Dominic’s pov WALA na si Rica nang magising siya. Hinanap niya ito sa buong bahay pero wala na ito. Hindi niya maiwasang hindi manghinayang. Ang kanyang puso ay nakaramdam ng kalungkutan dahil kahit number nito ay hindi niya man lang nakuha. Kahit pa misteryoso ang pagkikita nila at marami siyang katanungan ay hindi siya nangamba na baka masama itong tao. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman sa babae. Tila napakasaya ang kanyang puso. Wala siyang ginagawa kundi ang pagmasdan ang maamong mukha ni Rica. Tila puno ng kalungkutan ang buhay nito. Hindi niya man alam ang kahapon nito pero alam niya sa sarili niya na tatanggapi niya ang babae. Hinanap niya ang pangalan nito sa f*******: at google pero hindi niya ito nakita. Lalo pa