sabi ko at inisang lagok ang nasa baso. Kitang kita ko ang paglukot ng mukha niya.
"Wow, Attorney. Lalong kumakapal mukha mo pag nakakainom ka. Last mo na 'yan, ha?" sabi niya at humalukipkip. Natawa ako. Kitang kita ko ang pagtitig niya sa akin. O mas tamang sabihing sa pisngi ko.
"Cute ba?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya at binalik ang tingin sa akin. Nagsalin ulit ako sa baso.
"Cute ang alin?" tanong niya. Tumawa ulit ako.
"Dimples," simpleng sabi ko at muling uminom.
"Konek ng dimples mo sa usapan?" pasuplada niyang tanong at bubulong bulong. Natawa ulit ako. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong matawa kapag kausap ko siya. Sa ngayon ay hindi ko mapigilan dahil nakainom na ako.
"Tinitignan mo, e." sabi ko. Pinanood ko siyang pinaikot ang mga mata bago sumagot. Hindi ko mapigilang mapangiti. Damn this girl.
"Hindi kaya! Lasing ka lang kaya kung anu ano nakikita mo! Naku, Attorney, hindi ka dapat nag-iinom ng sobra. Nagiging feelingero ka lalo!" singhal niya at bumulong bulong nanaman. Lalo akong natawa sa sinabi niya. Pinabababa ng babae na 'to ang self confidence ko. Tsk. Napailing ako at itinuloy na lang ang pag-inom.
***
CHARM's POV
Nakita kong nag-uusap ng mahinahon ang Lolo at Lola ni Atty. Xavier pagkatapos namin silang sapilitang pagsayawin sa harapan habang kinakantahan ko. Napangiti ako nang makita silang dalawa na mukhang binabalikan ang ala-ala ng kabataan nila.
Bigla ko tuloy namissed ang Lolo't Lola ko sa probinsiya. Madalas pa rin akong nakakapasyal doon lalo na kapag walang trabaho. Madalas ay nagkakantahan at nagsasayawan din kami kasama ang mga pinsan ko. I missed them so much. Pagkabalik namin ng Maynila ay isang araw dadalawin ko sila.
Napatingin ako sa gawi ni Atty. Xavier. Kanina ko pa siya nakikitang inom ng inom. Kumunot ang noo ko. Mukhang okay naman siya kanina, a? Bakit mukhang nagpapakalasing yata siya?
Nagpasya akong lapitan siya. Pulang pula ang labi niya at pati narin ang pisngi dahil siguro sa dami na ng nainom. Napatingin lang siya saglit sa akin at saka tinuloy na ang pagsasalin ng alak sa baso. Halos maubos na niya ang laman ng bote na hawak hawak. Nang akmang iinumin na niya iyon ay pinigilan ko siya.
"Ako rin, painom!" sabi ko sabay kuha sa basong sinalinan niya at lagok doon. Napamura pa ako nang gumuhit agad ang init at pait sa lalamunan ko. Napatingin ako sa bote ng alak at binasa ang nakasulat doon. Hindi pamilyar sa akin ang brand ng whiskey na iyon. Pero sigurado akong mamahalin ito.
"s**t! My precious throat! Nasunog na yata dahil dito!" mura ko habang hinahaplos haplos ang lalamunan. Narinig ko ang tawa niya na medyo napapaos. Agad napalingon ako sa'kanya.
Pati ba naman tunog ng tawa niya ang sexy parin? Nung nagsabog yata ang Diyos ng magagandang katangian sa mundo ay hubo't hubad 'to kaya sinalo ng katawan niya lahat! Kaloka.
"Don't drink. Walang magbubuhat sa akin paakyat..." rinig kong sabi niya at inagaw ulit ang baso sa akin at sinalinan iyon. Ininom niya kaagad iyon ng dire-diretso. Napangiwi ako. Nagpapakalasing nga yata. Nagpasya akong barahin siya.
Sabi nila, kapag daw lasing ang isang tao, lumalabas ang totoo nilang kulay. Pwes, palalabasin ko ang mga di kaaya ayang ugali ni Atty. Xavier!
"Wow, Attorney. Lalong kumakapal mukha mo pag nakakainom ka. Last mo na 'yan, ha?" sabi ko at humalukipkip. Pero sa halip na magalit ay tinawanan niya lang ako. Aba't? Hindi ko maiwasang mapatingin sa pisngi niya nang bumalandra nanaman ang dimples niya dahil sa pagtawa. Medyo dim ang ilaw sa gawi namin kaya lalong kitang kita ang lalim ng dimples niya. Nag-iwas agad ako ng tingin.
Pinagpala talaga ng ka-gwapuhan ang isang ito. Pero manigas siya diyan dahil hinding hindi ko iyon sasabihin sa'kanya!
"Cute ba?" biglang tanong niya habang hindi nakatingin sa akin. Nagsalin ulit siya ng alak sa baso. Medyo nanlaki ang mga mata ko. Teka, nakita niya yata 'yung pagtitig ko? s**t!
"Cute ang alin?" patay malisya kong tanong.
Manigas ka diyan. Hinding hindi ako aamin kahit gwapong gwapo ako sa'yo!
Narinig ko nanaman siyang tumawa. Bumalandra nanaman ang mga dimples niya dahil agad din niyang kinagat ang ibabang labi para magpigil ng tawa.
Bwisit tong lalaking 'to. Mapang akit! Ilang bakla at babae na kaya ang nagpantasya sa'kanya?
"Dimples," simpleng sabi niya at agad na ininom ang alak sa baso. Kinagat nanaman niya ang ibabang labi dahil siguro sa pait ng iniinom. Umirap ako sa kawalan.
Aware ka naman palang cute yang dimples mo tapos pinapakita mo pa? Nang-aakit ka ba talaga, ha? O sadyang ginawa ka lang para magkasala ang makamundo kong utak?
"Konek ng dimples mo sa usapan?" singhal ko. Pinilit kong ikunot ang noo ko para isipin niyang seryoso ako sa sinasabi at never akong na-cutan sa dimples niya.
Sana wag umulan at tamaan ako ng kidlat dito dahil sa pinagsasasabi ko.
Narinig ko nanaman ang tawa niya. Napatingala pa siya dahilan para ma-exposed ang adams apple niya. Napakurap kurap ako at nag-iwas ng tingin.
Pwedeng baguhin 'yung tanong ko kanina? Ilang bakla at babae na kaya ang lumapa sa lalaking ito? Masyadong mapanukso, e. Magbubuhol buhol ang kasalanan ko kapag napadalas ang pagsama ko dito.
"Tinitignan mo, e." sabi niya. I rolled my eyes. Feelingero talaga! Nilingon ko siya at ngiting ngiti siya sa akin. Pinigilan kong mapasinghap.
Shit! Wag mo akong ngitian ng ganyan, Attorney. Nakakalimutan ko ang salitang dangal. Hahambalusin ako ng Nanay ko!
"Hindi kaya! Lasing ka lang kaya kung anu ano nakikita mo! Naku, Attorney, hindi ka dapat nag-iinom ng sobra. Nagiging feelingero ka lalo!" singhal ko.
"Kapal mo rin e, 'no?" bulong ko. Ang lakas ng tawa niya. Lalong lumalim ang dimples niya. s**t!
Bakit gwapo ka nanga tapos binigyan ka pa niyan? Binigay mo na lang sana kay Rey para mas marami pa siyang mautong babae!
Binalik ko ang tingin sa harap at nakita kong nagkakantahan pa rin sina Sally at Elsa. Parehong maganda ang mga boses nila. Kanina ay puro lively songs ang kinakanta nila at ngayon naman ay mga classic lovesongs na. Napairap ako sa hangin nang marinig ang lyrics ng kinakanta ni Elsa.
"Maybe it's you I'm thinking of who mend this broken heart of mine. It's you I'm wishing for who'll be with me tonight. Someone to hold, someone to cry.. someone who'll make me feel alive. Maybe it's you all my life..."
Tsk. Bwisit na love yan. Kapag minahal mo ng sakto lang, makukulangan at maghahanap ng iba. Kapag naman minahal mo ng sobra, masasakal at maghahanap parin ng iba. Saan ba dapat lumugar? Paano ba talaga mag-handle ng isang relationship? Kasi, sabi sa'kin ni Rey, hindi raw ako marunong maghandle ng relationship kaya naghanap siya ng marunong.
Sorry naman. Hindi ako nainform na.. relationship were all about hugs, kisses and s*x. Tangina mo, Rey! Sagad hanggang gilagid ng siyota mong hipon!
Napatingin ko kay Atty. Xavier na ngayon ay medyo nakayuko na at hinihilot ang sentido. Umisod ako palapit sa'kanya at kinuha ang baso ng alak sa mga kamay niya. Nagsalin ako sa baso at uminom. Napangiwi pa ako sa pait.
