Chapter 02–Selos

2614 Words
Chapter 02 ZAI POV NAGLINIS muna ako ng clinic bago ako uuwi. Maagang natapos ang clinic hours ngayon dahil nagkaroon biglaan na board meeting. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding, mag–ala–singko na pala kailangan makauwi na ako ng bahay. Tiyak, paguwi ko ako pa ang magluluto ng hapunan namin. Well, ganoon naman ang aking buhay minsan nakakasawa na pero wala akong magagawa. Kung aalis ako wala naman akong mapupuntahan. Hindi pa sapat ang aking kinikita para magsarili ako pero alam ko sa aking sarili darating ang araw, makakaalis din ako sa bahay ng evil step mother ko. Konting tiis na lang, Zai. Hay, buhay nga naman! Bakit ang saklap mo sa akin? Mula pagkabata puro pagdurusa at pasakit na lang ang nangyayari sa buhay ko? Maagang nawalan ng ina! Iniwan at tinanggi ng sariling ama, pinaglupitan, inalila at hindi kamahal–mahal. Napatingin ako sa salamin dito sa loob ng banyo at pinilit kung ngumiti. Maganda naman ako–with a good heart nga lang. At pinagpatuloy ko ang paglilinis ng CR. Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos din ako sa ginagawa. Inayos ko ang aking sarili para makauwi na ako ng maaga. Lumabas na ako nang clinic at binaybay ang pasilyo patungo sa elevator. Pinindot ko ang button patungo sa first floor, habang hinihintay ang pagbukas ng elevator kinalkal ko ang aking bag para kunin ang keypad kung cellphone. Tatawag ako kay Joan, may itatanong lang ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Zai!" Napatingin ako sa likuran ko, nakita ko ang nakangiting si Elsa. Tiyak may chicka na naman ito para sa akin. Malamang may nasagap na naman itong balita. Bago pa niya masabi ang sadya, uunahan ko na siya. "Mauna na ako sa'yo, Elsa , dahil hapon na alam mo naman sa bahay hinihintay na ako ng kaldero at kawali para ipagluto ang dragona kong madrasta at ang bruhilda kong kapatid na si Myra pati ang tatay kung batugan," may himig na pabiro kong sabi sa kanya. Natawa ito at hinampas ako sa balikat. "Ikaw talaga? Yayain sana kitang gumala sa plaza. You know na, andiyan ang super model s***h jowa ni Dok. May palibreng concert at pa contest siyempre tauhang pandangal si Stacey." Nakangiting wika nito. Lumaylay ang dalawang balikat ko sa narinig. Muntik ko ng makalimutan, ngayon darating ang kasintahan ni Dok. For sure, pagkakaguluhan ito ng mga taong bayan. Bukod sa sikat itong modelo—pinasok narin nito ang acting industry. May napanood akong interview niya may gagawin itong pelikula at teleserye. Hindi naman nakakapagtataka iyon dahil ubod ng ganda si Stacey at napakaganda ng hubog ng katawan nito. Mga katangian na kahit sa kalingkingan ni Stacey ay walang–wala ako. Hayyy...Sana all Stacey Mariano. "Sa susunod na lang, Elsa..." tanggi ko, dahil sasakit lang ang mga mata ko lalo na ang puso ko. Sa makikita ko doon, tiyak darating si Dok upang suportaan ang kanyang kasintahan. Masakit sa dibdib sa tuwing nakikita kong masaya siya kapag kausap niya ito sa phone at nakikita ko ang mga nagkalat nilang mga larawan sa social media. Ang buong bansang pilipinas alam na alam ang tungkol sa relasyon nila. Nagkibit–balikat si Elsa. "Okay, pero next time, sama ka." I shooked my head. "Bawi ako next time," ani ko at pumasok na ako sa loob ng elevator ngunit hindi ko napansin na mayroon palang tao doon at hindi sinasadyang nabunggo ko siya. Napapikit ako dahil pakiramdam ko tila poste ang nabangga ko at naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Ang bangu–bango, parang ang sarap yakapin at halikan. Bumilis ang t***k ng puso ko bago paman ako mawalan ng panimbang mayroon akong naramdaman na kamay sa bewang ko at pahapit akong hinila. Ang sunod kong nalaman ay tila lumutang ako sa ere. Napatili ako kasabay ng paglapat ng mga paa ko sa sahig. "Be careful, Zai , look where you are walking," iritado ang boses nitong baritono. Mainit ang mga palad nito at nakukuryente ako, mas lalong bumilis ang t***k nang puso ko na may kasamang matinding kaba. Unti–unti kong idinilat ang mga mata ko. Napanganga ako sa kagwapuhan ng aking kaharap. Simbolo ito ng lahat ng pinapangarap kong lalaki. "Are you okay?" "Z–Zane...este—Dok. Zane..." bulalas ko sa nanginginig na boses. "Y–yes, Dok." Nalilito ako sa isasagot ko sa kanya. Nagsalubong ang dalawang kilay nito. "Why, you always stammered?" He asked curiously. "Uhmm....Ah..." napakamot ako ng ulo at hindi malaman ang gagawin ko. Mas lalong nagsasalubong ang mga makakapal na kilay nito. Oh my God! Siya na nga ang kabuuan ng aking panaginip. Pero kaagad kong binawi ang nasa isip. That's why it's a dream, cannot be true. "Okay lang po ako, Doc. Ako naman po ang may kasalanan." Saka lang nito tinanggal ang pagkahawak sa bewang ko. Hilaw akong ngumiti sa kanya at pasimple kong inayos ang aking sarili. He nodded. Nang biglang magring ang cellphone niya. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa at tumalikod sa akin while answering the call. "I'm on my way, babe. Nagkaroon lang ng biglaan na meeting," malambing niyang paliwanag sa kausap sa kabilang linya. Hindi maalis ang mga ngiti nito sa labi habang nagpapalitan sila ng mga sweet words. Umatras ako dahil masakit sa pandinig ko at isinandal ang ulo ko sa dingding ng elevator. Iniyakap ko sa aking katawan ang mga braso at umiwas ng tingin kay Doc. "Of course, babe! I really missed you..." he added. Ipinagdadasal kung bumukas na ang elavator pero tila bumabagal yata ang pagikot ng oras at gusto pang iparinig sa akin ang lahat ng kanilang usapan. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa mga matatamis na salita na binibitawan ni Zane sa kanyang kasintahan. Makalipas ang ilang saglit bumukas ang elevator. Bago niya binalik ang phone sa bulsa ng kanyang trouser ay isang matamis na "I LOVE YOU" ang binitawan niya sa kasintahan. Malakas na tili ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkatulog. Saka ko lang namalayan dinala pala ako sa basement parking lot. Muling may sumigaw ng "Babe". Napalingon ako sa pinagmulan nang malamyos na tinig. My eyes widened, nang makita si Stacey kasama ang ilang mga bodyguard nito. Isang napakatamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zane ng makita ang kasintahan. Nagmadaling humakbang ang binata upang salubungin ang papatakbong babae. Ang ganda ni Stacey; hindi lang maganda kundi ubod ng ganda. Bagay na bagay silang dalawa. Binuhat ito ni Zane at inikot sa ere bago pinalupot ni Stacey ang dalawang binti sa balakang ni Zane habang ang mga labi nila ay magkalapat sa isa't–isa. Napayuko ako, pakiramdam ko hiyang–hiya ako sa eksenang nakikita ko. Para akong nanonood ng pelikula. Nanuyo agad ang lalamunan ko, kahit wala akong dahilan para magselos pero iyon ang nararamdaman ko. Nanatili lang akong nakatayo sa likuran nila tila may mga bakal na nakatali sa mga paa ko, nawalan ito ng mga lakas upang humakbang papalayo. Ang tagal bago natapos ang mainit nilang halikan. Pagkatapos, pinaliguan pa ito ng mga halik ni Zane sa iba't–ibang parte ng mukha ang kasintahan. Makikita mo sa kanya ang matinding pananabik sa babae. Napapaliyad sa kiliti si Stacey sa ginagawa ni Zane. Bumaba mula si Stacey sa pagkabuhat ni Zane. Nakita ko nang tapunan niya ako ng tingin. "Who is she, babe?" Umpisa ng babae. Lumingon sa akin si Zane. Kumunot ang noo nitong nakatitig sa akin, marahil nagtataka ang lalaki. Bakit nga ba andito ako? At bakit hindi pa ako umaalis? "Miss, Sandoval? Ano ang ginagawa mo diyan?" Nagtatakang tanong nito sa akin. "She is my secretary, Babe..." dagdag pa nito. Bigla ang pagguhit ng relief sa mukha ni Stacey, hindi ko alam kung selos, ba ang nakita ko sa mga mata niya? Pero—sino ba ako para pagselosan niya? Tumango–tango si Stacey at muling yumakap kay Zane at hinagkan ito sa noo ng binata. "N–nakalimutan ko, Doc , dapat sa first floor ako baba..." nauutal kong sagot sa kanya. Pero wala sa akin ang atensiyon nila, kundi nasa kanilang dalawa lang. Ang mga mata nila ay puno ng pag–ibig. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Higit kailanman, malabong mapasaakin ang isang Zane Dela Costa. "I missed you, babe..." malambing na sambit ni Stacey at yumakap ulit sa binata, ganoon din si Zane sa kanya. Bago pa ako matunaw sa selos na naramdaman ko. Tumalikod na ako, diniin kong pindot–pindutin ang button ng elevator pabalik sa taas. Bago ulit bumukas ang elevator pasimple akong sumulyap sa kanilang dalawa. Nakita kong nakatayo sila sa tapat ng sportscar ni Zane at bumaba ang valet. Zane tipped him and opened the passenger for Stacey and let her in. Hangang sa marinig ko ang pagtunog ng elevator. Agad–agad akong pumasok sa loob at sumandal sa wall. Unti–unting sumasara ang pinto ng elavator, nakita pa nang dalawang mata ko ang muli nilang paghahalikan bago tuluyang nagsara ang elevator. Ang bigat ng pakiramdam ko habang naghihintay ako ng tricycle sa labas ng ospital pauwi sa bahay. Kung bakit mag–iilusyon din lang ako ng lalaking mamahalin, isang kagaya pa ni Doc. Zane? At kung bakit kasi lahat ng katangiang binuo ko sa aking imahinasyon ay taglay nito? PAGKAUWI ko nang bahay agad na akong nagbihis. Milagro walang tao yata dito sa bahay. Asan kaya ang mommy dragon at ang isang baby dragon? Maliban lang kay Vien at Haye na mababait kumpara sa dalawa. Napabuntong–hininga ako pagkalapit ko sa lababo, usual tambak ang hugasan at ang dumi ng lutuan. Wala namang ibang maglilinis nito kundi ako. Bago pa ako masermonan ay agad na akong kumilos, nagumpisa akong maghugas at mamaya magluluto ako ng hapunan. Gayunman ay hindi parin mawala sa utak ko ang nakakainggit na tagpo nina Zane at Stacey. Pinapangarap ko na ako na lang sana si Stacey. Napahawak ako sa sarili kong labi, kaysarap siguro na mahalikan din ng isang Zane. Napahugot ako ng malalim na hininga. Hay, ang suwerte talaga ni Stacey! "Ano ang iniisip mo?" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Napangiti ako ng makita si Joan, ang isang kamay nito ay may bitbit na plastic at isang kamay nakahimas sa mala–bola niyang tiyan. Malapit na manganak itong matalik kong kaibigan. "Wala." Pagkibit–balikat ko, binitawan ko ang kaldero at nagpunas ako ng mga kamay. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dala niya. Sinilip ko ang laman nito--isdang tamban. Ipapaksiw ko na lang at magluto narin ako ng pakbet. "Sus! Si Doc, noh?" May panunukso sa tinig nito at hinila nito ang isang silya at naupo. "Hindi ah!" "Kunwari ka pa. Dumating na pala si Stacey?" Tumango ako at muli akong naghugas. "Mukha naman siyang mabait," ani ko pero narinig ko ang pagtawa ni Joan. "Mukha lang. Supladita 'yon at selosa pa," sabi nito. "Ingat ka sa babaeng iyon. Ewan kung ano ang nagustuhan ni, Doc , sa babaeng iyon? Kahit si Doktor Farrah ayaw sa babaeng 'yun," nakasimangot na sabi ni Joan. "Kapag andito 'yon asahan mong araw–araw mong makikita sa clinic ni, Dok. Nakakairita kaya ang babaeng iyon sa totoo lang, noh?" Ibig sabihin, araw–araw kong makikita ang pagiging sweet ng dalawa. Araw–araw na madudurog ang aking puso. Naipilig ko ang aking ulo. Lihim kong pinapagalitan ang sarili. Ang bata–bata ko pa, kung anu–ano na ang aking iniisip. Kaya ako naroon sa sa clinic para magtrabaho para iahon ang aking sarili mula sa kahirapan, hindi para lumandi. Isa pa, dapat kong itanim sa kukote ko na hindi ako kailanman puwedeng lumandi, sa isang Zane dahil alam kong hindi rin ako papansinin. Masasaktan lang ako. Ngiting–ngiti si Tatay nang dumating sa bahay. "Kumusta ang unang araw sa trabaho mo?" Kaagad nitong tanong pagkatapos kong magmano. Pati si Joan nagmano din kay Tatay, kahit walang kwenta itong aking ama. May natitira parin akong konting respeto sa kanya dahil pinapasalamat ko pa rin, nagkaroon ako ng buhay dahil sa kanya. "Okay naman po, Tay!" walang kagana–gana na sagot ko sa kanya. "Bakit, hindi na lang ako ang kinuha mo, Joan , mas bagay sa akin ang maging secretary kaysa kay Zairah," sabad nito sa usapan namin. May bitbit ang isang kamay nito na isang fashion magazine at napansin ko ang cover, si Stacey. Habang ang isang kamay sinusuklay ng daliri ang mahaba at kulot na buhok. "Bakit naman ikaw ang kukunin ko? Tiyak maglalandi ka lang doon, para namang hindi kita kilala, Myra!" Asik sa kanya ni Joan at sumulyap sa akin. Sumimangot ito. "Tsee...Hindi naman talaga bagay sa kanya..." "At sa'yo bagay?" Agap ni Joan. Namula ang mukha ni Myra sa galit. Galit itong humarap sa amin. "Talagang hindi bagay sa kanya. Makaalis na nga. Magsama–sama kayo at kampihan ninyo ang amoy isdang 'yan." "Myra..." galit na tawag ni Tatay sa kanya pero inirapan lang siya ni Myra at tuloy–tuloy itong naglakad palabas ng bahay. Wala naman talaga itong respeto kay Tatay. "Kung ayaw mong pagsabihan umayos ka," sigaw ni Tatay. "Sino ang tinakot mo? Sumbong kita mamaya kay Mommy." Banta na sigaw ni Myra mula sa labas. Nagkatinginan na lamang kami. At nagtaas ng mga balikat namin. "Pasensiya ka na talaga sa kapatid mo, Zai," paghingi ng paumanhin ni Tatay. Wala din naman itong magawa sa ugali ng anak niya. Tiyak mamaya, may mapapagalitan na naman ni Tita Janet. Sa malamang ako—iyon? "Huwag kayong mag–alala, Tay. Sanay na ako sa pamilya mo. Bale–wala sa akin 'yon. Sa tagal ba naman na inaasar ako niyang anak mong si Myra, nasanay na ako," sagot ko sa nakakaunawang tono. Kahit masama ang loob ko rito. Iwan ko ba, kung bakit hindi ako marunong magtanim ng matinding sama ng loob sa isang tao. Umaasa akong tatanggapin nila ako, kaya siguro nanatili parin ako sa kanila kahit sa kabila ng ginagawa nila sa akin. "Salamat, anak. Napakabait mo..." sagot ni Tatay. Hindi narin nagtagal si Joan at nagpaalam ng umuwi. Dahil walang tigil sa kakatawag ang asawa niya kakauwi lang galing sa duty. Masaya ako para kay Joan dahil nakatagpo siya ng asawa mabait at mapagmahal. Habang naghihiwa ako ng mga pansahog para sa pinakbet. Nang biglang may humila sa buhok ko. Hindi pa ako nakaporma ay isang sampal na ang dumapo sa pisngi ko. Sa peripheral vision ko nakita kung pangiti–ngiti sa Myra, tuwang–tuwa siya sa ginagawa ng kanyang ina. Lumabi pa ito sa akin. "Buti nga sa'yo," she murmured to the air at ngumiti ng nakakaloko. "Hindi ka marunong magbigay sa kapatid mo, ambisyosa ka..." galit na usal ni Tita Janet na may kasamang panlilisik ng kanyang mga mata. Malamang nagsumbong na ang bruha tungkol sa trabaho sa clinic. "Pagkakataon na ng kapatid mo para makilala siya ni Stacey para matulungan siya maging modelo." Ulit pa nito at muling hinila ang buhok ko. "B–bakit ba ako ang lagi niyong nakikita, T'yang?" sagot ko rito na kulang na lang maiyak ako sa ginagawa niya pero ipapakita ko sa babaeng ito na hindi ako iiyak. Sanay akong sabunot–sabunutan niya. "Bakit hindi ikaw? Aber?" Sigaw nito sa akin. "Tama na iyan, Janet," awat ni Tatay pero itinulak lang ito ng asawa niya at dinuro pa siya sa mukha. "Aba? Kinakampihan muna itong anak mo sa labas, Zandro?" Galit na galit itong humarap kay Tatay. Tinapunan ko ng matalim na titig ang aking ama nang makita kong yumuko lang ito at umatras. Para itong basang sisiw na bigla na lang natahimik sa tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD