Protocol

1669 Words
XAVIER's POV Who's that guy? Bes? She called him that. So, he is her bestfriend? Guy bestfriend? Damn it! Why would I even care? Anong pakialam ko sa kung anong relasyon mayroon sila ni Charm? Inis na ibinalibag ko ang phone sa kama at nagsimulang magbihis. Napaupo ako sa kama at tinitigan ang phone ko. Why the hell did I text her? Ano naman sa'kanya kung nakauwi na ako dito sa condo? Baka nga hindi niya na 'yun mabasa dahil busy na sila ng bestfriend niya. They seemed so happy seeing each other at mukhang miss na miss siya nung lalakeng 'yun. He even hugged her tight in front of me! Ginulo ko ang buhok ko at nahiga sa kama. What the hell am I thinking? Kagabi pa ako nagkakaganito when I accidentally kissed her. Ni hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari. If I'm not mistaken, that was actually her first kiss dahil nabanggit niyang hindi siya nahalikan ng ex niya kahit minsan. So, basically... I was her first kiss? I can't help but smile. What the f**k, Xavier? Why did I smile? Masaya ako? Bakit naman ako magiging masaya dahil dun? The heck! This is ridiculous! I badly needed some sleep! Hindi maganda ang epekto ng pagpupuyat sa akin. Nagising ako sa pagtunog ng phone ko. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong si Stanley iyon. I answered it kahit ang mga mata ko ay nanatiling nakapikit. "Stan..." sagot ko sa tawag niya. Ilang sandali pa bago siya nagsalita dahil may kinausap pa siyang bata. Probably his niece at inaanak ko rin na si Kim. Stanley got the custody of the child after the death of his brother which is also a lawyer. He died in a car accident together with his wife. But until now, the case isn't solved yet. May mga ebidensiya kasing nagpapatunay na hindi aksidente 'yung nangyari kundi attempted murder. "I'm sorry, dude, si Kim kasi ang kulit," sabi niya. Tumango naman ako kahit di niya naman nakikita. "It's okay. What is it? Why did you call?" tanong ko. "Allen already sent me the details about Jonathan Villaluz including his recent whereabouts. Dadalhin ko na lang sa office mo bukas. Papasok ka na 'di ba?" sagot nito na ang tinutukoy ay ang detective na kinuha ko para sundan si Jonathan Villaluz, ang ampon nina Mr. and Mrs. Villaluz. "Of course! I have to... Buti nga nakawala ako kay Lola..." sagot ko. Narinig ko naman siyang tumawa. "So, how was it? Napaniwala mo naman ba ang Lola mo?" nang-aasar na tanong nito. They knew about my plan and they care about Charm. Baka daw mahulog ito sa akin at madala sa pagpapanggap na gagawin namin. Napailing ako. That was just so impossible. Lalo na ngayon na mukhang may gusto naman siyang iba. She's been hurt before kaya siguro maingat na siya sa pagpili ng mamahalin. I wonder what's the real score between her and that guy? Kaya ba siya hindi nagwapuhan sa akin dahil isa lang ang gwapo sa panigin niya? Well, hindi naman kami nagkakalayo ng itsura at built ng katawan. Mas matangkad pa nga akong hamak sa'kanya. "Dude? Still there?" natatawang tanong ni Stan sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko at sumagot. "Of course, napaniwala naman namin sila. Wala naman naging problema, so far..." sagot ko. "How about your secretary? Na-fall na ba? Ingat ka, Dude! Baka mapikot ka ng 'di oras!" tumatawang sabi nito. Napailing ako. That's impossible. "She can't do that. Ni halik nga ayaw magpahalik ng babae na 'yun. She's conservative. Hindi niya magagawang akitin ako..." nakangising sagot ko. "Oh? So, she's wife material, then? Conservative pala, e! Malay mo, dude, siya na pala 'yung matagal mo ng hinihintay!" kantyaw nito. Tumawa ako. "You better stop interfering with my damn love life and think about your own heart, Stan. Sa ating tatlo, ikaw itong takot sa commitment." kantyaw ko pabalik. Napangisi ako nang umungol siya. I knew he already fell for Hershey, pinsan ng asawa ng Kuya niya na siyang kapartner niya sa pag-foster kay Kim. "No way, dude. There's no way in hell I would settle for a woman like her. She'd be the most nagger, stubborn and childish wife if ever. You know I don't like that. I can't deal with her." Tsk! This guy is hopeless... Ilang sandali pa siyang naglabas ng sama ng loob tungkol sa partner niya bago tuluyang binaba ang tawag. Napailing nalang ako at napatingin sa oras. It was eight o'clock in the evening. God! Almost five hours akong nakatulog! Kinusot ko ang mga mata at bumangon para makapag dinner. Tinatamad na akong mag-order kaya kakain na lang ako kung anong available. Matapos kumain ay nahiga na ulit ako at nagpasyang manood ng TV para magpaantok. Halos kakahiga ko pa lang nang biglang bumuhos ang ulan. Napatayo agad ako at sumilip sa glassdoor para i-check kung umuulan nga. Yes, it's raining and base sa lakas ng buhos nito ay mukhang magtatagal ito. Agad na bumalik ako sa kama at kinuha ang phone ko. I have to check on Charm. I know I shouldn't worry coz she's home and andun ang family niya para i-comfort siya. But I just can't help myself... Probably because I saw how vulnerable she was when she's scared and traumatized with the rain. Dinial ko agad ang number niya. Hindi siya sumagot sa unang attempt ko kaya inulit ko. Pagkatapos ng limang ring ay sinagot na niya. Nakahinga ako ng maluwag pero bigla ring natigilan nang boses lalake ang sumagot. I immediately looked at the screen to double check the number pero tama naman iyon. Nagsalita ulit ang nasa kabilang linya. Dinig na dinig ko ang malakas na buhos ng ulan sa backgroud kaya malakas ang boses ng sumagot. Tumikhim ako bago nagsalita. "Hello? Who's this? Kay Charm na number 'to, right?" sabi ko. Ilang sandaling natahimik ang nasa kabilang linya bago sumagot ulit. "Ah, yes. Kay Charm nga ito. I'm sorry but she can't talk to someone right now..." sagot ng nasa kabilang linya. "Who are you?" lakas loob na tanong ko kahit may hinala na ako kung sino ang posibleng kausap ko ngayon. "It's Arcie, her bestfriend. Ikaw 'yung boss niya, tama?" napasinghap ako. So, yeah... he's still there? Hindi siya umuwi? Wala ba siyang sariling bahay? "Yes. Kamusta si Charm? Is she okay?" tanong ko. Ilang sandali ulit bago siya nakasagot. "She's fine. Nakatulog na nga yata. Anyway, sasabihin ko na lang na tumawag ang Boss niya pagkagising niya." sagot nito. Kumunot ang noo ko. Sasabihin niya pagkagising? "Are you... staying there tonight? With... her?" hindi ko napigilang itanong. Hindi siya sumagot agad. I'm not really sure kung narinig ko siyang tumawa dahil maingay ang background dahil sa ulan. "Yes. Actually, magkatabi nga kami ngayon. So, kung wala na kayong sasabihin or ipagbibilin sa'kanya, I'll hang up..." What the hell? Wala ba silang ibang kwarto sa bahay? How about her parents? Hindi ba sila magagalit kapag may lalaking kasama si Charm sa kwarto? "Hey? Still there?" rinig kong tanong ulit nito. Napalunok ako at agad sumagot. "Yeah. Sige, I just checked on her kung okay lang siya dahil umuulan. Thanks for answering her phone." "No worries. Tsaka, 'di ko naman siya papabayaan. Bye!" sabi niya at saka binaba na ang tawag. Ilang sandali pa akong nakatitig sa phone ko matapos 'yun. Hindi makapaniwalang nag-dive ako sa kama. "Bestfriend? Really, huh? Magkatabing matulog? He's still a guy, for Pete's sake!" Inis na binalibag ko ang remote at dumapa na sa kama. Nawalan na ako ng ganang manood ng TV. I will just sleep. Tulog lang ang katapat nito. Kinabukasan ay wala pa siya sa opisina nang pumasok ako. Kumunot ang noo ko at napatingin sa wrist watch ko. It's quarter to eight! Why the hell she's not yet around? Parang gusto ko nanaman siyang itext or tawagan kung papasok ba siya o hindi. But she said she will! O baka nagbago ang isip dahil nandoon ang bestfriend niya? So, uunahin niya iyon kaysa sa trabaho? Napahilot ako sa sentido at saka inis na umupo sa swivel chair ko. Hindi pa ko nagtatagal na nakakaupo nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Iniluwa nito si Charm. Hindi ko mapigilang mapasinghap. She looked different today. Parang... blooming? I don't know! Ang laki ng ngiti niya pagkakita sa akin. I was about to smiled back when I noticed what's in her left arm. Kumunot agad ang noo ko. She's holding a three pieces of red roses and a box of chocolates in her left hand then a paper bag in her right. Napatiim bagang ako. I suddenly felt hot. Probably because the aircon in my office is not yet on! Niluwagan ko ang necktie ko. I suddenly felt pissed. Hindi ko alam kung dahil sa naramdamang init o ano. "Good morning, Attorney! Pasensiya at medyo natagalan kasi-" "You're late." putol ko sa sinasabi niya. Takang napatingin naman siya sa akin. Kumunot lalo ang noo ko. "Hindi mo ba alam 'yung protocol ko na ayaw kong mas nauuna akong dumating dito sa opisina?" mariing tanong ko sa'kanya. Well, I don't care about the reason why she's late! Dahil mukhang hindi naman ganun kaimportante iyon. "I-I'm sorry, Attorney... Pero wala pa naman pong eight o'clock. 'Di ba po ay nine pa naman ang pasok niyo? Hindi ko naman po alam na maaga kayong papasok ngayon-" Napahilot ako sa sentido nang marinig ang paliwanag niya. Well, she has a point. Nine o'clock pa talaga ang pasok ko, but today's different! I don't know! Maraming gagawin dito sa opisina kaya maaga akong pumasok. Kinumpas ko ang kamay ko to stopped her from talking. Though she has a point, ayoko ng marinig pa iyon. "Just make a coffee instead. I want it brewed." hindi nakatinging utos ko. Narinig ko pa ang buntong hininga niya bago inilapag ang mga dala dala sa table at ipinagtimpla ako ng kape. Napasandal ako sa swivel chair nang mawala siya sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD