Chapter Two

2847 Words
“A-Ano?” nauutal na tanong ko habang nakatitig sa kanya. “Sabi ko... Kung pwede bang mangupahan sa 'yo? Kung ayaw mo, edi don't,” bulong n'ya sa huling sinabi. “Talagang don't!” I sighed and massaged my temple. “I'm sorry but I won't accept a male tenant... Now, please leave,” I said and raised my eyebrow. “Bakit? Bakit bawal ang lalaki? May gender inequality bang nagaganap dito? Saka mukha ba akong masamang tao?” tanong n'ya saka itinuro ang sarili n'ya. “I don't judge people by their appearance... So please, leave. Hindi ako papayag na mangupahan ka sa 'kin,” masungit na sabi ko. Akmang isasara ko ulit ang pinto pero nanatiling nakaharang ang kamay n'ya ro'n. Napabuga ako ng hangin at nakapamaywang na tumingin sa kanya. “I said I won't accept a male tenant and that's final... What else do you need?” My forehead furrowed. “Sabi ng mga kapit-bahay rito matulungin ka raw. Parang fake news naman. Wala na nga akong matirhan tapos ayaw mo pa 'kong mangupahan sa 'yo,” tila nagpapaawang sabi n'ya. “Hindi ako matulungin. Tinutulungan ko lang ang mga taong kilala ko at mahahalaga sa akin. So, pwede ka na bang umalis? Dahil wala akong balak paupahin ka rito,” nakakunot-noong sabi ko. I gasped when he suddenly entered my house without my permission. He roamed his eyes around my place and sat on my couch. Napabuga na lang ako ng hangin dahil parang siya ang may ari ng bahay ko kung makaasta. Padabog na umupo ako sa sofa na malapit sa kanya at inimis ang mga gamit ko. Inayos ko ang buhok ko saka muli siyang hinarap na nakatingin lang sa akin habang prenteng nakaupo. Sasakyan ko muna ang trip n'yang 'to. “So, Cadence... I need your valid ID or birth certificate first,” I said and raised my eyebrow. He grinned and gave me a brown envelope. Kinuha ko na lang 'yon at tiningnan ang nasa loob. May birth certificate nga siyang dala at driver's license. “Cadence Dimagiba? That's your full name?” I asked and looked at him. He smiled and nodded. “Yes, Ma'am. Cadence ‘Pogi’ Dimagiba,” he said and wriggled his thick eyebrows. I rolled my eyes at him. “Ano'ng trabaho mo?” tanong ko pa. Inangat n'ya ang susing hawak n'ya. “Tricycle driver,” agad na sagot n'ya. Tricycle driver? Mas bagay sa kanya ang maging model... I just shook my head and cleared my throat. What the hell am I thinking? “Pero h'wag mong isipin na isa lang akong simpleng tricycle driver,” pahabol n'ya. Napakunot ang noo ko. “Bakit? May iba ka pang trabaho?” tanong ko. Umiling siya. “Isa akong sobrang gwapong tricycle driver,” nakangising sabi n'ya saka napahawak pa sa baba n'ya. I took a deep breath to calm my nerves. Based on his birth certificate, he's already 37 years old... but this man is immature just like my 15-year-old students. “Pero ito seryoso... Secret lang natin 'to ha,” bulong ni Cadence saka bahagyang lumapit sa akin. “Ang totoo n'yan, dati akong nerd pero nalaman nila na anak ako ng isang mafia boss kaya nagtatago ako,” dagdag pa n'ya. I bit my lower lip and rolled my eyes. “What kind of gibberish is that? Ano ba'ng klaseng novels ang binabasa mo at gan'yang kalala ang pag-iimbento mo?!” nakapamaywang na tanong ko. “w*****d. Hindi mo alam 'yon? Ano ba'ng mga binabasa mo?” tanong pa n'ya. “Works of William Shakespeare, Rick Riordan, Jane Austen, Leo Tolstoy, Virginia--” agad n'yang pinutol ang sasabihin ko. “Ay sorry, mare. Hindi kasi kaya ng brain cells ko 'yang mga gan'yan, e. Sorry ha, ito lang ako.” Napahawak pa siya sa dibdib n'ya, tila nag-e-emote. I sighed and scratched my nape. I gave his envelope back to him and shook my head. “I'm sorry, Mr. Dimagiba... but I honestly don't want to accept a male boarder. Hindi naman sa wala akong tiwala sa 'yo, pero mas comfortable kasi ako kapag babae ang kasama ko rito sa bahay. Maghanap ka na lamg sa iba.” “Eh sa 'yo ko gusto,” agad na saad n'ya. My eyebrow arched. “What?” “I mean, sa 'yo ko gusto mangupahan. Sabi nila 1k lang daw sinisingil mo buwan buwan... Gusto ko rito kasi mura. Saka wala talaga akong ibang matutuluyan,” tila nagpapaawa pang sabi n'ya. I took a deep breath and shook my head. “I'm really sorry. Please leave now. I still have a lot of work to do and I don't have time for this,” I said and avoided his gaze. “Ayaw mo ba talaga, Jomelyn?” tanong n'ya pa. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi n'ya. Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa kanya. “What did you just call me?” My forehead creased. “Jomelyn,” muling pag-ulit n'ya. Napabuga ako ng hangin. “J-Just call me Liah, please. Ayoko ng tinatawag ako sa second name ko,” pakiusap ko sa kanya. “Okay... Jomelyn,” tila nang-iinis pang sabi n'ya saka ngumiti sa akin. Agad na nag-init ang mukha ko sa inis. “I said don't call me that!” “Eh bakit ka galit?” tanong n'ya. “Sabi ko naman kasi sa 'yo na Liah ang itawag mo sa akin,” nanggagalaiting saad ko. “Bakit ba ayaw mo sa Jomelyn? Pangalan mo rin naman 'yon,” sabi pa n'ya. “Eh sa ayaw ko, e. Ang pangit ng pangalang 'yon,” naiinis na sabi ko. “So what? Pangit ka rin naman,” bulong n'ya na narinig ko naman. “Ano?!” “Wala. Sabi ko payagan mo na 'ko mangupahan dito, Liah. Please, lods... Sawang sawa na 'ko matulog sa tricycle na nag-iisang pamana sa 'kin ng tatay ko,” sabi pa n'ya saka napabuntonghininga. I looked at him from head to toe. Mukha ngang hindi gaanong maayos ang buhay n'ya. He's just wearing a loose white shirt, a jersey shorts, and used flip flops... but he's still handsome as hell. Paano pa kaya kapag nagdamit siya nang maayos? “Wala akong magagawa riyan, Cadence. Hindi ako matulungin gaya ng sinabi ng mga kapit-bahay sa 'yo. May sarili rin akong problema kaya please, umalis ka na,” sabi ko na lang at seryosong tumingin sa kanya. Sumandal siya sa backrest saka matiim na tumitig sa akin. “Ano ba'ng problema mo?” I arched my eyebrow. “Why would I tell my problems to a stranger?” He shrugged. “Mas maganda raw sabihin ang problema mo sa strangers. Sabi sa f*******:,” sabi n'ya saka nagtaas-baba ng kilay. “Saka malay mo swertehin ka kapag sinabi mo sa akin. Baka biglang mawala 'yang problema mo,” nakangising sabi n'ya. Napabuga ako ng hangin. “Yung kapatid ko na magtatapos na sana sa college para mapagaan na ang bigat ko sa pagtatrabaho, buntis ngayon. Galit lang ako sa kanya ngayon pero alam kong hindi ko rin naman siya matitiis at kailangang sustentuhan. Sumasakit na ang ulo ko sa trabaho pati sa kanila. Please, h'wag ka ng dumagdag Mr. Dimagiba,” sabi ko na lang. Cadence nodded and held his chin. He tilted his head while staring at me. “Gano'n ba?” I sighed and stood up. Naiinis na hinawakan ko ang braso n'ya at buong lakas na hinila siya patayo. Natigilan na lang siya nang agad ko siyang itinulak palabas ng bahay ko at ni-lock ang pinto. Kumatok naman agad siya. “Huy, Jomely--este Liah naman. Kawawa naman ako, oh. Ayaw mo ba talaga? Mabait naman ako. Hindi naman ako magnanakaw o mamamatay tao. Isa lang akong simpleng tricycle driver na nangangailangan ng tulong mo. Sige na, lods. Paupahan cutie.” Panay pa rin ang katok n'ya. “Shut up! Ipapa-barangay kita kapag hindi ka pa nanahimik diyan!” asik ko at hinampas ang pinto ko. “Wow naman! Cute ka lang pero masama ugali mo. Karmahin ka sana for life. I hate you!” Narinig ko pang sabi n'ya. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa pinagsasasabi n'ya... Kakaibang lalaki. KINABUKASAN, AGAD na 'kong naghanda para sa trabaho. Natigilan na lang ako nang bumungad sa akin si Cadence paglabas ko sa looban. Nakasakay siya sa tricycle n'ya. “Sakay na. Hatid na kita,” sabi n'ya saka tinapik ang pwesto sa likod n'ya. “I thought you hate me?” I asked and crossed my arms. “Marupok ako kaya hindi na kita hate. Sakay na,” saad n'ya. “Pinapasakay mo ba ako dahil iniisip mong papaupahin kita kapag--” I didn't get finish what I was about to say. Cadence immediately held my wrist and pulled me closer to him. “Sakay na. Ang dami mong arte. Male-late ka na, oh,” sabi na lang n'ya. Napaismid na lang ako at sumakay sa tricycle n'ya. Pumwesto ako sa tabi n'ya. Napasinghap na lang ako nang agad n'yang pinaharurot ang tricyle. Nawalan ako ng balanse at napakapit sa baywang n'ya. “Psh, bakit ka humahawak sa 'kin ngayon? May pagnanasa ka sa 'kin 'no?” tila nanunuksong tanong n'ya. Hinampas ko ang likod n'ya. “Ano'ng pagnanasa ang sinasabi mo?! Ikaw 'tong biglang nagpaandar, ni hindi pa ako nakakakapit!” singhal ko. Mas sumasakit ang ulo ko sa kanya kaysa sa mga estudyante ko. “Sus, oo na, sige na. Kunwari wala kang pagnanasa sa 'kin.” Hindi ko na lang siya pinansin kahit inis na inis ako sa kanya. Baka maitulak ko lang siya sa inis ko. Agad akong bumaba ng tricycle n'ya pagdating sa school. Akmang papasok na ako sa gate nang tawagin n'ya ulit ako. “Ano na naman ba?!” naiinis na tanong ko. “Magbayad ka, oy! Anong tingin mo sa 'kin? Free service?” reklamo n'ya. I bit my lower lip as my cheeks reddened because of embarrassment. Napatingin pa sa amin ang mga estudyante at teachers na napapadaan. I stomped my feet and gave him twenty pesos. He grinned at me and held his chin. “Ugali mo siguro talaga mag 1 2 3, 'no?” tila nang-aasar na tanong n'ya. “Hindi! Alis na!” naiinis na sabi ko at agad siyang nilayasan. Namumula pa rin yata ang mukha ko hanggang makarating ako sa department namin... Nakakainis talaga ang lalaking 'yon! Natigilan ako nang mapansing nag-text si Camille. Agad kong binasa ang message n'ya. Ate, sorry sa nasabi ko kahapon. Pero good news. Susustentuhan ni mayor lahat ng buntis dito. Nanalo rin daw kami sa raffle sa TV at makakatanggap ng 500k. Tuwang tuwa sina nanay. Sabi niya magpahinga ka raw muna sa pagpapadala. Saka ibubukod na namin ang pera para sa anak ko kaya wag ka na mag-alala. My forehead creased when I finally read her message. Isn't this too good to be true? Parang kahapon lang namomroblema sila sa pera. At anong raffle na naman ba ang sinalihan nila? Agad kong ni-reply-an si Camille. Hindi ba scam 'yan? 500k? Hindi birong pera 'yan. Hindi agad nakapagreply si Camille. Napailing na lang ako at nagtungo sa klase ko. Mamaya ko na lang sila ulit kakausapin. PAGOD NA pagod ako nang matapos na ang klase. Lumabas din agad ako ng school pagkatapos. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang tricycle ni Cadence. Bakit ba nandito na naman siya? “Hi, miss. Sakay na, ihahatid na kita sa inyo,” nakangising sabi n'ya at kumaway pa. Hindi ko siya pinansin at sumakay sa ibang tricycle. Iisipin ko na lang na hangin lang siya... makulit na hangin. Napabuga ako ng hangin nang nasa bahay na ako. Nagpahinga lang ako saglit bago nagshower at nagpalit ng komportableng damit. Pagkatapos ay lumabas ako para magpa-load. Natigilan ako nang makita ko si Cadence na nakaupo sa tapat ng tindahan ni Ate Linet at nainom ng soft drinks. I sighed and closed my eyes to control myself. This man is the most stubborn man I've ever met. There's no way I'll let this stranger become my boarder. Yes, he's sinfully handsome but I still don't know him yet. Hindi naman ako ang tipo na bumibigay sa mga gwapong tulad n'ya. “Pa-load po,” sabi ko na lang kay Ate Linet at piniling hindi pansinin si Cadence. “Liah, bakit ayaw mong paupahin itong si Cad sa 'yo? Kawawa naman, walang matuluyan,” sabi ni Aling Perla na naglalaba sa gilid. I glared at Cadence. He just sighed and scratched his nape to look pitiful. “Hindi po ako tumatanggap ng lalaking boarder. Saka nakalaan na po ang isang silid ko para sa pamangkin ni Ate Linet na darating,” sabi ko na lang. “Ah! 