Mari’s pov LATE na nang magising si Mari sa bahay ni Dominic, tulog pa rin ang lalaki sa kanyang tabi. Maingat siyang tumayo upang hanapin ang kanyang damit. Mukhang nilabhan nga ng lalaki ang kanyang damit dahil malinis na iyon at nakahanger sa sala. Mukhang plinantsa pa ni Dominic ang kanyang damit upang matuyo agad. Lihim ang nadaraman niyang paghanga dito. Maingat ang kanyang mga galaw na isinuot ang damit. Hindi niya na ginising pa si Dominic. Nakangiting pinagmasdan niya ito habang natutulog. Sa iisang kama lang sila natulog nang gabing iyon. Sa unang pagkakataon ay nakatulog siya na hindi umiinom ng sleeping pills. Hindi rin siya nananaginip ng masasama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhaan niya ito ng larawan bago niya tuluyang nilisan ang bahay nito. Paika-i