Pero wala ng mas papait pa sa pinagsasabi sa'kin ng punyeta kong ex.
"Ahh, Attorney?" tawag ko sa'kanya. Sumandal siya sa sofa at nilingon ako.
"Hmm? Bakit? Lasing ka na ba?" tanong niya. Natawa ako sa sinabi niya.
'Di ba siya dapat ang tinatanong ko nun? May topak din 'tong si Attorney pag nalalasing, e.
"May itatanong ako sa'yo. Pero wag kang magagalit." sabi ko at nilinga siya. Nakita kong tumango siya pero nakahawak pa rin sa sentido habang napapapikit na.
"Shoot!" sabi niya.
"Ah, bakit kayo nag-break ni Attorney Ashley?" tanong ko. Medyo naalarma ako nang bigla siyang umayos ng upo at tinukod ang siko sa tuhod habang hinahawi ang buhok pataas.
Shit naman, ang cool niya parin tignan kahit halatang nakainom na!
"She cheated on me..." nakangising sabi niya at tinignan ako. "With my bestfriend..." dagdag nito. Napasinghap ako.
Talaga? Nagawa ni Attorney Ashley 'yun? At sa mismong bestfriend pa ng boyfriend niya? Hashtag medyo malandi.
"Uhm... halos pareho pala tayo. Pero 'yung ex ko niloko ako dahil hindi raw ako marunong maghandle ng relasyon." kwento ko. Nakita kong napatitig siya sa akin. Tumawa ako para maiwala ang tensiyon.
"Pero magkaiba tayo, Attorney. Kasi ako, tanggap ko ng wala na kami. Na-share ko lang kasi first boyfriend ko 'yun, e. Medyo nasaktan ako kahit papaano."
"How do you handle relationships?" tanong niya. Nakatagilid na ang ulo niya at nakatitig sa akin.
"Ahm, no physical contacts bukod sa holding hands at hugs?" alangang sagot ko. Ni hindi nga ako nahalikan ng ex ko. Para kasi sa'kin mahalaga ang first kiss. I was reading too much romance novels that time kaya sorry, Rey. Medyo hopeless romantic ako and I didn't feel like giving my first kiss to you. Narinig ko nanaman ang tawa niya.
"You mean to say... he never had the chance to kiss you?" tanong niya. Hindi makapaniwala. Tumaas ang kilay ko.
"So what? Basehan ba 'yun para masabi mong mahal ka ng isang tao? Naging loyal naman ako sa'kanya sa ibang paraan, ano! Hindi lang talaga siya nakuntento at hindi niya ako ininform na mahilig pala siya sa mga babaeng isang kalabit niya lang ay bibigay na! Sorry, pero hindi ganun kababaw ang tingin ko sa pag-ibig!" puno ng kabitteran na sabi ko sabay inom ng alak.
Bwisit talaga siya! Ang tagal kong inisip kung anong pagkukulang ko sa'kanya noon pero wala akong ibang maisip kundi ang katawan ko. Oo, katawan ko lang ang hindi niya nakuha sa'kin. Pero buong puso ko binigay ko sa'kanya!
Nagulat ako nang kuhanin niya ang baso sa kamay ko at ibaba 'yun sa table. Takang napatingin ako sa'kanya.
"I told you not to drink..." sabi niya. Umirap ako at humalukipkip. Tumawa siya ng mahina at humilig sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ipatong niya ang kamay niya sa tiyan ko.
Para akong nakuryente dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko ang braso niya pero nagsalita siya.
"Don't feel upset. You just did the right thing. Hindi ikaw ang nawalan kundi siya..." rinig kong sabi niya. Napayuko ako para tignan ang mukha niya. Nakapikit na siya.
Bumuntong hininga ako. Ito yata 'yung kauna unahang pagkakataong may nagsabi sa akin na tama ang ginawa kong paghahandle sa relasyon namin ni Rey dati. Na hindi ako ang nagkulang, kundi siya itong hindi nakuntento sa kung anong meron kami.
"I prefer someone like you rather than those beautiful on the outside but never give a damn respect to themselves..." bulong niya. Ilang sandali pa bago ako nakahinga ng maayos pagkarinig nun.
A-A-Ano daw? Syet! Lasing ka lang, Attorney. Pag normal ka na ulit, hinding hindi mo na ako pipiliin!