XAVIER's POV
Hindi na ako makapagconcentrate matapos kong halikan si Charm at bumalik sa pwesto ko. I just can't think of anything but her. I was so pissed when I saw her went to my office carrying those flowers and a box of chocolates. That was so sudden, damn it! Ni hindi ko alam bakit uminit agad 'yung ulo ko. Then minutes later, nalaman kong hindi naman pala sa'kanya 'yun at pinaabot lang ng guard sa isang empleyada. Then suddenly, all the bad feelings were gone. What the hell? This girl is giving me such emotions na hindi ko pa kailanman nararamdaman.
Different emotions with just a span of... minutes? What the hell was that?
I mean, I've been with girls. Halos isang taon pa lang naman akong hindi nagkaroon ng karelasyon pagkatapos ng nangyari sa amin ni Ashley. But before that, I've dated several times and had more than six girlfriends when I was still studying. Pero wala akong naramdaman kundi saya. I mean, I'm the type of boyfriend na hindi na kukwestyunin lahat ng sasabihin mo. Kapag sinabi mo, 'yun ang papaniwalaan ko. I don't nag, I don't force you to do something you do not want. I don't even get jealous! Sa madaling salita, you are free. Magagawa mo lahat at hindi ka masasakal. We're fine as long as you will stay loyal to me.
Well, sa mga past relationships ko, maayos ang naging paghihiwalay namin. Kay Ashley lang ako nagkaroon ng grudge dahil siguro sa pride. Kung ibang lalaki siguro ang ipinalit niya sa akin katulad ng ginawa ng iba kong naging girlfriends, okay lang. I'll forgive and forget. Pero ang hirap pala kapag halos kapatid na 'yung turing mo tapos gagawan ka ng katarantaduhan. Ang tagal bago ako tuluyang nakalimot. Mas matagal pa yata 'yung naging galit ko kaysa sa naging pagmamahal ko kay Ashley. Mas mabilis ko pa siyang nakalimutan kesa sa galit ko.
Napatingin ako kay Charm. She's busy with her computer. Mukhang tutok na tutok siya doon at nagcoconcentrate samantalang ako ay walang maintindihan sa mga mails na binabasa ko. Kanina pa ako nakatitig sa kauna-unahang email sa inbox ko pero hindi ko 'yun matapos tapos basahin! I am becoming so unproductive because of her. Ugh!
Hindi rin maalis sa isip ko 'yung pagdala niya ng breakfast para sa akin. And when she nagged at me about eating breakfast before going to work, she looked so serious and concerned. Damn it! Hindi ko matanggal ang ngiti ko. This is so frustrating!
The feeling was new. Hindi ko naman 'to naranasan dati. 'Yung tipong inaalagaan ka. Kasi ako 'yung palaging nag-aalaga sa mga naging girlfriends ko. Why? Dahil 'yun naman talaga dapat, hindi ba? Lalaki ang dapat nag-aalaga sa babae. It should be that way. Kaya hindi ko naranasang maalagaan ng ibang babae bukod sa ginagawang pag-aalaga sa akin ng Mommy at Lola ko.
And I was so surprised that I liked it! Someone is taking good care of you.. Biglang pumasok sa utak ko 'yung ginawa niyang pagsubo sa akin habang nagda-drive. 'Yung pag-aayos niya ng mga gamit ko. And even when she nagged me to eat my lunch first before working at pati pagpunas niya sa pawis ko habang kumakain ako. What the f**k? Napahilamos ako ng palad sa mukha.
What the effing hell is this?
After lunch ay dumating si Stanley sa office. Gaya ng inaasahan, he gave out all the informations needed para buksan ang kaso ng mag-asawang Villaluz.
Tinitignan ko isa-isa ang mga iyon habang si Stanley ay naka-dekwarto sa harap ko.
"So, that was her... Your secretary s***h girlfriend..." nakangising sabi nito at sinulyapan pa ang gawi ni Charm. Nasa isang room kami sa opisina ko kung saan dito ko ine-entertain ang mga kliyente ko. Napatingin din ako sa gawi niya. She was pouting her lips while talking to someone over the phone. Hindi ko namalayang napapangiti na ako habang pinapanood siya.
"Hey!"
Snap ng daliri ni Stanley ang nakapagpabalik sa akin sa katinuan. Nakangisi siya nang tignan ko. Tumikhim ako at itinuloy ang pagtingin sa mga documents.
"Akala ko ba hindi ka na kukuha ng maganda?" tanong nito na nakapagpaangat ng tingin ko. Kumunot ang noo ko. Ngumisi siya at humalukipkip at sinulyapan si Charm.
"What?" tanong ko.
"Your secretary..." sabi niya. "Well, she's nothing compared to your exes.. pero hindi rin naman siya gaanong kulelat. There's something about her that you would want to take a second look at her face and then realized that you wanna get her attention. Ano na ngang tawag 'don? s*x appeal? Yeah... your secretary is so charming, Dude..." sabi nito. Lalong kumunot ang noo ko pero nagpatuloy parin siya sa pagsasalita.
"Not that sexy but she has curves. And oh! Cup B isn't that bad..." ngumisi pa ito. Napaayos na ako ng upo at tinignan siya ng masama. What the hell?
"Shut up, Stanley. You're not here to get the details of my secretary's body! Umuwi ka na nga!" hindi ko napigilang singhal sa'kanya. Umayos siya ng upo at humagalpak ng tawa. Napipikon na pinanood ko siya.
"Just what the hell are you saying? Wala pa kayong isang buwan na break ng ex mo. Don't tell me tigang ka na dahil kung anu ano ng napapansin mo!" sigaw ko. Lalo siyang tumawa kaya napapatingin na si Charm sa gawi namin at kumukunot ang noo. What the f**k?
"What about you, then? Almost a year ka ng celebate, Dude! Do you still know how to do it?" natatawa pa ring sabi nito. Binato ko na siya ng ballpen.
"Gago! Shut your filthy mouth, Stan! Sa lahat ng mamanahin mo kay Lenard 'yung pagiging manyak pa!" napapailing na sabi ko. They were always like this. Lalo na kapag nandito pa si Lenard na kung makapagsalita ay akala mo mamamatay kung hindi makikipag-s*x sa isang araw. Damn!
"I was just telling the truth! Pumayat lang 'yan ng konti ay mahihigitan na 'yung mga ex mo..." patuloy parin na sabi nito. Hindi na ako kumibo.
Hindi ko maiwasang isipin 'yung mga sinabi ni Stan. He has an eye for beauty. Kapag hindi nito nagandahan ang babae ay sasabihin nito 'yun. And Charm got his praises, huh? Paano pa kapag nakausap na niya ito? She has a sense of humor, for Pete's sake! At ang galing niya pang magluto. 'Yun pa naman ang weakness ni Stan. Girls which is good in kitchen and definitely good in bed!
Alas tres ng hapon ay umalis na rin si Stan. Nakita ko pang tumingin siya sa gawi ni Charm na nataong kakatapos lang makipag-usap sa phone at nakatitig pa ito sa phone na para bang 'yun 'yung nakausap nito.
"Kung maka ten o'clock sharp akala mo naman talagang darating talaga sa oras. Naku! Pag ikaw talaga na-late ng kahit isang hakbang lang, ica-cancel ko 'yung appointment mo!" bubulong bulong na sabi nito. Nakita ko pang tumawa at napailing si Stan bago lumabas. Binaba nito ang phone nang makita ako at saka bumalik na sa pwesto niya.
Ilang phone calls pa ang narecieved niya at sa tuwing sasagutin niya iyon ay nawawala ako sa concentration. Paano ba naman ay nasa harap ko siya dahil nandito sa table ko ang phone. Damn it!
"Mendez Law Firm, good afternoon..."
Napatingin na naman ako sa'kanya nang tumunog muli ang phone at sagutin niya 'yon.
"Ahm, wait lang po, Sir...." sabi nito sa kausap at tinignan ako. "Attorney, pwede daw bang magset ng appointment sa'yo next week?" tanong niya. Umiling agad ako. Since, on-going na ang investigation sa kaso ng mag-asawang Villaluz, mukhang mapagbibigyan ko na si Lola na ituloy 'yung naudlot naming bakasyon.
"We'll go back to Tagaytay next week. Tell them, I'm on leave." sabi ko. Tumango naman siya at pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa phone.
Nang malapit ng mag-alas singko ay nakikita ko siyang panay ang tingin sa phone habang pangiti-ngiti. Kumunot ang noo ko.
Sino naman kaya ang tinetext niya?
"Are you done?" tanong ko. Lumingon naman siya sa akin na may bakas pa ng ngiti sa mukha. She's happy, huh?
"Opo, Attorney. May papagawa pa ba kayo?" tanong niya. Tumango ako at may inayos sa computer.
"Yes. Come here..." tawag ko sa'kanya. Tumayo ako at kumuha ng isang chair. Lumapit naman siya at kunot noong nakatingin sa akin. Tinapik ko ang chair ko para doon siya paupuin.
"Sit there and change all the dates and name of the owner of that Deed of Sale." sabi ko at humalukipkip. Nakita ko naman siyang umupo na at hinawakan ang mouse. Panay ang tunog ng phone niya habang dinidiktahan ko siya ng mga ilalagay sa DOS. Maya maya ay nag-ring iyon sa isang tawag. Napatingin ako agad sa screen at nakita kong nag-appear ang pangalan ni Lola. I stopped talking and pointed her phone.
"Si Lola ba 'yung tinetext mo?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Opo, Attorney. Sige na, ituloy na natin para matapos na agad..." sabi niya. Umiling ako.
"No. Answer it first..." sabi ko. Nagtatakang napatingin naman siya sa akin. Tumikhim ako at umayos ng upo. "Baka importante...." simpleng sabi ko at nag-iwas ng tingin. Damn it! Si Lola lang pala 'yung katext niya. Akala ko kung sino!
"Hello, Lola?" rinig kong sabi niya nang sagutin ang tawag. "Ah.. sorry po may pinagawa lang si Attorney este si Xavier. Po? Ahh wala naman po... nag-edit lang ng Deed of Sale..." napatingin siya sa akin. Nagtaas ako ng kilay at inilapit ang tenga sa phone niya.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Trabaho niya yan, e! Ano bang pinaggagawa niya at pati yan, e, pinapagawa pa sayo?" mariin na sabi ni Lola. Napalunok ako nang makita kong mapatingin si Charm sa akin. Sumagot na ako.
"May nirereview pa akong kaso, Lola. I'm quite busy-"
"Then do it tomorrow. Mag-aalas singko na, Xavier! Aba wala ka bang balak pagpahingahin 'yang nobya mo?!"
Naramdaman ko ang pagtulak sa akin ni Charm dahil napapalapit na ako masyado sa'kanya. Kumunot ang noo ko.
"Pero, 'La-"
"Give that phone to Charm! Hindi naman ikaw ang kausap ko!" naiinis sa sermon nito. Napabuntong hininga na lang ako at lumayo ng bahagya at pinanood si Charm habang kausap siya.
Tumawa siya at napatingin ng bahagya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Po? Opo, kumakain na ng umagahan..." rinig kong sabi niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napangisi ako at lumapit ulit sa'kanya. Nanlaki ang mata niya at kunot noong tinulak ulit ang mukha ko. Natawa na ako dahil sa pagkapikon niya.
"Yes, Lola! She made a breakfast for me. Dinala niya kanina dito sa office.." natatawang sabi ko. Kitang kita ko ang panggagalaiti ni Charm.
Sinamaan niya ako ng tingin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Lola. Natatawang pinanood ko siya hanggang sa matapos ang pakikipag-usap kay Lola. Nang matapos ay inirapan niya ako at pinagpatuloy ang ginagawang pag-eedit.
"Bukas na lang 'to," natatawang sabi ko at hinawakan ang mouse. Nakahawak din siya doon kaya agad niyang inalis ang kamay niya. Tumaas ang kilay ko.
"Bakit naiilang ka parin? We already kissed-"
Nanlaki ang mga mata niya at agad tinakpan ang bibig ko.
"Tigil!" napipikon na sabi niya. Sumagot ako kahit na nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko.
"Why-"
"Isa! Kapag hindi ka tumigil, hindi ako sasama sa'yo pabalik ng Tagaytay!" pananakot nito. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang sa'kanya. Ngumisi siya. Tumaas ang kilay ko at kinabig siya palapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapadikit ang labi niya sa likod ng palad niyang nakatakip sa bibig ko kaya palad nalang niya ang nakapagitan sa aming mga labi.
Ang lakas ng tawa ko nang buong lakas niyang tadyakan ang swivel chair ko at gumulong iyon palayo sa'kanya. Pulang pula ang pisngi niya habang pinapatay ako sa titig. Tumayo siya at sinugod ako ng hampas sa balikat. Damn it!