MARI’S POV Nakatingin si Mari sa perang nakatago sa ilalim ng kanyang kama. Ilang bag iyon. Billion ang halaga ng perang hawak niya. Walang kahit sinuman ang nakakaalam maging ang kanyang kapatid na si Madi. Naniniwala ang kanyang kapatid na mayroon siyang mental health pero ang totoo ay wala siyang sakit. Kailangan niyang magpanggap upang hindi makulong dahil sa pag-amin niya sa pagpatay sa Tito Clinton nila. Gusto niyang iligtas ang kapatid ganun din ang sarili. Kahit nasa mental hospital na siya ay sinusundan pa rin siya ng sindikato. Alam ng mga ito na alam niya kung nasaan ang pera bago namatay ang Tito Clinton. Wala lang magawa ang mga ito dahil magaling siyang magbaliw-baliwan. Kung hindi siya tinakas ni Madi sa men