"C-Cadence Lettiere? Baka nagkakamali ka lang, miss. Cadence Dimagiba ang pangalan ng boyfriend ko. Saka imposibleng siya ang may ari ng ganitong kalaking hotel, t-tricycle driver siya," mahinang usal ko. Halatang natigilan si Nathalie sa sinabi ko. "Liah, kung iyong lalaking 'yon ang tinutukoy mo..." Itinuro n'ya si Cad mula sa di kalayuan. "...siya nga ang may ari ng hotel na 'to. Cadence Lettiere ang buong pangalan n'ya," sabi pa ni Nathalie. Bakas sa boses nito ang pagtataka. I didn't respond. I closed my eyes tightly and tried to calm my raging nerves. I don't know what to think and believe anymore. I know I should not believe her easily. Hindi ko naman siya gano'ng kilala... pero hindi ko rin naman kilalang kilala si Cad. Maliban sa pangalan n'ya, ano ba'ng alam ko tungkol sa kan'