PROLOGUE
ZAI
Nanginginig ang mga kamay ko at nangangatog ang mga tuhod ko. Habang nilalakad ang mahabang pasilyo papunta sa ikapitong palapag ng ospital na ito. Hindi hadlang sa akin ang bigat ng batang karga-karga ko. May tao akong gustong kausapin. Magbabasakali na matulungan niya ako sa problema ko. Siya ang tanging tao na makakatulong sa akin ngayon.
Naliligaw yata ako hindi ko parin makita ang clinic ng taong gusto ko kausapin. Anim na taon na ang nakalipas ng huling tuntong ko dito. Ang laki na ng pinagbago ng hospital. Mas lalo itong pinalaki at pinaganda.
"Asan dito ang opisina ni Doktor De la Costa?" tanong ko sa isang babae nasa tingin ko ay doktor din. Sakto ang paglabas nito sa isang silid na kung saan napadaan ako.
Tumaas ang kilay nito at sinuyod ako ng tingin mula ulo hangang paa. Nahiya akong inatras ang mga paa ko sandal na gawa lang sa goma ang sout ko. Pero siniguro ko naman na malinis ang sout ko. Medyo magulo lang ang buhok ko dahil galing ako sa mahabang biyahe. At hindi ko pwede ilapag ang batang bitbit ko madali itong hingalin at hindi pwede sa kanya ang mapagod.
"You have an appointment with Dok dela Costa?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.
Napailing-iling ako at napayuko ng ulo."Oh you dont have? The first thing you do matuto ka pumila hindi yung sugod ka ng sugod-kaya nga may "OPD, right?" mataray nitong sabi sa akin.
"Importante po kasi ang sadya ko sa kanya, maam," nahihiya kong sagot sa babae.
"Whatever matuto ka parin pumila. Dont make yourself special because you are not," patuya itong tumingin sa akin and she walked.
Nalungkot akong ibinaba si Yuan nabigatan narin ako sa kanya. Pahingain ko lang saglit ang mga baraso ko. Baba na lang kami ulit at magtiya-tiyaga kaming pumila sa OPD.
"Nanay pagod na ikaw?" inosenteng tanong na limang taong gulang kong anak. "Lakad na lang ako nanay kawawa kana man po," mahina nitong sabi sa akin. Kitang-kita ko ang hingal ng anak ko at ang pamumutla niya. Kahit may sakit siya pinipilit parin niyang maging malakas para sa akin. Naiiyak akong tingnan ang anak ko.
Umiling ako at lumuhod sa harapan niya para magpantay kami.
"Di baleng mapagod si nanay wag lang ang Yuan ko," pinilit kung ngumiti sa kanya. Kahit wasak na wasak na ako kailangan ko maging malakas para sa kanya hindi ako pwedeng magpakita na mahina ako. Kailangan ko ipakita na malakas ako para sa kanya. Kapag ina ka handa mong gawin lahat para sa anak mo walang mahirap na hindi mo kakayanin.
Muli ko siyang binuhat at babalik na lang kami sa baba. Hindi pa kami nakakalayo ng bumukas ang isang pinto. May naririnig akong boses ang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Halos manlambot ang tuhod ko na makita ko ang lalaking hinahanap ko.
Si Doctor Zane Kristoffe De la Costa ang dati kung asawa at tatay ng anak ko. Gulat ang expression ng kanyang mukha ng makita niya ako. Hangang ngayon hindi parin niya ako kayang tanggapin kahit anim na taong na ang nakalipas at hangang ngayon nakikita ko parin ang pagkamuhi at galit sa kanyang mata.
"Zairah," bulalas ni Hanna ang pinsan niya na isa ring doktor. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa batang karga-karga ko.
"What are you doing here?" pormal na tanong sa akin ni Zane. His eyes looks like a daggers.
"Hindi ako mang-gugulo, Zane , kailangan ko lang ang t-tulong mo...." halos magkadautal-utal kung sagot sa kanya. Kinagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan na hindi ako maiiyak. Hindi ako magpapakita sa kanya kung hindi lang nagkasakit si Yuan. Siya lang ang makakatulong sa akin may posibilidad na match sila ng bone marrow ni Yuan. May anaplastic anemia ang anak ko, only bone marrow transplant can help to save my son.
He furrowed his eyebrows!
"We talk inside not here," sabad ni Hanna. Nilapitan ako at hinila papasok sa loob ng silid at doon ko lang napansin ang nakasulat sa labas. Ang buong pangngalan ni Zane at ang propesiyon niya. He is one of the best nuerosurgeon in town kahit noon pa. Magaling siyang doktor at dedicated siya sa kanyang trabaho. Ako lang malas sa buhay niya na lagi niyang pinapamukha sa akin noon. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na wala akong kwenta. Im just nobody!
"Kayo na lang Hanna marami akong pasyenteng naghihintay sa akin sa baba. Wala akong panahon sa mga walang kwentang drama ng babaeng yan," matigas nitong sabi at aakmang tatalikod na siya ng dumating si Tita Farrah. Ang babaeng halos nagpalaki na kay Zane.
"Pumasok ka," utos nito sa kanya at wala itong nagawa kundi ang sumunod na lang sa tiyahan pero kitang-kita sa mukha nito ang matinding pagkadisgusto.
Kampante lang itong nakaupo sa harapan ko. Wala akong nakikita kahit na konting awa mula sa kanya. Panaka-naka'y sumusulyap siya sa batang kasama ko.
"What do you want?" Bakit kailangan mo pang magbalik?" malumanay niya na tanong pero ang mga mata nitoy mapang usig.
"D-dahil sa anak ko," hindi ko na napigilan ang sarili napaiyak na ako. Habang higpit ang kapit ko sa batang tahimik lang na nakasandal sa balikat ko. Nakapikit at naririnig ko ang mabini niyang paghinga sa tingin ko nakatulog na.
"A-anak..." pag-uulit niya sa hindi makapaniwalang tono. Kahit sila Doktora Hanna at Tita Farrah ay hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.
I shook. "Oo, anak , dahil may anak—tayo. Tulong lang ang kailangan ko nanga-ngako ako hindi ako manggugulo hindi ko guguluhin ang buhay mo gusto ko lang tulungan mo ako. Kahit ngayon lang pleassss...nagmamakaawa ako....." nanginginig ang labi ko habang nagsusumamo ako at walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.
Wala akong hindi kakayanin para sa anak ko, kahit ipagtabuyan pa niya ako ng maraming beses.
Ako po si ZAIRAH MIKAELA SANDOVAL. Isang asawa at isang ina. Nagmahal pero sobrang nasaktan. Tunghayan niyo po aking kwento.