Kamelliah Jomelyn Vicencio ‘Liah’
“Ma'am Liah, kasama po ba sa long quiz bukas 'yung story ni Icarus?” Gino asked me. He's my student.
I smiled at him and nodded. “Opo. You have to remember the important details about the story. Okay?”
“Opo.” Tumango siya saka muling bumalik sa upuan n'ya.
Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko sa table. Hindi pa nga ako nag-a-announce ng class dismissed pero nagkakagulo na sila. Recess na kasi pagkatapos ng time ko sa kanila.
“Class!” I tapped the table to get their attention. Natigilan naman sila at napatingin sa akin. “Please review your notes, class. Goodbye, you may now have your recess,” I said and smiled at them before leaving the class.
I sighed and wiped the sweat on my forehead with my handkerchief. I have another class after this. Ang sakit sa ulo dahil pinakamagulong section iyon.
“Ma'am Liah!”
Natigilan ako nang harangin ako ng tatlong estudyanteng lalaki. Sa pagkakatanda ko nasa 20 years old na ang mga 'to pero hanggang ngayon nasa grade 10 pa rin. To be honest, they are the most troublesome students here. Palaging sumasakit ang ulo ko sa kanila pero pilit kong iniintindi. Who knows? Maybe they have family or financial problems that they don't talk about. Marami akong nakaka-encounter na ganitong estudyante.
“Why po? Do you need something?” I asked and smiled at them.
They also smiled at me. They shysly pushed and murmured at each other. I sighed and scratched my eyebrow.
“Ma'am Liah, kung pwede ka raw po bang ligawan ni Mark?” tila nanunuksong sabi ni Jayson at tinulak-tulak pa si Mark.
Natigilan ako nang abutan ako ni Mark ng letter. Mukhang nahihiya pa ito sa akin.
I sighed and smiled at them. “Hindi ako magpapaligaw,” sabi ko na lang. Agad namang nawala ang ngiti sa labi nila.
“Bakit po, Ma'am? Dahil po ba mas bata ako sa inyo?” dismayadong tanong ni Mark.
Umiling ako. “Hindi iyon. Anak na ang tingin ko sa mga estudyante ko, kaya anak na rin ang tingin ko sa inyo. Wala akong balak magpaligaw sa tinuturing ko ng anak,” sabi ko saka ngumiti sa kanila.
This one of my problems as a teacher. Pakiramdam ko anytime pwede akong mawalan ng lisensya dahil sa mga ganitong pangyayari. I also heard some of my colleagues talking about me regarding this matter. Hindi ko na lang pinapansin. I know I'm not doing anything wrong. I'm not entertaining students who show romantic interest in me. Alam kong hindi ako lumalabag sa trabaho ko.
“Ma'am Liah, ang dami na namang chocolates at letters sa desk mo,” pangangantyaw ni Ma'am Fely, teacher din kagaya ko.
I smiled shyly at them and put all the letters and chocolates in a box. This is a headache. Hindi ko alam kung talaga bang maganda ako o nababaitan lang sa akin ang mga estudyante.
Natigilan ako nang mapatingin sa isang letter. Binasa ko ang nakasulat sa unahan... To the best teacher ever, Ma'am Liah! Belated happy birthday po
I smiled and put it inside my pocket. My job as a teacher is tiring, but seeing my students appreciate me as their teacher and as their second parent is fulfilling. Sa totoo lang parang mga anak na talaga ang tingin ko sa kanila kahit madalas sakit sila sa ulo.
“Ma'am Liah, may parent na gustong kumausap sa 'yo,” sabi ni Ma'am Glenda, department head namin.
Agad akong lumabas. Napabuntonghininga na lang ako nang makitang nanay ni Paul iyon. Malamang magrereklamo na naman siya sa akin.
“Ma'am, bakit naman bagsak na naman ang anak ko sa subject mo? Ang dali dali lang ng english subject mo tapos hindi mo pa siya maipasa? Magrereklamo na talaga ako sa principal n'yo!” reklamo n'ya sa akin.
I sighed and massaged my temple. “Ma'am, ang dami ko na pong chance na ibinigay sa anak n'yo para makapagpasa ng outputs at ipasa ang quizzes at tests n'ya sa subject ko. Anak n'yo naman po ang ayaw makinig sa akin. You can ask my students, hindi po ako basta nambabagsak. Pero iba na po kasi ang case ng anak n'yo. Hindi po talaga siya nagpapasa at hindi ko nakitaan ng effort at kagustuhang pumasa sa subject ko. Wala naman pong kaso sa akin kahit nahihirapan matuto o hindi gaanong matalino. Naiintindihan ko po kung gano'n. Pero kung wala po talaga siyang ginagawa na kahit ako, hindi ko po siya pwedeng ipasa. It would be unfair to the other students who exerted effort and showed willingness to learn. Students po ang gumagawa ng grades nila. Sana po maintindihan n'yo,” magalang pa rin na paliwanag ko.
Napaismid na lang siya. “Magrereklamo talaga ako,” sabi pa nito bago tuluyang umalis.
Napahilot na lang ako sa sentido ko at muling bumalik sa loob. This is a headache too. Yes, we are teachers and our job is to teach, guide, and discipline students, but they have to work for it too. They have to teach and discipline themselves too. Just like what I've said earlier, sila pa rin ang nagawa ng grades nila... Sa totoo lang nasasaktan din naman ako sa tuwing may bumabagsak sa subject ko. It feels like I failed as their teacher. But I know I did my best. Students should do their part too.
PAGOD NA pagod ako nang makauwi sa looban. Pag-uwi ko kailangan ko kaagad asikasuhin ang lesson plans ko at ang magiging quiz ng mga bata bukas. Kailangan ko na rin gumawa ng report at maghanda para sa observation sa susunod na araw.
“Ate Liah! Tingnan n'yo po, ang dami naming stars ni Basti!” tuwang tuwa na sabi Jena saka ipinakita sa akin ang stars sa braso n'ya.
I tapped her head and pinched her cheeks. “Wow, very good.” I smiled at them.
“Liah, mukhang pagod na pagod ka. Ito, inihaw, binukod ko talaga ang mga gusto mo,” sabi ni Ate Jheng na nagtitinda ng inihaw rito sa looban.
“Nako, salamat po. Mamaya ko na lang po bayaran pag lumabas ulit ako,” nakangiting sabi ko.
Panay ang bati sa akin ng mga kapit-bahay. I cheerfully greeted them back. I don't want to look tired in front of them. Lahat kami rito napapagod din sa araw-araw pero nagagawa nilang ngumiti at maging masigla sa kabila ng hirap ng buhay. I'm happy to have them as my neighbors. Sa totoo lang parang pamilya na ang turingan namin dito.
I was about to enter my house but Ate Linet called me. She's a sari-sari store owner here.
“Liah, naghahanap ka raw ng magiging boarder para sa isang kwarto mo,” sabi n'ya saka ngumiti sa akin.
“Opo, bakit n'yo po naitanong?” nakangiting tanong ko.
“Ah, 'yung pamangkin ko kasi rito muna tutuloy eh walang mauwian kasi masikip sa bahay. Kung sakaling wala pang nakakaupa riyan, sasabihan ko ang pamangkin ko,” sabi naman n'ya.
I smiled at her and nodded. “Sure po.”
Pumasok na ako sa loob pagkatapos. Nagpahinga muna ako saglit before I take a shower. After that, I immediately took care of the lesson plans and quizzes that I have to do.
Nagtatrabaho akong high school teacher sa isang public school na malapit. English subject is my major, pero minsan nagtuturo din ako ng Math at Science. I'm planning to take master's degree but I don't have time to pursue it yet. I'm the family's bread winner. I have to work my ass off to support them. May mga kapatid pa akong pinapaaral sa Cavite. Plano ko mag-take ng master's degree kapag nakapagtapos na kahit isa sa mga kapatid ko.
I grew up in a poor family. At dahil panganay ako, hindi ako pwedeng mabigo noong nag-aaral pa ako. Sobra ang pressure na naramdaman ko noon, but I still managed to survive. I graduated as c*m laude. I still remember how my family cried because of happiness. They were so proud of me. I was proud of myself too. I thought everything will be easy after that but I was wrong. Mahirap ang magtrabaho, di hamak na mas mahirap kaysa noong nag-aaral ako. Pero ang mahalaga ay kumikita ako ng pera para suportahan ang pamilya ko sa Cavite.
Itong bahay na 'to ang tinitirhan ng buong pamilya ko noon. Dito na ako lumaki pero umalis sina Mama at mga kapatid ko rito simula ng magkolehiyo ako. First year college din ako nang iwan kami ni Papa at hindi na nagparamdam. Ayaw na ni Mama ng magpapaalala kay Papa kaya umuwi na lang sila sa Cavite. Ako na lang ang tumira dito dahil dito ako nag-aaral sa Manila. Saka isa pa, kahit galit kami kay Papa, sayang ang bahay na 'to.
“Oh, shoot...” I mumbled when I saw ten missed call from my mother. I tilted my head and licked my lower lip before I called her back.
“Liah, bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo?!” reklamo ni Mama.
“Sorry po, busy lang sa work. Bakit po kayo napatawag?” tanong ko saka napabuga ng hangin.
“Kailangan ni Camille ng pera sa pag-aaral n'ya. H'wag mo kalimutan magpadala. Saka kausapin mo nga ang si CJ, gusto raw sa private school mag-college. Pagbigyan mo na lang kung ayaw makinig,” sabi pa ni Mama.
“Mama naman. Ano po ba ang akala n'yo sa akin? Hindi naman po gano'ng kalaki ang sweldo ko. Saktong sakto lang para sa inyo at sa pag-aaral nila. Maganda rin naman po sa CVSU,” saad ko na lang.
Isa rin 'to sa problema ko. Akala nila porke teacher na ako ay kumikita na ako nang malaki. Hindi biro ang perang nilalaan ko para sa kanila. Sa tuwing sweldo ko, sila agad ang iniisip ko. Talagang saktong sakto lang ang itinitira ko sa sarili ko at pinapadalhan sila agad ng pera.
“Pati ba naman kapatid mo, pinagdadamutan mo, Kamelliah?! Hindi kita pinalaking gan'yan, ha!”
I sighed and bit my lower lip. “Mama, hindi ko naman po pinagdadamutan si CJ. Ang sa akin lang naman po, nahihirapan din naman po ako.”
“Hay nako, ewan ko sa 'yo. Mamaya na lang tayo mag-usap at nagtitinda pa ako!” Binaba na agad ni Mama ang tawag.
Napahilamos ako sa mukha ko at napabuntonghininga... Sa totoo lang, nakakapagod din ang sitwasyon ko. Hindi nila naiintindihan ang hirap na pinagdadaanan ko. Ang tingin nila madali na lang para sa akin ang pera dahil may trabaho na ako.
Mukhang matutulog na naman ako na masama ang loob.
“I WILL extend the submission of your project until next week and as much as possible, avoid spending too much money for your project. You can use simple or recycled materials for it. Okay?” I said and smiled at my students.
“Yes, Ma'am!” sagot naman nila.
I dismissed the class. I massaged my nape and closed my eyes when the students finally left for recess time. I sighed and looked at my watch. I still have time to rest before my next class.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Agad kong sinagot 'yon nang makitang si Camille ang natawag. She's my sister. She's a 3rd year college student. Siya na lang talaga ang pag-asa ko para kahit papa'no gumaan-gaan ang bigat ng repsonsibilidad ko... but I'm not pressuring her. I know how it feels like to work and study under pressure and expectations. It will just distract her.
I have three siblings. Ako ang panganay, sumunod si Camille, tapos si CJ na magsisimula pa lang sa college, at ang bunso na si Carlo na ngayon ay grade 10.
“Hello, Camille,” sabi ko nang makalayo na ako sa classroom.
“Ate, may gusto akong sabihin...”
Natigilan ako. Seryoso ang boses n'ya.
“Bakit? May problema ba?” Hindi ko maiwasang kabahan.
“Titigil ako sa pag-aaral, ate,” sabi pa nito na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
“Ano'ng pinagsasasabi mo, Camille?!” Hindi ko napigilang mapasigaw.
“N-Nasabi ko na 'to kay Mama. Titigil ako sa pag-aaral dahil buntis ako,” sabi pa n'ya.
I laughed bitterly and massaged my temple. “Buntis ka?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Camille?!” galit na asik ko.
“I-Intindihin mo naman ako, ate. Babalik din naman ako sa pag-aaral kapag nanganak na ako at napalaki ko na kahit papa'no ang bata,” paliwanag pa n'ya.
“Punyeta naman! Malapit ka ng g-um-raduate! Bakit nagpabuntis ka pa?! Ano ang balak mo?! Ako rin ang susutento sa magiging anak mo?! Hirap na hirap na nga ako rito, Camille! Hindi mo alam ang hirap ko para lang mapagtapos kayong lahat at masustentuhan tapos nagpabuntis ka pa?!”
Sobra akong naiiyak sa sobrang sama ng loob ko. Si Camille ang inaasahan ko para kahit papa'no ay makahinga na ako nang maluwag. Tapos ganito pa?
“Alam kong iyan ang sasabihin mo, Ate. Pero intindihin mo rin ako. Magsusustento naman sa akin ang tatay ng anak ko, e. Hindi ko naman sinasabi na ikaw ang magsusustento... Ang yabang mo na porke ikaw ang kumikita nang malaki sa pamilya.”
“Umayos ka sa pananalita mo, Camille! Ikaw na 'tong may kasalanan sa akin tapos ikaw pa ang may ganang magalit?!” singhal ko
Natigilan ako nang agad na binaba ni Camille ang tawag. Naiinis na napahilamos ako sa mukha ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit at sama ng loob.
Hindi ko na nagawang pumasok sa sumunod kong klase. Agad na akong umuwi dahil wala na rin akong lakas na magturo ngayong araw... I don't want to teach my students half-heartedly because I always give them the best teaching that I can give.
Sumakay ako ng tricycle pauwi. Tila lutang pa rin ako nang nasa bahay na ako dahil napagtanto kong hindi pala ako nakapagbayad sa tricycle driver. Nakonsensya naman ako. Napailing na lang ako.
I know I still have a lot of work to do but I just slept instead. I won't be able to focus anyway.
Gabi na nang magising ako. I looked at my phone and sighed when I realized it's already 8 pm. I guess I have to continue my workloads now. Someone like me shouldn't take a rest for a long time. I don't have time to rest and have a good time... Being a breadwinner can be suffocating. But what can I do? Naghirap din si Mama para mapagtapos ako. Kaya ako naman ngayon ang inaasahan nila.
Natigilan ako sa paggawa ng powerpoint nang makarinig ng katok sa pinto. Agad akong tumayo para pagbuksan kung sino man 'yon.
“Hi, miss...”
Natigilan ako nang gwapo at matangkad na lalaki ang bumungad sa akin. My lips parted while staring at him... He has hooded dark brown eyes, dark auburn hair, pointed nose, he has prominent jawline, his lips are perfectly shaped for his face... He's really handsome... probably the most handsome man I've ever seen.
I cleared my throat. “Yes?” I asked.
Natigilan ako nang ilahad n'ya ang kamay n'ya. “Pakibayaran ako sa utang mo. Hindi ka nagbayad sa akin kanina nu'ng sumakay ka sa tricycle ko,” sabi n'ya habang nakalahad pa rin ang kamay.
Napaawang ang labi ko. Itong gwapong 'to ang driver ng tricycle na nasakyan ko kanina? Sa sobrang lutang ko mukhang hindi ko napansin.
Napabuga ako ng hangin at kinuha ang wallet ko saka inabutan siya ng twenty pesos.
“I'm sorry about that. Medyo lutang lang ako kanina,” sabi ko na lang pagkaabot ko.
Natigilan ako nang nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pinto ko kahit nabayaran ko na siya. Napataas ang isang kilay ko.
“Ahm, may kailangan ka pa ba?” tanong ko na lang.
Isinandal n'ya ang ulo sa pintuan ko habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko.
“ID mo,” sabi n'ya saka inabot sa akin ang ID ko.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya saka agad na kinuha 'yon. “Thank you. I have to finish my work now, if you don't mind... Kung wala ka ng sasabihin, isasara ko na ang pinto,” sabi ko na lang.
Akmang isasara ko na ang pinto pero agad n'yang hinarangan 'yon ng kamay n'ya. Mas ibinuka n'ya ang pinto saka bahagyang inilapit ang mukha sa akin.
“Ano pa ba ang kailangan mo?” tila naiiritang tanong ko.
He smiled at me and my heart almost fell because of that smile. I just cleared my throat to calm myself. You can't blame me. This man is handsome as hell.
“Hi, ako si Cadence. Sabi ng kapit-bahay mo naghahanap ka raw ng mangungupahan sa isang kwarto rito... Pwedeng ako na lang?”