Chapter 06–Iiwas

2268 Words
Chapter 06 Zai POV BAGO tuluyang lamunin nang kadiliman ang araw. Umalis na ako sa resthouse ni Zane, hindi na ako nagpaalam pa. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga sasabihin niya. Nakakalunod sa sakit at ang hirap huminga. Nang pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto, iyon naman ang kinuha kong pagkakataon para lumayas. Balewala sa akin ang paso ko, kung mananatili pa ako mas lalo lang akong masasaktan. Babalik na ako sa mga kaibigan ko, tiyak hinahanap na nila ako. Hindi nga ako nagkakamali nataranta na sila sa kakahanap sa akin. "Saan ka nagpunta, Zai?" Nag–aalalang tanong nilang tatlo. Nagkibit–balikat lang ako. "Diyan lang sa tabi–tabi papahangin," walang ganang sagot ko with my shoulder drop. Nagkatinginan sila at nagsabay pang nagkibit–balikat. Walang kabuhay–buhay na hinakbang ang mga paa ko patungo sa cottage na inaakupa namin. Pagpasok ko sa loob marahan kong isinara ang pinto. Sinandal ko ang aking likuran sa likod ng pintuan at doon ko ibinuhos ang mga luha ko na kanina ko pa gustong pakawalan. Gusto ko siyang ibuhos upang maibsan ang bigat na aking nararamdaman. Tuturuan ko ang aking sarili na kalimutan siya at buburahin dito sa puso ko. Sunod–sunod na katok sa pintuan ang narinig ko. Dali–dali kong pinahiran ng mga daliri ko ang mga luha sa pisngi ko. Suminghot ako ng tatlong beses. I took a calming deep breathe and released. Before i opened the door. Nang mabuksan ko ang pinto agad akong tumalikod at mabilis hinakbang ang mga paa patungo sa banyo. Ayokong makita nila na may bakas na mga luha ang aking mga mata. Walang kami pero ang sakit. Sakit na hindi ko maintindihan kung bakit? Hindi ko mahanap ang tamang kasagutan, pakiramdam ko kasi may nagdudugtong sa aming dalawa ni Zane. Akmang bubuksan ko ang pintuan nang banyo ng tinawag ako ni Elsa. Huminto ako pero hindi ako lumingon. "Okay ka lang ba, Zai?" Tanong nito. "Napapansin namin ang pagtahimik mo..." nag–alalang wika din ni Dhel. "Zai, okay ka lang ba talaga?" Tanong naman ni Love. Mababakas ko sa mga tinig nila ang pagalala sa akin. Ngunit ayoko isipin nila na nasasaktan ako ngayon. Ayoko silang idamay sa problema ko. Saka isa pa nahihiya akong magopen up sa kanila. I shrugged my shoulder. "Okay lang ako wag kayong mag–alala." Sagot ko na hindi parin lumilingon. "Siguraduhin mo lang, huh? Magbar tayo maya–maya lang, andito na tayo kaya sulitin na natin," nakangiting turan ni Elsa. Sunod–sunod na tango ang ginawa ko. Pumasok na ako sa loob nang banyo at agad ko itong nilock at humarap ako sa salamin. Ipinatong ko ang dalawang kamay sa sink ang mga mata ko nakatitig lang sa repleksiyon ko. Hindi naman ako pangit. Simple lang, hindi ako marunong mag–ayos---kahit make–up hindi ako marunong maglagay. Polbo at maitali ko lang ng maayos ang aking mahabang buhok, sapat na iyon para sa akin. Hindi lang siguro talaga ako attractive kaya hindi ako magustuhan. Kakainis lang magkakagusto lang din ako sa lalaking hindi ko pa kayang abutin. Panay ang ginawa kong pagbuga nang malalim na paghinga. Binuksan ko ang faucet sinalok ng dalawang kamay ko ang tubig. Matagal kong pinakiramdaman ang tubig sa mga palad ko bago ako naghilamos sa mukha. Muli akong bumuntong–hininga. Simula sa gabing ito‐--tuturuan ko ang aking puso na makalimot. Susubukan kong ituon sa iba ang aking atensiyon. There are so many fishes in the ocean. Bakit nga ba ako magtitiis sa isang taken na tao. Kung marami naman sigurong single sa mundo. Inabot ko ang towel na nakasabit sa towel rack at marahan na pinangpunas sa mukha ko. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas. Inihanda ang aking magandang ngiti sa labi, hindi pwedeng mahalata nila na galing ako sa pag–iyak. "Jeusmiyo, Zai. Akala namin nagpakalunod kana sa loob," bulalas ni Dhel na tila nabawasan ang pagalala sa mukha nito. Napasulyap ako kay Elsa ang mga titig nito ay may ibig ipahiwatig. Nagbawi ako nang paningin at tinungo ang aking higaan. Kunwari inabala ang aking sarili sa pagbubuklat ng mga gamit ko sa loob ng aking bag. "Sumunod kayong dalawa sa bar. May napansin akong mga afam doon–oras na para lumandi. I want to experience something different." Sabi ni Love na sinabayan nang malakas na halakhak. "Sumunod kayong dalawa. Hindi rin tayo magtatagal maaga tayong uuwi bukas. Tumawag sa akin si Doc. Hannah, may ipapagawa siya sa akin para sa anibersaryo ng ospital," sigaw naman ni Dhel. Tumango ako lang ako sa kanya. Sabay silang lumabas ni Love sa pintuan at nakabihis na sila. Namagitan ang katahimikan sa amin ni Elsa. Panay ang tikhim nito pinapakiramdaman ko lang siya. "Zairah?" Hinawakan niya ako sa mga balikat ko nang hindi ko mapigil ang pagkawala ng hikbi. Suminghot ako, pilit na ngumiti. "Totoo ang sabi ni Love, Elsa , magpoprosed na siya. Nasasaktan ako, Elsa. Kahit wala akong karapatan..." umiiyak na wika ko sa kanya. Naupo si Elsa sa tabi ko, nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya para sa akin. Huminga nang malalim si Elsa. Tumango. "Kaya nga, habang maaga pa turuan mo ang sarili mo na kalimutan si Zane. Kaysa ipagpatuloy mo 'yang nararamdaman mo, mas lalo ka lang masasaktan, Zai..." "Mahal ko talaga siya, El..." humahagulgol na wika ko. Hindi ko na mapigil ang mapaiyak. Yumakap ako kay Elsa at wala namang tigil ang mga kamay nitong humahagod sa likuran ko. "Mahal mo pero hindi ka mahal. Masakit ang umasa, Zai. Masakit man pero kailangan mo siyang kalimutan." "Elsa...." tumangis na ako. "Parang hindi ko kaya---mahal na mahal ko siya, Elsa..." namamaos na wika ko. Tumango–tango siya sa akin at patuloy akong hinahagod sa likod. "May nabasa ako sa social media." Suminghot ako. Kumalas sa pagkayakap sa kanya. Nangunot ang noo ko. Ayoko isipin baka tungkol kina Zane at Stacey ang ibabalita niya sa akin. "Ano 'yon?" Kinakabahan ako. "Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot... Lumandi ka!!!" Nakangiting wika ni Elsa. At natawa ako. Umaliwalas ang mukha ko. Sandali akong nag–isip. She had the point? Bakit ko nga ba ikukulong ang sarili ko sa lungkot. Kung may ibang paraan para sumaya. "Papayapain mo ang sarili mo sa bagay na tulad niyan, Zai." "S–salamat, Elsa..." Tumayo na ito. "O, siya magbihis kana at makagdisco tayo..." SUMABOG ang tawa sa bar area ng club. Kung saan kami naroroon, wala pang masyadong tao mangilan–ngilan pa lang. Ang saya ng mga kwentuhan nila pero hindi ko sila masabayan ang kanilang tawanan. Kahit anong gawin ko, ayaw makisama ng damdamin ko. Panay ang sulyap nila sa tatlong amerikano sa tapat naming mesa. Ang gagwapo din ng mga ito. "Maganda ka, pero hindi ka ganoon kaganda para sa foreigner na iyan," pang–aasar ni Love kay Dhel, mukhang tinamaan na sila ng espiritu ng alak. Wala na silang ginawang tatlo kundi ang magtawanan. "f**k you, Love." Humagikgik naman si Love at may nalalaman pa itong pahampas–hampas sa balikat ko pati pagupo nito ay natutumba na. Inabutan ako ng lime mojito. Tumanggi ako dahil hindi ako sanay uminom. Ngunit mapilit silang tatlo kaya napilitan akong kunin mula sa kamay ni Love. "Cheers," malakas na sigaw ni Elsa, sabay naming itinaas sa ere ang hawak naming wine glass at pinaglingki iyon. Sabay–sabay naming nilagok ang laman. I winced! Nang maramdaman ng dila ko ang pait na lasa, mainit–init na dumaan sa lalamunan ko at mahapdi nang makarating sa sikmura ko. I don't know why‐--may ibang gustong makita ang mga mata ko. I shouldn't be expecting the likes of Zane here at this hour. Baka sa mga oras na ito, umuwi na siya or kasama si Stacey. I was curious lang kung may night life din ba ang isang doktor na kagaya ni Zane. Or nagpupunta din siya sa mga ganitong lugar. "Forget about him, Zai. Taken na si Doc. Zane. Ang daming nakapantalon kagaya 'nun, oh?" Sabay nguso sa katapat naming mesa. Pasimple akong lumingon. Gwapo din naman pero hindi ko type. "Bakit? Lalaki lang ba ang nakapantalon?" Pamimilosopo ni Dhel. Hinampas naman niya ang babae pero hindi naman ito nagalit. Natawa lang sa kanya. "Damn, Crazy. Minsan naiisip ko, kung bakit gustong–gusto nating masaktan kung may choices naman tayo. Bakit tayo nagkakagusto sa taong hindi tayo gusto? Kakainis ano? Tapos iiyak–iyak ta—" ibinitin ni Elsa ang huling sasabihin at sumimsim muna ng alak. "Now, i know why dahil minsan may katangahan talaga tayo mga babae. Pinapamukha na nga sa atin na hindi tayo gusto pero ito parin tayo handang masaktan. Eew, ayoko na magmukhang tanga, noh?" Paliwanag ni Elsa. "Ikaw, Zai. Isip–isip din pagmay time. Kalimutan muna si Doc. Lumandi ka uyyy, para mabinyagan ang matres... Is he the only one hotty on the planet? Ang daming lalaki na pwede ibigay ang needs nating mga babae. Collect and Select—kung baga." Sulsol naman ni Love at natawa ito. Hinampas naman ito sa balikat ni Elsa, pero tumawa lang ito. Namula ang dalawang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ako walang muwang sa s*x pero iniiwasan ko ito. Curious talaga ako kahit noon pa. I know what she meant pero mahalaga sa akin ang virginity ko. Ipinangako ko na ibibigay ko lang ang sarili ko sa lalaking magiging ama ng mga anak ko. Sa lalaking mamahalin ko habang buhay. Sa kanya lang ako at ang buong pagkatao ko. "Kakalimutan ko na siya, promised?" I rolled my eyes. I cleared my throat para alisin ang bumabara sa lalamunan ko. "Bakit? Is he the only one man on earth," dagdag ko pa na pilit pinapalakas ang loob pero hindi talaga ito ang ninais ng puso ko. Muli akong sumimsim sa hawak ko na wine glass. Namilog ang mga mata nilang nakatitig sa akin. "Weh, di nga? As if naman, like literally na kakalimutan mo? Maniwala lang ako sa'yo kapag nilapitan mo si pogi na nginuso ko kanina." Muli akong sumulyap sa amerikano. Not bad! Wala rin itong tulak kabigin. Gwapo rin naman actually hawig niya si Captain America. Lumunok ako. Why not to try? Pinuno ko nang hangin ang dibdib ko. But before that need ko ang tulong ng alak para kumapal ang mukha. Nilagok ko ng walang hinto–hinto ang laman ng wine glass ko. Tumayo ako, muntik pa akong mabuwal dahil sa nararamdamang hilo at inayos ang sarili ko. Humakbang na ako nakatatlong step na ako nang biglang dinaga ang dibdib ko. Nawalan nang lakas ang mga binti ko. Paano ko naman lalandiin kong hindi naman ako marunong lumandi. Bumahag ang buntot ko, muli akong bumalik at naupo. Hindi ko kayang ipagkanulo ang sarili sa ibang lalaki. "I can't..." mariin kong wika. "Kayo na lang, uubusin ko na lang ang alak dito. Pasensiya na kayo hindi ko talaga kaya," hinging paumanhin ko. "Hay naku, Zai..." pailing–iling na sambit ni Elsa. Makikita ang pagkadismaya sa kanyang mukha pero nakuha parin niyang ngumiti. "Halika ka na. Isayaw mo na lang 'yan." yaya sa akin ni Love. I shook. Sabay silang napasimangot. Tumayo silang tatlo at pumagitna sa dancefloor. I sighed. Hindi purkit gusto ko kalimutan si Doc. Hindi ibig sabihin lalaki din ang sulusyon sa problema ko. I don't need a man. Para makalimot lang ako. Ibinuhos ko sa paginom ng alak ang problema ko halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpasalin ng alak sa waiter. Pakiramdam ko nagdadalawa na ang mga paningin ko at umikot–ikot na ang paligid ko pero hindi ko pinapahalata na tinatamaan na ako ng espiritu ng alak. Parang lasing na ako, hindi parang kundi lasing na talaga ako pero carry ko pa naman. Pinagmamasdan ko ang tatlong masayang nakikpagharutan sa tatlong amerikano. Game na game naman ang tatalong puti. Mahaharot ang mga sayaw nila. Naiinitan ako. Umiinit ang katawan ko. Iginala ko ang mga mata sa mga taong nagsisidatingan, dumadami na ang mga tao sa paligid. May dumating na tatlong lalaki na kanya–kanyang upo sa barstool sa tabi ko. Tahimik kong iniinom ang mojito at nakikinig sa walang pupuntahang ingay sa aking paligid. "Tuloy na pala ang balak ni Zane ang magpasakal?" Narinig kong tanong ng isang lalaki sa kaibigan nito. Pareho silang natawa na tatlo. "Well, desidido na talaga siya. Nakikita ko na mahal niya talaga si Stacey." Sang–ayon naman ng isa. Panaka–naka'y sinusulyapan ko sila. Puro magagandang lalaki ang mga ito at mukhang mga professional silang lahat. "I doubt that..." kontra naman ng isa. "Asan naba ang lalaking iyon? Hindi ako pwedeng magtagal may usapan kami ni Hannah bukas." Siya kaya ang boyfriend ni Doktora Hannah? "Papunta na raw..." Biglang bumilis na naman ang pintig ng puso ko sa narinig. Mabilis akong tumayo nang makaramdam ako ng hilo at panlalabo ng mga mata. Bumagsak ang dalawang pang–upo ko pabalik sa upuan. Hindi kami pwedeng magkita dito ni Zane. Hinintay ko ang mga ilang segundo pinakiramdamanan ko ang aking sarili, nang makaramdam ako na medyo okay na ako. Muli akong tumayo. Inayos ang sarili. Aalis na ako bago pa dumating si Zane. Mabilis akong humakbang papalabas ng bar. Huminto ako sa paghakbang ng makita ang pagpasok ni Zane. Agad kong tinakpan ang mukha ng mga kamay ko para hindi niya ako mapansin. Bahagya akong tumagilid. Nakahinga ako nang maluwag nang malagpasan niya ako. Akmang tatalikod na ako ng may humawak sa braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD