Thanks

1998 Words
CHARM's POV Sabay na kami ni Arcie na nagprepare sa pag-alis kinaumagahan dahil sa bahay na siya nagpalipas ng gabi. Hindi pa kami lubos na nakapag catch-up dahil biglang umulan ng malakas kaya nakatulugan ko na naman ang pag-iyak. At kaninang pagkagising ko ay puro kantyaw ang inabot ko sa baklitang ito! Ayon dito ay tumawag daw si Atty. Xavier kagabi at tinanong kung okay lang ako. Malamang ay naalala niya ako dahil ilang beses na akong umiyak at nakatulog sa bisig niya tuwing umuulan nung nasa Tagaytay kami. Ito namang si Arcie ay pilit binibigyan iyon ng malisya. "Sabi ko sa'yo, Bes! May something talaga sa tingin ng lalakeng 'yun!" nakangising sabi nito at sinipat ang itsura ko sa salamin. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako pumapayag na magpa-ayos sa kanya. Pinagbigyan ko na dahil baka tanghaliin na ako sa pagpasok sa opisina kapag nakipagtalo pa ako sa'kanya. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Maganda sana pero nakakatamad talagang mag-ayos kung araw-araw ko itong gagawin. Umirap ako sa'kanya. "Yan ang napapala mo sa kakapanood ng mga koreanovelas, Bes! Puro na romansa yang nasa isip mo!" naiiling na sabi ko at saka tumayo na. Inayos ko ang skirt ko at saka kinuha na ang paper bag na pinaglagyan ko ng pagkain para kay Atty. Xavier. Naparami naman ang nailutong breakfast kaya dadalhan ko na siya. Naalala kong hindi siya marunong magluto kaya hindi na lang siya kumakain ng umagahan. Tsk. Pasaway! "Sus! Basta ako, Bes, alam ko meron!" pagpipilit pa rin nito pero kinuha na rin ang bag. Nauna na akong lumabas at sumunod siya sa akin. "Tigilan mo 'ko!" umikot ang mga mata ko. Maniniwala lang ako kung ka-level ko ng ganda si Atty. Ashley. Pero dibdib lang niya ang kaya kong higitan. Bukod dun, wala na. Hanggang sa makasakay na kami ng tricycle ay satsat pa rin siya ng satsat. Pinabayaan ko nalang. Palibhasa ay wala siyang idea sa kung anong itsura ng ex ni Atty. Xavier. Baka kapag nakita niya ay tsaka lang siya tumigil sa kaka-push niya sa akin sa lalaking 'yun! Bumaba rin naman siya agad sa sakayan papunta sa condo niya kaya ako na lang ang naiwan. Hindi naman kalayuan ang opisina kaya maaga pa akong makakarating doon. Napatingin ako sa suot na relo at 7:35 am palang. Nilabas ko ang ID ko at pinakita sa guard. "Good morning, Ma'am!" bati nito. Ngumiti ako at bumati rin. "Good morning din po!" bati ko. Lalakad na sana ako pero pinigilan niya ako at tinawag ang isang kasama. "Jules! Pakikuha nga iyong ipinapaabot ng isang empleyado! May papanhik sa taas, ipapaabot ko na lang kay Ma'am!" sabi nito. Nakita kong tumayo 'yung Jules at may kinuha sa loob ng guard house. "Ma'am, saglit lang po, a? May ipapasuyo lang po sana ako kay Ma'am Jane ng Accounting Department. May nagpapabigay lang po." sabi naman nito. Tumango naman ako at hinintay ang pagdating nung Jules. Nang makita ko siyang lumabas ay may dala na siyang tatlong pirasong pulang rosas at isang box ng mamahaling chocolates. Tumaas ang kilay ko. May mga lalaki pa palang nag-eeffort ng ganito? In fairness, ang sweet ha! Agad na iniabot nung Jules kay Manong guard ang roses at chocolates atsaka inabot naman nito iyon sa akin. Nakangiting inabot ko iyon at tinignan. "Kapag po nagtanong iyong si Jane kung kanino galing, ano pong sasabihin kong pangalan?" tanong ko habang binabasa ang maliit na card na nakadikit sa box ng chocolates. To the most beautiful girl I've ever seen... I missed your smile. Sana makita na ulit kitang ngumiti. ;) Tumaas nanaman ang kilay ko matapos mabasa ang nakasulat. Sweet! "Naku, ayaw po ipasabi 'yung pangalan, Ma'am. Basta daw po pakisuyo nalang at nahihiya po yatang magpakilala si Sir..." nagkakamot sa ulo na sabi nito. Nagkibit balikat nalang ako at ngumiti at nagpaalam na. "Sige po, iaabot ko nalang..." ngiti ko. Tumango naman siya at nagpasalamat. "Salamat po, Ma'am!" Quarter to eight palang kaya tutuloy na sana ako sa Accounting