CHARM'S POV
"Salamat, Elsa, ha? Bukas na bukas din ibe-break ko na 'to. Wala ng ginawa kundi maglasing! Ibabalik ko na siya sa Mommy't Daddy niya. Iiwan na namin siya ng mga anak niya! Sawang sawa na 'ko!"
Nakapameywang ako habang pinapanood si Atty. Xavier na tulog na tulog sa kama. Nagpatulong lang ako kay Elsa para mai-akyat siya dito. Akalain mong tototohanin ang sinabing iakyat ko siya dito? Punyeta! Napakabigat kaya niya! Narinig ko ang halakhak ni Elsa.
"Saang movie mo na naman napanood yan, Charm?" pagsakay nito sa sinabi ko. Ngumisi ako.
"Wala. Feeling battered wife lang!" natatawang sabi ko. "Salamat ulit!" paalam ko sa'kanya. Tumango lang siya at naghikab pa bago lumabas ng kwarto. Sinarado ko ang pinto at bumuntong hiningang nilapitan si Atty. Xavier. Kumunot ang noo ko nang mapatitig sa mukha niya.
Ang amo talaga ng mukha nito kapag tulog. Sobrang gwapo. Parang model ang tindig. May dimples, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay, maninipis at mapupulang labi at bilugang mukha. Kahit ang nunal sa kaliwang pisngi niya ay nakakapagbigay ng kakaibang dating sa mukha niya. Paano kaya nagawang pakawalan at lokohin ni Atty. Ashley ang katulad niya? Bigla tuloy akong na-curious sa itsura at pagkatao ng bestfriend nito.
Humalukipkip ako at tumayo para kumuha ng damit niya sa closet. Isang white sando ang kinuha ko. Gumapang ako sa kama at hinawakan ang dulo ng damit niya.
"Bibihisan lang kita, Attorney, ha? Pagkatapos nito mawawalang parang bula ang ala-ala ko sa itsura ng katawan mo..." bulong ko at sinimulang tanggalin ang t-shirt niya. Ilang beses yata akong lumunok nang makita ko ang flat na flat na tiyan niya. Nag-iwas ako ng tingin at ipinilig ang ulo.
"Wala akong nakita, Attorney. Hindi ko nakitang flat ang tiyan mo at hindi ko rin nabilang kung ilang packs ang abs mo..." bulong ko habang inaayos ang sando na ipapalit ko sa t-shirt niya. Napatingin ako sa gawing shorts niya at nag-iwas agad ng tingin.
"Promise, hindi ko talaga nakita ng brand ng brief mo..." sabi ko at agad ng isinuot ang sando sa'kanya. Inayos ko iyon at inayos ang unan at kumot.
"Yan, boss! Okay ka na. Hindi ko alam na magiging girlfriend s***h unan s***h tagabuhat s***h tagabihis mo pala ako dito. Magkano ba ang talent fee ko, ha? Tsk!" bulong ko at nagsimulang umalis sa kama pero bigla siyang tumagilid ng higa at nahagip ako ng braso niya at napahiga sa kama.
Nanlalaki ang mga mata ko at ilang mura ang nasambit ko sa isip lalo na nang halos gahibla na lang ang layo ng mukha niya sa akin. s**t!
Nung huli ko siyang nakatabi sa pagtulog ay wala ako sa sarili ng mga panahong iyon kaya kinaya ko. E, ngayon? Gising na gising ang diwa ko at nasa purong katinuan ang pag-iisip ko! Diyos ko! Hindi niyo po ako kailangang tuksuhin ng ganito para patunayan ang loyalty ko sa amin ng dangal ko!
Agad na hinawakan ko ang braso niyang nakadagan sa akin at nagtangkang alisin iyon. Bumilang pa ako ng tatlo bago tumayo pero lalo lang siyang humilig palapit sa akin.
Halos magdugo ang labi ko sa kakakagat nang mapadikit ang mukha niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang ilong niya sa pisngi ko! Kahit ang magdasal ay hindi ko magawa sa sobrang distructed ko sa mukha niya na sobrang lapit sa akin.
Hindi ako makahinga ng maayos at nagbubuhol buhol na ang isip ko. Hindi pa man ako nakakarecover sa braso niyang nakadagan sa akin at sa mukha niyang halos nakadikit na sa akin ay naramdaman kong idinantay niya ang kanang binti niya sa beywang ko. Mariing napapikit ako.
Nanay! Bes! Tulong!
Walang sinabi ang pagpapanic na naramdaman ko noong sumakay ako sa extreme tower ng Enchanted Kingdom sa nararamdaman ko ngayon! Parang sinisilaban ang mukha ko sa sobrang init lalo na nang gumalaw ang mukha niya at halos maramdaman ko na ang labi niya sa mukha ko. s**t! s**t! Oh, tukso, layuan mo ako please! Hindi tayo bati!
"Hmmm..." rinig kong ungol niya at humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Para na akong lalagnatin sa sobrang init ng pakiramdam ko. Napagkamalan pa yata akong unan ng herodes na lalaking ito!
Ilang sandali pa ay naging payapa na ang paghinga niya. Napabuntong hininga ako. Buti pa siya nagawang makatulog! E, ako? Nganga ako dito hanggang sa mag-umaga! Nakakainis!
Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako nakatunganga sa kisame hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok. Nang magmulat ako ng mga mata ay nabigla pa ako na mukha ni Attorney Xavier ang nagisnan ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Napatingin ako sa relo sa bedside table at nakita kong mag-aalas otso na ng umaga!
Nilingon ko siya at buong lakas na tinanggal ang pagkakayakap ng braso niya sa akin. Hindi na ako makakapayag na magisnan niya pa ako sa tabi niya. Napairap ako nang sa wakas ay makabangon. Inayos ko ang buhok ko at saka tuloy tuloy na lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko sa dining area ay nadatnan ko sina Elsa at Sally na halos patapos na sa pagliligpit doon. Nang makita nila ako ay agad nilang ibinalik ang mga ulam at nag-angat ng mukha.
"Oh, Charm, gising ka na pala... Si Attorney?" tanong ni Elsa at nilinga ang likod ko. Umiling ako at nagsimulang igala ang paningin. Hinahanap ko ang Lolo't Lola niya.
"Ahh, tulog pa siya. Alam niyo na-"
"Napagod kagabi? Pinagod mo?" kantyaw ni Elsa. Napangiwi ako at piniling ibahin na lang ang usapan.
"Sina Lolo at Lola nga pala?" tanong ko.
"Naku, kakaalis alis lang. May sumundo kasi kay Judge dito. Nagpapatulong yata sa isang kaso 'yung kaibigan niya. Dito na rin nga nag-umagahan." sagot niya. Tumango na lang ako at umupo na para makapag-umagahan. Mukhang mamaya pa naman magigising si Attorney at paniguradong may hang-over iyon. Tsk!
Alak pa more, Attorney!
"Kayo? Kumain na kayo? Tara na, sabay sabay na tayo!" yaya ko sa kanila. Medyo nag-alangan pa sila. "Sige na! Wala akong kasabay, e." sabi ko. Tumango nalang rin sila at sinabayan ako.
Matapos namin kumain ay gumawa ako ng soup para kay Atty. Xavier. Siguradong masakit ang ulo nun pagkagising.
Maya maya ay bumaba na rin siya. Nakita kong nakakunot ang noo niya at nakasabunot sa buhok nang pababa sa hagdan. Tsk! Lasinggero kasi!
"Charm, ihahanda na ba namin 'yung breakfast ni Attorney?" tanong ni Elsa nang makita siyang palinga linga at mukhang may hinahanap. Agad na tumango ako at nagpakita sa'kanya. Napatingin naman siya sa gawi ko at sumimangot pa bago lumapit.
Problema nito?
"You didn't wake me up..." napapaos na sabi nito at agad umupo. Tinukod niya ang siko sa table at hinilot ang sentido. Napailing ako at nilapitan siya.
"Ano? Masakit ba? Alak pa more!" pang-iinis ko sa'kanya. Binaba na ni Elsa ang mga pagkain sa mesa at pati na rin 'yung soup na hinanda ko para sa'kanya. Kinuha ko iyon at nagsalin sa isang bowl. Nakatingin lang siya at nakasimangot habang ginagawa ko iyon.
"Oh, ayan. Para matanggal yang hang-over mo..." sabi ko at inilapit ang bowl sa'kanya. Gumalaw siya saglit at hinarap ako.
Halos mapako ako sa kinatatayuan nang yakapin niya ako sa beywang! Ni hindi ko magawang magprotesta dahil nandito ang dalawang kasambahay. s**t, Attorney!
"Thanks for taking good care of me last night..." rinig kong sabi niya. Ramdam ko ang init ng pisngi niya sa tiyan ko.
"A-Ah... wala 'yun. K-Kumain ka na." utal na sabi ko. Sobrang nakakawala ng ulirat ang ginagawa niya. Daig niya pa ang batang naglalambing. Hindi ako sanay sa ganito!
Nang bumitaw siya ay para akong nabunutan ng kung ano at nakahinga ng maayos. Pinanood ko lang siyang matapos kumain.
***
XAVIER's POV
Patapos na akong kumain ng breakfast nang tumunog ang phone ko. Hindi ko sana sasagutin ang tawag dahil naka-leave ako. Pero nakita kong si Mrs. Villaluz iyon kaya agad ko itong sinagot. Stanley's keep on sending me reports about his case. Siya kasi ang pinag-asikaso ko muna sa kaso at pinaghanap ng detective para imbestigahan ang pagkamatay ng asawa nito. Duda kasi akong suicide talaga ang kinamatay ni Mr. Villaluz. Hindi siya ang tipong magpapakamatay dahil lang sa problema.
"Yes, Mrs. Villaluz?" sagot ko agad sa tawag nito. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago nagsalita.
"Attorney..." sabi nito na mukhang nag-aalangan pa kung sasabihin ang pakay o hindi.
"Yes, Ma'am? What is it?"
Humugot muli siya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"About my last will and testaments..." sabi nito. Kumunot ang noo ko.
"What about your last will and testament, Ma'am?"
"I... I wanna change it. I'm... I'm gonna send you the details, Attorney. Sana sa madaling panahon maayos agad.." sabi nito. Lalong kumunot ang noo ko. Pero nagpasya akong sumang-ayon nalang at tsaka ko na lang pag-aaralan kung anong binago niya doon kapag na-send niya na sa akin ang buong detalye.
"Alright, Ma'am.. I'll wait for it.." sabi ko. Narinig ko siyang nagpasalamat bago nagpaalam at ibinaba ang tawag.
Nilingon ko si Charm na mukhang nakinig sa pakikipag-usap ko sa phone. Tumaas ang kilay niya.
"Trabaho pa rin kahit nasa bakasyon?" nakataas ang kilay na tanong niya. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. Naaalala ko pa ang mga sinabi niya habang binibihisan ako kagabi. This girl is really something. Umiling ako at nag-iwas ng tingin.
"That was urgent.." simpleng sagot ko at uminom ng tubig para itago ang ngiti pero hindi ko rin kinaya at mukhang nakita rin niya iyon.
"Anong nakakatawa?" taas ang kilay na tanong niya. Umiling ako at hindi tumingin sa'kanya.
"Nothing. May naalala lang ako..." sagot ko at sinulyapan siya. Nanliliit ang mga mata niya habang sinusuri ng mabuti ang ekspresyon ko.
"Bakit... parang kinabahan ako diyan sa naalala mo?" tanong nito. Tuluyan na akong natawa.
"I dunno... Baka guilty ka kaya ganun?" I tried to tease her. Kitang kita ko ang pag-awang ng mga labi niya. See? Guilty as charged!
"Anong..." sabi niya. Ngumuso ako bago tumayo.
"I was just drunk. Pero rinig na rinig ko lahat ng sinabi mo kagabi..." bulong ko at kinindatan siya. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi ko.
"Naughty..." pahabol na sabi ko pa bago siya iniwanan at umakyat na sa itaas. Nakaakyat na ko sa hagdan ay nakita ko pa siyang nakatayo pa rin doon at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.
"She's too cute..." halakhak ko at pumasok na sa kwarto.
Naligo at nagbihis lang ako bago chineck ang email ni Mrs. Villaluz.
According to her new testaments, iniiwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian sa isang charity. She even listed some organizations na pagbibigyan niya ng donasyon. Some of them are rehabilitation center.
Kumunot ang noo ko nang ikumpara ang lumang testamento niya sa kakasend niya lang. Inalis niya sa tagapagmana ang ampon nilang mag-asawa na si Jonathan Villaluz.
I wonder why..
Pinagkibit balikat ko na lang iyon.
Kinagabihan ay nakatanggap muli ako ng tawag galing kay Stanley. Nanlaki ang mga mata ko nang ibinalita niya sa aking patay na si Mrs. Villaluz. According to the police report, natagpuan daw itong bumubula ang bibig at mukhang nagtangkang patayin ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot.
Hindi ako mapakali. There was something off. Kaninang umaga ay pinabago niya ang last will and testaments niya... then she have found dead tonight? I really have to find out.
Nilingon ko si Charm na inaayos ang higaan at mukhang handa ng matulog.
"Pack your things..." sabi ko. Takang napalingon naman siya sa akin.
"Bakit, Attorney?" tanong niya.
"We're leaving tomorrow. Kailangan na nating bumalik sa Manila. I'll talk to Lola..." sabi ko at agad ng lumabas ng kwarto para ipaalam kina Lola ang nangyari.