Chapter 01
ZAI
Bihis na bihis na ako para pumasok sa trabaho. Ito ang unang araw ko bilang karelyibo ni Joan ang matalik kong kaibigan. Malapit na siyang manganak actually sa susunod na buwan pana man pero maaga itong pinagleave ng kanyang asawang pulis.
Bago siya nag leave isang linggo din akong pasama–sama sa kanya sa ospital para alam ko ang dapat gawin sa klinika ni DR. ZANE KRISTOFFE DE LA COSTA.
Hindi ko mapigilan ang sarili na humanga sa doktor, hindi lang siya magaling na doktor ubod pa ng gwapo at siya rin ang may–ari nang hospital kasama niya sa pamamahala ang kanyang Tita Farrah na asawa ng kanyang Tito Henry na nagmamay–ari ng isang Construction Company dito rin sa bayan namin.
Bukod doon may mga construction supplies business pa sila. Si Zane ang every woman dreams, aaminin kong isa ako sa mga nangangarap sa kanya pero hangang doon lang siguro dahil may kasintahan na ang binata, anak ng mayor namin.
"Saan ka pupunta?" Nakaismid na tanong ni Myra, kapatid ko siya sa ama. Simula nang dumating ako sa buhay nila, hindi nila ako matanggap kasama ang kanyang inang si Janet. Anak ako sa labas ng aming ama.
Noong namatay ang aking ina pinagpasa–pasahan ako ng aking mga kamag–anak. Napunta ako kay Tita Ruth pero hindi rin niya ako nakayanan na alagaan kaya binigay niya ako kay Tatay.
Pero inayawan ako ng sarili kong ama dahil natatakot siya sa kanyang asawa. Dahil sa wala akong tigil sa kakaiyak nang araw na iyon napilitan si Tatay na isama ako. Pero sa kondisyon na hindi namin ipapa–alam ang totoong ugnayan naming dalawa.
May kaya sa buhay si Tita Janet, maganda ang kanyang posisyon sa munisipyo. Si Tatay walang trabaho hindi ko alam kung ano ang nakita ni Tita Janet sa kanya, ie dakilang batugan naman ang aking ama at wala pang bayag hindi marunong manindigan. Kaya sunod–sunuran lang ito kay Tita Janet.
Pinalabas ni Tatay na napulot niya ako sa simbahan, masakit sa aking kalooban pero wala akong choice para lamang magkaroon ako nang bahay na masisilungan nilunok ko ang kondisyon ng aking ama.
Lumipas ang taon nalaman din ni Tita Janet ang katotohanan na anak ako ng asawa niya sa dati niyang kasintahan. Hindi matanggap ni Tita Janet, pinaglupitan niya ako. Lahat ng gawing bahay sa akin nakatoka konting mali ko lang sinasabunutan ako.
Wala akong karapatan magsalita at lalo sa lahat wala akong karapatan magreklamo. Hindi narin ako nakapagtapos ng pag–aaral hanggang high school lang ang tinapos ko dahil wala daw perang budget para sa akin.
Maaga akong nagtrabaho hindi ako naging mapili kahit anong pwede gora ako para makaipon ako sa aking pagkokolohiyo. Kasama si Joan kahit anong raket basta may pera doon kaming dalawa. Sinuwerte si Joan dahil natanggap siyang sekretarya. Samantalang ako nanatili parin na tindera ng mga isda sa palengke.
"Sa trabaho ko sa ospital. Pansamantala ako ang papalit kay Joan." Sagot ko sa kanya hindi alintana sa akin ang nakakainsultong tingin sa akin ni Myra.
Ibinalik niya ang atensiyon sa pagbubuklat ng mga magazine na hawak at ipinatong ang paa sa center table. "Talaga lang huh, ospital? Ang isang kagaya mo bagay lang sa palengke, kasama ng mga isdang malansa. Sa bagay hindi ka rin naman mag–tatagal doon kaya samantalahin mo na," patuya niyang wika at tumawa ng malakas.
"Karelyibo ako ni Joan, baka aabot din ako ng buwan."
"Kaya nga, hindi karin magtatagal din doon kaya palengke ulit ang bagsak mo. Mangangamoy isda ka ulit, kahit kudkurin mo ang buong katawan mo ng sabon. Amoy isda kapa rin."
Nasaktan ako sa sinabi ni Myra pero hindi ko na lamang pinansin. Sanay na sanay na ako sa kanya. Kahit noong mga bata pa kami, tampulan na niya ako ng tukso at pang–aasar. Alam ko ang aming pagkakaiba.
Mestiza, maganda at matangkad si Myra minana niya sa kanyang ina na half german. Suki din ang babae sa mga beauty pageant. Pareha kami din rin siya nakapagtapos ng pag–aaral, siya gustong paaralin pero ang babae walang hilig sa pag–aaral.
Panganay si Myra at may dalawang kasunod pa si Vien at Haye, mabait ang dalawa hindi kagaya ni Myra. Kung isasali nila ako sa kabilang dapat pangalawa ako na kapatid nila pero ayaw ni Tita Janet. Hindi ako kasali sa pamilya nila kaya hindi ako kasali sa bilang.
"Pakisabi nalang kay Tita Janet aalis na ako. 9:30 ang time In ni Dok Dela Costa pero da–"
Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong hawakan sa braso. Napatingin ako sa kanya. Nangingislap at namimilog ang mga mata niya.
"Dela Costa? You mean Zane Kristoffe De la Costa?" May paniniguro sa kanyang tinig.
Tumango ako na may kasamang pagtataka. Hindi ba niya alam na ang binata ang boss ni Joan?
"Pwede ba ako nalang maging karelyibo ni Jo? Sa palengke kana lang mas bagay ka naman doon kaysa maging sekretarya," umikot siya sa harapan na tila ipinagmamayabang niya ang hubog ng kanyang katawan.
Kung katawan ang labanan, ano ba laban ko sa kanya? Sa isang 5"8 ang tangkad na tulad ni Myra. Samantalang ako 5"1 lang yata. Hindi na nga binayayaan ng sobrang kagandahan pinagkaitan pa ng tangkad.
Kung utak ang labana tiyak 100% may laban ako pero pakiramdam ko. Nowadays hindi utak ang labanan kundi magandang mukha at magandang katawan. So sad alanganin ako sa parteng iyon.
Nasaling ang ego ko sa sinabi ni Myra. Kahit sanay na akong lait–liitin niya hindi parin maiwasan na masaktan ako. Pero hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Umaasa parin akong tatanggapin nila ako at ituring na kapamilya.
Tiningnan ko ang sariling repliksiyon sa salamin sa sala. Tingin ko maayos naman ang aking ayos. Malinis ang pagkapony–tail ng straight kong buhok. Ni isang hibla ay walang nakalugay sa mukha ko. Pati ang sout kong scrub suit na kulay mint green, ito ang uniforme ng mga sekretarya ng mga doktor doon sa ospital.
May ibang sekretarya dalawang doktor ang hawak nila ang sa akin tanging si Dok. Zane lang.
Tumalikod na ako at lumabas ng pinto. Hindi ko na pinakinggan ang mga hirit ni Myra. Ito lang ang unang pagkakataon na may maayos akong trabaho na nakuha pati ba naman ito aagawin pa niya.
Ilang beses na akong nagparaya sa kanya, gaya noon may manliligaw ako kahit hindi ako maganda may appeal naman ako. Kaya pala tumigil sa panliligaw sa akin si Tristan dahil palihim niyang inaahas. Kaya pinili ni Tristan ang umalis dahil binusted ko dahil kay Myra at utos narin ni Tita Janet.
Asan na kaya ang lalaking iyon? Hindi na nagpaparamdam sa akin. Ang huling balita ko kinuha na daw nang nanay niya nakapag–asawa ng amerikano.
Ang totoo nakapagbuo na ako ng imahe na gusto ko sa isang lalaki na maging nobyo o asawa sa darating na tamang panahon–simple lang basta mahal na mahal ako.
Mahirap mangarap ng lalaking hindi ka papasa sa kanilang standard. Kagaya ng lihim kong pagtingin kay Dok Zane. Suntok sa buwan kong sakaling magustuhan niya ako. Sa isang linggo ko siyang nakikita sa ospital masasabi kong mabait siya hindi isnabiro lahat ng mga empleyado pinakikisamahan niya. At hangang–hanga ako sa pagiging dedicated niyang doktor sa kanyang propesiyon.
Hindi ko rin maiwasan na sobrang mainggit sa kanyang kasintahan niyang Stacey na isang sikat na modelo.
Basta...alam ko may lalaking darating sa buhay ko. Everytime na mananaginip ako, gising man o tulog. Darating siya sa tamang panahon. Napapangiti ako. Kahit papano nagbalik ang konting kumpyansa ko sa aking sarili na saglit nawala dahil sa pambubuska ni Myra.
Alas–otso, tamang–tama ang pagdating ko sa ospital agad na akong dumiretso sa clinic ni Dok. Pagkarating ko may mangilan–ngilan ng mga pasyente ang nakapila.
The clock is ticking! Hindi maalis ang mga mata ko sa orasan na nakasabit sa wall. Malapit na ang 9:30 mamaya darating na ang pinakapaborito kong doktor. Lahat naman yata dito sa hospital gusto ang binata.
Masaya akong inaayos ang ibabaw ng table ni Dok pati ang mga patient records para pagdating niya mamaya ready na ang lahat.
Inayos ko ang sarili at tumingin ulit ako sa wall clock 9 am na. Hindi ako mapakali, lumapit ulit ako sa table niya at chi–neck ulit ang mga patient kung wala ba akong nakaligtaan sa kanilang information.
Siguro ngayon nasa baba na si Dok nag ro–roving sa mga pasyente niyang naka–confined. Naglakad ako at naupo sa pwesto ko sa gilid ng pinto.
Tumayo ako ulit at tumingin sa wall clock. Konting–minuto na lang darating na siya. Hindi ko na mapigilan ang kaba sa dibdib ko pakiramdam ko may mga dagang nagkakakerahan sa dibdib ko.
Biglang bumukas ang pinto muntik na akong mapatalon sa gulat. Si Elsa lang pala ang sekretarya sa harapan namin na pinto. Hawak–hawak niya ang kanyang dibdib, animo'y nakakita nang engkanto.
"His coming..." kinikilig na bulalas niya.
Kunwa'y tumaas ang kilay ko, ayoko naman ipahalata sa babaeng ito na mas excited ako sa kanya. Pasimple akong tumuwid ng upo.
"T–Talaga..."
"Ang gwapo talaga niya, Zai. He was so pogi in a rugged way, alam mo 'yon parang hindi doktor comportable in denims and shirt and mocassins," aniya na may kasamang pamimilog ng kanyang mata, bigla itong sumimangot. "Hindi kagaya ng boss ko matanda na panot pa," lumabi ito.
Natawa ako sa sinabi niya. Matanda na kasi ang doktor na amo niya pero magaling itong cardiologist.
Hindi kagaya ni Zane. Tall, dark , broad–shouldered and very attractive in a rugged way. Sa isang linggo kong pasama–sama kay Jo ni minsan hindi ko ito nakitang nagsout ng pormal na damit. Magdo–doctor suit lang ito kapag oras ng trabaho niya kapag break–time hinuhubad niya at aakyat ito sa taas. Kung saan naroroon ang opisina nang kanyang Tita Farrah.
Nakilala ko na rin ang Tita niya, minsan inembeta kami maglunch. Mabait at ganoon din ang pinsan niyang si Hanna na isang OB–GYNE.
Sabay kaming napatingin nang pumihit ang serasdura. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang iluwa ang binatang doktor na kanina ko pa pinagpapantasyahan. Ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko.
He furrowed his brows! Marahil andito si Elsa. Ayaw na ayaw niya ang maagang tsismisan, kapag oras ng trabaho dapat magtrabaho ka lang.
"G–Good morning dok...." bati ko sa kanya sa panginginig ng boses ko. Nagkatinginan kami ni Elsa at pilit itong ngumiti sa binata.
"B–balik na ako sa kabi–la d–dok..." nangingimi niyang wika sa binata at kumaripas itong lumabas ng silid.
He smiled. "Good morning," magiliw niyang bati din sa akin. At dumiretso sa kanyang table parang malalaglag ang mata ko sa kakatitig sa kanya. Kahit likod nito ay ulam na. Napa–ayos ako nang tayo ng lumingon ulit siya sa akin. "Marami tayong pasyente, today?" Tanong niya habang sinusuot ang kanyang doctor suit.
Sunod–sunod ang paglunok ko pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi maalis ang paningin ko sa kanya. Nagsalimbayan ang kaba sa aking dibdib na lumukob sa buo kong pagkatao. Sa titig palang niya tunaw na tunaw na ako.
Tumango ako. "Opo, dok." Lumapit ako sa mesa niya para bilangin ang ulit ang mga patient record sa ibabaw ng kanyang mesa. Nabilang ko na ito kanina pero nakalimutan ko dahil sa kanyang presensiya. Nanginginig ang mga kamay ko habang isa–isa kong binilang.
Napasinghap ako ng lumapit siya sa akin. Para tingnan ang mga records, ang bango–bango niya. Mas lalo pa akong napasinghap ng dumikit ang balat niya sa balat ko nakaramdam ako ng kakaibang init.
"Are you okay? You sick?" Takang tanong niya at nanlaki ang mga mata ko nang kapain niya ang noo. "It seems you're okay, why you shaking?"
"O–okay lang ako, dok?" sagot ko pero hindi ko maiwasan na kiligin. Inabot niya sa akin ang lahat ng records.
"Bumalik kana sa mesa mo, Zai , para mag–umpisa na tayo para agad ko matapos. May lakad ako susunduin ko pa si Stacey."
Lumaylay ang mga balikat ko sa narinig. Siguro uuwi ang girlfriend niya. Nalungkot ang puso ko sa narinig wala sa sariling naglakad ako patungo sa mesa ko.