Hindi mapaliwanag ni Madi kung bakit natuwa siya nang dalawin siya ni Joaquin. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito at ipinaluto pa siya ng lalaki. Natatakot siyang bumigay kay Joaquin lalo pa at noon pa siya nito sinusuyo. Gusto niya itong itaboy pero kahit anong taboy niya ay hindi ito tumitigil. Kanina nang pagbuksan niya ito ng gate ay gusto niya itong itaboy pero iba ang gusto ng kanyang puso. Gusto niya itong makasama. Gusto niyang pagbigyan ang sarili. Ang makasama kahit saglit lang ang lalaki. Alam niyang kapag may natuklasan sa kanya si Joaquin ay kusa itong lalayo sa kanya. Ibang Madi ang makikilala nito. Tiyak niyang magugulat si Joaquin kapag malaman nito na hindi ito ang nakauna sa kanya. Hindi niya kayang salubungin a