"W-What the hell, Cad?! What do you think of me?! I'm not a thing or an item that you can just own!" Naiinis na inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa akin saka buong lakas na itinulak siya palayo. Hindi naman siya natinag at nanatili lang na nakatitig nang kakaiba sa akin. Hinawi n'ya ang buhok n'ya saka napabuga ng hangin. "Of course you'll say that," he said and scratched his eyebrow. Hindi ako nagsalita. Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at pilit na pinakalma ang paghinga ko. Ilang ulit pa akong pumikit upang siguraduhin na totoong nangyayari 'to... Ito ang totoong Cadence. Ito ang totoo n'yang kulay. "I have to go somewhere, Liah. May kailangan pa akong asikasuhin. Don't worry, I'll be back," he mumbled and touched the top of my head gently. Napapitlag ako sa ginawa n'ya pero minabuti