'Yung pamangkin ko ba? Nakahanap na siya ng matutuluyan. Itong si Cad na lang ang patuluyin mo at sa tricycle lang natutulog,” sabi pa ni Ate Linet. “Oo nga, tingnan mo naman ang mukha ng binatang 'to. Mukhang harmless naman at gwapo pa,” sabi pa ni Aling Ising. Tila nagpapaawang tumingin sa akin si Cadence. “Mukha bang mapanganib 'tong mukhang 'to, Liah? Tingnan mo naman kung gaano ako ka-gwapo,” sabi pa ni Cad at itinuro ang mukha n'ya. I rolled my eyes and crossed my arms. “I don't care, Mr. Dimagiba. Kahit ikaw pa ang pinakagwapong lalaki, hindi ako papayag na maging boarder kita. Sabi ko naman sa 'yo na maghanap ka lang ng ibang matutuluyan, e!” “Ano ka ba naman, Liah? Ano naman kung lalaki siya? Nasa 21st century na tayo. Hindi na bago ang mga gan'yan saka wala namang malisya,” sabi pa ni Ate Linet. “Oo nga, Liah. Maliban na lang kung naaakit ka sa kagwapuhan ko, ibang usapan na 'yon,” mayabang na sabi ni Cad. Nagtawanan naman ang mga kapit-bahay sa sinabi n'ya. “Why would I?!” I gritted my teeth and glared at him. Why did I even do for him to pester me like this? He's pissing me off! Agad na akong pumasok sa bahay matapos akong load-an ni Ate Linet. I'll just stress myself more if I stayed on Cad's annoying vicinity. I don't get him at all. Why is he pestering me like this? Dahil lang ba sa nalimutan kong magbayad ng pamasahe sa kanya kahapon? I just tried to focus on my workloads. Getting involved with him won't be beneficial to me. Dadagdag lang siya sa sakit ng ulo ko. Natapos din agad ako sa trabaho ko. Akmang matutulog na ako nang mapatingin sa bintana. Nasa second floor ang silid ko kaya nakikita ko nang kaunti ang ganap sa labas ng looban. “That's Cad's tricycle,” I murmured. My forehead when I noticed that he's really sleeping in his tricycle. His knees are bent while facing the other side. He seems to be having a hard time since he's too tall for the small space he's lying on... I bit my lower lip when I noticed him hugging himself. Siguro ay nilalamig siya. I sighed and shook my head. Why should I care about him? He's just a weird stranger I shouldn't be involved with. I should just sleep. Maaga pa akong papasok bukas. Humiga na ako sa kama at pumikit. I tried my best to sleep but I couldn't. Kung ano-anong posisyon na sa pagtulog ang ginawa ko pero hindi talaga ako makatulog. Naiiritang bumangon ako at muling sinilip ang tricycle ni Cadence... He's still sleeping there. Kumuha ako ng jacket at sinuot 'yon saka lumabas ng bahay. Tahimik at madilim na ang paligid dahil gabing gabi na rin. Agad kong pinuntahan si Cadence. Napabuntong hininga ako at marahang niyugyog ang braso n'ya. This is one of my problems. I couldn't stand something like this. I won't be able to sleep peacefully if I ignore him. Mahina ako sa ganito. Nakokonsensya ako kapag hindi ko natutulungan ang mga taong kaya ko namang tulungan. I know this trait will put me in danger someday... but what can I do? I couldn't just ignore him. Nagising si Cad at napatingin sa akin. Agad siyang bumangon at hinawi ang buhok n'ya. “Bakit? May kailangan ka?” tanong n'ya saka tumitig sa akin. Napaiwas ko ng tingin sa kanya at napakapit nang mahigpit sa laylayan ng jacket ko. “P-Papayag na 'ko na mangupahan ka sa akin... basta saglit lang. Maghanap ka rin ng ibang uupahan at umalis ka rin agad,” bulong ko saka napakagat sa ibabang labi ko. Agad na napatayo si Cad at tila hindi makapaniwalang napatingin sa akin. “Hala, legit ba 'yan?” Napabuntonghininga na lang ako at tumango. Tumingin ako sa kanya na pinagsisihan ko rin dahil nakangiti siya sa akin ngayon. “B-Basta saglit lang! Maghanap ka rin ng ibang mauupahan. Naiintindihan mo?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Sana lang talaga mapanindigan ko ang desisyon kong 'to... at sana hindi ko pagsisihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD