CHARM's POV
Panay ang tingin ko kay Atty. Xavier nang kumakain na kami ng tanghalian. Parang wala siyang pakialam sa mga kasama niya at sige lang ang kain. Mukhang totoo nga 'yung sabi ng Lola niya na paborito niya ang bulalo.
"Kumakain ka na ba ngayon ng breakfast bago ka pumasok sa opisina ha, apo?" tanong ng Lola niya. Umiling lang si Atty. Xavier at sige pa rin sa pagkain.
"No, 'La. You know I don't have time to cook. Coffee lang pagdating sa opisina." sagot nito. Tumaas ang kilay ko.
Yun lang? 'Yun lang ang umagahan niya? Tapos late pa siya mag-lunch. Ibang klase! Nagpapakamatay ba siya?
Nakita kong umiling ang Lola niya at mukhang disappointed sa sinabi ng apo niya. Tumingin siya sa akin pagkatapos.
"Tignan mo, Charm? Ang tigas ng ulo 'di ba?" sumbong nito habang umiiling. Ngumiwi ako at saka nilinga si Atty. na sige pa rin ang kain. May pawis na sa sentido niya. Kumuha ako ng tissue at lumapit sa'kanya para punasan ang pawis niya. Napatingin naman siya sa akin. Nagulat din ako sa ginawa ko. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Sabihin mo lang kung nagpapakamatay ka at ako na lang ang papatay sayo." Biro ko. Tumawa ang Lolo at Lola niya at napailing. Uminom siya ng tubig bago sumagot.
"I'm fine with a cup of coffee every morning." sabi lang niya at tinuloy na ang pagkain.
"Masarap ba, apo?" tanong ng Lola niya. Agad namang tumango si Atty. Xavier.
"Super, 'La! You've got the best cook here!" nakangising sabi pa nito at kumain na ulit. Napatingin ang Lola niya sa akin at binalik ang tingin sa'kanya.
"Ofcourse, you've got the best girlfriend here. Swerte mo at magaling magluto ang girlfriend mo!" sagot ng Lola niya. Umiling naman si Atty. Xavier at tuloy pa rin sa pagkain.
Yung totoo? Patay gutom ba 'tong lalaking 'to? Para siyang hindi kumain ng ilang araw.
"What do you mean, 'La?" tanong pa nito habang di tumitingin sa Lola niya dahil sunod sunod ang subo niya. Napailing ako.
"Charm cooked that.." sagot ng Lola niya. Halos mailuwa niya ang kinakain pagkarinig sa sinabi ng Lola niya. Naubo pa siya dahil sa pagkabigla. Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon niya. Nagsalin pa ako ng tubig sa baso at iniabot 'yun sa'kanya. Inabot niya 'yun at nag-iwas ng tingin. Namumula ang tenga! Hahaha!
"Yan ba ang hindi pa gutom?" pang-aasar ko. Nakita ko siyang napalunok at saka nilingon ako.
"You... You really cooked this?" bulong niya sa akin. Tumango lang ako at nagtaas ng kilay. Umiling siya at pinagpatuloy ang pagkain. Napapansin kong napapadalas na ang pagsulyap niya sa akin pagkatapos nun. Napapataas ang kilay ko.
Hindi ka makapaniwala, ha? Tsk!
Nang matapos ang lunch ay nagyayang manood ng TV ang Lola niya. Nasa sala kami at nanonood ng isang tagalog movie. Si Atty. Xavier ay nasa kaliwa ko at nakalagay ang kanang kamay niya sa sandalan ng upuan. Minsan ay bumababa iyon at napupunta sa balikat ko. Pinapatay ko siya sa titig pero patay malisya lang siya. Sabagay ay nandyan ang Lolo't Lola niya kaya todo arte nanaman.
Nakikinood din sina Sally at Elsa at kanina pa sila kilig na kilig nang magkita ulit ang dalawang bida pagkatapos ng ilang taon. Umalis ang lalaking bida dahil sa kagustuhan ng Nanay ng bidang babae pero walang kaalam alam ang anak nito. Mahirap lang ang bidang lalake at ang alam niya ay sinadya talaga nitong hindi siya siputin sa dapat na magiging tagpuan nila. Tsk tsk!
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa parte kung saan nalaman na ng bidang babae ang totoo. Palingon lingon sa akin si Atty. Xavier at nagtataas ng kilay.
"Nakakaiyak kaya!" defensive na sabi ko nang lumingon ulit siya. Ngumisi pa siya at umiling.
Nang magtatapos na ay kilig na kilig ako sa bidang lalaki. Magkachat pa sila at hindi alam ng bidang babae na magkikita sila nito. Sa huli ay nagkita rin sila sa harap ng malaking painting ng lugar kung saan dapat sila magkikita noon. Napapatili sa kilig ang dalawang kasambahay nang aktong hahalikan na ng bidang lalake ang bidang babae. Nagtakip naman ako ng mata pero naglagay ako ng kaonting butas para makasilip.
Napamura pa ako nang hindi matuloy ang halikan dahil na-cut na agad. Dismayado akong nagtanggal ng takip sa mata. Narinig ko ang tawa ni Atty. Xavier kaya kunot noong nilingon ko siya.
"Para ka namang hindi pa nakakakita ng naghahalikan. How old are you, huh?" bulong niya sa tenga ko. Agad na tinulak ko ang mukha niya. Tumawa siya at sumiksik sa akin. Pinalo ko ang balikat niya pero sige parin siya sa pagsiksik sa akin. Napapatingin na sa amin ang Lola niya. Sina Sally at Elsa naman ay nagsimula ng manukso.
"Hoy! Umayos ka nga, Attorney!" bulong ko sa tenga niya. Nilapit din niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.
"You didn't tell me you know my favorite food.." nakangising bulong niya. Tumaas ang kilay ko. Aba't ang kapal talaga? Anong ibig niyang sabihin? Stalker niya ako?
"Nagkataon lang 'yun! Wag kang feelingero diyan!" ganting bulong ko sa'kanya. Kumunot ang noo niya at saka humilig sa balikat ko at pumikit.
"I don't think so..." nakangisi pa rin sa sabi niya. Nanliit ang mga mata ko at tinitigan siya habang nakapikit.
Kung nakakamatay ang titig ay kanina pa siya pira-piraso dito! Yumuko ako at hinagilap ang tenga niya. Nakahanda na ang maaanghang na salita na sasabihin ko.
"Ang kapal ng mukha mo-"
Napahawak ako sa pisngi ko nang tumama ang labi niya doon. Nabigla din yata siya! Bigla kasi siyang lumingon nang yumuko ako para bumulong sa'kanya. s**t!
Nanlalaki ang mata namin pareho at agad siyang umayos ng upo pero hindi lumayo sa akin. Nanliit ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid. Mukhang busy sila sa panonood kaya hindi nila nakita ang nangyari. Napabuntong hininga ako.
Nilinga ko si Atty. Xavier at nakita kong nakalagay ang likod ng palad niya sa labi niya habang nakatutok ang mga mata sa TV. Inis na napapahid ako sa pisngi kong nahalikan niya. Este, nadikitan ng labi niya!
***
XAVIER's POV
Nakita kong pinunasan ni Charm ang pisngi niyang aksidenteng nahalikan ko. Tumaas ang kilay ko. Mukha siyang iritado dahil sa nangyari. It wasn't my fault. Malay ko bang bubulong ulit siya sa akin. Tsk! It's as if I like to kiss her!
I was just amazed that she knows about my favorite food. To be honest, I was quite surprised na magaling pala siyang magluto. And she cooked so damn well that I really thought it was the maid who cooked that. Damn!
Napatingin kaming lahat sa labas nang biglang bumuhos ang ulan. Medyo wrong timing ang pagpunta namin dito dahil mukhang may bagyo pa. Hindi tuloy masulit ang pagbabakasyon.
Naramdaman kong naging balisa nanaman si Charm. Halos hindi na siya maka-concentrate sa panonood. Dahan dahang lumapit ako sa'kanya at kinabig siya palapit sa akin. She looked like she was about to cry again. Napabuntong hininga ako. She really need to overcome this trauma. At mangyayari lang 'yun kung matututunan niyang patawarin ang sarili niya dahil sa nangyari sa Kuya niya.
It wasn't actually her fault. She was young back then. Natural lang sa mga bata ang ipilit ang gusto at dahil mahal na mahal siya ng Kuya niya, kahit alam na delikado ay sumigi pa rin ito. Well, kung ako rin ang nasa kalagayan ng Kuya niya, I will also do that for my younger sister.
Nagsimulang kumulog at naramdaman kong lalo siyang sumiksik sa akin. Kinabig ko siya palapit sa dibdib ko and I tried to cover her right ear. Napatili at napapikit pa siya nang biglang kumidlat. Kunot noong napatingin si Lola sa amin.
"She's afraid of lightning, 'La.." paliwanag ko. Tumango tango naman si Lola at binaling na ulit ang atensiyon sa TV.
Hinaplos ako ang likod niya habang siya ay tahimik na umiiyak sa dibdib ko. I can only imagine how hard it was for her. Almost twenty years ng patay ang Kuya niya and she's been living like this for twenty years. Nabubuhay siyang dala dala ang guilt sa pagkamatay ng kapatid niya. It must've been hard living like this. I wonder if she ever try to take her own life because of this? I almost gasped with the thought at napahigpit ang yakap ko sa'kanya.
Napayuko ako para silipin siya at mukhang nakatulugan na niya ang pag-iyak. Kumilos ako agad at dahan dahang binuhat siya. Napatingin sila Lola sa akin nang tumayo ako na buhat buhat si Charm.
"Ililipat ko lang sa kwarto, 'La... Nakatulog na sa sobrang takot.." mahinang sabi ko. Nang tumango siya ay nagsimula na akong maglakad paakyat sa hagdan. Napapatingin pa ako sa mukha niya habang naglalakad.
"Don't you dare try to take your own life because of this..." mahinang bulong ko at maingat siyang ibinaba sa kama. Inayos ko ang kumot at napatingin sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Kahit alas tres pa lang ng hapon ay parang malapit ng gumabi dahil sa dilim ng langit.
Tumayo ako at kinuha ang laptop para mag-check ng mga email pagkatapos ay bumalik din sa tabi niya. Nakita kong gumalaw siya at parang naghahanap ng kasama. I immediately held her hand at agad na napatigil siya at natulog na ulit. Napailing ako at isang kamay ang ginawa sa pagchecheck ng mails.
I saw some mails from Stanley and Lenard. They were both asking me kung kailan ako babalik sa trabaho. Napailing ako. Paniguradong puro kantyaw ang aabutin ko sa dalawang iyon pagbalik ko. They never see me date someone after what I had with Ashley.
It's not that I'm still in love with her. It's just that... I haven't found someone yet.
Wala sa sariling napatingin ako kay Charm. Napalunok ako at agad nag-iwas ng tingin.
I tilted my head. I just couldn't entertain those thoughts started to run in my mind.
I shook my head.
Paulit ulit kong pinaalala sa sarili kong hindi na dapat maulit 'yung nangyari sa amin ni Ashley. I don't want another quick start and ended it so soon. It should be true and deep. I should take my time choosing for the right one.
Yeah.. Take your time, Xavier. Like love take its time.