Department para idaan itong bulaklak at chocolates pero nakita kong bukas na ang ilaw sa opisina namin. Nagpasya akong dumaan na muna 'don para i-check kung si Attorney nga ang dumating. Hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang naka-upo na sa swivel chair niya. Napupuno ang buong opisina ng amoy ng pabangong ginamit niya. Feeling ko ay nasa sasakyan niya ako dahil ganitong ganito ang amoy sa loob ng sasakyan niya. Katulad sa palagi niyang suot kapag nandito sa office ay naka-suit siya ngayon at brush up ang buhok. Muntik ng tumulo ang laway ko. Shit! Mas gwapo talaga siya kapag ganito ang buhok niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay ngumiti ako pero kunot ang noo niyang nakatingin sa kamay ko. "Good morning, Attorney! Pasensiya at medyo natagalan kasi-" "You're late." putol niya sa sasabihin ko. Takang napatingin ako sa'kanya. Kunot na kunot ang noo niya at mukhang iritado. Bakit naman kaya? Masama ba ang gising nito? Nang magsalita ulit siya ay kasing lamig ng yelo ang dating ng boses niya at pormal na pormal. "Hindi mo ba alam 'yung protocol ko na ayaw kong mas nauuna akong dumating dito sa opisina?" mariing tanong niya na titig na titig sa akin. Napalunok na ako. Grabe! Wala pa ngang alas otso at akalain ko bang maaga pala siyang papasok ngayon, e, mamaya pa sana ang dating niya! "I-I'm sorry, Attorney... Pero wala pa naman pong eight o'clock. 'Di ba po ay nine pa naman ang pasok niyo? Hindi ko naman po alam na maaga kayong papasok ngayon-" Kitang kita ko ang pagpikit niya ng mariin na tila nagtitimpi ng inis at saka umangat ang kamay at napakapa sa ulo. Hinilot hilot niya ang sentido niya. Mukhang pangit nga talaga ang gising! Kinumpas niya ang kamay niya na tanda na ayaw na niyang makipag-usap. Gusto kong mapakamot sa ulo dahil sa nakikita kong iritadong ekspresyon niya. Hinawakan niya pa ang necktie niya at niluwagan 'yon. Kita ko rin ang pagtiim ng bagang niya habang ginagawa iyon. "Just make a coffee instead. I want it brewed." mariing utos niya. Napairap ako sa hangin at bumuntong hininga at saka ibinaba sa table ang dala dala ko. Mamaya ko nalang siguro ihahatid iyon sa Accounting Department dahil mukhang wala sa mood ang magaling kong Boss! Tsk tsk! Kahapon lang ay panay pa ang pa-cute tapos ngayon nagsusungit na naman? Hirap talaga espelengin ng lalaking 'to! Nakakatuyo ng braincells! Nang bumalik ako sa table niya at dala ang kape niya ay naabutan ko siyang nakadekwatro at nakasandal sa swivel chair habang tulalang nakatingin sa table ko. Nang makita niya akong palapit ay inilipat niya ang tingin sa monitor ng computer niya. Ano kayang problema nito? Kung nagmamadali siya sa trabaho ay bakit nakatulala siya imbes na magsimula na? Hmp! Ang hirap talaga maging bipolar! Binaba ko ang kape sa table niya. Sinulyapan niya lang iyon at binalik ang tingin sa monitor. Sinilip ko rin iyon pero wala naman siyang tinitignan o binabasa na kung ano. Ano 'yun? Nakikipagtitigan siya sa wallpaper ng computer niya? Hindi ko na lang siya pinansin at babalik na sana ako sa table ko nang may kumatok sa pinto. Ilang sandali pa ay dahan dahan iyong bumukas at iniluwa si Paye, ang clerk at assistant ng Head ng Accounting Department. Malaki ang ngiti niya pero agad ding nawala nang mapatingin sa gilid ko. Hindi niya siguro ine-expect na madadatnan niya si Atty. Xavier dito ng ganito kaaga. Lumapit ako sa'kanya. "G-Good morning, Atty. Nandiyan po pala kayo..." alangang bati nito. Hindi sumagot si Atty. Xavier at humigop lang sa kape niya. Suplado ng Lolo mo! Lumapit siya sa table ko at iniabot ang mga dala dala niyang papeles. Agad na kinuha ko iyon at tinignan. "Pinapatanong ni Sir kung matatapos bago mag-lunch break. Kailangan na kasi... ang tagal niyo kasing wala. Natambakan na..." mahinang sabi nito. Tumango naman ako. "Sige, balikan mo nalang before lunch, Paye..." sabi ko. Ngumiti naman siya at saka may iniabot pang isang papel at ID. Napatingin ako sa'kanya. "Parequest narin ng isang affidavit of lost, Charm. Nawala kasi 'yung ATM ko nung Saturday. Kailangan lang sa bangko..." nahihiyang sabi niya. Tumango naman ako at kinuha iyon. "Thank you, Charm!" sabi nito sabay tayo. Ngumiti ako. "Wala 'yun..." sabi ko at saka naalala 'yung flowers and chocolates kaya tinawag ko siya. "Wait lang, Paye!" "Bakit?" "Kilala mo si Ms. Jane sa Accounting?" tanong ko. Tumango naman agad siya kaya kinuha ko ang chocolates sa ilalim ng table at 'yung flowers sa gilid. Takang napatingin naman siya. Nakita ko rin si Atty. Xavier na napatingin sa gawi namin. "Pinapaabot nung guard. May nagpapabigay daw sa'kanya pero ayaw ipasabi kung sino..." nakangising sabi ko at inabot iyon sa'kanya. Manghang nakatingin din si Paye doon. "Wow! Ang sweet naman ng nagbigay nito! Swerte ni Jane!" kinikilig na sabi nito at napatingin sa gawi ni Atty. Xavier kaya agad din napatigil. Tumawa ako. "May forever sa Accounting Department!" biro ko. Tumawa rin siya pero mahina lang dahil siguro naiilang kay Atty. Xavier. Humihigop siya ng kape habang nakatingin sa gawi namin. "Sige, Charm... salamat ulit!" sabi niya at nagpaalam pa kay Atty. Xavier bago lumabas. "Bye po, Attorney..." ni hindi manlang siya tumango. Umirap ako sa hangin at bumuntong hininga bago kinuha 'yung paper bag na dala dala ko. Nang mapatingin ako sa'kanya ay nakita kong nakatagilid siya at nakapatong ang kaliwang hintuturo sa kilay at nilalaro laro iyon at saka ngumunguso na parang nagpipigil ng ngiti. Kumunot ang noo ko. Grabe! Malala na talaga ang pagka bipolar ng isang 'to! Kanina lang ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura pero ngayon, ngumingisi ngisi na! Diyos ko! Daig pa ang babae sa bilis magpalit ng mood! Tumayo ako dala ang paperbag at saka inilapag iyon sa table niya. Tiningala niya ako sa nagtatanong na mga tingin. Tumaas ang kilay ko. "What is it?" tanong niya at tinignan ang loob ng paper bag. Umismid ako at ako na mismo ang naglabas ng pagkain doon. Fried rice, pritong itlog at hotdogs lang naman ang laman nun. Imposible namang hindi siya kumakain nito? Umangat ulit ang tingin niya nang makita iyon. "Kumain ka na muna. Hindi magandang nagpapalipas ng gutom lalo sa umaga." sabi ko at hindi na hinintay ang isasagot niya at agad naring tumalikod at bumalik sa table ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng t***k ng puso ko pagkatapos kong sabihin 'yun. s**t! Bakit ko pa ba kasi siya dinalhan ng breakfast? Hinayaan ko nalang sana siyang malipasan ng gutom. Tutal ang sungit sungit rin naman niya! Napasabunot ako sa buhok at sinimulang buhayin ang computer para makapagsimula na sana sa trabaho nang magsalita siya. "Charm..." tawag niya. Napalunok ako at nagkunwaring busy sa pagpapasindi ng computer. "Po?" sagot ko na hindi nakatingin. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi ko siya magawang tignan pagkatapos nun. Bwisit naman, o! Bakit ba ang awkward ng pakiramdam ko? Bwisit kasing baklitang 'yun! Dinudumihan ang utak ko! Nakagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ko ang pagtayo niya at paglapit sa gawi ko. Hinawakan ko agad ang mga papeles sa ibabaw ng table ko at itinuon ang atensiyon doon lalo na nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko. Nagkakakanda buhol buhol ang hininga ko dahil amoy na amoy ko ang bango niya. Pinagbuti ko pang lalo ang pagbuklat sa mga papeles sa harapan ko kahit hindi ko na alam kung bakit ko ginagawa iyon. Hindi naman ito kailangang i-sort, ah?! Halos mahigit ko ang hininga nang itukod niya ang kanang kamay niya sa ibabaw ng table ko at saka yumuko para halikan ang pisngi ko. "Thanks..." bulong niya pagkatapos akong halikan sa pisngi. Shit! Pakiramdam ko ay naglutangan lahat ng buhok ko sa batok dahil sa kilabot nang dumikit ang labi niya sa pisngi ko! Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita at napatango na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD